Chapter 26: Cautious

Sa tuwing nakikita ni Cinni ang anak, palagi niyang naiisip na mali man ang mga desisyon niya sa buhay, nakasakit siya, nasaktan, pero may nag-iisang tama na dumating sa kaniya.

It was Cinna, and it would always be Cinna.

Her daughter gave new meaning to everything.

Malapit nang mag-isang taon si Cinna at halos hindi na nabibilang ni Cinni ang araw dahil napakabilis. Parang dumadaan lang at biglang panibagong buwan na naman.

Kumuha siya ng pulang damit ni Cinna sa closet dahil aalis sila. Inaya sila ni Tres na pumunta sa isang birthday party. Ilang beses siyang tumanggi, pero ayaw nitong magpatinag. Pambata naman daw kasi at para na rin sa exposure ni Cinna sa ibang tao.

Nagsisimula na ring maglakad si Cinna. Gumagabay na ito sa sofa at kung saan makahawak kaya todo ingat sila ni Janel sa pagtingin. Minsan na itong nagkaroon ng bukol sa noo dahil nauntog.

"Janel, pakikuha mo naman 'yung white shoes ni Cinna na binili ng papa niya, 'yung parang rubber shoes? Maiba naman. Palaging cute na may ribbon 'yung shoes niya, e. Try natin siya pagsuotin ng Converse," excited na sabi ni Cinni. "Gusto ko rin masukat kung kasya na ba."

Kabibili lang ni Alper ng mga gamit para kay Cinna kasama na ang Converse na pambaby. Sobrang cute niyon at halos mapatili si Cinni nang makita ang sapatos. Napakaliit na nga, ang cute pa ng sintas dahil pula.

Financially, walang problema si Cinni. Bukod sa sarili niyang kinikita, malaki ang naitutulong ni Alper sa pangangailangan ni Cinna. Halos wala na rin siyang nagagastos dahil inaako nito ang lahat.

Casual lang ang relasyon nina Cinni at Alper. Lahat ng communication nila ay para pa rin kay Cinna.

Alper tried. Many times. But Cinni would always say no. Hindi na babalik at hindi na mauulit. Mayroon pa ring takot, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ni Cinni na maging casual para sa anak nila.

Maraming nagtanong kung ayaw ba niyang bigyan ng buong pamilya ang anak nila.

Walang ideya ang iba sa pinagdaanan ni Cinni dahil hindi siya nagsalita tungkol doon. Walang ideya ang ibang tao sa naranasan niya kaya may ilan na nanghuhusga.

Hindi alam ni Cinni kung nagbago na ba si Alper at sa totoo lang, ayaw na niyang alamin. Wala siyang balak alamin dahil wala siyang balak bumalik sa dati.

Masaya na siya na silang dalawa lang ni Cinna at nagkausap sila ni Alper na oras na mayroon itong gawing hindi maganda sa kaniya o sa kanilang mag-ina, hindi na siya magdadalawang-isip na mag-file ng restraining order.

Hindi alam ni Cinni kung ano ang naramdaman ni Alper sa sinabi niya, but she needed to be firm and she needed to let him know about it.

It was actually Tres' idea. Naisip niya na maganda iyon para magkaroon ng boundaries.

Nakikita naman ni Cinni na mahal ni Alper ang anak nila, pero kilala niya ito. Alper could do something if he wanted to, pero mukhang naging kahinaan nito ang sariling anak.

Mali man, binantaan niya si Alper na one wrong move and he wouldn't be able to see Cinna ever again.

Sa loob naman ng ilang buwan, walang ipinakikitang mali si Alper sa kaniya. Regular din ang pagkikita ng mag-ama ngunit kailangang kasama ang pamilya nito o si Tres na hindi umaalis sa tabi niya.

Tres became Cinni's best friend aside from Keith and April, Alper's sister. Sila rin ang mga taong hindi niya inasahang magiging kaibigan niya.

They were the people who taught Cinni to stand on her own, who didn't tolerate her wrongdoings, and who made her realize that she needed to get used to being alone, too. Sinabi ng mga ito sa kaniya na being alone didn't mean a person was lonely. There were times that an individual needed to be alone to be able to focus on themselves.

Buong buhay ni Cinni, nakaasa siya sa ibang tao. Sa lahat ng desisyon, mayroong ibang boses. Sa bawat gagawin, mayroong ibang comments. Nasanay siya na palaging mayroong gabay.

Si Tres ang nagpa-realize sa kaniya na kailangan niyang matutong huwag umasa sa ibang tao. Oo, naging supportive ito noong umpisa at palagi siyang tinutulungan, pero nang maramdamang nagiging maayos na siya, ito na mismo ang nagsabi sa kaniyang lahat ay mayroong limitasyon.

Walang naramdamang tampo si Cinni sa ginawa ni Tres. Kung tutuusin, naging thankful pa siya dahil doon niya nakita ang mali noong mga panahong nakaasa siya sa iba.

Cinni was thankful that finally, she knew what she wanted and that she finally started to get to know herself more.

Nagmadaling bumaba si Cinni papunta sa lobby ng condo dahil paparating na si Tres. Makikisakay na lang sila ni Cinna para daw hindi na sila mag-Grab.

Hindi naghintay nang matagal sina Cinni dahil dumating na ang sasakyan ni Tres. Dumiretso siya backseat at laking gulat na roon nakaupo si Melissa at excited pa nitong kinuha si Cinna sa kaniya.

"Ang baby ko, ganda-ganda naman 'yang baby na 'yan!" natutuwang sabi ni Melissa habang hinahalikan ang kamay ni Cinna. "Akala ko hindi kayo sasama, e."

"Namilit 'tong si Tres. Children's party naman daw and nag-insist naman daw kayo. Nahihiya ako kasi hindi ko naman kilala 'yung ibang invited!" sabi ni Cinni.

Ngumuso si Melissa at umiling. "Mababait sila, promise. 'Wag kang mag-alala sa kanila."

Wala nang nasabi si Cinni lalo na at magkakasama naman na sila sa sasakyan.

Si Melissa ang girlfriend ni Tres. Hindi sigurado si Cinni sa taon kung gaano na katagal, pero nakilala niya kaagad ito simula nang maging magkaibigan sila ni Tres.

Isa ito sa pinakamabait na taong nakilala niya dahil walang naging panghuhusga. Ni hindi siya pinagselosan tulad ng iba na bawal magkaroon ng girl best friend ang kasintahan.

Melissa also helped Cinni in ways she could. Madalas itong magpadala ng lactation cookies para sa breastfeeding niya dahil mahilig itong mag-bake.

"Hindi ako sanay kapag tahimik si Cinni, love," sabi ni Melissa at kinakausap nito si Tres.

"Same," sagot naman ni Tres. "Anong meron, oy?"

Umiling si Cinni at tiningnan si Melissa. "Kasi naman, nahihiya ako. Baka ma-out of place lang ako mamaya. Nahihiya ako sa friends ninyo."

Lumambot ang expression ng mukha ni Melissa at hinawakan ang kamay ni Cinni. "Maybe it's time for you to meet new people? Masyado mo na rin kasing kinukulong ang sarili mo, e. I know na you want to be independent and you're doing a great job! But a few friends won't hurt, Cin."

"Okay naman na kayo nina Tres na friends ko, e," sagot ni Cinni. "Baka kasi . . . sorry, overthinking na naman ako, pero sige, susubukan ko. Nasa therapy pa rin naman ako, pero baka sakaling mamaya, kahit papaano, hindi ako magkaroon ng attack."

"Basta if you're uncomfy," hinaplos ni Melissa ang braso ni Cinni, "lumapit ka kaagad sa akin. Kapag gusto mo nang umalis, we'll leave, okay?"

Tumango si Cinni at tiningnan ang anak niyang natutuwa sa ibinigay na maliit na stuffed toy ni Melissa. Mayroon siyang nararamdamang kaba, pero gusto rin niyang subukan. Tama sina Melissa at Tres, walang namang masama.

Melissa assured Cinni that everything would be alright and that if she would feel uncomfortable, they would leave. Baka exposure din kasi ang kailangan niya para kahit papaano ay malabanan ang social anxiety na nararamdaman niya.

Nilingon ni Cinni ang bintana nang huminto sila dahil nag-red light. Nakita niya ang isang lalaking may hawak na camera at kinukuhanan ng litrato ang isang babaeng malapad na nakangiti.

Bigla niyang naalala si Chase kung paanong bigla siyang patitigilin kahit nasaan sila para lang makakuha ng picture niya.

She used to be his muse, and she failed to protect him.

Madalas na pumapasok sa isip niya si Chase nitong mga nakaraan at iniisip na sana ay natupad nito ang pangarap.

Cinni bought her camera and learned a little about photography to take pictures of Cinna. Gusto niyang mag-compile ng photographs nito hanggang sa paglaki.

"Ang ganda pala ng bagong shots mo kay Cinna na naka-upload sa Facebook!" sabi ni Melissa. "You improved since the last time you posted, ha?"

"Oo, nanonood ako ng YouTube videos kung paano. Bigla ko ngang naisip na sana pala, nagpaturo ako sa ex-boyfriend ko dahil sobrang hilig niya kumuha ng pictures. Ako nga ang muse noon," ani Cinni at mahinang natawa. "Like, wala akong interest sa photography noon but I was supporting him kasi nakikita ko na natutuwa siya kapag nakakakuha siya ng magagandang shots."

Ngumiti si Melissa. "Now you have your own muse! Ang cutie little muse namin na 'yan." Hinalikan nito sa pisngi si Cinna.

"Sa true lang." Hinawakan ni Cinni ang kamay ng anak. "I love taking pictures of this little girl."

Pumasok sila sa isang private subdivision. Inabot sila ng mahigpit isang oras sa biyahe dahil sa traffic at medyo may kalayuan ang lugar sa condo niya. Mas nakaramdam tuloy ng hiya si Cinni dahil sa effort nina Tres at Melissa.

Maganda ang lugar. Akala ni Cinni ay didiretso sila sa isang bahay, pero sa events place pala na nasa loob ng subdivision.

"Dito rin naman nakatira sina Ariana," sabi ni Melissa at itinuro ang isang bahay na may kalakihan. "Ayon 'yung house nila."

Maganda iyon at modern. Kulay puti na mayroong touch ng light orange ang theme. Black ang bubong at ang gate, pero nakita niyang maraming halaman. Mukhang plantita.

Pagbaba ng sasakyan, ipinalibot ni Cinni ang tingin sa events place. Maganda iyon at mukhang airconditioned sa loob. Nakaramdam siya ng kaba dahil baka masyadong maraming tao.

Si Tres na ang nagbuhat kay Cinna habang hawak ni Melissa ang kamay niya. Pagpasok sa loob, may mga pambatang decoration. Orange at black din ang theme ng party kahit na one year old ang may birthday.

Ngumiti si Cinni sa naisip dahil mukhang paboritong kulay iyon ng nanay ng baby na mayroong birthday.

Kaagad niyang naramdaman ang lamig ng lugar. Tantiya niya ay nasa thirty persons ang nasa loob, hindi pa kasama ang mga batang may kaniya-kaniya ring upuan.

Mayroong host, may gumagawa ng bubbles, face paint para sa mga batang nakapila, at may play area para sa mga batang medyo malalaki na. Mayroon ding mga nagtatakbuhan at naghahabulan.

Kumpulan naman ang mga adult sa gilid habang nagkukuwentuhan, tawanan, at halatang magkakakilala.

"Tara, ipapakilala kita sa friends namin ni Tres. Well, technically, friends ko lang talaga sila, pero naging close na lang din si Tres sa kanila kasi nga magkasama kami palagi," sabi ni Melissa habang hawak ang kamay niya. "Swear, wala kang dapat ipag-alala sa kanila, mababait sila."

Nagtiwala at nagpaubaya si Cinni kay Melissa. Nasa tabi nila si Tres na buhat si Cinna at papunta sila isang grupong nagkukuwentuhan.

"Late kayo!" Ngumuso ang babaeng unat ang buhok at napansin ni Cinni na medyo may kasungitan ang itsura. "Akala ko hindi na kayo dadating, e."

Hawak pa rin ni Melissa ang kamay ni Cinni.

"Nagsabi ako sa 'yo na medyo male-late kami, e. Sinundo kasi namin sila." Lumingon si Melissa sa kaniya at ngumiti. "This is Cinni, friend namin siya ni Tres and siya 'yung sinasabi kong in-invite ko."

Kaagad na lumapit sa kaniya ang babae at nagkipagbeso. Nagulat si Cinni, pero hindi siya nagpahalata. "Hello! Good na sumama ka! By the way, I'm Ariana. Uy, ha, enjoy kayo ni baby. 'Wag kang mahihiya and eat whatever you like. It's nice to meet you!"

"Nice to meet you rin," sagot ni Cinni. "Ang cute ng theme ng birthday, hula ko ikaw ang may favorite ng orange."

"Sa true!" sagot ni Ariana kaya nagtawanan ang makakaibigan.

Ipinakilala pa siya nito sa asawa at ipinakita ang anak na babae. Mas matanda lang ito ng isang buwan kay Cinna na sa totoo lang ay hindi pa alam ni Cinni kung saan magse-celebrate ng birthday.

Isa-isang ipinakilala ni Melissa ang mga kaibigan.

"Oh wait, andito na sila." Nagmamadaling hinawakan ni Melissa ang kamay ni Cinni at lumapit sa isa pang grupong nasa kabilang gilid ng party. "Galing pang Baguio 'tong mga ito, pero sa lahat, ito ang best friend ko."

Hawak pa rin ni Tres si Cinna at binigyan pa nga ng maliit na lobo ang anak niya. Binigyan din ng maliit na doll na giveaway sa party.

"Keanu!" Yumakap si Melissa sa lalaking bagong dating. "Akala namin hindi kayo bababa, e."

"Nag-promise ako, sira!" sagot ng lalaki at hinalikan ang noo ni Melissa bago nilingon ang babaeng kasama hawak ang kamay ng batang lalaki. "Tadhana, sabi sa 'yo hindi maniniwala 'tong mga 'to."

Mahinang natawa ang babae at tumango. "Mukha ka raw kasing bogus, hindi ka na raw kapani-paniwala, Keanu."

"Dude." Nag-fist bump si Tres at Keanu.

"Oh, may anak na kayo? Ang bilis naman!" pagbibiro nito kina Tres at Melissa.

Melissa chuckled. "This is Cinna, baby siya ni," nilingon siya nito, "Cinni and friend namin siya ni Tres. Sinama ko siya para makilala rin kayong lahat."

"Hello!" Kumaway si Keanu kay Cinni. "Nice to meet you! And this is Tadhana, girlfriend ko."

"Ang ganda ng name mo." Tinanggap ni Cinni ang pakikipagkamay ni Tadhana.

Ngumiti ito at mahinang natawa. "Hindi ka ba kakanta ng Tadhana? Halos lahat ng nakikilala ko sa tuwing malalaman ang pangalan ko, kumakanta ng ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang."

Natawa si Cinni dahil sa pananalita nitong may halong pagtataray. Ipinakilala rin nito si Sarki, ang batang lalaking kaagad na kumaway sa kaniya.

"Ilang taon na si Cinna?" tanong ni Tadhana sa kaniya.

"One year na siya next month," sagot ni Cinni. "Si Sarki?"

"Kaka-two years old lang niya," sabi nito at hinawakan ang kamay ni Cinna. "Uy, ang ganda ng lashes niya! Ang kapal."

Tumango si Cinni. "Oo, nakuha niya 'yan sa tatay niya. Mahaba rin kasi 'yung lash—"

Tumigil sa pagsasalita si Cinni nang makita ang lalaking bagong dating. Bumilis ang tibok ng puso niya at kaagad na humiwalay kay Tadhana para magtago sa likuran ni Tres.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Tres na bahagya siyang nilingon.

Hindi inalis ni Cinni ang tingin sa lalaking bagong dating. "W-Wala, okay lang ako."

Sinundan ni Tres kung saan siya nakatingin at bahagyang kinalabit si Melissa para ibulong kung ano ang nangyayari. Nagulat naman si Melissa at kaagad na nilapitan si Cinni.

"Gusto mong pumasok sa CR?" tanong ni Melissa.

Umiling si Cinni. "O-Okay lang ako. Nagulat lang ako, pero okay lang ako."

"Mel!"

Mas nagtago si Cinni sa likuran ni Tres nang lumapit sa kanila ang lalaki, pero mukhang nakita nito ang ginawa niya. Nagsalubong ang tingin nila at nangunot ang noo nito.

"Uy, ano'ng nangyari?" tanong ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. "Bakit para kang nakakila ng guwapong multo?"

"Shush!" paninita ni Melissa at bahagya siyang nilingon. "C-Cinni, this is TJ. Isa siya sa mga kaibigan namin. Sorry, hindi ko alam na mukhang mabantot ngayon 'tong si TJ. Sorry talaga."

Nagtawanan ang lahat ng magkakaibigan nang iangat ni TJ ang kilikili at basta na lang isinubsob ang mukha ni Melissa roon. "Ano'ng mabantot? Amuyin mo kilikili ko!"

Kahit si Tres ay natawa, pero muling nilingon si Cinni. "Gusto mong lumabas?"

Tumango si Cinni. Nagpaalam naman si Tres kay Melissa bago sila lumabas. Kaagad na humawak si Cinni sa dibdib dahil mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya.

"Hinga ka muna," sabi ni Tres habang isinasayaw si Cinna. "Mabait naman 'yun si TJ, medyo may vibes lang talaga ni Alper, pero sure ako na kabaliktaran silang dalawa. Si Teej din ang pinaka ka-close ko sa lahat ng kaibigan ni Mel."

"Okay lang ako, kailangan ko lang muna huminga," Cinni assured. "Nagulat lang ako kasi long hair tapos puro din tattoo 'yung arms. I was just a little cautious. Siguro dahil takot talaga ako."

Tres nodded. "No need to explain, I get it. 'Wag kang mag-alala, maiintindihan ni Melissa 'yan. 'Wag mo na lang pansinin si TJ."

Mahinang natawa si Cinni. "Alam kong okay naman na ako, pero may triggers pa rin pala talaga. Alam ko namang hindi na mauulit 'yung anything about Alper, pero biglang may flashback and all."

Naupo si Cinni sa isang bench na nasa harapan ng events place. Nasa harapan niya si Tres na nakatingin lang sa kaniya nang lumabas si Melissa kasama si TJ. Nakagat ni Cinni ang ibabang labi.

Hindi naman magkamukha dahil mukhang half si TJ at iba ang aura nito, pero dahil sa mahabang buhok, tattoo, at ilang hikaw sa tainga, naalala niya ang itsura ni Alper noong binubugbog pa siya nito.

"May ginawa ba akong hindi maganda?" tanong ni TJ. "Did I offend you or anything?"

"TJ, let's go," sabi ni Melissa na pilit hinihila si TJ. "Mamaya na lang tayo mag-usap."

Umiling si TJ. "Sorry, nagtaka lang ako sa reaksyon mo. Baka mamaya naka-one night stand pala kita tapos nabuntis kita tapos may anak tayo na tinatago mo? Parang si Keanu?"

Malakas na natawa sina Tres at Melissa. Nanlaki naman ang mga mata ni Cinni sa sinabi ni TJ.

Nilingon nito si Cinna. "Anak ba natin 'tong baby? Sabihin mo ang totoo."

"Hindi, hoy." Cinni frowned. "Natakot ako sa 'yo, ka-vibes mo 'yung tatay ng anak kong nambubugbog kaya natakot ako. Gagi, hindi kita kilala."

Huminga nang malalim si TJ. "Akala ko may anak na akong itinatago sa akin." Inilahad nito ang kamay. "TJ ang pangalan ko at hindi ako nambubugbog."

"Sorry, hindi ko sinasadya 'yung reaksyon ko kanina," paghingi ng tawad ni Cinni.

Umiling si TJ. "Ayos lang, nagulat lang ako. Hindi ako nananakit ng babae, hoy. Kung bubugbugin man kita . . . bubugbugin kita ng pagmamahal. Gano'n dapat."

Nanlaki ang mga mata ni Cinni lalo nang mag-finger heart pa ito.

"Ewan ko sa 'yo, para kang sira." Inirapan niya ang lalaki.

Inilahad naman nito ang kamay. "Peace na, hindi ako galit. 'Wag ka mag-alala. So, ano nga ulit pangalan mo?"



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys