Chapter 20: Careless

Binuksan ni Cinni ang pinto ng apartment niya nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. Sa pattern at paraan pa lang, kilala na niya kung sino ito.

"Good afternoon, Mareng Cinni!" magiliw na bati ni Tres at itinaas ang hawak na paper bag. "Alam kong tamad ka magluto, bumibili ka lang sa Grabfood kaya nagdala ako ng misua na maraming meatballs!"

Niluwagan ni Cinni ang pagkakabukas sa pinto para makapasok si Tres. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang magkakilala sila.

Tres became a friend. A really good one.

"Bakit ganiyan ka na naman makatingin sa akin?" tanong ni Tres na nakasandal sa dining table. "Ano ba 'tong pancake mo! Instant na nga, hindi pa rin masarap."

"Hoy!" Ngumuso si Cinni at mahinang natawa. "Siraulo ka talaga. Oo na, ako na ang hindi marunong magluto. Ako na ang kahit instant, fail pa rin."

Malakas na natawa si Tres at pabagsak na nahiga sa sofa habang pinipintasan pa rin ang pancake na ginawa niya. Marami ang tubig na nailagay niya kaya manipis iyon at matabang.

"Ano'ng ginagawa mo?" Nakatingin si Tres sa kaniya. "Busy ka? Okay lang na nandito ako?"

"Oo, gagi. Working lang naman ako." Naupo si Cinni sa pang-isahang sofa at kinuha ang laptop. "Nagwo-work pa rin naman ako kahit malapit na akong manganak. Kailangan para sa kinabukasan."

Tres snorted and stared at her. "Nakatulog ka naman?"

Tumango si Cinni. "Oo, medyo mahirap kasi mabigat na 'yung tiyan ko, pero okay naman. Nagpunta si April dito no'ng nakaraan kasama 'yung mama ni Alper. Nangungumusta lang naman."

"Hindi ka ba natatakot sa kanila? Oo na, judgmental na naman ako, pero ikaw lang naman ang iniisip ko," sabi ni Tres. "I know you trust them but they're still your abusive ex-boyfriend's family."

"Bukod sa 'yo, sila ang pinagkakatiwalaan ko. 'Di ba nga, tinulungan pa ako ni April?" Nakagat ni Cinni ang ibabang labi. "Siya ang nagpadala ng ibang gamit ko pag-alis pa lang namin ni Alper noon papunta sa clinic?"

Nanatiling nakahiga si Tres na feel at home pa nga na naka-cross legs pa habang nakatingin sa kaniya. "Alam ko naman na pinagkakatiwalaan mo sila, pero ako pa rin 'yung natatakot. Mag-isa ka rito sa apartment mo. What if bilang dumating si Alper? Paano kung saktan ka ulit niya?"

Sinalubong ni Cinni ang tingin ni Tres nang maupo ito at mataman siyang tinitigan.

"Seryoso ako," ani Tres. "Sabi ko sa 'yo, i-push na natin 'yung restraining order sa kaniya. Nakilala mo naman na si Mommy noong New Year at nag-offer pa nga na tutulungan ka, 'di ba?"

Muling natahimik si Cinni habang inaalala kung paanong pinilit siya ni Tres na pumunta sa bahay ng ate nito na doktora niya para mag-celebrate ng New Year's eve dahil magkaibigan naman sila.

Doon niya nakilala ang buong pamilya nito pati na ang asa-asawa ng mga ito na masaya siyang tinanggap. Ramdam ni Cinni ang pagkahiya, pero unti-unting naging komportable.

Simula rin noong unang araw na nagkasama sila ni Tres, halos araw-araw itong nangungulit sa kaniya at sinisigurong maayos lang ang lagay niya.

"Mabuti nga sa loob ng subdivision 'tong apartment mo! At least 'yung mga may sticker lang ang makakapasok like me." Taas-baba ang kilay ni Tres at biglang bumangon. "Gusto mo ba lumabas? Wala akong Valentine's date ngayon. Ikaw na lang. Maglakad-lakad ka na rin kasi ang laki na ng tiyan mo!"

"Malapit na nga ako manganak!" Natatawang hinaplos ni Cinni ang tiyan. "Sabi ni Ate Shara, anytime soon lalabas na rin 'to, e."

Ngumiti si Tres at umiling. "Parang feeling ko, hindi ako masasanay na wala kang malaking tiyan. Feeling ko maninibago kapag hindi ka na mukhang buteteng ewan."

Malakas na humagalpak si Cinni sa mga binibitiwang salita ni Tres. Panay ang pang-aasar nito sa kaniya dahil nga buntis siya, pero payat at maliit.

Maganda rin ang apartment na nakuha ni Cinni. Tahimik at hindi kalakihan. Medyo may kamahalan dahil nasa loob ng subdivision, pero mas safe para sa kaniya. Mas mabuti na rin iyon para hindi basta-basta makapapasok ang kahit na sino.

Nakabili na rin siya ng mga gamit ng baby. Kung tutuusin, marami na silang nabili ni Alper noon, pero kahit isa, wala siyang kinuha. Tanging laptop lang na pantrabaho at isang bag ang nadala ni April para sa kaniya kung saan nakalagay ang mga importanteng dokumento niya at gamit na hindi puwedeng maiwan.

Planado na nila ni April ang gagawin noong araw na iyon na pag-alis nila nina Alper at Cinni papuntang checkup, ipadadala naman ni April ang gamit ni Cinni via delivery sa clinic din mismo at hahanapin ang OB-GYNE niya.

Tatlong araw na nag-stay si Cinni sa isang hotel bago nakahanap ng apartment na mayroong kaaalis lang at kaagad niyang nakuha. Fully furnished na ito kaya naman damit na lang ang binili niya.

The odds were in Cinni's favor plus the help from April, Alper's mom, Tres, and his family.

Financially ready si Cinni dahil mayroon siyang ipon kahit noong sila pa lang ni Chase at mas nakaipon pa siya simula nang makapagtrabaho online.

"Lalim naman ng iniisip mo, Mommy!" Tumayo si Tres at nag-inat. "Date na kasi tayo! Dali na! Libre ko na, nood tayo ng sine para makapaglakad-lakad ka rin. Para lumabas na 'yung cute kong inaanak."

"Luh, sino'ng may sabi na kukunin kitang ninong ng baby ko?" Inirapan ni Cinni si Tres. "Pero na-realize ko rin naman, wala akong choice. Ikaw lang pala 'yung prenshit ko."

Naiiling na pumunta si Tres sa kusina at isa-isang inilabas ang nasa paper bag na bitbit nito. Tatayo na sana si Cinni nang biglang mag-notify ang phone niya at mayroon siyang email.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung kanino iyon galing. Nanginig ang kamay niya at inisip kung bubuksan ba niya iyon. Nakita niya ang unang sentence ng email na naging dahilan para simulan niya iyong basahin.

Galing kay Chase ang e-mail.

Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha niya. Unang sentence pa lang dahil iyon din ang gusto niyang itanong kay Chase.

***

This letter was composed by

Dear, Cinni,

Kumusta ka na? Sana okay ka at masaya.

Miss na kita. Sobra.

Sa oras na matanggap mo itong sulat ko, sana nasa mabuti kang kalagayan. At kapag natanggap mo ito, I wonder if we've completely become strangers to each other, or if we're celebrating our ninth year together? I hope it's the latter, pero sino nga ba ako para magdesisyon sa bagay na iyon. I guess it would just be a miracle on my end to hope for it.

To this day . . . actually, to this very moment, I am praying and hoping that you'd change your mind. Na kokontakin mo ako at sasabihin mong uuwi ka na.

Siguro nakagugulat na may matatanggap kang email galing sa 'kin mula sa past. Noong una, hindi rin ako naniwala na may ganito. Nalaman ko lang ito mula sa isang kaibigan na dinadamayan ako at tinutulungan na muling makabangon.

Pero bago mapunta sa kung saan ang gusto kong sabihin, ito pala . . .

I'm sending you this email because you refuse to give me answers in person or by any means. Ilang beses kong pilit lumapit sa iyo sa trabaho dahil hindi ko alam kung saan ka tumutuloy. Ilang beses akong pinagtulakan ng guard sa building n'yo na wala ka raw o 'di kaya ay may ginagawa ka. Ilang beses kitang pilit tinatawagan at mine-message online pero hindi kita makontak.

Alam mo ba ang sakit n'on? Na sa bawat pagsubok ko, pilit mong pinararamdam na wala lang sa iyo ang lahat. Na wala pala talaga akong halaga sa iyo. Sa palagay ko naman ay karapatan kong malaman kung bakit nasira tayo at bigla mo na lang akong isinantabi.

Tinapon mo ako nang basta-basta.

Hindi ko alam kung bakit tinapon mo ang halos walong taon natin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin, may pagkukulang ba ako? Anong meron siya na hindi ko maibigay? May hindi ba ako magawa? May naging kasalanan ba ako?

Nalilito pa rin ako. And for once, I just wanted you to make things clear with me. Kung hindi para sa iyo, sana binigay mo na lang sa akin.

Kahit isang beses lang, Cinni.

Alam mo ba, ang sakit n'ong iniwan mo 'ko. Sobra. Tinapon mo ang walong taon sa tatlong buwan.

You threw me away. You discarded me. Parang mas malala pa sa basura ang naramdaman at nararamdaman ko ngayon. May mga nagawa ako na lubos kong pinagsisisihan . . . lalo na sa pamilya ko. Nasaktan ko sila kahit hindi ko sinasadya.

At alam mo 'yung pinakamasakit? Nakalimutan ko rin ang sarili ko. Nakalimutan ko kung sino ako dahil nabulag ako sa sobra-sobrang pagmamahal ko sa iyo. Dahil ikaw ang naging mundo ko.

Don't get me wrong. You are . . . you were the best thing that ever happened to my life. Alam mo 'yan. Araw-araw kong sinasabi at pinararamdam sa 'yo 'yan. At alam mo na hindi ko alam kung ano ang 'love' until you came into my life.

You made everything a hundred times better.

You made my life brighter, lighter, and happier.

I just wished that you gave me the heads up that you would also be the cause of my ruin. Na ikaw rin talaga ang may kakayahan na durugin ang puso ko nang ganito.

At ngayon, gusto kong mabuo akong muli. Gusto kong makahinga muli nang maayos. Gusto kong maging masaya na muli.

Ang hirap din kasi na umasa sa bagay na pilit mong pinagkakait sa akin.

Galit ako sa 'yo . . . at hindi ko maipaliwanag sa salita lamang kung gaano ako nagalit sa mga ginawa mo. Sana sinabihan mo ako agad sa mangyayari. Sana binalaan mo ako na iiwan mo rin ako para nakapaghanda ako. Sana binigyan mo man lang ako ng memo kung ano ang dapat kong i-expect sa mga darating na minuto, oras, araw, linggo at ngayon . . . ilang buwan na.

Pero hindi, e. You decided to pretend with me and mask your unfaithfulness. You decided to leave me and go with that guy in the end.

Hindi ba, ginawa ko naman ang lahat? Hindi ba, naging isang loyal boyfriend naman ako sa 'yo? Ni minsan hindi ako nagloko sa 'yo dahil gusto kong ibigay ang mundo sa paraan na alam ko.

At kahit hindi ako gusto ng mga magulang mo para sa 'yo, ikaw ang sinunod ko dahil gusto kitang makasama. And you know I had been patiently waiting for that chance na makausap silang muli at ipakita na tama ang naging desisyon natin na magsama. Na tama ang desisyon mo na pinili ako. At umasa ako na darating ang panahon na matatanggap nila ako nang buong-buo. Pero hanggang sa iwan mo 'ko, mukhang hindi pa rin nila ako gusto para sa 'yo.

Alam mo, naisip kong trial period mo lang ako.

Trial period that lasted for almost eight years. Tipong dahil paso na ang warranty, hinintay mo lang na hindi na talaga magamit pa, hanggang sa dumating na ang bago. You didn't have second thoughts when you walked out the door—out of my life.

I don't know if he's someone better than me. I guess he would be since you chose him over me—over us.

I knew I fucked up.

I fucked up because I gave you everything and left myself with nothing. I fucked up because I waited to see if things would get better . . . if you were going to return to my side. I fucked up because I was trying so hard to think and imagine how I could be the man you would want to forever be by your side.

And all this waiting is completely and irrevocably fucked up. And I didn't want to continue doing the same old shit of waiting for you.

Sorry for all the swear words, pero gusto ko na talagang ilabas. Gusto kong makapagsimulang muli at tanggalin lahat ng bigat at sakit dito sa puso ko.

Cinni, I wanted to hate you. I really do. But in the end, I could never do it. May sama man ako ng loob, hindi sapat iyon para tabunan ang pagmamahal ko para sa iyo.

I wanted to hate you . . . but I love you too much. And I would be a complete liar if I said that I've forgotten about you. Kasi everywhere I go, whatever I do, ikaw ang naaalala ko.

Matatalo ko pa nga yata lahat ng napanood nating movies. Lahat ng iniyak mo sa bisig ko, lahat ng tawa at kilig mo habang yakap ako . . . walang sinabi sa sakit na naramdaman ko. Because a big part of my life had you in it.

Gusto ko nga isipin na iyo 'yung 'calm before the storm.' Pero grabe ang tagal ng bagyo na 'to. Gusto ko na lang ulit maramdaman ang mga season kahit na nasa Pilipinas tayo.

But I guess you don't feel the same love towards me. Kasi kung mahal o minahal mo 'ko, hindi mo ako iiwan o sasaktan. But you did both.

I wonder if I should say, "Well done." You really did great, Cinni. You did a fantastic job of hurting me.

And because I wanted to properly bury everything that we had, I wanted to apologize for all my shortcomings. Kung ano man, patawarin mo sana ako.

I guess, tama 'yung sabi-sabi na dapat hindi natin pina-tattoo ang pangalan ng isa't isa kung gusto nating maging end game. That was our mistake. We had three.

Hindi tayo naniwala, e. At noong ma-realize natin 'to, huli na ang lahat. Wala na ang 'tayo.'

Sana masaya ka at naging tama ang desisyon mo na iwan ako. Sana tama ang naging desisyon mo na maghiwalay tayo sa ganitong paraan.

Sana kapag nagkita tayo, okay na rin ako. At kahit na ano'ng mangyari at kahit na ano pa ang sabihin ng iba, please, never forget that I loved you wholeheartedly. Higit pa sa buhay ko.

Loving you for one last time,

Chase

***

Sandaling natahimik si Cinni para unti-unting ma-digest ang email na galing kay Chase. Marami siyang gustong sagutin sa mga sinabi nito, marami siyang gustong sabihin, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Cinni?" kuha ni Tres sa atensyon niya. "Manganganak ka na ba? Dali na, para birthday niya, Valentine's."

Iyak-tawa si Cinni na tumingala at humalakhak dahil sa kalokohan ni Tres. Masakit ang dibdib niya sa bawat salitang binitiwan ni Chase dahil naalala niya ang kagaguhang ginawa niya rito at paulit-ulit niyang iniiisip na sana ay maayos na ang lagay nito.

"May na-receive kasi akong email galing sa ex-boyfriend ko." Humikbi si Cinni. "Parang matagal na niyang na-send, parang application na naka-schedule ngayong araw. Ninth anniversary kasi dapat namin, e."

Naupo si Tres sa pang-isahang sofa at tahimik lang na nakikinig sa kaniya.

"Ang dami kong gustong sabihin, pero ayaw ko nang sumagot. Alam kong masaya na siya ngayon at ayaw ko nang pumasok sa buhay niya ulit. Ayaw ko nang guluhin siya." Tumulo ang luha niya kasabay ng paghinga nang malalim. "Kasalanan ko lahat, e."

Tumango si Tres at umiling. "Sa kuwento mo sa akin kung paano kayo nagsimula ni Alper at paano kayo nagtapos ni Chase, kasalanan mo talaga. It was all your fault. Cheating was a choice, Cinni, and I'm glad that you acknowledged your mistake. Kung sa tingin mo ayaw mong sumagot, then don't. Delete the email and move forward."

Pinunasan ni Cinni ang pisngi at muling natawa. "Bakit kapag serious na 'yung conversation, nagiging conyo ka?" pagbibiro niya.

"Cinni." Tres gave her a faint smile. "Ano ba sa tingin mo ang gusto mong gawin ngayon? Are you gonna answer the email? Are you ready to answer the email?"

Umiling si Cinni. "Ayaw ko kasi baka masaya na siya at ayaw ko na talagang pumasok sa buhay niya. Eight years na 'yung ninakaw ko sa kaniya, isa na lang ang gusto ko, happiness din niya."

Tumango-tango si Tres. "But do you have anything to say to him? Sa email na 'yan may mga gusto ka bang sagutin?"

"Marami, e," ani Cinni. "Pero hindi na siguro."

"Ganito na lang. Why don't you write it?" suhestiyon ni Tres. "Or tell me whatever you wanna tell him. Hindi naman ako tsismoso, hindi ko ipararating kay Chase. Promise."

Tawang-tawa si Cinni nang itaas pa ni Tres ang kamay na para bang nanunumpa. Sinasabi nito na kung saan siya komportable ay iyon ang gawin niya.

"Tinanong niya kung kumusta ako at kung masaya ba ako." Pinunasan ni Cinni ang luha. "Masaya na ulit. Magkakaroon na ako ng bulinggit na hindi ko inasahang magugustuhan ko, e."

"Tatahimik lang ako. Magsalita ka lang." Tres sat comfortably.

"Gusto kong humingi ng sorry at hindi ako maninisi ng ibang tao o hindi ko ipapasok ang ibang sitwasyon sa paghingi ko ng sorry. Sorry should be enough and I won't prove anything just to justify what I did.

"I didn't change my mind because you deserved better. Nagulat ako sa email na 'to dahil hindi ko inaasahang makakatanggap pa ako, pero thank you. Thank you for letting me know that I wasted someone like you.

"Gusto kong humingi ng sorry dahil wala akong alam. Hindi ko alam na nagpupunta ka sa office, hindi ko alam na nandoon ka at noong minsang nakita kita," humikbi si Cinni, "no'ng makita kita ulit, nabugbog ako. Hindi kita sinisisi kasi kasalanan ko, pero bawat pasang nakuha ko noong mga panahong 'yun ay dahil pala sa pagsubok mong magkausap tayo.

Umayos ng upo si Tres at umiling. "Tama na, Cin."

"I'm sorry for hurting you. I'm sorry for being the reason for your downfall. I'm sorry that I left. I was stupid, I was manipulated, I was played, I was betrayed, and I will forever pay for it. Hurting you, Chase, was my biggest regret and I only wish you one thing—healing."

Yumuko si Tres at walang sinabing kahit na ano.

"Alam mo bang may tattoo kami?" Ngumiti si Cinni kay Tres. "At sa tuwing may mangyayari sa amin ni Alper, sa tuwing makikita niya ang tattoo na kumokonekta kay Chase, nasasaktan niya ako. Sa tuwing ginagalaw niya ako at nakikita niya ang marka ni Chase sa akin," sandali siyang tumigil, "akala ko palagi, mamamatay na ako. I remembered being so happy while having those tattoos."

"Mahal mo pa ba si Chase?" tanong ni Tres.

Cinni warmly smiled and caressed her belly. "He will always be a part of me. I once loved him, so much, actually. Ako nga ang nanligaw sa kaniya, e. My carelessness led us here. I loved him, that was it."

"Then why did you cheat on him?" Tres asked. "Sorry for the term, but why?"

Humikbi si Cinni. Tatayo na sana siya nang maramdaman ang pananakit ng puson niya. Ramdam niya ang pagguhit niyon sa buong katawan niya.

Naririnig niyang mayroong kausap si Tres, pero para na siyang nabibingi dahil sunod-sunod na ang sakit na nararamdaman niya. Naramdaman din niya na parang may likidong lumalabas.

Pinilit ni Cinni na tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto. Naka-ready na roon ang bag. Sumunod sa kaniya si Tres na kumuha ng damit na pamalit niya at ito pa ang nagpalit ng T-shirt.

"Hindi ko talaga alam kung suwerte ba akong nandito ka o malas kasi nakita mo dede ko." Ngumuso si Cinni.

Umiling si Tres. "Puro ka kalokohan. For your information, nag-med school ako, pero tinamad ako kaya ayaw ko na. Bilisan na natin. Sabi sa 'yo, e. Balentayms baby itong inaanak ko."

Sa kotse, nanginginig ang baba ni Cinni dahil sa sakit. Papunta na sila sa ospital at papunta na rin daw roon ang ate ni Tres na OB-GYNE niya.

"Kaya pa, bestie?" kalmadong tanong ni Tres habang nagmamaneho. "Binibilisan ko naman, pero kausapin mo muna si baby na wait lang. Ako na nga!"

Nilingon ni Cinni si Tres.

"Baby, tito-ninong 'to. Chill ka muna riyan. 'Wag ka muna lalabas, wait na wait lang." Kalmado ang pagkakasabi nito, pero tawang-tawa si Cinni. "'Wag ka tumawa, gagi. Baka mapaanak ka sa kotse ko. Babayaran mo car wash nito!"

Imbes na indain ang sakit, malakas na natawa si Cinni. Panay ang haplos niya sa tiyan niya habang mahinang kumakanta para hindi masyadong maramdaman ang sakit.

"May naisip ka na bang pangalan?" tanong ni Tres. "Dapat maganda!"

Tumango si Cinni. "Meron na. Malapit lang din sa pangalan ko."

"Hulaan ko." Ngumisi si Tres. "Cinno tapos second name niya, Kah with H."

"Gagi ka!" Umiling si Cinni.

"So, ano nga?" muling tanong ni Tres.

"Cinna. Cinna Eloise."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys