Chapter 19: Christmas

Nanginginig ang kamay ni Cinni habang nakaupo sa opisina ng kapatid ni Shara—ang OB-GYNE niya. Kung OB ito, pedia naman ang kapatid nitong nagngangalang Zia.

"Gusto mo bang tumawag kami ng pulis?" tanong ni Zia at inabutan ng tubig si Cinni.

Umiling si Cinni. "Huwag na po. Ayaw ko po siyang makulong kasi siya lang po ang breadwinner sa family niya, pero gusto ko pong lumayo."

Nakakunot ang noo ni Zia habang nakatingin kay Cinni at pilit na sinasabing dapat pagbayaran ni Alper mga pasang nakita sa leeg niya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin, aware ako sa concealer na nasa mukha mo. Kailangan niyang pagbaya—"

"Hindi po puwede." Umiling si Cinni. Inalala niya ang mama ni Alper pati na ang mga kapatid nitong nag-aaral pa. "Hindi po puwede kasi walang ibang aasahan ang family niya."

Huminga nang malalim si Zia at hinaplos ang buhok ni Cinni. Wala na itong pasyente dahil maagang nag-cut off ang clinic lalo na at bisperas ng Pasko. Nanatili silang tahimik sa loob ng clinic nito.

Nag-angat ng tingin si Cinni at bumagsak ang luha kahit na hindi niya sinasadya. "Puwede po bang paglabas ng baby ko, ikaw na lang din ang doctor niya? Ang ganda kasi ng clinic mo."

Mahinang natawa si Zia habang nakatingin sa kaniya. Nakasuot ito ng puting robe, nakaipit nang mahigpit buhok, at maamo ang mukha nito.

"Saka ang ganda mo po, magugustuhan ka for sure ng baby ko," ani Cinni.

Pinipilit lang niya ang sariling maging positibo kahit na sumasabog na ang dibdib niya sa kaba. Ano mang oras, dadating na si Alper at hindi alam ni Cinni kung ano ang sasabihin ni Shara, ang OB-GYNE niya, kay Alper bilang excuse kung nasaan siya.

Nakaupo si Cinni sa malambot na sofa at nakayukong nilalaro ang kuko niya. Tumabi naman si Zia at narinig niya ang paghinga nito nang malalim.

"You're aware na kailangan namin itong i-report, 'di ba?"

Sinalubong ni Cinni ang tingin ni Zia. "Please po," pagmamakaawa niya habang iniisip ang mga kapatid ni Alper. "Gusto ko na lang din pong makaalis kami ni baby sa kaniya, pero ayaw kong madamay po sina Tita."

Umiling si Zia at panay ang buntonghininga. Hawak nito ang phone at mukhang mayroong kausap sa chat. Tahimik lang din si Cinni dahil iniisp na niya ang gagawin pag-alis sa clinic. Iniisip din niya na sana ay bumenta kay Alper ang kung ano man ang sinabi ni Shara.

"What's your plan?" tanong ni Zia. "Ayaw kong magmukhang pakialamera, but what's your plan? Ayaw kong aalis ka rito sa clinic nang walang concrete plan."

Ilang beses na munang huminga nang malalim si Cinni. Hindi niya alam kung naiinis na ba sa kaniya si Zia, pero inisip na lang din niyang may care ito sa kaniya.

"Balak ko pong puntahan ang friend ko." Si Keith ang tinutukoy niya. "Baka sa kaniya po ako humingi ng tulog. Kapag hindi po niya ako tinanggap, sa parents ko siguro."

"In short, you don't have a solid plan. May cash ka ba? Paano ka kung hindi ka nila tanggapin?"

Natahimik si Cinni sa sinabi ni Zia.

"Anyway, kung ano man ang nasa plano mo, call me." Inabot nito ang isang calling card na mayroong pangalan, number, at pati na ang address ng clinic. "Uulitin ko, Cinni. Call me. Hindi ka nag-iisa rito. If you need someone to help you with the case, our mom's a lawyer, puwede ka niyang tulungan."

Bumagsak ang luha ni Cinni sa hawak na calling card. Nagsulat lang naman siya sa maternity book niya na kailangan niya ng tulong para mabasa iyon ng OB. Isinulat niyang sinaktan siya ni Alper at nakita kaagad nito iyon sa leeg niya.

Natatakpan ng concealer ang pasa, ng buhok ang pamamaga, pero aware ng mga doctor kapag mayroong mali.

Ilang minuto ang lumipas nang pumasok si Shara sa loob ng clinic ni Zia. Nag-usap ang dalawa at tahimik na nakikinig si Cinni sa dalawa nang tumingin ito sa kaniya.

"Sinabi ko sa kaniya na sabi mo, magsi-CR ka lang, pero hindi ka na bumalik at naiwan mo ang note sa upuan na isinulat mo kanina," ani Shara. "Cinni, we can call the police. Puwede kang mag-file—"

Umiling si Zia at nakita iyon ni Cinni. "She doesn't want to," anito at tumingin sa kaniya. "But I told her na kapag kailangan niya, we can help. Mo—"

Tumingin silang lahat sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang isang lalaking nakakunot ang noo. "Ano ba kasing meron?" tanong nito sa dalawang doctor. "Anong urgent?"

"I need a favor," sabi ni Shara at tumingin kay Cinni. "She's my patient and she needs help."

Nagsalubong ang tingin ni Cinni at ng lalaki. Kaagad na kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kaniya.

"Bakit maga 'yang leeg mo?" tanong nito. "Kilala ko siya. Nakita ko na siya rito last time and naisakay ko na siya sa Grab."

Nagkatinginan sina Shara at Zia habang nakatingin sa bunsong kapatid nila na naniningkit ang mga matang nakatitig kay Cinni.

"Okay." Lumapit si Shara kay Cinni. "This is Cinni and she's my patient. Cinni, this is Tres and he's our brother. Tinawagan ko siya para tulungan ka naman na ihatid kung saan mo gustong magpahatid."

Tumango si Cinni at tiningnan si Tres. "Magbabayad po ako, Kuya."

Nag-iwas ito ng tingin at kinausap ang mga kapatid sa kung ano ba ang sitwasyon. Nahihiya si Cinni na mayroong tatlong taong nakaaalam ng nangyari sa kaniya, pero kung ito ang makatutulong sa kaniya, isasantabi niya lahat ng hiya.

"Tinawagan ko si Amy." Tinutukoy nito ang secretary. "Wala na raw si Alper kahit sa mismong parking sabi ng guard. But I would suggest na sa likod na lang kayo dumaan."

"Sakto naman. Sa likod ako nag-park," sagot ni Tres at ibinalik ang tingin kay Cinni. "Sabihin mo na lang kung saan tayo, ma'am. Doon na lang kita ihahatid."

Maingat na tumayo si Cinni at hinaplos ang tiyan. Hinarap niya si Shara na humawak sa braso niya. "Thank you po talaga."

"Wala 'yun. Sandali, meron lang akong kukunin sa clinic ko. Hintayin ninyo ako rito," anito at nagmamadaling umalis.

"Ikaw, kapag ready ka na, we can help you." Lumapit sa kaniya si Zia at hinaplos ang tiyan niya. "And yes, ako ang magiging pedia ni baby kaya ayusin mo, Cinni. Kapag ikaw bumalik ka pa roon, nako."

Mahinang natawa si Cinni at umiling. "Hindi na po. Thank you po ulit and M-Merry Christmas po sa inyo."

"Sa 'yo rin. Kumain ka ng mga healthy food para medyo mag-gain ka. Sabi ni Ate Sha, medyo underweight ka. Para naman sa inyo 'yun ni baby, okay?" Ngumiti si Zia at hinarap si Tres. "Ikaw na ang bahala."

"Yes, Ate," sagot ni Tres at nanatili itong nakasandal sa pader habang nakatingin kay Cinni.

Hinintay nila si Shara na mayroong dalang maliit na bag. "Naglagay ako riyan ng ice pack. Apply mo sa leeg mo nang ten to twenty minutes para mawala ang pamamaga. Puwede ka ring uminom ng paracetamol kung may pain."

"Thank you po." Yumuko si Cinni habang nakatingin sa bag.

"Naglagay rin ako ng ointment para sa sugat mo sa kilay at sa gilid ng lips. Please, Cinni, huwag ka nang babalik. Take good care of yourself and the baby," paalala ni Shara. "If anything goes wrong, let us know."

Panay ang tango ni Cinni at hindi niya sinasadyang yakapin si Shara. Kahit na nahihiya, wala na siyang pakialam. Panay ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sa tulong sa kaniya.

Sa likod ng clinic dumaan si Cinni at Tres. Tahimik silang naglakad at si Tres na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse para makapasok si Cinni.

Sa passenger's side naupo si Cinni at hinintay si Tres na kausap ulit ng ate nito. Dala niya ang wallet niya kung saan cards lang at ilang cash ang nandoon.

Pagpasok ni Tres sa sasakyan, kaagad nitong binuhay ang makina at nakatodo pa ang aircon nang makita nito ang pagtulo ng pawis sa noo niya.

"Before anything, gusto kong formal na magpakilala. I'm Zachariah Alcantara the third kaya Tres ang nickname ko." Inilahad nito ang kamay. "Nice to meet you?"

"Cinni Romero." Tinanggap niya ang pakikipagkamay. "Pasensya na ikaw ang tinawagan nila. Kung naaalala mo 'yung condo kung saan mo ako nakita noon, kahit doon na lang siguro."

Tumango si Tres at pinaandar ang sasakyan.

Tahimik na nakatingin si Cinni sa bintana at iniisip na sana ay tanggapin siya ni Keith, kung nakaalis na ba si Alper sa area, at kung paano na siya sa mga susunod na araw.

"I don't mean to pry," basag ni Tres sa katahimikan at dahilan para salubungin ni Cinni ang tingin nito. "What's your plan if this fails?"

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Cinni.

Nakatigil sila sa stoplight. Tumagilid si Tres at tumingin sa kaniya. "Sinabi sa akin ni Ate Zia na wala kang plano kung sakali mang hindi mag-push itong plans mo. So, what's the next move?"

"B-Bakit kailangan mong malaman?" Nakagat ni Cinni ang ibabang labi. "Basta bababa na lang ako sa condo, okay na 'yun."

Umiling si Tres at umayos nang pagkakaupo. "Not good enough. You need a solid plan. Naalala ko noong unang beses kang sumakay rito sa kotse ko, umiiyak ka pagkagaling sa condo na 'yun and you had red cheek. Clearly, hindi maganda ang nangyari noong araw na 'yun. So, ano ang next kung sakali mang maulit ang nangyari noon?"

"Iwan mo lang ako roon, okay na 'yun. Ako na ang bahala sa next move ko." Mahinahon ang pagkakasabi ni Cinni at ibinalik ang tingin sa bintana.

Muling umandar ang sasakayan at namayani ang katahimikan sa loob. Walang gustong sabihin si Cinni at ipinagpasalamat na tahimik na rin si Tres.

Pagdating sa condo building ni Keith, akala ni Cinni ay ibababa siya ni Tres sa main entrance ng condo ngunit nag-park ito sa mismong harapan at sinabing sasamahan muna siya.

"Uy, seryoso, okay na ako," paniniguro ni Cinni.

"You're not." Tres gave her a faint smile. "Such a bad liar."

Nakapamulsang naglakad si Tres at nauna pa nga sa kaniya. Kinausap nito sandali ang guard at nilingon siya na mabagal naglalakad dahil sa bigat na rin ng tiyan niya.

"Good afternoon po, Kuya." Nginitian ni Cinni ang guard. Bago na ito at hindi na ang dati niyang kabiruan noong mga panahong madalas siya kina Keith.

Kulay pula ang buong receiving area ng condo building dahil bisperas na nga ng Pasko. Pati tugtugan ay puro kanta na ni Jose Mari Chan na madalas sa hotels at malls.

Muling tiningnan ni Cinni si Tres na naglalakad kasabay niya. "Okay na ako rito."

"Hangga't hindi ko nakikitang kasama mo 'yung friend mo, hindi ako aalis. My sisters trusted me so I hope you get it," anito at sumabay sa kaniya.

Hinintay ni Cinni ang turn niya dahil may kausap pa ang receptionist. Kaagad itong ngumiti nang makita at makilala siya.

"Ang tagal mong hindi nagpunta rito, ma'am!" nakangiting sabi nito ngunit kaagad na nalungkot ang mukha. "Pero wala kasing tao ngayon sa unit ni Ma'am Keith. Umalis po sila noong isang araw pa at mukhang hindi magce-celebrate ng Pasko po rito kasi maraming dalang maleta."

Tipid na ngumiti si Cinni. "Ay, ganoon ba? Thank you, miss, ha?" Tumalikod siya at mabagal na lumayo sa lobby palabas ng building.

Ramdam niya ang presensya ni Tres mula sa likuran, pero nanatili itong tahimik. Hindi alam ni Cinni kung saan siya pupunta kaya naman hinarap niya ang binata.

"P-Puwede ba akong makigamit ng phone sandali?"

"Sa kotse na muna tayo. Mainit." Pinindot ni Tres ang hawak na remote. "Doon na muna tayo hangga't hindi ka nakakapag-isip kung saan ka."

Sumunod si Cinni sa loob ng kotse at kaagad namang inabot ni Tres sa kaniya ang phone nito. Sinubukan niyang tawagan ang landline sa bahay ng parents niya. Ilang ring na, walang sumasagot.

Paulit-ulit niya iyong ginawa. Apat na beses, limang beses, hanggang sa siya na mismo ang sumuko at hinarap na lang ang bintana.

Wala siyang pupuntahan.

Wala siyang makakasama.

Wala na siyang puwedeng tawagan.

Ibinalik ni Cinni ang phone kay Tres at tipid na ngumiti. "Walang sumasagot, e. Siguro ihatid mo na lang ako sa isang hotel na medyo malapit. Doon na muna ako magpapalipas ng oras."

"Wala ka bang ibang puwedeng puntahan?" diretsong tanong ni Tres. "Other friends?"

"Meron naman akong puwedeng puntahan." Mahinang natawa si Cinni. "Kaso babalikan ko 'yung tinakasan ko kaya sa hotel na lang siguro ako."

Muling umandar ang kotse at muling namayani ang katahimkan sa kotse. Hawak ni Cinni ang tiyan niya habang pinakikinggan ang kanta at sinabayan iyon.

"Time won't flow, everyone knows, when the pain fades away." Naramdaman ni Cinni ang pag-iinit ng mga mata niya. "You've got to hold your head up high . . ."

Paikot-ikot sila sa area at mukhang hindi napapansin ni Cinni iyon na nakahiga ang ulo sa pinto ng kotse. Madilim na, pero hindi rin naman siya pinahihinto ni Cinni.

Tahimik itong nakatingin sa kawalan habang umiikot sila sa area.

Hindi alam ni Tres kung saan niya dadalhin ang dalaga na panay ang patunog ng mga daliri hanggang sa bigla na lang itong nakatulog.

Nakuwento kay Tres ng mga ate niya ang nangyari bago sila tuluyang umalis ni Cinni at pilit niyang inintindi kung ano ang gagawin.

Bahagyang nilingon ni Tres si Cinni na mahimbing na natutulog kaya hininaan niya ang aircon dahil wala naman siyang dalang jacket o puwedeng ipantakip.

"Wrong timing ka naman," bulong ni Tres at mahinang natawa. "Saan kita dadalhin?"

Walang sasagot dahil mahimbing na natutulog ang buntis niyang pasahero. At dahil nakatagilid ito, kita niya ang pasa sa leeg nito na unti-unti nang lumalabas. Mayroon lang palang nakatakip na makeup at kung ano ang magang nakita niya, wala pa sa totoong kulay at marka.

Nakita na niya ang boyfriend ni Cinni noon sa clinic noong muli silang magkita. May katangkaran din ito tulad niya.

"How can you hit this woman?" Tres murmured to himself as he stared at Cinni.

Nagising si Cinni nang maramdamang nakahinto ang sasakyan. Napatingin siya sa orasan at nagulat na almost ten na. Nilingon niya si Tres na kumakain ng burger galing sa isang fast-food at kumalam ang sikmura niya dahil doon.

"Sorry."

Lumingon si Tres at mahinang natawa. "Okay lang. Nag-stop muna ako rito sa tapat ng KFC kasi nagutom na ako. Binilhan kita ng meal, hindi ko alam kung ano'ng gusto mo."

Hindi nakapagsalita si Cinni.

Inabot ni Tres ang plastic sa kaniya at nagulat sa dami ng laman.

"What?" Tres chuckled. "Hindi ko alam kung ano'ng gusto mo so I bought meals I thought you'd like. You're eating for two so I bought four. Just in case."

Mahinang natawa si Cinni. Mainit pa ang mga pagkain kaya mukhang kabibili lang din nito. "Thank you."

"Welcome." Ngumiti si Tres. "Mukhang sa daan na tayo aabutan ng pasko. So I guess, we'll be eating KFC for noche buena."

Nakaramdam ng hiya si Cinni at nakayukong inilalabas ang pagkain. "Kung may malapit na hotel, bababa na ako para makauwi ka sa family mo para sa Pasko."

"What?" Tres shook his head. "Hindi na. Okay lang. Wala naman ang parents ko dahil sa probinsya sila nakatira at may kaniya-kaniya namang pamilya ang ate ko. Kaya ngayon, ikaw ang kasama kong sasalubong sa Pasko."

Nilingon ni Cinni si Tres.

"Alam mo, nakita ko 'yung pasa mo sa leeg. Inisip ko bigla, ba't ka binugbog ng ex mo? 'Di ba niya nakikita na mukha kang butete? Ang payat mo na ang laki ng tiyan."

"Hoy!" Nanlaki ang mga mata ni Cinni. "Makapang-asar naman! Close tayo?"

Tres looked at her, paused with a serious face, and they laughed in sync. Pati ang tono ng tawa nila, nag-match pa.

"Pero totoo naman, mukha akong butete." Kumagat si Cinni ng burget na hawak. "Merry Christmas, Tres. Salamat sa burger."

"Merry Christmas." Inangat ni Tres ang baso ng coke. "Cheers nga!" 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys