Chapter 15: Capture
Pinakikinggan ni Cinni ang trainer nila habang nagdi-discuss ito sa harapan. Tapos na ang training at nakapasa silang lahat.
Madali lang naman ang mock call at hindi nahirapan si Cinni sa pag-solve ng case ng customer na nakausap. Isa pa, natural naman ang accent niya.
Cinni was able to solve the issue in five minutes. They were given twenty.
"Makikilala na raw natin 'yung magiging team leader natin," bulong ng katabi ni Cinni. "I heard magaling daw 'yun saka ang guwapo. Nakita mo na ba siya?"
Umiling si Cinni bilang sagot.
"Ang daming tattoo sa braso tapos medyo maangas. Nakasabay kasi nina Vic sa yosi no'ng isang araw kaya nakita ko rin," pagpapatuloy nito.
Muling tumango si Cinni, pero hindi nagsalita dahil pinakikinggan niya ang sinasabi ng trainer nila tungkol sa mga posibleng mangyari sa bagong team nila. Thirty silang bagong agent at halos lahat sila nakapasa. Gusto na niyang sabihin kay Chase ang tungkol doon at may usapan pa silang siya ang magluluto kapag nakapasa.
Nakaupo sa gitna si Cinni at yakap ang sarili dahil malamig ang aircon sa training room. Pumasok naman ang dalawang babae at nakipag-usap sa trainer nila kasunod ng isang lalaki.
May kahabaan ang buhok nito na naka-man bun. Itim ang T-shirt na suot, ripped jeans, at Converse na puti.
"Siya 'yung sinasabi ko," sabi ng katabi ni Cinni. "Ang angas, 'di ba? Grabe 'yan. Sabi nu'ng mga nakilala ko sa loob ng floor, hustler daw sa sales."
"Baka magaling naman kasi talaga," sagot naman ni Cinni.
Muli niyang itinuon ang pansin sa harapan. Nag-uusap ang mga ito bago humarap sa kanila.
"Guys, so . . . meet your team leader. This is Alper." Itinuro ang lalaking ngumiti at kumaway sa kanilang lahat.
"Magandang umaga," bati nito sa kanila. "Al na lang para hindi na masyadong mahaba. So, ako ang magiging lead ninyo at sana, makapagtrabaho tayo nang maayos."
Nagpalakpakan ang lahat.
"Alper John Lopez and I am twenty-seven. Since nineteen working na ako sa BPO dahil ito lang ang trabahong tumanggap sa akin noon. Kaya," ngumiti ito, "kaya sana, mag-enjoy kayo rito tulad ko."
Nakikinig si Cinni sa tips nito kapag working na sila sa loob ng floor lalo na pagdating sa sales nang magtama ang mga mata nila.
Hindi alam ni Cinni kung sa kaniya ba ito nakatingin o sa likuran niya, pero hindi siya nagpahalata. Baka ganoon lang talaga kapag nag-e-explain.
Mabait ang aura nito at palangiti. Kahit na mukhang suplado, maraming tattoo, at mukhang hindi approachable, magiliw naman itong nakikipag-usap sa kanilang lahat.
Pagkatapos ng mahabang explanation, nagpunta sila sa floor para ipakita kung saang area sila magtatrabaho. Nasa medyo dulo sila ng floor at malapit pa nga sa pader.
"Pinili ko talaga 'tong area na ito," pagmamalaki ni Alper. "Mamili na kayo kung saang cubicle kayo. Choose wisely dahil diyan na kayo."
Nag-unahan ang lahat ng ka-team niya na magpunta sa lugar na malayo sa team leader nila. Narinig ni Cinni na takot ang mga ito baka mapagalitan kapag narinig ang pagkakamali.
Nakatayo si Cinni na hinihintay kung saan may matitirang bakante at doon na lang siya uupo.
"Ano'ng pangalan mo ulit?" tanong ni Alper habang nakatingin sa kaniya.
"Cinni po, TL."
Tumango ito. "Sige na, maghanap ka na rin kung saan ka mag-i-stay. I-check mong mabuti 'yung phone at computer para kung may problema, mapaayos kaagad."
"Sige po, TL."
Na-timing pang sira ang computer na napunta kay Cinni at ang bakante lang ay sa tabi ni Alper mismo. Ito ang nag-guide sa kaniya at ipinakita sa kaniya lahat ng tools.
Sa unang call ni Cinni, nagustuhan ng customer na kausap niya ang service. Isa pa, nakakuha kaagad siya ng sales kaya pumalakpak ang buong team lalo na si Al.
"Good job!" Malapad ang ngiti ni Alper habang nakatingin sa kaniya. "Maganda 'yung pag-handle mo rin sa problem ni customer."
"Thank you po, TL."
"No problem. To more positive reviews from customers, Cin."
—
Bahagyang nilingon ni Cinni si Alper nang hawakan nito ang kamay niya. Ang isang kamay naman ay nasa manibela.
Pauwi sila pagkatapos dumaan sa isang pastry shop para bumili ng cake.
Kita ni Cinni ang tuwa sa mukha at aura ni Alper na para bang gusto nitong ipagsigawan sa lahat na babae ang anak nila at nakita nito ang anak.
Nilingon niya ang bintana habang hinahaplos ang tiyan. Gusto niyang sabihin kay Keith na babae ang anak niya, pero wala silang communication at hindi niya alam kung makikinig ito sa kaniya.
Walang idea si Cinni sa gustong sabihin o itanong ni Alper, pero nakararamdam siya ng kaba sa kung ano man iyon. Panay ang laro niya sa kuko dahil bumibilis ang tibok ng puso niya, pero ayaw niyang iparamdam iyon kay Alper.
"Nakaisip ka na ba ng pangalan ni baby?" basag ni Alper sa katahimikan. "Kapag meron na, sabihan mo ako, ha?"
"Sige. Pero ikaw, meron ka bang gustong pangalan?" tanong ni Cinni.
"Wala pa akong naiisip, pero gusto ko na ikaw ang mamili. Mas maganda kalalabasan, sure ako." Ngumiti si Alper at pinagsaklop ang kamay nilang dalawa.
Hindi na sumagot si Cinni at ibinalik ang tingin sa kawalan.
Anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya at tatlong buwan na lang, lalabas na ito. Hinihiling niyang sana sa mga pagkakataong iyon, hindi magbago si Alper at sana ay mahalin nito ang anak nila.
A part of her was scared but seeing how Alper treated her the past few months, she felt a little relieved.
Yumuko si Cinni nang maramdaman ang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Tipid siyang ngumiti at hinaplos iyon.
"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Alper. "May masakit ba sa 'yo?"
"Wala." Umiling si Cinni. "Gumalaw kasi siya, medyo nagulat lang ako."
Nanlaki ang mga mata ni Alper habang nakatingin sa kaniya. "Next time, kapag gumalaw, sabihan mo ako, ha? Gusto ko ring maramdaman."
Tumango si Cinni at nanatiling nakatingin kay Alper. Nakadiretso na ang tingin nito sa daanang binabaybay nila.
"Puwede ba akong magtanong?" kabadong sabi ni Cinni.
"Oo naman. Ano 'yun?" Nagtataka si Alper.
"G-Gusto mo ba talagang magkaanak?" ani Cinni. "Hindi ba napipilitan ka lang dahil nandito na? Iniisip ko lang naman kasi baka napi—"
"Gusto ko." Mababa ang boses ni Alper. "Noon, ayaw kong magkaanak. Baka hindi ko kayanin?"
Tahimik na nakatingin si Cinni kay Alper at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Panay rin kasi ang tagis ng panga nito habang nakatingin sa kawalan.
"Pero gusto kong magkaanak simula no'ng . . . ikaw." Nanatiling nakatingin si Alper sa daanan. "Kasi mahal kita."
Ngumiti si Cinni at kinuha ang kamay ni Alper na nakapatong sa kambyo ng kotse. Inilagay niya iyon sa tiyan niya.
"Gumagalaw siya," aniya at tiningnan ang reaksyon ni Alper na malapad na nakangiti.
Sa ilang buwan, kita ni Cinni ang excitement sa mukha ni Alper sa tuwing napag-uusapan nila ang tungkol sa anak nila.
Na-stuck sa traffic sina Alper at Cinni. Hindi rin niya namalayang nakaidlip siya nang maramdamang hindi sila umaandar.
Sakto namang palabas ng convenience store si Alper hawak ang isang paper bag na parang softdrinks ang laman.
Pagpasok sa kotse, inabot ni Alper ang isang pack ng gummy worms kay Cinni.
"Ang dami!" natutuwang sabi niya at nagmadali pang buksan iyon. "Sabi naman ni doktora, puwede basta may limitations."
Inilabas pa ni Alper ang isang lalagyan ng gummy bear, at iba't ibang shape pa nga.
Muli nilang binaybay ang daan pauwi. Nakaluto na rin daw ng magiging dinner nila ang mama ni Alper. Mukhang excited rin itong umuwi.
Iba ang aura nito at malamang dahil sa checkup nila na paulit-ulit nitong nababanggit.
Nang makarating sa bahay, si Alper na ang nagbitbit ng bag niya. Maingat namang lumabas si Cinni ng kotse.
Pagbukas ng pinto, nagulat siyang maraming handang pagkain. Mayroon pang cake at ice cream. Ilang putahe rin ang nakalagay sa mangkok.
"Sino po'ng may birthday?" tanong ni Cinni sa mama ni Alper.
Hawak nito ang malaking bowl na umuusok pa. Inaayos naman ni April ang pinggan sa lamesa at inaayos ni Alper ang balloon sa pader.
Nakabukas din lahat ng ilaw, mayroong music na parang classical, at parang may confetti na nakakalat.
"Ate!" excited na sabi ni April. "Kumusta po ang checkup ninyo? Tumawag sa amin si Kuya at sobrang excited. Nagpaluto rin."
Bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Alper. Ibinigay nito ang paper bag na may softdrinks kay Aljohn bago tumingin kay Cinni.
"Sorry, sobrang excited ako," ani Alper. "Sinabi ko kaagad sa kanila."
"Okay lang." Ngumiti si Cinni. "Parang ang daming pagkain!"
"Oo, nagpabili na rin ako ng cake." Tumalikod si Alper at sinindihan naman ni April ng kandila ang cake.
Nilingon ni Cinni ang paligid nang maging dim ang ilaw.
"Bukod sa nalaman kasi natin 'yung gender ni baby." Humarap si Alper hawak ang cake na mayroong kandilang nakapalibot sa cake. "Gusto rin sana kitang tanungin."
Malayo si Alper kay Cinni kaya naman hindi pa niya nakikita kung nakasulat ba roon o ano.
"Matagal na rin naman tayong magkasama, magkakaanak na rin tayo." Naglakad papalapit si Alper. "Gusto ko sanang itanong . . ."
Ayaw yumuko ni Cinni dahil naaaninag niyang may nakasulat sa cake. Natatakot siya sa posibleng nakasulat.
"P-Puwede ba tayong magpakasal na?" tanong ni Alper.
Yumuko si Cinni at nakasulat sa bilog na cake ang 'Will you marry me?'
Para siyang napako sa kinatatayuan at hindi alam ang isasagot. Bukod kay Alper, kasama nila ang mga kapatid nito at ang mismong ina.
Nanatili siyang nakatingin sa nakasulat at unti-unti na ring natutunaw ang mga kandila at natatakpan na ang icing na lettering ng katagang itinanong din nito.
Nag-angat ng tingin si Cinni at sinalubong ang tingin ni April na nakatingin sa kaniya, si Aljohn na nakayuko. Nakatingin sa kaniya ang ina ng mga ito at bahagyang tumango.
Sinalubong ni Cinni tingin ni Alper. "P-Puwede bang pag-usapan muna nating dalawa ito privately?" kinakabahang sabi ni Cinni.
Walang sagot si Alper.
"Usap muna tayo, p-puwede ba?" pag-uulit ni Cinni at mababa ang boses niya dahil ayaw niyang mapahiya ito sa mga kasama nila.
"Aaky—"
"Walang aalis," diin ni Alper at tipid na ngumiti. "Ano 'yung gusto mong sabihin?"
Huminga nang malalim si Cinni at matagal bago siya sumagot. Halos maubos na ang kandila sa cake bago siya nagkaroon ng lakas ng loob.
"Puwede siguro na maging parents lang muna tayo kay baby?" Nanginig ang boses ni Cinni sa takot. "P-Puwede sigurong pag-usapan muna natin ang tungkol sa kasal, ang tungkol dito?"
Nanatiling tahimik si Alper.
"Kasi hindi naman sa hindi ko g-gusto," nauutal na sabi ni Cinni. "P-Pero maganda siguro na pag-usapan muna natin?"
Umiling si Alper. "'Yung totoo, Cinni."
"H-Ha?"
"Mahal mo ba ako o hindi?" malumanay ang pagkakatanong ni Alper, pero ramdam ni Cinni ang takot. "Isang tanong. Mahal mo ba ako o hindi?"
Nanginig lalo ang baba ni Cinni, naramdaman niya ang panlalamig ng batok, ang pamamasa ng mga palad niya, at ang pagbagsak ng luha sa kaliwang pisngi niya.
"Cinni." Pumikit si Alper at huminga nang malalim na malalim. "Mahal mo ba ako o hindi?"
"Alp—"
"Mahal mo ba ako o hindi?" May diin ang bawat salita. "Sagot!"
Napaigtad si Cinni, ganoon din ang mga kasama nila sa dining area dahil sa lakas ng boses ni Alper.
"Simple lang 'yung tanong ko, uulitin ko ba?" seryosong sabi ni Alper. "Mahal mo ba ako o hindi?"
Hindi alam ni Cinni kung ano ang kahihinatnan ng sagot niya, pero awtomatiko siyang umiling kasabay ng pagbagsak ng luha sa magkabilang mata niya.
Mahinang natawa si Alper. "Putangina," diin nito. "Mahal kita, e."
"S-Sorry." Humikbi si Cinni. "Sor—"
Nagulat si Cinni nang umangat ang kamay ni Alper. Kaagad niyang tinakpan ang mukha dahil akala niya, sasaktan siya ni Alper.
Rinig niya ang gulat at sigaw ng mama ni Alper, ganoon din si April nang ibato nito ang cake sa pader na mayroong lobong nakadikit.
Nagkalat ang cake sa pader, sa buong dining area, at sa sahig. Nakapameywang si Alper na nakayuko at humihinga nang malalim.
Takot ang naramdaman ni Cinni nang patagilid siyang tingnan ni Alper. "Chase pa rin?" tanong nito. "Tangina, Cinni. Ilang buwan na, Chase pa rin?"
Hindi nakasagot si Cinni nang bigla siyang hawakan ni Alper sa braso at mahigpit na mahigpit iyon.
"N-Nasasaktan ako," aniya habang nakatingala kay Alper.
Humigpit lalo ang hawak ni Alper sa braso niya at galit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Naririnig ni Cinni ang boses nina April at Aljohn, pero hindi niya alam kung ano ang sinasabi.
Nakikita ni Cinni ang pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Alper habang nakatingin sa kaniya. Panay na rin ang piglas ni Cinni nang pumagitna sa kanila si Aljohn.
"Tama na, kuya! Buntis si At—"
Nagulat silang lahat nang suntukin ni Alper si Aljohn sa mukha na dahilan ng pagbagsak nito sa sahig.
"'Wag kang makikialam."
Umatras si Cinni nang magtama ulit ang mata nila ni Alper at akmang lalapit ito sa kaniya nang pumagitna ang ina nito na nakikiusap at humahagulhol.
Namimingi siya at hindi alam ang sinasabi nito. Ramdam ni Cinni ang takot, ang panginginig ng kamay niya, at ang pagmamalabis ng luha.
"Umalis ka na muna. Magpalamig ka na muna," pakiusap ng mama ni Alper. "Nakikius—"
Hindi na natapos ng mama ni Alper ang sasabihin nang biglang umalis si Alper sa harapan nilang lahat at pabagsak pa nitong isinara ang pinto.
"Okay ka lang ba, Ate?" tanong ni April at mahina itong umiiyak. "Ate."
Humikbi si Cinni at kaagad na nilapitan si Aljohn na nakaupo sa sahig.
"John, okay ka lang?" Lumuhod si Cinni at sinapo ang mukha nito. "John, sorry. Sorr—"
"Ate, okay lang." Ngumiti si Aljohn. "Ikaw, Ate? Nasaktan ka ba?"
Tumango si Cinni at maingat na sumalampak sa sahig. Mabilis ang tibok ng puso niya kaya naman sinapo niya iyon at huminga nang malalim.
"Sorry, nasi—nasira 'yung cake," ani Cinni at humagulhol. "Sorry po."
Umiling ang mama ni Alper at tumayo naman si Aljohn para alalayan siya na maupo sa sofa mismo. Pare-pareho silang tahimik at pare-pareho nilang hindi alam kung saan pupunta si Alper.
Hinaplos ni Cinni ang braso niya. Naramdaman niya ang sakit niyon sa tindi ng pagkakahawak ni Alper bago hinaplos ang tiyan.
Hindi niya alam ang gagawin.
Blangko na ang lahat.
Hindi niya alam kung paano na.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top