Chapter 17: Change
Buong magdamag gising si Cinni at hinihintay na magising si Alper. Gusto niya itong makausap tungkol sa magiging desisyon niya. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob alang-alang na lang sa anak niya.
Alam ni Cinni na wala nang mawawala sa kaniya. She had nothing except for the baby inside her.
There were lots of times she wanted to run back to Chase, maraming-marami, pero hindi niya ginawa. She already ruined the man's life. She already wasted his time and running back to him wouldn't be ideal.
A part of Cinni knew Chase would have her back, but she also knew that Chase deserved better than her.
After all the things she did to him, Cinni knew that Chase deserved to be with someone who wouldn't even dare question anything about him or hurt him.
Humikbi si Cinni, pero kaagad niyang tinakpan ang bibig. Magigising na si Alper anumang oras at hindi niya alam kung ano magiging pakikitungo nito sa kaniya.
Hinaplos niya ang tiyan at inisip na sana ay huwag siyang sasaktan physically to the point na maaapektuhan ang anak niya.
Sasabihin na rin niya kay Alper kung puwede bang umalis na lang siya sa puder nito tutal, stable naman ang trabaho niya. Naisip din niyang subukan kung tatanggapin na ba siya ng mga magulang niya sa pagkakataong iyon.
Maliwanag na nang maisipan ni Cinni na bumaba para magluto ng almusal. Hindi naman siya inaantok at naka-on lang ang laptop niya na nakapatong sa dining table.
Inilabas niya mula sa ref ang bagong kanin at gusto niyang magluto ng sinangag. Bigla siyang nag-crave. Kabibili lang din niya ng tapa at naisipan niyang maghiwa ng kamatis para sa sawsawang may patis.
Habang hinahalo ang niluluto, narinig ni Cinni ang mga yabag mula sa hagdan. Inisip niyang mama iyon ni Alper dahil malamang na aalis ulit para pumunta sa palengke.
"Ang aga-aga, Cinni."
Lumingon si Cinni at nakita si Alper na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya.
"Maaga ka gumising?" tanong ni Alper. Malamig ang pagkakasabi nito at walang emosyon.
"H-Hindi pa ako natutulog," pag-amin ni Cinni. "Malapit nang maluto 'tong sinangag. Maaga pa, pero gusto mo na bang kumain?"
Hindi sumagot si Alper na pumasok sa bathroom. Nagpatuloy naman si Cinni sa ginagawa at paminsan-minsang nakatingin sa laptop para basahin ang messages ng boss niya.
Inayos niya ang lamesa at naghain ng pandalawahan. Nagtimpla siya ng kape para kay Alper at gatas naman na pangbuntis ang para sa kaniya.
Nakakunot ang noo ni Alper na lumabas ng bathroom at nakatingin sa kaniya.
"Kain tayo," aya ni Cinni. "M-May gusto ka bang kainin?"
Walang sagot si Alper na dumiretso sa ref para kumuha ng tubig bago sumunod kay Cinni sa dining area. Tahimik pa rin ito at habang sumasandok ng sariling kanin ay isinunod ang sa pinggan niya.
Naghintay si Cinni ng kahit na ano galing kay Alper, pero wala. Nagsimula itong kumain na para bang wala siya sa lamesa o kahit ano man lang.
Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor.
"Al?"
Walang sagot o kahit man lang reaksyon.
"A-Al?" kinakabahang bulong ni Cinni. "May sasabihin s—"
"May vitamins ka pa ba?" biglang tanong ni Alper nang hindi tumitingin sa kaniya. "May gatas? Ano pa'ng kailangan ni baby? O ikaw mismo?"
Napaisip si Cinni at inalala kung mayroon pa ba. "Meron pa naman akong gatas, kabibili lang natin noong isang araw. 'Yung vitamins ko, parang may pang isang linggo pa naman."
"Hmm," tipid na sagot ni Alper. "Gamit ni baby? Ano pa'ng kailangan?"
"S-So far, wala na." Lumunok si Cinni. "Al, may gusto sana akong sabihin."
Walang sagot, nagpatuloy sa pagkain si Alper na para bang hindi narinig ang sinabi niya. Hindi niya alam kung paano magsisimula, pero alam niyang kailangan na nilang mag-usap.
"Tungkol sa nangyari kagabi," mahinang sambit ni Cinni. "Gusto ko sanang humingi ng sorry tungkol sa nangyari kagabi. Sorry kasi hindi k-ko kayang suklia—"
"Ayaw kong pag-usapan 'yan," tugon naman ni Alper. "Wala akong balak pakingg—"
Hinawakan ni Cinni ang kamay ni Alper. "Please, pakinggan mo ako. Kahit ngayon lang, pakinggan mo ako. Nakikiusap ako sa 'yo. Kahit ngayon lang."
Nakayuko si Alper na nakatingin sa kamay nilang dalawa. Tahimik ito na hindi tumitingin sa kaniya.
"P-Puwede naman siguro tayo maging casual na lang para kay baby, 'di ba?" Mahina ang boses ni Cinni habang nakatingin kay Alper. "Puwede naman nating mapalaki si baby na . . . na kahit hindi tayo magkasama."
Nakita ni Cinni kung paanong gumalaw ang panga ni Alper sa sinabi niya.
"G-Gusto ko sanang umuwi na sa parents ko. Kung puwede lang sana. H-Hindi ko naman ipagdadamot sa 'yo si baby. Hindi ko naman siya ilalayo sa 'yo," pagpapatuloy ni Cinni. "P-Para lang—"
"Hindi ko kaya," bulong ni Alper at nag-angat ng tingin. "Hindi ka aalis dito. H-Hindi ako papayag na mawala kayo ng anak ko. Dito ka lang, magkasama tayo. Dito lang tayo." Binawi nito ang kamay.
Mahabang katahimikan mula kay Cinni dahil pilit niyang pinoproseso ang sinabi ni Alper. May awtoridad iyon at ang bawat salita ay hindi nangungusap kundi nagdedesisyon patungkol sa sinabi niya.
"Wala nang ibang tatanggap sa 'yo," dagdag ni Alper. "Dito ka lang. Dito lang kayo ng anak ko."
Parang paulit-ulit na sinaksak ang puso ni Cinni sa unang sinabi ni Alper at nag-overflow sa isip niya lahat ng natanggap simula nang mangyari ang lahat sa kanila ni Chase.
Nagpatuloy si Cinni sa pagkain, pero hindi maalis sa isip niyang tama ito. Ang mismong mga magulang niya ay halos itawil at itaboy siya dahil sa nangyari. Si Keith din ay ayaw na siyang makita.
Paulit-ulit ding pumasok sa isip niya kung kakayanin ba niyang mag-isa at nangibabaw ang takot na baka may mangyari sa kaniya at sa sanggol sa sinapupunan niya.
Tipid na ngumiti si Cinni. Na-realize niyang tama si Alper. Hindi niya kaya ang mag-isa at hindi niya kakayanin. Hindi siya independent na tao. Noon pa man ay nakaasa na siya sa iba—emotionally and mentally.
Si Alper na lang ang tatanggap sa kaniya at iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya.
"Matulog ka na pagkatapos mong kumain," ani Alper. Mababa ang boses nito sa pagsasalita na hindi tumitingin sa kaniya. Nagpatuloy ito sa pagkain na parang wala siyang ibang sinabi.
Nag-iinit ang mga mata ni Cinni dahil gusto niyang umiyak, pero pigil na pigil dahil kaharap niya si Alper. She processed everything and Alper was right. She had nowhere to go.
But she would try again.
"Alp—"
Humampas ang kamay ni Alper sa lamesa na naging dahilan ng pagkakatapon ng kape at gatas. Nabasag pa nga ang baso ng gatas. Napaigtad si Cinni at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang braso kung sakali mang saktan siya ni Alper.
No words from Alper who stood up and made new milk for Cinni.
Cinni, on the other hand, started eating. Her hands were shaking and chose to not upset Alper even more.
Sa lakas ng pagkakahampas ni Alper at sa pagkabasag ng baso, nagising ang mga kapatid ni Alper pati na ang mama nito para i-check kung ano ba ang nangyayari sa kanila.
Ngumiti si Cinni sa tatlong taong nakatingin sa kanila. "K-Kain po tayo!" magiliw na pagbati niya. "N-Nagluto po ako ng beef tapa at sinangag."
Si April ang naghain para sabayan sila ni Alper. Si Aljohn naman ang naglinis ng basag na baso.
Tahimik ang lamesa habang kumakain silang lahat. Halos hindi malunok ni Cinni ang kinakain dahil parang mayroong sumasakal sa kaniya. Pinilit niyang inumin ang gatas bago tumayo nang hindi pa nauubos ang pagkain.
"Tapos ka na?" patagilid na tumingin si Alper. "Ubusin mo 'yan."
"Busog na ako." Pinilit ni Cinni ang ngumiti. "Inaantok na rin kasi kasi ako. Puwede ba akong umakyat na?"
Nagpasalamat naman ang lahat sa almusal na iniluto niya.
Pagpasok sa kuwarto, itinaas ni Cinni ang paa sa kama at minasahe iyon. Ramdam niya ang bigat ang puwersa ng tiyan niya at ang pagbabago ng timbang at mismong bulto ng katawan niya.
Bumukas ang pinto at nagtama ang tingin nila ni Alper na kaagad umiwas. Kinuha nito ang phone bago nahiga sa tabi niya at nagsimulang maglaro.
Nanatiling nakaupo si Cinni. "Pakikuha mo naman 'yung medyas sa closet."
"Bakit?" Nilingon siya ni Alper bago tumayo. "Giniginaw ka?"
Tumango si Cinni at inayos ang malaking T-shirt na suot. Gusto na rin niyang matulog at magpahinga. Walang napuntahan ang plano niyang kausapin si Alper at kahit na maraming scenario ang pumasok sa isip niya, wala siyang nasabi kahit na isa.
Si Alper na rin mismo ang nagsuot ng medyas kay Cinni at nang matapos, kaagad siyang nahiga at tinalikuran ito.
"Puwede ba ulit akong magtanong?" Pumikit si Cinni. Hindi sumagot si Alper, pero ramdam niya ang presensya nito. "Kahit walang kasiguraduhan, gugustuhin mo pa rin bang magkasama tayo?"
Walang sagot mula kay Alper kaya naman maingat na humarap si Cinni. Nakaupo si Alper sa kama at diretsong nakatingin sa kaniya.
Patagilid na bumagsak ang luha ni Cinni at nagmarka pa iyon sa unan. "Kahit na alam mong hindi ko masusuklian 'yung gusto mo, papayag ka pa rin o gusto mo pa rin na magkasama tayo?"
Nakita ni Cinni kung paanong gumalaw ang panga ni Alper habang nakatitig sa kaniya. "Nagbabalak ka bang umalis at ilayo sa akin ang anak ko?"
"H-Hindi sa ganoon. Bubuk—"
Naputol ang sasabihin ni Cinni nang tumayo at tumalikod si Alper na mukhang hindi interesado sa gusto niyang sabihin. Kinuha nito ang cellphone at nagsimulang manood.
"Please," bulong ni Cinni at mahinang humikbi. "Kausapin mo naman ako nang maayos. Pakinggan mo naman ako. Pakinggan mo naman 'yung sasabihin ko. Pakinggan mo naman 'yung gusto ko."
Pinatay ni Alper ang phone at ibinalik ang tingin kay Cinni. "Ano ba ang gusto mong mangyari?"
Maingat na bumangon si Cinni at naupo. Sumandal siya sa headboard ng kama katabi si Alper na nakayuko at hinihintay ang sasabihin niya. Marami siyang gustong sabihin, pero hindi alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano dahil sa takot.
"Natatakot ka ba sa akin?" tanong ni Alper.
Tumango si Cinni at hindi siya magsisinungaling sa parteng iyon. "Sa tuwing inaangat mo ang kamay mo, akala ko sasaktan mo ako. Sa tuwing humahawak ka sa akin, pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda. Sa tuwing lasing ka, sa tuwing galit ka dahil sa ibang tao, natatakot ako na ako ang pagbubuntunan mo."
Tahimik si Alper na nakayuko.
"Nandito ako kasi takot ako sa 'yo," pag-amin ni Cinni. "Hindi ako umaalis kasi natatakot akong mag-isa. Hindi ako sanay na mag-isa, pero ngayon kailangan ko nang tumayo sa sarili kong paa dahil hindi na ako mag-iisa. Hindi ako umaalis kasi natatakot akong mas saktan mo ako. Na baka saktan mo ang anak ko."
Nilingon siya ni Alper, pero walang sinabi kahit na ano. Nanatili itong nakatitig sa kaniya.
"Gusto kong gumising araw-araw nang hindi nag-iisip kung ano ang magiging pakikitungo mo sa akin, kung masasaktan ba ako o ano. Gusto kong mag—"
"Tama na." Tumayo si Alper. "Ibibigay ko kung ano 'yung gusto mo—katahimikan, pero hindi ka aalis sa bahay na 'to. Hindi mo ako makikita, pero hindi kayo aalis ng anak ko at hindi mo ilalayo ang anak ko. Dito ka lang."
Bumagsak ang luha ni Cinni habang nakatingin kay Alper. "Al, pakawalan mo na ako."
Tipid na ngumiti si Alper at yumuko para halikan siya sa noo. "Ayaw ko. Mahal kita, e. At saka . . . " gumapang ang kamay nito mula sa batok niya papunta sa leeg at mahigpit na humawak roon. "Kung takot ang tingin mong magiging rason para dito ka lang, iyon ang ibibigay ko sa 'yo."
Nanginig ang baba ni Cinni habang nakatingin sa mga mata ni Alper. Humalik ito sa pisngi niya bago tuluyang bumitiw.
"Dito ka lang, dito lang kayo ng anak natin," diin ni Alper bago lumabas ng pinto at malakas na isinara iyon.
Tulalang napatitig si Cinni sa pader at nagmalabis ang luhang pinigilan nang makalabas si Alper.
Bumalik sa pagkakahiga si Cinni at hinayaan ang sariling umiyak habang hinahaplos ang malaking tiyan. Umiiyak siya nang walang tigil hanggang sa makatulugan na lang.
—
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang pag-uusap nina Cinni at Alper, pero minsan lang silang nagkita. Madalas na hindi umuuwi si Alper o hindi naman kaya ay natutulog sa living area ng bahay.
Si April o ang mama ni Alper na lang ang nagsasabi sa kaniya. Sa tuwing natutulog siya, saka ito papasok sa kuwarto o uutusan ang kung sino man para kumuha ng gamit sa kuwarto nila.
Tinupad ni Alper ang sinabi nito sa kaniya na lalayo ito at hindi sila magkikita, pero hindi siya aalis sa puder nito.
Tuwing umaga, nagigising pa rin si Cinni na mayroong pagkain sa working table niya. Minsan vitamins, minsan gamit ng baby, pero mas madalas ang pagkain.
Sa kuwarto nila, nakalagay rin sa aparador ni Alper ang velvet box na mayroong singsing.
Bumaba si Cinni at naabutan si Alper na nakahiga sa sofa. Gising ito at nagtama ang mga mata nila bago ito umiwas at nanood lang ng TV. Alam niyang wala itong pasok kaya maghapong nasa bahay, pero hindi sila nagkikita. Late na rin itong umuuwi dahil minsan ay galing sa inuman.
Dumiretso si Cinni kusina at nakita ang bagong lutong misua na mayroong meatballs dahil ni-request niya iyon sa mama ni Alper.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Cinni kay Alper, pero hindi ito sumagot. "Kakain na ako ng lunch, sasabay ka ba?"
"Hindi."
Hindi na muling nagtanong si Cinni at naghain para sa sarili niya. Para sa kaniya, mabuti na rin na hindi sila nagkikita ni Alper. Unti-unting nagiging panatag ang lahat.
"Kailan checkup mo?" tanong ni Alper nang hindi siya nililingon. "Sabihan mo na lang ako. Ako ang sasama sa 'yo."
"Sa ilang linggo pa," sagot ni Cinni. "Kahit kay April na la—"
"Ako ang sasama sa 'yo," diin nito.
"S-Sige." Hinaplos ni Cinni ang dibdib kung nasaan ang puso nang makaramdam ng takot dahil sa taas ng boses ni Alper.
Ang akala niya, unti-unti na siyang nagiging maayos, pero kaunting pagtaas lang ng boses, may takot. May mga takot at trauma pa rin na hindi maaalis kahit hindi na nauulit. Nakakabit at nakadikit na iyon sa kaniya, pero hanggang kailan?
Alper changed drastically after the rejection.
Tatayo sana si Cinni para kumuha ng tubig nang matabig niya ang baso at nabasag iyon. Kaagad namang tumayo si Alper at lumapit sa kaniya. May galit sa mukha at tiningnan ang nagkalat na basag na baso sa sahig.
"Tangina, kailan ka mag-iingat?" tanong ni Alper habang nakatingin sa kaniya. "Kapag nawala na 'yung anak ko?"
"Hindi ko sinasadya."
"Tapos gugustuhin mong mag-isa?" Umiling si Alper. "Lakas ng loob mong sabihing bubukod ka. Ano, papatayin mo anak ko sa pagiging careless mo? Kung ayaw mo sa akin, 'wag mo idamay 'yung anak ko."
Nagsalubong ang kilay ni Cinni. "Al, hind—"
"Puwede ba, Cinni." Tumalikod si Alper. "'Wag 'yung anak ko dahil magkakalintikan talaga tayo."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top