Chapter 27: Callous
It was Cinna's first birthday. Ayaw na sanang maghanda ni Cinni, pero nag-insist ang mga kaibigan niya na ito na ang mag-aayos ng mga kailangan. Involved rin si Alper para maging maayos ang lahat.
Kung si Cinni lang ang magdedesisyon, mas gusto sana niyang magkaroon lang ng simpleng salusalo. Gusto sana niya na sila-sila lang, pero nag-ayang magkaroon ng swimming party ang mga ito.
"Mukhang 'yung mga matatanda naman ang mag-e-enjoy, e!" singhal ni Cinni kay Tres. "Tingnan mo nga, si Cinna lang ang baby rito. Mga pauso n'yo kasi!"
"That's the goal, ang mag-enjoy kaming adults!" pagbibiro ni Tres. "But, Cin, loosen up and enjoy. Masyado kang subsob lately sa trabaho plus sa pagiging mommy ni Cinna. You're doing great, 'yan ang gusto kong sabihin sa 'yo."
Bago pa man makasagot si Cinni, nakatakbo na si Tres papunta kay Melissa na naglalaro ng basketball malapit sa area ng swimming pool.
Ipinalibot niya ang tingin sa party. White, pink, black, at si Minnie Mouse ang theme ng party na napili ng mga ito. Hindi rin siya sure kung bakit dahil hindi naman nanonood si Cinna ng Mickey Mouse.
Akala ni Cinni, hindi pupunta ang parents niya nang tawagan niya ang mga ito. Nagkaayos na rin sila at natanggap na nito ang mga nangyari sa kaniya. Nakita rin niyang mahal na mahal ng mga magulang niya si Cinna.
Inimbitahan din niya ang mga pinsan niyang may anak para magkaroon man lang kahit apat o limang bata sa party. Kasama rin ni Keith ang dalawang anak nito at ang asawa.
Ang mga matatanda tulad nina Tres, Melissa, Keith, April, at Aljohn ay nakasuot pa ng party hats na nakaupo rin sa maliliit na upuang pambata.
Walang nagawa si Cinni kung hindi pagtawanan ang mga ito na nakikipaglaro ng slime at clay sa mga totoong bata.
"Nakakatawa 'tong mga kaibigan mo," sabi ng mama ni Alper na inaayos ang mga pagkain. "Mas nag-e-enjoy pa 'yung mga matatanda kaysa sa mga bata, e."
Ngumiti si Cinni at naupo sa harapan ng lamesa habang kumakain ng hotdog na mayroong marshmallow sa dulo. Pinagtatawanan nila ang kalokohan ng mga kaibigan niya bago dumako ang tingin niya kay Alper na nakaupo sa isang duyan na magkaharapan at kalong nito si Cinna.
Matagal na matagal niyang tinitigan ang mag-ama. May itinuturo si Alper kay Cinna na para bang interesado ang anak nila sa kung ano man iyon.
Hawak din ni Alper ang isang maliit na lobo na nilalaro ni Cinna pati na ang maliit na kamay ng anak nila.
"Tita, puntahan ko lang sila sandali," paalam ni Cinni sa mama ni Alper. Kinuha niya ang bote ng gatas ng anak dahil baka nagugutom na ito.
Papalapit pa lang si Cinni, nagtama na ang mga mata nila ni Alper. Kaagad itong umiwas at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Cinna.
"Hindi pa siya inaantok?" tanong ni Cinni pagtigil sa gilid ng duyan.
"Parang hindi pa naman," sagot naman ni Alper. "Mag-milk na ba siya?"
Umiling si Cinni. "Mukhang wala pa namang balak dumede. Mukhang nag-e-enjoy pa sa swing ninyong dalawa. Kapag umiyak, ibigay mo na lang siya sa akin."
Akmang tatalikod si Cinni para sana puntahan ang mama ni Alper at tulungan ito sa pag-aayos ng mga pagkain nang tawagin nito ang pangalan niya.
"Bakit?" Salubong ang kilay ni Cinni. "May kailangan ka?"
"Wala naman. Gusto ko lang sana makipagkuwentuhan kung okay lang sa 'yo. Tutal marami namang tao, puwede naman siguro tayo makapag-usap nang hindi ka natatakot sa akin? Kahit sandali lang? Please?"
Hindi alam ni Cinni ang isasagot sa tugon ni Alper. Mababa ang boses nito at seryoso ang pagkakasabi.
Muli niyang tiningnan ang mga taong kasama nila. Walang alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Alper dahil hindi niya sinabi. Malalapit na tao lang sa kanila ang nakaaalam ng totoo at sapat na iyon para kay Cinni.
Kahit na mayroong pag-aalinlangan, sumampa si Cinni sa face to face glider swing at naupo sa harapan nina Alper at Cinna.
Sa tuwing naglalapit sila ni Alper, mayroon pa ring takot. Kahit matagal na ang huling pagkakataong nasaktan siya nito, nakatatak na sa kaniya lahat ng nangyari sa kanilang dalawa noon.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Naiilang si Cinni sa pagkakatitig ni Alper, hanggang sa yumuko ito at muling hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak nila.
"Mahal na mahal ko 'tong batang 'to." Mahinang natawa si Alper. "Sa tuwing nakikita ko siya o nakakasama tulad ng ganito, napapaisip ako kung ano ang pakiramdam na kasama ko talaga siya sa bahay . . . o kayo."
Walang sinagot si Cinni sa sinabi ni Alper. Nag-isip siya ng tamang salitang gagamitin dahil iyon ang nakasanayan niya rito.
"Nakakatawa." Umiling si Cinni at mahinang natawa. "Nakakatawa na bakit kailangan kong mag-isip ng right words na isasagot sa 'yo ngayon. Nakakatakot, Al. Nakakatakot na hanggang ngayon, ganito 'yung nararamdaman ko. 'Yung pakiramdam na parang kapag kaharap kita, takot akong magkamali."
Narinig ni Cinni ang malalim na paghinga ni Alper at hindi nito inaalis ang titig sa kaniya. Tahimik ito na parang naghihintay pa ng mga sasabihin niya.
"Mahigit isang taon na rin simula no'ng makalayo ako sa 'yo, pero sa totoo lang? Grabe pa rin 'yung takot kong makamali kapag kausap kita, na para bang mararamdaman ko ulit 'yung sakit ng mga ginawa mo sa akin." Yumuko si Cinni. "Al, you inflicted fear and pain that I am even questioning myself why. Bakit hanggang ngayon, kahit na hindi mo naman na ako mahahawakan, takot ako? There's trauma, Alper."
Mahigpit na niyakap ni Alper si Cinna at umiling. "Sorry," sabi nito at yumuko para mag-iwas ng tingin. "Sorry kasi ganito ang nangyari sa atin. Hinayaan kong lamunin ako ng takot, galit."
"Ano ba kasing kinagalit mo noon?" kalmadong sabi ni Cinni. "Kung tutuusin, wala kang dapat ikagalit noon, e."
"Hindi ko rin alam." Mahinang natawa si Alper. "Sa takot, may sagot ako. Natakot akong umalis ka rin tulad ng ginawa mo kay Chase, na sasama ka sa iba. Kasi ganoon tayo nagsimula."
Ngumiti si Cinni. "In short, takot ka sa sarili mong multo?"
"Parang gano'n siguro? Aware ako sa ginawa ko, e. Aware akong hindi ka naman sa akin, pinilit ko lang. Alam kong sapilitan 'yung pagsama mo, lahat ng tungkol sa atin noon." Bakas ang pait sa boses ni Alper at nag-angat ng tingin kay Cinni. "I . . . I wa—am so in love with you."
Nakagat ni Cinni ang ibabang labi dahil sa sinabi ni Alper.
"Masakit kang magmahal, Alper. Literal."
Kalmadong ngiti ang ibinigay ni Alper kay Cinni. "Hindi ko na maibalik, Cinni. Gusto ko man, hindi na. Huli na . . . na sana pala umpisa pa lang, tinama ko na. Hindi 'yung ganito ang dulo."
"Alam mo, noong buntis na ako, noong inaalagaan mo na ako, okay naman na, e," pag-amin ni Cinni. "Sa totoo lang, naisip ko noon na siguro, tayo nga talaga. Naniniwala pa naman ako noon sa destiny."
Pareho silang natawa sa sinabi ni Cinni.
"Naniniwala ako sa destiny tapos inisip ko noon na what if tayo pala talaga ang itinadhana? What if hindi naman tayo pumasok sa buhay ng isa't isa randomly? Hopeless romantic kaya ako!" Natawa si Cinni. "Tapos noong inaalagaan mo na ako no'ng buntis ako, sabi ko baka ito na 'yun, totoo na. Bigyan na natin ng chance. Kaso nabugbog mo ulit ako, e."
Muling yumuko si Alper at tinitigan si Cinna. Walang kahit ano mang sagot.
"Tapos inaya mo akong magpakasal. Ang ganda ng proposal mo, hindi ko pala nasabi sa 'yo 'yun." Ngumiti si Cinni. "Effort 'yun, ha? Kaso nasira 'yung cake. Gusto ko pa namang tikman 'yun."
"Hindi ka kasi pumayag noon," sabi ni Alper at huminga nang malalim.
"Hindi mo kasi ako pinakinggan," sagot naman ni Cinni. "Sinabi ko sa 'yo noon na pag-usapan natin privately dahil gusto kong maging malinaw sa atin ang lahat. Gusto ko sana noon na pag-usapan muna natin na tayong dalawa lang, pero naunahan na ng galit mo, e."
Nagsalubong ang kilay ni Alper habang nakatingin sa kanya. "K-Kung nabigyan ba ng pagkakataon noon, k-kung hindi nangyari ang gabing iyon, m-may pag-asa ba?"
"Sa totoo lang? Oo."
Kaagad na nagbago ang expression ng mukha ni Alper at nakita iyon ni Cinni.
"Kasi ikaw ang tatay ng anak ko, gusto ko sana na maging kumpleto 'yung family, at gusto kong bigyan noon ng pagkakataon," pag-amin ni Cinni. "Pero nauna 'yung galit mo. M-Mas nauna 'yung galit mo kaysa sa sinasabi mong pagmamahal mo sa akin noong gabing 'yun.
"Ang lungkot na mas nangibabaw 'yung galit mo kaysa sa pagmamahal mo sa akin," dagdag ni Cinni. "Siguro may kasalanan ako sa parteng hindi ko naibigay o naparamdam 'yung kung ano ang ine-expect mo, pero sana hinintay natin. Ngayon kasi, takot na lang ang nararamdaman ko. Naging magkaibigan naman tayo bago ang lahat, e. Naging maayos naman tayo, mahal mo naman ako . . . kaya naman kitang mahalin."
Umiling si Alper. "Parang imposible."
Natawa si Cinni. "Marami akong hindi gusto sa 'yo. Bukod sa nananakit ka noon, manipulative, gaslighter, at narcissist ka. Pero 'yung pagmamahal na mayroon ka kay Cinna, kung paano mo siya tingnan, kung paano mo siya suportahan, at kung paano mo siya alagaan, iyon ang isang bagay na hindi ko nanakawin sa 'yo. At sana hindi ka magbago sa parteng iyon, kahit na para lang kay Cinna."
"Mahal ko kayong dalawa," tipid na sagot ni Alper. "Hindi na ako mag-e-explain sa mga nangyari dahil hindi na importante iyon. Nakausap na ako ni April tungkol diyan."
"April? Ano'ng sabi ni April?" nagtatakang tanong ni Cinni.
"Na puwede akong magsisi, puwede akong humingi ng sorry, pero lahat ng nagawa ko sa 'yo, hindi na mababago. Kahit anong explanation ko, kahit mabasa pa ng iba ang nasa isip ko, mali ang ginawa ko. Ang word na ginamit ni April, hindi na kayang i-justify ng explanation ko ang tungkol doon. Nanakit ako, nasaktan kita, wala ka na sa akin."
Ngumiti si Cinni at umiling. "May tanong ako. Bakit mo ako inagaw kay Chase?"
"Mahal kita, e," diretsong sagot ni Alper. "Hindi ko rin alam kung bakit. Biglang isang araw, nakatingin na lang ako sa 'yo na hindi ko na rin alam kung bakit. Na parang wala na akong pakialam sa iba."
"Pangit mo magmahal." Umayos sa pagkakasandal si Cinni. "Alper, seryoso. Ang pangit mong magmahal. No offense meant, sana hindi ka ganiyan. Baka kung matino ka talaga, jinowa kita."
Humalakhak si Alper. "Ako nga papakasalan na kita, e."
Huminga nang malalim si Cinni. "Ang sarap sa pakiramdam na nagkakausap tayo na ganito. Normal lang at ito ang unang conversation nating ganito, ha? In fairness naman."
Sumeryoso ang mukha ni Alper habang nakatingin kay Cinni. "May tanong ako."
"Sige lang."
"Sa tingin mo ba, puwede pa tayo?" tanong ni Alper. "Kung ayaw mong sagutin, ayos lang."
Kinagat ni Cinni ang ibabang labi at tinitingnan si Cinna. Mahimbing na itong natutulog sa kanlungan ni Alper habang iniisip niya ang isasagot dito.
"Hindi na." Umiling si Cinni. "Tingin ko na okay na lang tayo na ganito na lang. Puwede pa rin naman tayong maging parents for Cinna, pero hindi na puwede 'yung tayong dalawa. Deserve mo ng babaeng mamahalin ka nang buong-buo, pero sana 'wag mo nang gawin sa kaniya ang ginawa mo sa akin.
"Sa ngayon, wala akong ibang balak. Masaya ako kay Cinna, masaya ako na kaming dalawa lang muna," ani Cinni. "Kung sakali mang dumating ang pagkakataong magmamahal ulit ako, alam kong deserve ko ng taong hindi ako bibigyan ng trauma.
"Hindi ko deserve ang lahat ng nangyari sa akin. Alam kong nagkamali ako sa parteng nasaktan ko si Chase, pero walang taong deserve ang naranasan ko. Ikaw ang dahilan sa trauma ko, Alper, pero kaya kitang patawarin alang-alang sa anak natin. Sana lang, hindi na maulit."
Tumango si Alper tipid na ngumiti. "May gusto akong sabihin, pero 'wag na lang. Siguro gusto ko na lang magpasalamat kasi kahit hindi mo ako mahal, binuhay mo si Cinna. Sa ngayon, siya lang ang mayroon ako."
"You have me," Cinni uttered. "Mapagkakatiwalaan na ba kita? Kasi kung oo, bubuksan ko ang sarili ko para sa 'yo bilang kaibigan, Al. Kaibigan at hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay sa ating dalawa."
Bumagsak ang luha ni Alper at nakita iyon ni Cinni. Nag-init ang mga mata niya habang nakatingin sa mag-ama lalo nang halikan ni Alper ang noo ni Cinna.
"Al, kasi kahit baliktarin ko ang mundo, may koneksyon tayo. Galit ako sa mga ginawa mo sa akin noon, sobra. Sa lahat ng pananakit mo sa akin, sa lahat ng trauma. Hindi ko deserve ang lahat ng iyon." Humikbi si Cinni. "Al, I'm rooting for your healing, too. Please, help yourself. Tulungan mo ang sarili mo kasi there's something good in you. Please, 'wag mong uulitin."
Tumango si Alper at tipid na ngumiti. "Ganda mo lalo kapag hindi ka mukhang takot sa akin."
Cinni rolled her eyes. "Maganda naman talaga ako, tinakot mo lang ako. Pogi ka rin kapag hindi ka mukhang galit. Ganda ng eyes mo kapag hindi nanlilisik sa inis."
"Thank you sa pagpayag mong mag-usap tayo. Ang gaan," ani Alper at tumayo. "Puwede ba tayong maging friends with benefits?"
"Hoy, siraulo!" Nanlaki ang mga mata ni Cinni.
"Baliw. Benefits as in friends tayo pero may benefits sa anak. Green minded ka." Umiling si Alper at natatawang nilagpasan siya. "Kumain ka na nga!"
Nakatitig si Cinni sa papalayong bulto ni Alper buhat ang anak nila at sinabing ibababa na muna sa stroller.
Totoo ang sinabi nito, magaan. Wala silang matinong pag-uusap kahit noon pa sila lalo na at mas ramdam nila ang malaking pader kahit na magkasama sila.
"Mukhang okay pag-uusap ninyo, ha? Tumagal ka," sabi ni Tres na tumabi kay Cinni.
"We're good as friends," sagot ni Cinni nang hindi inaalis ang tingin kay Alper. "Grabe the trauma, 'no? Imagine what it can do to a person? Kahit na ilang years na ang nakalipas, kahit na galing pa 'yun sa childhood, it can affect someone's future. Hindi na nararanasan, pero it will forever hunt that individual."
Nilingon ni Tres si Cinni. "What do you mean?"
"Alper's anger issue was from his childhood. He witnessed a lot of things, he thought that violence could get him anything, and it took a toll on him," paliwanag ni Cinni. "His past won't justify his actions but imagine what a person could do dahil sa kagagawan ng ibang tao o sitwasyong hindi naman ginusto?"
"Without the red flags, he could've been a great husband, Tres." Cinni shook her head. "I hope he'll find peace. He's a great father, though."
Narinig ni Cinni na mahinang natawa si Tres at nang lingunin niya ito, nakatitig ito sa kaniya na natatawa.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Cinni.
"Wala. Masaya lang ako na you're making progress, na you finally faced your greatest fear. Mahirap, but you did it." Tres smiled and tapped Cinni's back. "Ang tanong ko lang, napatawad mo na ba ang sarili mo? You already had the closure with Chase. You had a hearty talk with Alper just now. Ang tanong, napatawad mo na ba ang sarili mo sa lahat ng tingin mo ay kasalanan mo?"
Tumingala si Cinni sa langit. Bumagsak ang luhang pinipigilan niya dahil sa tanong ni Alper at tipid na ngumiti. "I'm still in the process, but I'm getting there."
"Good," Tres murmured. "You deserve that forgiveness, Cinni."
"I do," Cinni responded. "Soon, I'll forgive me."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top