Chapter 28: Chat
Kahit one year six months pa lang si Cinna, gusto na ni Cinni na ipasok ito sa daycare o kahit sa play school. Wala kasi itong nakakasama o nakalalaro sa condo kung hindi sila ni Janel.
Minsan si Tres kapag may time itong bumisita.
Bukod sa enjoy si Cinna sa school nito, sinasamantala naman ni Cinni na maging break iyon sa trabaho dahil grabe na rin ang pagiging busy niya sa trabaho nitong mga nakaraan at madalas na wala na siyang tulog.
Maayos naman ang buhay nilang mag-ina. Suportado naman talaga ni Alper ang anak nila, pero gusto niyang mag-ipon para sa future ni Cinna. Nagkaroon siya ng pressure dahil pakiramdam niya ay wala siyang progress sa buhay.
Gusto rin niyang mag-isip ng business na puwede niyang mahawakan para tumigil na sa trabaho. A part of her just wanted to do business, but she didn't know where to start.
Nasapo ni Cinni ang baba habang nakaupo sa waiting area ng play school ni Cinna. Maganda ang area dahil na sa loob iyon ng private subdivision. Nahanap niya ito sa internet at halos ilang beses niyang binalikan para siguruhing maayos ang papasukan ng anak.
Tumingala siya sa langit nang marinig ang pagaspas ng ilang ibong dumaan. Naramdaman din niya ang simoy ng hangin na kaagad niyang nilanghap, dinama ang kaunting sinag ng araw na sumisilip mula sa punong nasa likuran niya, at ngumiti dahil naramdaman niya ang pagkakuntento.
Sumasagi pa rin sa isip ni Cinni si Chase. Marami silang alaala at hindi niya iyon basta-basta nakalilimutan. Sobrang laking bagay ng closure na nangyari sa kanila dahil iyon ang naging dahilan para simulan niya ang kapatawaran sa sarili.
Maraming narinig si Cinni tungkol sa pagkakamali niya na kahit kailan, hindi niya ipinagtanggol ang sarili. Maraming nagsabi na hindi niya deserve maging masaya sa pananakit kay Chase, wala siyang karapatang makausad dahil hindi siya naging mabuting tao, at deserve niya lahat ng hinanakit.
Sa naisip, pumikit siya at naramdaman ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata.
Hindi na niya maibabalik ang nakaraan at hindi na niya maitutuwid ang judgment ng ibang tao sa kaniya. Some would say na huwag na lang pansinin at ang kasabihang learn the art of dedma, pero mahirap iyon.
Cinni badly wanted everyone's forgiveness, but it was next to impossible. Hindi niya hawak ang isipan at damdamin ng ibang tao kaya mas ginusto na lang niyang mag-focus sa kanila ni Cinna.
Speaking of Cinna, her mood automatically lit up upon seeing her child. Buhat ito ng teacher na nakangiting kumakaway sa kanila. The time was up.
"Hi!" Cinni excitedly ran towards her daughter.
"Very good po si Cinna today. Pinaghawak ko po pala siya ng sand. Nu'ng una po, medyo hesitant siya dahil sa texture, but eventually, she got used to it po," natutuwang sabi ng teacher ni Cinna at halos kaedad lang din niya ito. "Tomorrow po, mag-explore po kami sa slimes."
Natutuwang nakinig si Cinni sa mga ginawa ng anak niya sa loob ng isa at kalahating oras.
Naupo na muna sila ni Cinna sa isang bench para palitan niya ito ng damit. Malamig sa loob ng classroom kaya naka-long sleeve ang anak niya, pero papalitan ng komportableng damit bago umuwi. Iyon ang naging routine nila.
"Uwi na ba tayo?" tanong niya habang inaayos ang damit ng anak na para bang sasagot ito ngunit busy sa squishy toy na hawak. "Parang gusto ko magpunta sa mall, baby, buy tayo ng clothes mo?"
Natawa si Cinni nang ma-realize na hindi naman sasagot si Cinna, pero naging habit na rin niyang kausapin ang anak.
Tumawag din si Tres kung gusto ba niyang magpasundo, pero tumanggi siya at nag-book na lang ng Grab papunta sa condo nila na mayroong mall sa ibaba. Doon na lang sila ni Cinna para kung sakali man na mag-tantrums ito, mabilis lang silang makauuwi.
Ilang beses na ring nagplano si Cinni na bumili ng sariling sasakyan, pero palaging hindi natutuloy dahil iniisip niya na minsan lang naman silang umalis ni Cinna at may mall naman sa ibaba ng condo nila. Hindi magiging practical.
Pero napapaisip din siya lalo na at araw-araw na rin ang school schedule ng anak niya, kahit secondhand o kahit siguro maliit na kotse ay puwede na.
Ibinigay naman ni Tres ang number ng isang kaibigan nitong car dealer na nagbebenta rin ng secondhand and brand new cars. Baka iyon na lang tawagan niya.
Pagdating naman sa mall, sandali silang umikot para bumili ng pang-school ni Cinna. Nakahanap din si Cinni ng mga T-shirt and pants na puwede niyang gamitin. Nahihilig siya sa sweatpants at leggings kaya iyon ang mga binili niya.
Dumaan na rin siya sa grocery para bumili ng puwedeng pambaon ni Cinna tulad ng mga biscuit, juice na nakalagay sa tetra pack, at pang-midnight snack niya tulad ng cornflakes at gatas.
Sinundo na lang din sila ni Janel sa mismong mall para sa mga bitbit niya.
Si Janel na rin ang napagkakatiwalaan niya sa lahat. Mahal nito si Cinni at hindi sinasaktan—alagang-alaga pa nga. Gusto rin niya iyong para silang magkaibigan . . . mali, si Janel pala ang isa sa naging kaibigan niya lalo sa mga panahong inaatake siya ng anxiety lalo na at araw-araw silang magkasama.
Malaking bagay rin na naging maayos sila ni Keith. Naintindihan niya ang galit nito sa kaniya dahil sa nangyari sa kanila ni Chase. Hindi lang siya sigurado kung mayroon bang communication ang dalawa lalo na at naging matalik din na magkaibigan ang mga ito.
—
Ilang linggo pa ang lumipas at naramdaman ni Cinni ang pagod sa araw-araw na pag-alis nila ni Cinna. Ilang beses na rin siyang nagko-compute kung magkano ang nagagastos niya sa carpool service nilang dalawa.
Oo nga at nagtatanong si Tres at minsan din ay nagvo-volunteer talaga itong sunduin na lang sila, hindi siya pumapayag.
"Alam mo," naupo si Janel sa sofa katabi ni Cinni, "kung ako sa 'yo, kumuha ka na ng sasakyan. Ilang araw ka nang nag-iisip tungkol diyan, e."
Ngumiti si Cinni. "Kaya ko namang kumuha ng sasakyan, may ipon naman talaga ako para doon, pero tinitingnan ko muna kung practical ba. Ngayong nag-schooling na si Cinna, parang doon ko naramdaman na kailangan ko talaga."
"Oo, kasi noon hindi ka naman umaalis, e. Ngayon naman, araw-araw na," ani Janel. "Kumuha ka na kasi, Cin. Malaki naman ang matutulong sa 'yo, e. Investment na rin."
Ibinalik ni Cinni ang tingin sa iPad niya na mayroong spreadsheet ng computation ng mga nagastos niya sa loob ng isang linggong carpool nila ni Cinna. May kamahalan, depende pa nga kung wala talagang sasakyan sa area, mas mahal pa.
Sumimsim siya ng kape at nag-isip nang mabuti bago nagdesisyong magtingin ng mga sasakyang bagay sa kanila ni Cinna. Nagsabi siya kay Janel na iiwanan niya ang dalawa dahil aalis na rin muna siya.
Sa loob ng Grab, panay pa rin ang pagtimbang ni Cinni sa posibility. Mayroon naman siyang lisensya, marunong naman siyang mag-drive. Kung sakali mang magmamaneho siya, baka isasama niya si Janel para may kasama si Cinna sa likuran.
Naisip na rin niya ang mga puwedeng bilhin para sa kotse tulad ng carseat ni Cinna, lalagyan ng mga gamit, lalagyan ng kape niya, pati na rin ang customization para sa bintana para hindi masyadong mainit.
Umiling siya dahil sa naisip. Hindi pa nga siya nakapipili ng kotse o nakakapag-decide fully, may mga plano na.
Ipinalibot ni Cinni ang tingin sa labas ng car dealership na ni-refer ni Tres. Malaki iyon at maraming naka-display na sasakyan sa loob. Hindi naman aircon at parang gate ang datingan, pero maayos naman.
Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob. Mayroong lalaking lumapit sa kaniya para itanong kung ano ang concern niya. Kung gusto ba niya ng brand new o kaya naman ng secondhand dahil mayroon pareho.
"Gusto ko sana 'yung simple lang, pero safe kasi meron akong baby," sabi niya habang binabasa ang pamphlet na bigay nito. "Walang kaso kung brand new or secondhand, basta safe."
Maraming magagandang sasakyan, mga sports car pa nga ang iba. May mga SUV rin na may kamahalan, mayroong mga sedan na simple lang, maliliit na sasakyan, pero masyadong maliit naman iyon sa paningin ni Cinni.
"Migs, dumating 'yung client mo kahapon," narinig ni Cinni na sabi ng isang lalaking papalapit sa kanila. "Ako na rito kay ma'am. Asikasuhin mo na 'yung client mo."
"Sige, boss," sabi naman ng lalaki. "Ma'am, si sir na po ang bahala sa inyo. Pasensya na po."
Nilingon ni Cinni ang kausap na lalaki. "Sige lang, walang problema. Mag-iikot na lang din muna ako. At saka—" tumigil siya sa pagsasalita nang magtama ang tingin nila ng lalaking itinuturo nito.
Pamilyar ito sa kaniya.
"Hi!" Inilahad nito ang kamay. "Naaalala kita. Ikaw 'yung friend nina Tres and Melissa, 'di ba? 'Yung may baby?"
Tinanggap ni Cinni ang pakikipagkamay ng lalaki. "Oo, naalala rin kita." Natawa siya. "Medyo epic 'yung first meeting natin, e."
"Yeah. Good thing hindi ka na takot sa akin ngayon," sabi ni TJ. "Nakaipit naman ang buhok ko. So . . . what brings you here?" Tinawanan nito ang sarili. "Malamang kotse. Pero ano'ng hinahanap mo? Sedan? SUV? Sports car?"
Nag-angat ang balikat ni Cinni. "Hindi ko pa rin alam, e. Nagtitingin pa lang din ako kasi nag-school na si Cinna and naisip ko na mas practical kung bibili na rin ako ng sasakyan kaysa carpool. I'm looking for a car na safe sana for kids?"
Tumango-tango si TJ at pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Cinni tungkol sa hinahanap na kotse. "First of all, kailangan mong maging maingat na driver. Kahit anong kotse ang ibigay ko sa 'yo, it's still you and yes, those other drivers around you. Pero for kid-friendly car, I would suggest . . . tara, may ipapakita ako sa 'yo."
Sumunod si Cinni kay TJ.
Noong unang beses niya itong makita, takot ang naramdaman niya dahil sa vibes at aura na kapareho ni Alper. Sa pagkakataong ito naman, normal na lang.
Siguro ay malaking factor din ang naging kalmadong pag-uusap nila ni Alper. The trauma was still there, but slowly, it was calming.
"Since you're looking for a child-friendly car, I suggest na go for SUV if you have the budget para maluwag para sa inyo ni baby. I would suggest Subaru Forester, Mazda CX-9, Honda CRV, Toyota Fortuner, or if gusto mo naman ng sedan, maganda rin naman ang Honda City."
"Gusto kong makita 'yung sedan para hindi masyadong malaki," sabi ni Cinni. "Baka okay na rin siya sa amin since kami lang naman ni baby or minsan 'yung helper namin."
Tumango si TJ at iginiya siya papunta sa nasabing kotse. Marami rin itong itinuturo at ipinakikita tulad ng mga nabanggit. Magaganda iyon, pero parang mahihirapan si Cinni lalo na sa parking.
"Parang mas okay nga ako sa sedan," natatawang sabi ni Cinni.
Bumagal ang paglalakad ni TJ at sinabayan siya. "Okay rin naman ang sedan, wala namang problema lalo kung tatlo lang naman kayong sasakay."
"Okay rin naman sa akin ang SUV kasi pangmalakasan sa daan," ani Cinni at umiling. "Pero baka mahirapan ako sa parking. Feeling ko 'yun ang magiging struggle ko."
Ipinakita ni TJ kay Cinni ang kabuuan ng sasakyang ino-offer niya. Kulay gray ang nagustuhan niya. Secondhand na iyon, pero halos tatlong buwan lang sa unang owner dahil hindi nabayaran kaya sinalo ng car dealership ni TJ.
Mabait itong nakikipag-usap sa kaniya at parang malayo sa jolly personality nito noong unang pagkikita nila. Malalim ang boses nito habang ine-explain sa kaniya ang tungkol sa sasakyan.
Pumasok sila sa loob para ipakita ni TJ ang LCD na puwedeng mag-music at itinodo pa nga ang aircon na ikinagulat ni Cinni.
"Ayan, sure na hindi maiinitan si baby sa likod," sabi nito at nilingon pa nga ang backseat at nagkunwaring may inaabot bago tumingin sa kaniya. "Ang ikli ng braso mo, parang hindi mo maabot si baby." Natawa pa nga ito.
Kumunot ang noo ni Cinni. "Hoy!" singhal niya at tiningnan ang sariling braso. "Ang pangit naman kung mahaba 'tong braso ko tapos hindi naman ako gaano'n katangkad, 'di ba?"
TJ chuckled and his voice vibrated. "Cute nga, e," anito at nagpatuloy sa pag-explain tungkol sa kotse. "Hindi ka na rin masyadong mahihirapan since automatic naman itong sasakyan. Kung gusto mo rin, kung ito ang kukunin mong sasakyan, we can customize for you."
"Anong customization?" tanong ni Cinni.
"Puwede nating baguhin 'yung tint para hindi masyadong mainit lalo sa side ni baby," ani TJ. "Kung gusto mo rin, puwede nating lagyan ng LCD rito sa likuran mo para makapanood siya. Lalagyan na lang din natin ng dashcam sa likod at harap for extra safety."
Maayos na sumandal si Cinni sa kotse at dinama kung komportable ba siya. Malakas nga ang aircon.
"Wait, palit tayo. Dito ka sa driver's seat para mas maramdaman mo."
Hindi na nakasagot si Cinni nang kaagad na lumabas si TJ at pinagbukasan pa siya ng pinto para lumabas. Lumipat si Cinni sa driver's side at isa-isang tiningnan ang mga buttons, pinakiramdaman ang manibela, ang kambyo, at tiningnan ang mga salamin kung maganda ang view.
"Wait." Lumapit si TJ at nagdikit pa nga ang katawan nila nang ayusin nito ang upuan para maabante nang kaunti. "Ayan, okay ba 'yung position? Naabot mo ba 'yung pads sa baba? 'Yung mirrors?"
"Okay naman," sagot niya at nilingon ang likuran.
Natawa si TJ. "Sabi sa 'yo hindi mo abot, e."
Inirapan ni Cinni ang binata at ibinalik ang tingin sa harapan para pakiramdaman kung maganda ba ang sasakyan. Gusto rin niya na hindi ito masyadong bulky at kumpleto naman sa mga kailangan niya.
"Saang position ko ilalagay 'yung car seat?" tanong ni Cinni kay TJ.
"Para sa akin, ha? Personal preference kong nasa likod ng driver." Itinuro nito ang rearview mirror. "Kasi tingnan mo, mas makikita mo 'yang likurang part mo na 'yan kaya kapag tumingin ka sa salamin, makikita mo kaagad si baby."
Tiningnan ni Cinni at ginawa ang sinabi ni TJ and it actually made sense. Mas makikita niya si Cinna kapag nasa likuran niya ito. Nag-suggest din si TJ ng mirror na puwede niyang ilagay para mas makita niya ang anak.
Nanatili sila sa loob ng sasakyan dahil sabi ni TJ, mas malamig. Nililinis din daw kasi ang aircon sa office niya kaya hindi siya madadala roon.
They chatted about some cars na puwede pang pagpilian ni Cinni. Maraming magaganda, pero nagustuhan niya ang Honda City. Bukod sa okay naman para sa bata, mas affordable rin.
"Maayos ang papeles nito. Kung gusto mo 'yung mga customization na sinasabi ko, let me know, puwede nating ipagawa," dagdag ni TJ. "Wait, business aside, matagal na ba kayong magkaibigan ni Tres?"
"Parang two years na yata? Basta buntis pa lang ako noong makilala ko siya," sagot naman ni Cinni habang komportableng nakasandal sa driver's seat ng kotse. "Isa kasi siya sa naging best friend ko and ayon, komportable naman ako sa kaniya."
"May naalala pala ako," biglang sabi ni TJ. "Naalala ko 'yung sinabi mo noong unang pagkikita natin. Na-offend talaga ako noong araw na 'yun, ha? Naano ako kasi dahil sa tattoos ko? Medyo na-judge kita."
Mahinang natawa si Cinni at nakagat pa nga ang ibabang labi. "Sorry talaga noong araw na 'yun." Patagilid niyang tiningnan si TJ.
"Pero okay ka na ba ngayon?" TJ asked in a low voice. "Hindi ka na natatakot?"
"May times." Cinni cleared her throat to change the topic. "Ano ang kailangan kong documents para dito?"
Inisa-isa ni TJ ang mga requirement na kailangan ni Cinni. Magbabayad siya ng cash kaya hindi na kailangan ng mga bangko. Malaki naman ang difference ng brand new at secondhand kahit na magandang klase pa ito. Nagkaroon din siya ng friendly discount dahil kaibigan nga siya ni Tres.
Pumasok sila sa loob ng office ni TJ para mag-photocopy ng ID at ng ibang requirements na dala naman na ni Cinni. Tapos na rin linisan ang aircon nito kaya puwede na sila sa loob.
Naupo si Cinni sa sofa habang hinihintay si TJ. Nagbigay ito ng kape sa kaniya at sinabing mag-relax lang siya sandali.
Hawak ang laptop, naupo si TJ sa kaharap na sofa ni Cinni at ibinaba ang sarili nitong kape. Nagsimula itong mag-type na parang kinokopya ang nasa ID niya bago tumingin sa kaniya.
"Ano pala ang marital status mo?" tanong ni TJ nang hindi tumitingin kay Cinni at nanatiling nagta-type.
"Single."
Tumango-tango si TJ at nagpatuloy sa pag-type. Nag-phone na rin muna si Cinni at kinumusta si Cinna na mahimbing na natutulog base sa video na na-send ni Janel. Naisip din niyang dumaan ng pizza sa mall parang celebration dahil magkakaroon na siya ng kotse.
"Okay na." Ngumiti si TJ. "Tatawagan kita kapag na-process ko na lahat. Let me know if goods tayo sa customization, kahit libre ko na 'yung para sa tint para hindi masyadong mainitan si baby."
"Thank you." Tumayo si Cinni. "Aayusin ko na rin 'yung para sa payment soon para kapag tinawagan mo ako, ready na rin."
TJ nodded and gave Cinni her IDs back.
Inihatid na rin ni TJ si Cinni sa labas. Pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa makina naman ng kotse at sinasabing ipapa-recheck nang mabuti ni TJ para siguradong maayos ang lahat.
"By the way." TJ gazed at Cinni who holding her phone while waiting for Grab. "Busy ka ba bukas?"
Napaisip si Cinni. "Weekend so hindi naman. Bakit?"
"Wala naman. Tinatanong ko lang. Magpahinga ka," sabi ni TJ. "Ano'ng ulam mo bukas ng lunch?"
"Ha?" Nagsalubong ang kilay ni Cinni. "Magla-lunch pa lang ako ngayon kaya hindi ko pa alam kung ano bukas."
Tumango si TJ. "Pero ano'ng gusto mong ulamin bukas?"
"Hindi ko alam, bakit?" Natatawa si Cinni.
"Wala naman. Tinatanong ko lang, pero puwede ba tayong sabay mag-lunch bukas?"
Nanlaki ang mga mata ni Cinni. "Teka, inaaya mo ba akong mag-date?"
"Oo. Curious ako sa kakainin mong lunch bukas, e. Puwede pasabay? Kaso one hour lang 'yung break ko rito sa office."
Cinni laughed. "Ang weird mo. Aayain mo akong mag-lunch tapos may time limit."
"Puwede namang unlimited, kung gusto mo."
"Banatero nito!"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top