Chapter 29: Cheeky

Hawak ni Cinni ang folder palabas ng admissions office ng university na napili niya para sa culinary course na kukunin niya. Third choice niya ito, actually, dahil may kamahalan ang tuition fee ng mga nauna.

May kamahalan pa rin naman, pero mas afford niya kaysa sa iba.

Ilang beses pinag-isipan ni Cinni kung tutuloy ba siya. Marami siyang tinimbang na posibilidad at ang ending, nag-enroll na nga siya. Mayroong takot, pero mas nangibabaw ang kagustuhan niyang mag-exel sa isang bagay.

"Sure ba talaga ako?" tanong ni Cinni kay Tres. Sumama ito sa kaniya sa enrollment at hawak nito si Cinna. "Kinakabahan ako."

"Nakapag-enroll ka na kaya!" ani Tres na umiling. "At saka kayang-kaya mo. Ang tagal mo na rin kasing nababanggit sa akin 'yan kaya mabuting kinuha mo na. At least wala na 'to sa list of goals mo."

Tama si Tres. Baby steps ang ginawa ni Cinni para sa sarili niyang goals. Isinulat niya ang lahat ng gusto niyang gawin at unti-unti niya iyong tinutupad para sa sarili.

Suggestion iyon nina Melissa at Tres para makatulong na rin sa personal healing na gusto niya.

"Marami namang titingin kay Cinna kapag wala ka. Bukod kay Janel, puwede naman kami ni Melissa lalo kapag wala siyang pasok. Nag-offer na rin naman ang family ni Alper, si Alper mismo, at ang parents mo," dagdag ni Tres. "See? Supportive kaming lahat sa schooling mo."

Ngumuso si Cinni at inirapan si Tres. "Hoy, hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung sinabi mo noong nakaraan na mabuti naman at papasok ako sa culinary para sumarap na 'yung chicken alfredo na paborito mo."

"Kasi naman, Cinni." Umiling si Tres at nagmukha itong malungkot na nasusuka na hindi niya maintindihan. "Paborito ko talaga 'yun. Masarap naman 'yung luto mo, pero alam kong may isasarap pa. Maalat kasi at saka minsan hindi ko alam mga ine-experiment mo. Mabuti na rin na may knowledge ka talaga."

"Sorry, ha?" Pinandilatan ni Cinni ng mata si Tres. "Ikaw na nga 'tong nagre-request, may lait pa!"

Umiling si Tres at mahinang isinayaw si Cinna dahil medyo inaantok na rin ito. "Hoy, hindi panlalait 'yun! For your information, tinutulungan nga kita sa improvements! Hindi ka talaga masarap magluto. At least ngayon, matututuhan mo na. That's progress."

May point naman si Tres kaya nanahimik na si Cinni. Hindi rin naman kasi siya totoong galit. Kung tutuusin, ginawa niyang motivation for improvements talaga lahat ng sinasabi ng mga tao sa paligid.

Cinni had enough mistakes, and she didn't want to add more burden. She was aware that mistakes were inevitable, but she wouldn't make the same mistakes as before.

Her mistakes taught her many lessons, hurt people around her, and made her the weakest.

Ayaw ni Cinni na isiping dahil sa mga pagkakamali at pinagdaanan niya, magiging malakas siya. Kung tutuusin, naging mahina siya dahil doon. Her mistakes gave her anxiety and trauma and she still wasn't strong enough to live with it.

And it was okay.

Cinni knew that healing wasn't overnight. May ilang tao na mabilis lang at inaabot ng linggo o buwan, pero may ilang inaabot ng taon o kung hindi naman ay hanggang sa katapusan pa nga.

Tinanggap na ni Cinni sa sarili niya na kahit ano ang gawin niya, magkakaroon siya ng episodes ng anxieties at babalik ang trauma niya kapag may trigger.

Noong una, kinukuwestyon niya ang sarili.

Matagal na siyang nasa therapy, malaki na rin ang nagagastos niya, minsan ay pinaglalaanan niya talaga ng oras, pero dumadating pa rin talaga ang pagkakataong hindi niya mapigilan ang pag-atake. Naiinis siya sa sarili niya noon na ang tagal na, pero ganoon pa rin.

Hanggang sa unti-unti na niyang tinanggap na hindi kaagad mawawala ang gusto niyang mawala at may posibilidad pang sa mga susunod na araw, linggo, buwan, o taon ay mararamdaman pa rin niya iyon.

Some traumas were just buried and masked but could resurface with one trigger.

Hindi nagmaneho si Cinni dahil nag-volunteer talaga si Tres na samahan siya kaya sa sasakyan nito sila nakasakay ni Cinna. Nag-aya rin ito sa condo nila ni Melissa kaya roon sila dumiretso.

Dumaan na rin muna sila sa isang bakeshop at flowershop dahil gustong dalhan ni Tres ang girlfriend niya ng bulaklak.

"Ano'ng okasyon?" tanong ni Cinni habang nakatingin sa bulaklak na nasa passenger's side.

"Wala naman, gusto ko lang bigyan si Mel," sagot ni Tres bago tumingin sa kaniya at inabot ang isang bulaklak ng rose. "Ito para sa 'yo."

Mahinang natawa si Cinni at tinanggap ang rose na bigay ni Tres. Napaka-random din talaga nito minsan dahil out of nowhere, nagbibigay nga ng gift o bulaklak kahit bibisita lang.

"Kumusta pala kayo ni Alper?" Tumingin si Tres sa rearview mirror at nagsalubong ang tingin nila ni Cinni. "Hindi ka na rin masyadong nagkukuwento tungkol sa kaniya."

"Nagpunta sila ni April sa condo no'ng isang araw kasi pinasyal nila si Cinna sa mall. Okay naman siguro siya? Hindi rin naman kasi ako nagtatanong, ayaw ko rin kasing bigyan pa ng false hope. Baka kasi masamain niya 'yung pagtatanong ko," pag-amin ni Cinni. "May mga pagkakataon kasing sinusubukan pa rin niyang magtanong tungkol sa amin."

Tres understood. "Nililigawan ka pa rin niya?"

Umiling si Cinni at napaisip. "Hindi ko alam. To be honest, ayaw ko na ring alamin at iniisip ko na sana 'wag na siyang magtanong kasi paulit-ulit lang din naman 'yung isasagot kong hindi na."

Madalas na si Cinni na ang umiiwas sa ganoong conversation. Ramdam niya pa rin si Alper lalo kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya. Tumigil na rin naman si Alper sa pagiging vocal sa nararamdaman nito, pero minsan, sa tingin pa lang, aware na si Cinni.

"Mas okay na rin siguro na magkaibigan kami para kay Cinna." Hinalikan ni Cinni ang tuktok ng ulo ng anak na nilalaro ang maliit na manika. "Okay na rin 'yun. Matagal na 'yung nangyari. Two years old na si Cinna kaya medyo okay na rin ako."

Ngumiti si Tres, ganoon din si Cinni. Alam niyang hindi ito makikialam sa mga desisyon niya at palaging nakasuporta.

Pagdating sa condo, kaagad silang sinalubong ni Melissa. Kinuha nito si Cinna at hinalik-halikan sa pisngi. Hawak ni Cinni ang box ng cake, inabot naman ni Tres ang bulaklak bago halikan ang girlfriend sa pisngi.

"O, nandito ka pala?" sabi ni Tres na ipinagtaka ni Cinni.

Sinilip niya kung sino ang kausap ni Tres at si TJ iyon. Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Cinni at mahinang natawa.

"Makangiti naman!" ani TJ at kinuha si Cinna mula kay Melissa. "Hello, Eloise. Ang ganda naman ng hair ng baby na 'yan!" sabi nito bago tumingin sa kaniya.

Natatawang lumapit si Cinni dahil umangat ang suot na T-shirt ng anak. Buhat pa rin ito ni TJ na kunwari ay interesado sa ipinakikitang baby doll ni Cinna.

Pasimple siyang napatitig kay TJ dahil nagpagupit ito. Ang dating buhok na halos hanggang likod—halos kasinghaba nga ng buhok ni Cinni—ay wala na. Naka-clean cut na ito na medyo may kahabaan ang itaas na parte ng buhok.

"Bagay ba?" tanong ni TJ kay Cinni.

"Bakit ka nagpagupit?" nagtatakang tanong niya. "Noong nakaraan lang, pinagmamalaki mo 'yung buhok mo, e. Anyare?"

Ngumiti si TJ habang nakatitig sa kaniya. "Sabi mo kasi last time, hindi ka na magdiyo-jowa ng long hair."

Natahimik si Cinni at walang reaksyon habang nakatingin kay TJ. Bagay naman dito ang long hair, pero mas bagay pala kapag clean cut.

"Hoy, joke lang!" natatawang sabi ni TJ. "Nakatulala ka riyan. Nagpagupit ako kasi may nakita ako online na puwedeng mag-donate ng buhok para daw sa gagawing wig ng mga cancer patient. Ayon, sinubukan ko."

"Taray, mabait ka pala?" Nagkunwari si Cinni na nagulat. Suminghap pa nga siya para lang magmukhang makatotohanan. "In fairness naman, akala ko talaga masamang damo ka."

Nginisihan lang siya ni TJ at dinala si Cinna sa living area para ipakita ang dala nitong doll house na naka-box pa. Mayroon ding ilang laruan, libro, at sapatos na mayroong puting ribbon sa harapan.

Sumunod si Cinni sa living area dahil busy naman sina Tres at Melissa sa kusina. Naupo siya sa pang-isahang sofa habang pinanonood si TJ na binubuksan ang kahon ng laruan at ipinakikita iyon kay Cinna. Nakasalampak ang dalawa sa carpet at natutuwang nag-uusap.

Kahit na medyo bulol pa si Cinna, marunong na itong maki-communicate sa kanila. Bukod kina Alper at Tres, malapit din ito kay TJ na walang ginawa kung hindi ang magbigay ng kung ano-ano kahit na simpleng petal lang ng bulaklak iyan.

"Kumusta pala 'yung enrollment mo?" tanong ni TJ nang hindi natingin kay Cinni. "Nakapag-decide ka na talaga o atras-abante ka pa rin?"

"Natuloy na," sagot ni Cinni at mahinang natawa. "Totoo na talaga kaya baka mas magiging busy ako sa mga susunod. Excited ako na kinakabahan, pero alam kong kaya ko."

Tumingin si TJ sa gawi ni Cinni at naniningkit ang mga matang nakangiti. Tumigil ito sa pag-a-unbox ng doll house. "Finally. Sinabi ko naman kasi sa 'yo, supportive ang mga tao sa paligid mo. I-take advantage mo 'yun." Nag-thumbs up pa ito. "Galing! Excited ako sa muffin na gagawin mo."

"Wala pa nga!" Ngumuso si Cinni. "Pero sige, gagawan ko kayong lahat ng cupcakes at cookies kapag naging magaling na ako."

"Saan mo pala iiwanan si Cinna kapag papasok ka?" muling tanong ni TJ. "Magiging okay lang naman siya sa pag-iiwanan mo?"

Sumandal si Cinni sa inuupuan at tumango. Sinabi niya kay TJ kung ano ang plano tungkol sa pag-aaral niya lalo kay Cinna dahil ang anak pa rin naman ang priority niya.

"Buti rin talaga na hindi naman long hours ang schooling ko kaya hindi masyadong maaapektuhan. May schooling siya, kaya after ng school niya, saka ako papasok. Si Janel ang bahala sa kaniya o kaya puwedeng 'yung parents ko," dagdag ni Cinni.

"And kami!" sabat ni Melissa na nag-aayos ng lamesa. "Sabi ko sa 'yo, puwede kaming maging sitter. Wala naman akong work ngayon kasi nag-resign na ako, right? So marami akong time. One call away lang, love na love ko naman 'yang baby ko na 'yan."

Natawa si Cinni sa mga plano ni Melissa lalo sa parteng isasama ito sa shopping, bibilhan ng mga damit, at kung ano-ano pa.

"Nako, Tres!" kuha ni TJ sa atensyon nito. "Mukhang nagpa-practice na 'tong si Melissa, ha? Ready na bang maging parents?"

"Tss." Tres hugged Melissa from behind and kissed the side of her head. "Puwede naman na. Hindi naman kami nagmamadali, pero kung dadating, ready lang kami."

Sinapo ni Cinni ang baba habang pinakikinggan ang sinasabi ni Tres tungkol sa pagbuo ng pamilya kasama si Melissa. Natutuwa siya sa mga ito, pero minsan ay hindi naiiwasang makaramdam ng inggit.

Tumayo siya at nagpunta sa balcony area para magpahingin. Nasa gitna ng building ang unit nina Tres at Melissa. Maganda rin ang area dahil maraming establishment sa lugar at minsan na ring pinagplanuhan ni Cinni na lumipat sa nasabing condo building, pero inuna niya ang pagbili ng sasakyan lalo na at mas kailangan niya iyon.

"Okay ka lang?"

Nilingon ni Cinni si TJ na tumabi sa kaniya. Nakapatong ang dalawang siko nito sa railing ng balcony at pareho silang nakatingin sa kawalan.

"Okay lang, gusto ko lang magpahangin," aniya at sinamaan ito ng tingin. "Ikaw, bili ka nang bili para kay Cinna. Mamaya masanay 'yang anak ko sa mga gano'n. Pasaway pa."

"Maliit na bagay," natatawang sagot ni TJ. "Saka okay lang 'yun, wala naman akong ginagastusan ngayon kaya ayos lang. 'Musta pala 'yung sasakyan mo? Halos tatlong buwan na rin sa 'yo 'yun, 'no?"

Tumango si Cinni. "Oo. Okay naman. Nasasanay na rin ako. No'ng una parang ayaw kong mag-drive kasi may nagalit sa akin, 'di ba? Medyo conscious and mabagal pa kasi ako."

"Masasanay ka rin." Tumuwid ng tayo si TJ. Sumandal ito sa railing at pinanood sina Cinna at Melissa na naglalaro. "Feeling ko talaga nagre-ready na 'to si Melissa magkaanak, e."

Ginaya ni Cinni si Tres. Iyon din ang naobserbahan ni Cinni kay Melissa. Matiyaga ito sa anak niya.

"Oo nga, e. At saka malaking bagay na may kilala si Cinna bukod sa akin. Thankful ako na nandiyan sina Tres at Melissa talaga. Laking tulong nilang dalawa sa akin. Tinulungan nila ako in a way na hindi ko naman kailangang umasa sa iba." Cinni smiled. "Tinulungan nila ako on how to finally stand on my own."

Hindi sumagot si TJ at nanatiling nakatingin kay Cinna. Tuwang-tuwa naman kasi ang anak niya sa laruan nito at halos hindi magkanda-ugaga na ipinakikita pa sa kaniya.

"Minsan iniisip ko na tatandang dalaga na lang ako, kaming dalawa na lang ni Cinna, o kaya magiging mabait na tita na lang ako sa magiging mga anak nina Melissa at Tres." Natawa si Cinni. "Palagi na lang akong magbe-bake ng mga cupcake para sa parties ng mga anak nila."

TJ snorted and gazed at Cinni. "Bakit mo naman kasi iniisip na magiging matandang dalaga ka?"

"Wala naman. Parang nakakatakot na ulit pumasok sa commitment. Pagkatapos ng mga nangyari noon sa nakaraan ko, parang ayaw ko na." Cinni shook her head. "Alin sa dalawa. Ako ang masasaktan o ako ang makakasakit at ayaw ko nang mangyari 'yun."

Nagsalubong ang kilay ni TJ habang nakatingin sa kaniya. Parang biglang lumalim ang iniisip nito, naningkit pa nga ang mga mata, pero seryoso ang mukha.

"Hoy, bakit?"

"Wala." Umiling si TJ. "Bata ka pa naman, marami pang puwedeng mangyari."

Cinni snorted. "Anong bata? Gagi, malapit na akong mawala sa kalendaryo. Medyo malayo na ang agwat ng edad ko kay Melissa, e."

"Natin kamo." Natawa si TJ. "Ako ang pinakamatanda sa barkada noong college kasi shifter ako. Nakatatlong course ako palaging first sem o hanggang second semester lang. Ang bilis kong manawa, e. Hindi ko kayang tumagal hanggang sa nahanap ko 'yung set of friends nina Melissa, Keanu, Juancho, and the rest. Kahit ang layo ng edad ko sa kanila, 'di nila pinaramdam 'yun. TJ nga lang din ang tawag nila sa akin despite the age differences, e."

Naalala ni Cinni na halos magkaedad lang sila nina TJ at Tres. Mas matanda lang ito nang isa o dalawang buwan sa kaniya, pero hindi naglalayo ang edad nila. Parang nasa three to four years younger naman sa kanila sina Melissa at ang mga kaibigan nito.

"Ikaw, magiging rich tito ka na lang din ba?" pang-aasar ni Cinni kay TJ. "Feeling ko, ikaw 'yung tipo ng tito ng mga anak ng kaibigan mo na sobrang spoiler sa lahat."

"Depende."

"Ang alin?" Nangunot ang noo ni Cinni.

"Wala." Mahinang natawa si TJ. "Takot ka ba sa commitment?"

Napaisip si Cinni. "Ang out of nowhere naman ng tanong, pero oo. Eight years ako noon kay Chase, e. Kasalanan ko naman kung bakit kami nasira. Tapos almost a year kay Alper na wala naman talagang naging label."

Aware si TJ sa mga nangyari sa kanila ni Alper kaya nang mabanggit ang pangalan nito, kaagad na nagbago ang expression ng mukha nito. Nabanggit din kasi ni Tres kay Cinni na lahat ng magkakaibigan, galit sa mga abuser kaya kahit sinasabi niyang maayos naman na ang pakikitungo ni Alper sa kaniya bilang nanay ni Cinni, hindi siya mapanatag.

"'Wag na nga nating pag-usapan," ani Cinni.

"Tuloy mo lang," sagot naman ni TJ na hindi umalis sa pagkakasandal sa railing. "Hindi lang talaga ako komportable ro'n sa tatay ng anak mo. Nakikipagbalikan pa ba sa 'yo?"

Naningkit ang mga mata ni Cinni at umiling. "Hindi na rin siya nagtanong kasi naging malinaw naman na ako sa bagay na 'yun. Mas okay na rin naman siguro na maging magkaibigan na lang talaga kami para kay Cinna. Pero 'yung kami, hindi na. Magiging single mom na lang ako."

"Wala namang masama kung gusto mong maging single mom kaya 'wag mong sabihing lang." TJ emphasized the word lang. "Single mom ka, gano'n dapat."

Tawa lang ang naisagot ni Cinni.

"Pero ayaw mo talagang magpaligaw ngayon?" tanong ni TJ. "Asking for a friend. Research purposes daw at saka para yata sa project."

Malakas na humalakhak si Cinni. Hindi siya manhid at hindi rin naman kasi discreet si TJ tungkol sa pagpaparamdam nito sa kaniya. Kung tutuusin, ilang beses na silang lumalabas. Minsan random ayaan lang, minsan with common friends, at may mga pagkakataon naman na silang dalawa lang talaga.

"Siguro hindi muna." Umiling si Cinni at sumeryoso ang mukha. "Gusto ka na rin munang mag-focus sa amin ni Cinna. Mas gusto ko na rin munang mag-focus sa sarili ko. Ngayon pa ba, unti-unti ko na nakikilala at nalalaman kung ano ang gusto ko."

"Support." Seryoso ang boses ni TJ kaya nilingon niya ito. "Sabihin ko na lang do'n sa friend ko na hindi pa ready. Next time na lang ulit siya magtanong."

Cinni smiled widely and stared at TJ. "Sabihin mo sa kaniya baka matagalan pa 'yun. Maghanap na lang kamo siya ng iba."

Nilabas ni TJ ang phone at nagsimula itong mag-swipe at mag-type. Wala na rin namang isinagot sa kaniya kaya ibinalik na lang niya ang tingin sa cityscape ng lugar.

Rinig niya ang pag-type ni TJ sa phone. "Nag-reply na 'yung friend ko."

"Ha?" Nagtatakang lumingon si Cinni.

TJ grinned and chuckled. "Hindi naman daw siya nagmamadali. Magtatanong na lang daw ulit next time."

"Baliw." Cinni rolled her eyes. "Mga forty years old na ganon."

"Ayos lang. Life begins at forty nga, e," sagot ni TJ. "Basta kapag forty na, diretso na sa kasal."

Kaagad na nilingon ni Cinni si TJ at bago pa man siyang makapag-react, narinig na niya ang mahinang palakpak galing sa living room pati na ang hagikgik ni Melissa.

"Lakas naman ni Cinni. Tatlong lalaki ang nag-propose ng kasal. Ganda 'yarn?" pagbibiro ni Tres bago hinarap si TJ.

Inirapan ni Cinni si Tres bago si TJ na na naiiling na nilingon siya. "Pero no pressure. Go ako sa i-enjoy mo muna pagka-single mo. Go have fun and do whatever you want. Gawin mo kung ano 'yung sa tingin mo makakapagpasaya sa 'yo."

"Yup." Cinni smiled. "Ako muna."

"Agree." TJ's brows raised. "Tapos tayo na."

"Hindi talaga mawawala 'yung pagsingit mo, 'no?" naiiling na sabi ni Cinni bago pumasok sa loob ng living area nina Tres at tumabi kay Melissa. "Best friend mo, lakas tama."

Sumunod si TJ. "Ang sinasabi ko lang naman, kapag may chance, gawin mo na lahat ng gusto mong mag-isa. Para kapag tapos ka na, gagawin na natin na magkasama."

"Hindi talaga titigil si TJ!" Sumama tingin ni Cinni. "Mag-aasawa lang ako kapag ready na ako."

"Ako rin. Kapag ready ka na," TJ responded.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys