Chapter 24: Captive

It had been months since Cinni saw her parents. Mayroon pa rin siyang takot na harapin ang mga ito dahil baka itulak ulit siya at baka kung ano ang sabihin. Gusto niyang ipakilala si Cinna sa mga ito, pero natatakot siyang pati ang anak niya ay hindi tanggapin.

Cinni had been in contact with Keith a month after she gave birth. Nagpadala pa ito ng pagkain pati na ng mga regalo para kay Cinna.

Maayos din silang nagkausap at paminsan-minsan pa itong bumibisita sa condo nilang mag-ina. Minsan ay sumasama rin si Keith sa theraphies niya at madalas silang magkausap kahit sa video calls lang.

"So, ano'ng plano mo?" tanong ni Keith habang nakatingin sa camera. "Kung gusto mo, sasamahan kita. Kapag hindi ka tinanggap, edi kumain na lang tayo ng samgyupsal."

Natawa si Cinni dahil alam niyang pinagagaan lang ni Keith ang loob niya. "Sige, craving na rin naman ako sa samgyupsal," sagot naman niya para sabayan ito. "Susubukan ko pa rin naman, kung itataboy kami, okay lang."

"Sige. Basta sabihan mo ako kapag gusto mong sumama ako. Free ako this week kasi nag-leave talaga ako sa work. Puwede ko naman iwanan mga bagets ko sa parents ng asawa ko kaya go na," sabi ni Keith. "O siya, mamaya na lang ulit. Magsasampay pa ako."

Nagpaalam na rin si Cinni kay Keith bago kumilos para linisan ang ilang gamit sa kusina. Nagluto siya ng muffin at inaaral din talaga niyang mag-bake.

Gusto niyang ipatikim kay Tres ang mga ginawa niya dahil ito ang greatest critique niya. Bukod sa matindi sa real talk kapag hindi masarap, tumutulong pa ito para sabihin kung ano ang kulang.

Si Tres ang kaibigan niyang laitero, pero may care. Nanlalait sa luto niya para daw sa improvements at tumutulong din ito kapag kailangan niya ng ingredients na hindi mabili sa mall dahil dinadayo pa sa ibang lugar.

Tres had been a great friend of Cinni. Tumutulong ito sa kaniya sa bagay na kailangan niya at suportado nito kung ano ang gusto niyang gawin.

Marami siyang natutuhan kay Tres lalo na sa parteng mahalin niya ang sarili at patawarin kung ano ang nakaraan. Si Tres din ang nagsabi sa kaniya na hindi na maitatama ang mali kaya hindi na niya puwedeng balikan iyon. Puwede lang niyang sariwain para hindi na maulit.

Masyadong nakulong si Cinni sa nakaraan na hindi niya alam kung paano siya makauusad at kung paano siya ulit mabubuhay nang maayos pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kahit na nakakailang sessions na siya ng therapy, kahit na madalas ay pakiramdam niya maayos na siya, at masaya naman siya kay Cinna, hindi pa rin maalis kay Cinni ang takot at pakiramdam ng mga nagawa niya.

It was something buried deep inside her that would resurface without warning.

Dalawang linggong pinag-isipan ni Cinni kung pupuntahan ba niya ang mga magulang. Kinausap niya sina Keith at Tres kung puwede ba siyang samahan. Pumayag naman ang mga ito.

Hawak ni Keith si Cinna habang nasa sasakyan sila dahil panay ang patunog ni Cinni ng mga daliri niya sa kaba. Si Tres ang nagmamaneho na tumitingin din kay Cinni mula sa rear view mirror.

Ramdam nila ang atmosphere ng kotse lalo na kapag humihinga nang malalim si Cinni. Nagkakatinginan sina Keith at Tres na maging sila ay nakararamdam ng kaba.

"Chill ka lang," ani Tres para pagaanin ang sitwasyon. "Kapag hindi ka tinanggap ng parents mo, manlilibre ako sa buffet. Kahit saan mo gusto."

"Gusto ko sa pinakamahal," pagbibiro ni Cinni. "'Yung unli sushi!"

Keith snorted. "Oo, tapos maiinis na naman sa atin 'yung gumagawa kasi naubos mo na 'yung nigiri nila dahil pabalik-balik ka. Wala nang makukuha 'yung iba."

"Nigiri is life." Nag-finger heart si Cinni. "Tapos gusto ko kumain ng maraming sea urchin, bibimbap na maraming kimchi, tapos maraming cake na puro icing."

"Magtae ka sana!" sagot naman ni Tres. "Tapos pustahan, mag-aaya ka pa niyan sa Jollibee kasi gusto mo lang mag-take out ng peache mango pie."

Nag-thumbs up si Cinni at humagikgik dahil ganoon naman talaga ang gawain niya. Mahilig siya sa fast-food kahit na naiinis na sa kaniya ang mga kasama dahil kahit mahaba ang pila, sige lang.

Nagpapasalamat si Cinni na na-divert nina Keith at Tres ang atensyon niya. Wala na ang kaba hanggang sa makarating sila sa subdivision ng parents niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya, pero naisip na tatanggapin na lang kung ano ang kahihinatnan.

Habang nasa harapan ng gate hawak si Cinna, tahimik na pinagmamasdan ni Cinni ang lugar kung saan siya lumaki, sila ni Christian, ang kuya niya. Wala pa rin namang ipinagbago except sa mas dumami na ang halaman.

Nag-doorbell si Cinni. Nagsabi naman sina Keith at Tres na magpa-park sa katabing bakanteng lote habang naghihintay sa kaniya.

Inasahan niya na walang magbubukas ng pinto, pero laking gulat niya nang makita ang papa niyang naglalakad papalapit sa gate. Seryoso ang mukha nitong walang bakas ng kasiyahan na makita siya.

"Pa," mahinang sambit ni Cinni pagbukas ng gate. "Hello po."

Nilugawan ng papa niya ang pinto para papasukin siya. Seryoso pa rin ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya kahit nang makapasok sila sa loob. Walang kahit na ano mang salita. Pinagbuksan lang siya ng pinto bago dumiretso sa kung saan.

Pagpasok sa loob ng bahay, pamilyar kay Cinni ang amoy ng bahay at nagbigay iyon ng maraming alaala sa lugar na kinalakihan niya. Bigla niyang naalala ang batang version niya na tumatakbo para makipaghabulan sa kuya niya at makipagtawanan sa mga magulang niyang mahilig pa siyang pasayawin.

Nilingon ni Cinni ang hagdan at nakita roon ang mama niyang walang reaksyon ang mukha bago dumako ang tingin nito kay Cinna.

"Ma."

Walang sagot mula sa mama niya na bumaba ng hagdan. Tahimik itong lumapit sa kaniya bago hinawakan ang kamay ni Cinna.

Ramdam ni Cinni ang bigat ng dibdib niya habang nakatingin sa mama niya na nakatingin naman sa anak niya. Walang kahit na anong salita, bago ito tumingin sa kaniya.

"Puwede ko bang buhatin?" tanong nito.

Tumango si Cinni at bumagsak ang luhang pinipigilan. "Ma, hello po. Okay lang po ba na nandito kami? Gusto ko lang po sanang bumisita, para na rin po ipakilala sa inyo si Cinna."

Mahinang isinayaw ng mama niya si Cinna. "Ano ang full name niya?"

"C-Cinna Eloise po," sagot ni Cinni. "Sinunod ko po sa name mo 'yung second name niya."

"Ang ganda," sagot nito bago tumingin sa kaniya. "Kumusta naman ang pagbubuntis at panganganak mo? May nakasama ka ba?"

Tumango si Cinni at ikinuwento ang tungkol kay Tres at sa pamilya nitong tumulong sa kaniya. Sinabi na rin niya na wala na sila sa puder ni Alper, na nakatira na sila ni Cinna sa napundar niyang hulugang condo gamit ang savings niya.

Walang gustong marinig si Cinni sa mga magulang niya. Gusto lang niyang maramdamang hindi sila itaboy ni Cinna at iyon ang nangyari. Pinapasok pa nga ng mga ito sina Tres at Keith para magmeryenda.

Kausap nina Tres at Keith ang papa ni Cinni sa garden area ng bahay nila habang naiwan siya sa living room kasama ang mama niyang hindi mabitiwan ang apo.

"Ma, sorry po sa lahat ng nangyari," basag ni Cinni sa nakabibinging katahimikan nilang mag-ina. "Alam ko pong hindi na maibabalik 'yung dati, pero hihingi lang po ako ng sorry sa lahat ng kahihiyan."

Nanatiling tahimik ang mama niya na nakatingin lang sa kaniya.

"Mga maling desisyon, Ma. Sorry po talaga. Alam ko naman pong pinalaki ninyo ako nang maayos at kasalanan ko po ang lahat. Sorry lang po ang hihingin ko. Kung galit pa rin po kayo sa akin, maiintindihan ko po. Gusto ko lang din po talagang ipakilala sa inyo ang anak ko. Sana po, kahit po sa anak ko, maging okay kayo. Kahit 'yun lang, Ma. Gusto ko sanang lumaki si Cinna na kilala kayo ni Papa."

Mahinang natawa ang mama niya at umiling. "Mahirap maging magulang, Cinni. Minsan, kahit anong pagkakamali ng anak, magagalit kami, oo . . . pero darating ang araw na mas mangingibabaw ang pagiging magulang. Oo, galit na galit ako sa ginawa mo, sa nangyari sa 'yo, pero tama rin ang papa mo, e."

Kinagat ni Cinni ang ibabang labi habang nakatitig sa mama niyang nilalaro ang maliliit na kamay ni Cinna.

"Nagalit ako sa 'yo, nakapagsabi ako ng hindi magagandang salita. Aaminin kong mali ako sa parteng 'yun, pero isa na lang ang hiling ko, Cinni. Sana ayusin mo na ang buhay mo. Ayusin mo na at 'wag ka nang maging makasarili," sabi ng mama niya. "Tama na 'yung katigasan ng ulo mo, 'yung pagiging pasaway mo, at sana pag-isipan mo nang mabuti ang gagawin mo kasi may anak ka nang umaasa sa 'yo."

Tumango si Cinni at pinunasan ang magkabilang pisngi dahil sa sinabi ng mama niya. Wala siyang sagot, gusto lang niyang marinig ang sasabihin nito.

"Hindi ka na puwedeng maging makasarili, Cinni. 'Yan ang palagi mong tatandaan. Si Cinna na ang gawin mong priority, siya na ang gawin mong dahilan. Sa bawat kilos na gagawin mo, isipin mo na kung ano ang consequences, hindi 'yung magiging tanga ka na naman sa mga desisyon mo. Sorry kung nasasaktan kita sa mga salitang ginagamit ko, pero kailangan mong marinig, e. Hindi ka nakikinig noon, sana ngayon, magbago ka na."

"Opo." Inihiga ni Cinni ang ulo sa balikat ng mama niya. "Puwede pa rin po ba kaming mag-visit ni Cinna rito, Ma?"

Mahinang natawa ang mama niya. "Kahit hindi ka kasama, kahit si Cinna lang," sabi nito sabay halakhak. "Oo, basta magpapasabi ka para makapagluto kami. Ang lakas mo pa ring kumain."

Napag-usapan na rin ni Cinni at ng parents niya na tuwing weekends, matutulog silang mag-ina sa bahay ng mga ito para daw makasama ang apo.

Alam ni Cinni na malaking parte si Cinna para muli siyang kausapin ng parents niya at sapat na iyon sa kaniya. Sapat nang tanggap ng mga ito ang anak niya kahit na mayroon pa ring galit sa kaniya.

After what she did, it wasn't easy to forgive. Siya nga mismo sa sarili niya, hindi pa tapos ang paghilom.

Nag-decide si Cinni na bumili ng breast pump para hindi na siya masyadong mahirapan sa breastfeeding kay Cinna lalo na at nagbalik na siya sa trabaho. May mga pagkakataong kailangang mag-bottle feeding ng anak niya lalo kapag may meeting siyang importante.

Sa bahay pa rin naman siya nagtatrabaho, kailangan lang ng ibang alternative. Bumili na rin siya ng malaking freezer para kahit papaano ay magkaroon ng storage sa milk.

Bukod sa pump, nagtingin siya ng mga puwedeng panlakad na damit ni Cinni tulad ng mga dress at sapatos.

Natutuwa siya sa maliliit na gamit ng bata, pero hindi masayang mag-ayos at malaba. Cute lang, pero nakakainis isampay at itupi.

Naalala rin ni Cinni na gusto niyang subukang bumili ng pacifier.

"Cinni."

Nilingon niya ang babaeng tumawag sa pangalan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Summer iyon—ang supervisor ni Chase sa hotel na pinagtatrabahuhan nito.

"I . . . I'm not sure kung tanda mo pa 'ko. Ako si Summer, supervisor sa M.H. Hotels at . . . girlfriend ni Chase." Inilahad ni Summer ang kamay.

Mabilis ang tibok ng puso ni Cinni habang nakatingin sa dalagang nakalahad ag kamay na kaagad niyang tinanggap. Hindi niya alam kung saan hahantong ang usapan at kung puwede lang na magpaalam, ginawa niya.

"Cinni po," pagpapakilala niya. "Naalala ko po kayo."

"That's good naman." Ngumiti si Summer. "Kumusta na kayo ng . . . boyfriend mo?"

Nagulat si Cinni sa diretsahang tanong nito sa kaniya. Nakaka-off sa part niya lalo na at hindi naman sila totally magkakilala at hindi sila close para magtanong ito ng ganoon.

May kaba sa dibdib niya, pero kailangan niyang umaktong normal sa harap nito.

"Wala na kami, iniwan ko na siya," natatawang sagot ni Cinni para pagaanin ang sitwasyon kahit na sa loob-loob niya, naramdaman niya ang panic attack. "Ayaw ko na magka-black eye."

Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon, pero idinaan ni Cinni sa biro ang lahat. Ayaw niyang magmukhang mahina pa rin sa harapan ni Summer.

Ngumiti si Summer. "Mabuti naman kung ganoon. I . . . I actually saw you months ago with your boyfriend sa isang bar. I'll be honest, akala ko magkikita kayo ni Chase noong araw na 'yun."

Nahalata ni Cinni sa boses nito ang pag-aalala, takot, at kung ano pang dumaang emosyon pagkabanggit sa pangalan ni Chase. Walang plano si Cinni sa kahit na ano at nararamdaman niya kung ano ang kailangan ni Summer.

Assurance.

"'Wag ka mag-alala sa akin, Miss Summer. Ang paglapit kay Chase ang huling bagay na gagawin ko. Hindi ko po gagawin 'yun," ani Cinni at ngumiti. "Hindi ko po gagawin 'yun."

"Mabuti naman. Ayaw kong magtunog na possessive, pero hindi ko rin balak pakawalan pa si Chase. He's a rare guy after all. At isa pa . . ." Hinaplos ni Summer ang tiyan nito. "Gusto kong buo ang pamilya namin at walang ibang sisingit."

Dumako ang tingin ni Cinni sa tiyan ni Summer at na-gets niya kaagad ang ipinahiwatig nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Magiging masaya para kay Chase? Masasaktan? Malulungkot? Pero mas nangibabaw ang kasiyahang matutupad na ang pangarap nito.

Chase wanted a family, he wanted to be a father and with Summer, he would finally settle down.

Cinni was happy. Very.

"Wala akong balak gumawa ng kahit ano o guluhin kayo ni Chase. Ako na po ang umiiwas at ang iiwas. And you're right, he's rare. Thank you for taking care of him po, thank you for being with him. Wala po kayong dapat ipag-alala sa akin," sabi niya nang hindi inaalis ang tingin kay Summer.

Gusto nang magpaalam ni Cinni dahil hindi siya komportable sa pag-uusap nila. Isa pa, natatakot siyang baka kasama nito si Chase at ayaw niya itong makita o makausap.

"It may sound weird . . . and awkward coming from me, pero . . . salamat kasi iniwan mo siya. Kasi kung hindi nangyari 'yun, hindi niya 'ko makikita at mamahalin. I never thought na mararanasan ko rin 'yung pagmamahal na ang tagal niyang ibinigay sa 'yo. So, thank you, Cinni. Thank you for making him the guy he is today. I am so lucky to have him in my life."

Hindi alam ni Cinni ang isasagot niya sa mga sinabi ni Summer. Mayroong mali lalo sa parteng nagpapasalamat itong nasaktan si Chase sa nangyari. Hindi niya gusto ang pananalita ni Summer, pero walang plano si Cinni na makipag-argue.

Buntis si Summer at alam ni Cinni ang pakiramdam na mapagsasalitaan ng hindi maganda.

"Ang weird nga ng pasasalamat mo at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko dahil sa sinabi mo, pero magpapasalamat na lang po ako na nandiyan ka para mahalin siya. Sana lang po 'wag mo nang gawin 'yung ginawa ko. 'Wag mo siyang lolokohin." Ngumiti si Cinni.

Iyon na lang ang gusto niyang sabihin. Mukha namang hindi gagawin iyon ni Summer dahil base sa pananalita nito, mukhang mahal na mahal nito si Chase.

"H-Hindi mangyayari 'yun." Tumikhim si Summer habang nakatingin sa kaniya. "A-Anyway, mauuna na 'ko. Marami pa kasi akong bibilhin. It . . . was nice to see you, Cinni. I hope na hindi na rin maulit 'yung nangyari before."

Tumango si Cinni at bahagyang yumukod.

Magsasalita sana siya nang tumalikod na si Summer at parang nagmamadali. Sandaling napako si Cinni sa kinatatayuan hanggang sa mawala sa paningin niya si Summer.

Umiling siya at mahinang natawa. Masaya siya para kay Chase, kay Summer, at para sa magiging anak nito.

Nagbayad na rin si Cinni para makauwi siya. Nasa likod lang naman ng mall ang condo unit nila kaya maglalakad lang siya pauwi.

Habang naglalakad, naisipan niyang bumili ng fried noodles, pero nasa labas iyon ng mall malapit sa entrance at parking area. Bigla rin siyang nag-crave sa tuhog tulad ng kwek-kwek na mayroon din namang stall roon.

"Cinni?"

Palabas si Cinni ng entrance nang marinig ang pangalan niya mula sa pamilyar na boses.

Natigilan sa siya paglalakad nang makita si Chase. Humigpit ang hawak niya sa paper bag at biglang naalala si Alper kaya nakaramdam siya ng takot. Anything with Chase was the reason of all the beating.

"C-Chase?"



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys