Chapter 10: Crazy

Alam ni Cinni sa sarili na marami siyang kakulangan. It was one of her many insecurities. She was pretty, attractive, funny, but never the smart kid.

Bata pa lang siya, naipamukha na sa kaniya iyon. She was a slow learner and she needed time to grasp things. Cinni was often called by others and labeled as bobo or tanga.

Na tama naman talaga.

Kahit mga magulang niya, wala na lang din masabi sa kaniya.

Natawa si Cinni nang maalala na gusto niyang maging engineer dahil lang sa nagkaroon siya ng interes noong ginagawa ang bahay nila at nakausap niya ang engineer.

Nakuwento nito ang mga ginagawa at naalala ni Cinni kung gaano siya kabilib na naging dahilan para maging pangarap niya iyon.

Engineer.

Iyon ang pangarap na hindi natupad. Mabuti nga at sumabit pa siya sa passing score ng university at sinabi sa kaniya ng mama niya na piliin na lang ang pagluluto.

Iyon ang rason kung bakit HRM ang nakuha niyang course, pero hindi rin naman niya nagamit.

Sa isang hotel siya nagtrabaho pagkatapos ng college, pero imbes na maging cook o sa kitchen, napunta siya sa dishwashing. Napunta rin siya sa pagiging waitress, naging housekeeper din, at inayawan niya lahat iyon.

Isa pa, hindi rin niya na-pursue ang pagluluto dahil simula nang magsama sila ni Chase, ito na ang nagluluto sa lahat ng pagkain nila.

"Okay na."

Hinarap ni Cinni si Alper. Hiniwa nito pork steak na lunch nila sa trabaho dahil medyo matigas iyon. Pinunasan din nito ang rim ng baso, ang utensils, at naglagay pa ng sabaw sa maliit na bowl bago ibinigay sa kaniya.

"Gusto mo ng custard?" tanong ni Alper. "Nakita ko meron silang custard sa counter. Kuha ako?"

Tango lang ang naisagot ni Cinni at nagsimulang haluin ang kanin at sabaw na nasa pinggan niya.

Tumayo si Alper at mukhang kukuha nga ng custard. Sinundan ni Cinni ito ng tingin at nakita ang ibang katrabaho nilang nakatingin sa kaniya.

Yumuko siya dahil hindi niya kailangan ang tinginan ng mga ito. Aware na siya sa kumakalat sa floor nila tungkol sa nangyari.

Mayroon na ring nakaaway si Alper dahil doon, na nakuha siya nito kahit na may boyfriend siya . . . na totoo rin naman.

Walang dapat ika-proud si Cinni, alam naman niya iyon. Hindi rin naman niya ipinagtatanggol ang sarili kahit puro parinig na ang nangyayari.

Aware siya na napapansin ni Alper kapag natatahimik na siya. Minsan itong nagtatanong, pero mas madalas na binibigyan na lang siya ng space.

"Cin, may problema ka ba?" Sumandal si Alper sa upuan at hinaplos ang sariling labi.

Tumigil sa pagnguya si Cinni at umiling. "W-Wala naman. Bakit?" tanong niya.

Huminga nang malalim si Alper. "Ang tahimik kasi. Nakakabingi. Puwede bang kapag may problema tayo, sasabihin mo? Kasi hindi ako manghuhula."

Naguluhan si Cinni dahil wala naman talaga siyang problema. Wala siya sa mood magsalita at hindi niya alam kung ano ba ang sinasabi ni Alper.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mababa ang boses ni Cinni at kinagat ang ibabang labi.

"Cinni nam—" Tumigil sa pagsasalita si Alper.

Lumapit sa kanila ang ilan sa boss na kaibigan nito at sinabing magkakaroon ng inuman. Tumingin muna si Alper sa kaniya at tumango lang ito sa apat na lalaking lumapit sa kanila.

Nagpatuloy na lang sa pagkain si Cinni habang busy itong nakikipag-usap sa mga kaibigan. Wala siyang balak makinig. Isa pa, antok na antok na siya.

Ni hindi na namalayan ni Cinni na nakaalis na ito nang lumipat sa tabi niya si Alper.

"Nag-aaya ng inuman si OM," sabi nito at ipinalibot ang braso sa baywang niya. "Sasama ako."

Tumango si Cinni at hindi sumagot. Alam na niya iyon. Expected na niya.

"Gusto mo na bang umuwi muna o gusto mong sumama?" tanong ni Alper.

Hinarap niya ito at tipid na nginitian. "Ano ba ang desisyon mo? Kung ako, gusto kong umuwi kasi inaantok na ako."

"Sige." Uminom si Alper ng tubig at sumandal nang maayos. "Ihahatid na muna kita bago ako didiretso sa inuman. Maaga pa naman."

Nagulat si Cinni sa sinabi ni Alper, pero hindi siya nagpahalata. Inakala niyang magpipilit itong sumama siya at wala siyang magagawa, pero mukhang iba ang mood nito at sasamantalahin niya iyon.

True to his words, after shift, Alper brought Cinni home. It was six in the morning. Sa tapat ng gate, nakatingin si Cinni.

"Matulog ka na," sabi ni Alper at hinalikan nito ang balikat niya. "Kung aalis ka, sabihin—"

"Wala akong balak umalis," mabilis na sagot ni Cinni. "Gusto ko lang talagang matulog. 'Wag ka mag-alala."

Wala nang sinabing kahit na ano si Alper. Nagpaalam na rin si Cinni at hindi na muling lumingon. Dumiretso kaagad siya sa bathroom nang maramdamang umiikot ang sikmura niya.

"Cinni?" Boses iyon ng mama ni Alper. "Ayos ka lang ba?" tanong nito at kumakatok.

"O-Opo, Tita," aniya at nagmumog. "Maliligo lang po ako sandali, lalabas po ako. Puwede po bang painit lang po ng tubig? Parang nalamigan po 'yung sikmura ko."

"Sige, ako na ang bahala," narinig niyang sagot nito.

Naligo si Cinni at kahit malamig ang tubig, mas gusto pa niya iyon dahil nababawasan ang sakit ng ulo niya. Gustong-gusto na niyang matulog at magpahinga.

Paglabas ni Cinni, naamoy niya ang hot chocolate na tinimpla ng mama ni Alper. Umakyat na muna siya para magbihis at nakasalubong si April na bagong gising.

Nagsuot siya ng simpleng maluwag na shorts at sando bago bago bumaba. Gusto niyang mainitan ang sikmura niya kahit papaano.

"Okay ka lang ba?" tanong ng mama ni Alper. "Ito, inumin mo na muna para mainitan ang sikmura mo."

"Opo. Parang nalamigan po kasi 'yung tiyan ko sa softdrink na ininom namin kaninang lunch," sagot niya at hinipan ang mug na may marshmallow sa ibabaw.

Nabanggit niya kung nasaan si Alper.

Nakipagkuwentuhan na rin muna siya sa mga ito. Natutuwa siya sa mga kapatid ni Alper lalo nang malamang dean's lister pareho. Pareho rin naman kasing mahilig mag-aral.

"Ikaw, Ate Cinni, anong course ang gusto mo talaga?" tanong ni April.

Yumuko siya at tipid na ngumiti. "Engineering talaga kaso hindi kaya ng braincells ko 'yun. Hindi ko levels!" natatawang sabi niya. "Muntik pa nga akong hindi pumasa sa university of choice ko, e. Mabuti na lang sumabit ako nang dalawang points."

"Sana nag-try ka, Ate!" sabi ni Aljohn. "Sure naman na kaya mo!"

"Nag-try ako, kaso hindi kaya ng average ko 'yung course kaya pinapili na lang nila ako ng puwede," ani Cinni at ngumiti. "Nag-enjoy naman ako! Ang ganda kaya ng uniform namin lalo kapag nakapang-chef. Palagi pang free foods!"

Naobserbahan ni April na sa tuwing kausap nila si Cinni, palaging positibo ang kahit na ano. Palaging nakangiti, palaging tumatawa, pero halata ang lungkot sa mga mata.

"Tapos napapagalitan pa ako noon ng professor namin kasi palagi akong tagatikim o kaya runner kasi hindi ako marunong magluto." Tumawa si Cinni at naniningkit pa nga ang mga mata. "Palagi akong taga-grocery kasi 'yun lang ang ambag ko."

"Okay lang 'yun, Ate! At least alam mo na ang difference sa presyo!" sagot ni Aljohn.

Umiling si Cinni. "Noong college, oo. Pero kasi after, no'ng maging kami ni Cha—" Huminto siya sa pagsasalita. "'W-Wag niyong sasabihin kay Alper na nabanggit ko, ha?"

Sabay-sabay na umiling ang tatlo habang nakatingin sa kaniya at walang sinabi.

Nanginig ang kamay ni Cinni sa hindi malamng kadahilanan. Hawak niya ang mug kaya naman pinilit niya ang sarili na pigilan iyon para hindi mapansin ng mga ito.

"A-Akyat na po ako," paalam ni Cinni sa mga kausap. "Matutulog na rin po ako."

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito. Nagmadali siyang umakyat at pagpasok sa loob ng kuwarto, ibinaba niya ang hawak na mug sa ibabaw ng lalagyan ng TV.

Napahawak siya sa dibdib nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. Mahina siyang kumanta para pakalmahin ang sarili.

Cinni was once talkative. Kahit hindi interesado ang mga tao sa paligid niya, gusto niyang magkuwento sa mga ito. It was her way of communicating with people—she was once the life of the conversation.

Isa ngang tawag sa kaniya, hindi nauubusan ng kuwento . . . kahit kuwentong barbero pa.

Pero pagkatapos ng mga nangyari, mas minamabuti ni Cinni na huwag magsalita dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya.

Naupo siya si gilid ng kama at inisip na maayos lang naman ang lahat. Wala na siyang phone kaya wala siyang communication sa kahit na sino at mas mabuti na rin iyon.


Warning: Mature Content (Please, 'wag ninyong gagawin ito. A no is a no)

Hindi na namalayan ni Cinni na nakatulog na siya dahil sa pagod at antok. Wala siyang idea kung ano ang oras na, pero nagising siya dahil sa haplos na nararamdaman niya.

Cinni wore a sando without anything underneath. Hindi siya natutulog na mayroong bra. Maluwag din ang shorts niya, pero mayroon namang underwear.

Nakadapa siya at nakayakap sa isang unan. Wala siyang kumot dahil medyo mainit din ang pakiramdam niya.

Hindi siya tuluyang dumilat dahil antok na antok pa siya, pero ramdam niya ang presensya ni Alper sa likuran niya.

Humahaplos ang kamay ni Alper sa loob ng tiyan niya papunta sa dibdib. He cupped her right boob and kissed her nape.

Cinni could smell the alcohol coming from his breath and it was mixed with a mouthwash and a hint of cigar.

"Kararating mo lang ba?" tanong ni Cinni sa mababa at inaantok na boses. Nanatili siyang tahimik.

"Oo," bulong nito at hinalikan siya sa leeg papunta sa pisngi.

Ramdam ni Cinni ang antok kaya naman hindi niya masyadong pinapansin si Alper. Naramdaman na lang niyang unti-unti nitong tinantanggal ang short niya.

"Al, inaantok ako," aniya. "Puwede bang 'wag na muna? Masama ang paki—"

"Hindi mo kailangang gumalaw."

Nanatiling nakadapa si Cinni. "Al, please? Masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makakagalaw nang maayos."

"Ako na ang bahala," sagot nito at basta na lang tinanggal ang shorts niya hanggang tuhod.

"Al. Ayaw ko," diin ni Cinni.

Hinalikan nito ang balikat niya at itinaas ang sando niya. "Isa lang." Hinalikan din nito ang pisngi niya. "Please?"

Alam ni Cinni na hindi matatapos ang pag-uusap nila kaya tumango na lang siya. Walang kahit anong salita galing sa kaniya. Pumayag na lang para matapos na.

Cinni shut her eyes when she felt the slight pain and force from behind. Nanatili siyang nakatagilid at nasa likuran niya si Alper.

Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang sakit at hapdi, pero hindi na niya iyon ininda. She even heard a moan from Alper the moment his thing went inside her.

Dumilat ang mga mata ni Cinni nang magsimulang gumalaw si Alper sa likuran niya. Nakatitig siya sa pader habang dinadama ang bawat paghaplos nito sa katawan niya at walang humpay na paggalaw.

Gusto na lang niyang matapos ito para makabalik na siya sa pagkakatulog. Gusto na lang niyang magpahinga. Gusto na lang niyang ipikit ang mga mata niya.

Alper was taking her from the side. Cinni didn't move an inch, she didn't even let out a moan. She was just staring at the wall, waiting for him to relieve himself.

Nang maramdaman ni Cinni ang pagbagal ni Alper at ang paghalik nito sa balikat niya, alam niyang tapos na.

Sa wakas, makakatulog na.

Wala na siyang pakialam. Isinuot nito ang shorts niya bago siya kinumutan at tumabi ng pagkakahiga sa kaniya.

Yumakap si Alper sa kaniya at hinaplos ang tiyan niya na parang walang nangyari. Wala na ring pakialam si Cinni. Ang importante, makatutulog na siya.

Wala sa mood si Cinni at naiirita siya sa mga tao sa paligid niya. Pati customer na kausap niya, halos masungitan niya dahil hindi ito nakikinig nang maayos sa kaniya.

Panay ang hilot niya sa batok dahil gusto niyang matulog na lang. Kung puwede lang siyang mag-absent at hindi na pumasok, ginawa na niya.

"Ano ba'ng problema mo?" seryosong tanong ni Alper habang nakatingin ito sa monitor ng computer, hawak ang mouse. "Ano'ng nangyayari, Cinni?"

"Wala."

"Cinni." Lumingon si Alper. "Kung may nararamdaman ka, 'wag mong dalhin sa trabaho," sabi nito.

Mahinang natawa si Cinni. Inayos niya ang pagkakaipit sa buhok niya at basta na lang nag-logout ng computer at phone. Pabagsak niyang ibinaba headphones at umalis.

May ilang tumingin sa kaniya. Mga babaeng may gusto kay Alper na pinag-uusapan siya, mga ka-team nilang pina-plastic siya, at mga ka-floor nilang alam ang isyu nila ni Alper.

Hindi alam ni Cinni kung saan siya pupunta, pero kailangan niyang huminga. Masakit na nga ang ulo niya, wala pa siya sa mood makipag-usap sa iba.

"Cinni, putangina, ano ba'ng problema mo?" sigaw ni Alper paglabas nila ng floor. Hawak nito ang braso niya at mahigpit iyon.

Binawi ni Cinni ang braso niya at kumalas kay Alper. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa open parking ng building nila na nasa same floor lang din naman ng office nila.

"Cinni, tangina, makipag-usap ka nga! Ano ba'ng problema mo?" muling tanong ni Alper.

Dama ni Cinni ang malamig na hangin. It was three in the morning and her mind was in chaos. She was thinking too much, she was thinking about something unsure.

Ipinatong niya ang siko sa railing ng building. Nasa 14th floor sila at natatanaw nila ang mga sasakyan sa highway ng Metro. Hindi natutulog ang lugar na iyon dahil buhay na buhay kahit sa gabi.

"Ano ba'ng problema mo?" Mababa ang boses ni Alper. "Sabihin mo sa akin para alam ko kung ano ang gagawin ko. Hindi 'yung ganiyan na par—"

"Naiirita na ako, Al. Gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang mag-resign. Aware ka ba na pinag-uusapan na sa loob kung ano ang nangyari sa atin?" Mahinahon ang boses ni Cinni at nanatiling nakatingin sa kawalan.

Nasa tabi niya si Alper at nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng hoodie.

"Totoo naman lahat ng sinasabi nila, pero nakakapagod na." Nanginig ang baba ni Cinni. "Gusto ko na mag-resign, pero hindi puwede. Hindi na puwede kasi paano ako?"

Nilingon siya ni Alper, ganoon din ang ginawa niya. Nagtama ang mga mata nila.

"Kasalanan ko naman, e. Alam ko naman. Araw-araw na ngang pinamumukha sa akin, madadagdagan pa 'yung problema ko!" Hindi sinasadyang tumaas ang boses ni Cinni. "Tanga-tanga talaga! Palagi na lang tanga!"

Nanatiling tahimik si Alper na nakatingin sa kaniya.

"Gusto ko na lang umiyak. Gusto ko na lang matulog. Gusto ko na lang mahiga. Hindi ko na alam kung ano'ng gusto ko. Hindi k-ko na alam." Humikbi si Cinni. "Hindi ko na alam."

"Cinni."

Nilingon ni Cinni si Alper at balagbag na pinunasan ang luha. "Al, may problema kasi, e. Nababaliw na ako kakaisip. Hindi ko na alam. Nababaliw na ako."

"Ano 'yun?" Nag-aalalang lumapit sa kaniya si Alper.

Umiling si Cinni. "Hindi normal ang nararamdaman ko ngayon," aniya. "May mali."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys