Chapter 9

Chapter 9

Matapos ibalot ang red velvet cake ay dali-dali akong lumabas ng café. Sumakay ako ng tricycle pabalik ng school at dumeretso sa building ng opisina ni President.

Humugot ako nang malalim na hininga bago kumatok sa pinto.

"Come in," he commanded.

Pinihit ko ang seradura. Pumasok ako at lumapit sa kanyang table. Inilapag ko roon ang binili ko pati na ang sukli. "May iuutos pa po ba kayo, Sir?"

"Yes." Tumayo siya. "Please sit on the sofa."

I finally looked up at him. Isinenyas niya ang sofa. He took the cake and placed it on the table. Umupo siya sa tapat ng sofa kung saan niya ako pinauupo.

There were foods on the table I didn't know where he got. Kanina ay wala naman ang mga 'yon doon.

"Nanay Lilia told me you didn't eat breakfast." He gave me a glazed look. "Now, eat."

Hindi ako bumago sa pwesto. Tumayo siya at hinawakan ang braso ko. Iniupo niya ako sa sofa.

"Is this a bribe?" I asked.

Umupo siya sa aking harapan at sinimulang buksan ang mga bento box. Umangat ang sulok ng kanyang labi.

"You don't have to worry, Sir. I won't tell anyone what you've done here. May isang salita po ako."

Itinigil niya ang pagbubukas ng isa pang bento box. Sumandal siya sa sofa at naghalukipkip. "I know. 'Cause if you do, you know what will happen next. Goodbye, Hasse Colleges."

Domineering. Unethical. Monster.

Tumikom ang mga palad ko.

"You'll do everything I want, Miss Escobar." Ramdam ko pa rin ang titig niya. "You don't have any choice but do what I say."

Kung ito lang ang paraan para manatili ako sa eskwelahang ito ay gagawin ko.

Inangat ko ang tingin. Our gazes met. Nagpaskil ako ng tipid na ngiti sa mga labi.

"'Wag ka pong mag-alala. Ito naman talaga ang trabaho ng isang empleyado, 'di ba? Ang sundin ang kagustuhan ng nakatataas."

Umayos siya ng upo at muling ginalaw ang mga pagkain. Inilapag niya sa harapan ko ang isang bento box at ang isa ay sa kanya.

"Good thing, you're aware of your purpose as an employee."

Hindi na ako nagpadala sa hiya at dinampot ang chopsticks. "Bakit kaya may mga ganoong klase ng tao?" Ramdam ko na nakuha ko ang atensyon niya. Ginalaw ko ang pagkain at tinatagan ang sarili. Pinilit kong huwag putulin ang tingin sa kanya. "The superiors are so good in abusing their power and all, and those of the lower ranks just follow their bosses despite of awareness between right and wrong."

His jaw tightened. Sinimulan ko ang pagkain.

"Ang maliliit ang madalas na nakikitaan ng mali kesa sa matataas." Bumagsak ang tingin ko sa sushi sa aking harapan. "Gano'n ba talaga, Sir?"

Hindi siya nagsalita. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa chopsticks.

Binilisan ko ang pagkain. Pagkatapos ay agad akong tumayo at iniligpit ang pinagkainan ko.

Tumingin ako sa pagkain sa harapan niya. He didn't even touch them.

"Salamat po." Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at lumabas ng opisina. Sumandal ako sa pinto. Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

Tama na ang pagiging mahina sa harapan niya, Amity! Hindi ka dapat basta-basta nagpapaapi sa lalaking 'yon. Hindi ka nakatapos ng pag-aaral para lang apak-apakan niya.

Inayos ko ang sarili bago ako naglakad papunta sa faculty room.

Dumating ang alas singko at napagpasyahan kong bumalik sa Kissing Booth. Naglalakad ako sa hallway nang may sumabay sa akin.

Nilingon ko ito. Ngumiti ako nang nakita ang bagong teacher.

"Sir Gael, bakit hindi ka pa umuuwi?" Itinago ko ang cell phone na kalalabas ko pa lang din. Ite-text ko sana si Faerie, pero naisip ko na baka mag-aya agad umuwi, lalo na at may utang pa ako sa kanyang kwento.

"Lumilibot muna ako." Hinaplos niya ang kanyang batok. "Gusto kong maging familiar sa mga buildings, facilities, at katrabaho."

Inayos ko ang tumabing na mga buhok sa aking mukha. Tumango na lang ako.

Tumigil kami sa tapat ng Kissing Booth. Kumunot ang noo ko nang nakitang hindi ito binaklas nila Aris. "Ang mga batang 'yon talaga."

"Kailangan na bang tanggalin?" tanong ni Sir Gael sa aking tabi.

Tumango ako. "Pwede mo ba akong tulungan, Sir?"

"Oo ba." Pumasok siya sa booth at nagsimula nang nagtanggal ng mga gamit doon.

Sumunod ako at tinanggal ang designs sa ibang bahagi ng booth. Ang daming pinagdidikit ng club nila kaya tiyak na matatagalan kami.

"Naabutan mo pa ang late president, Ma'am?" bigla niyang tanong.

Tumigil ako sa ginagawa. Nilingon ko si Sir Gael na patuloy pa rin sa pagtatanggal ng mga design sa kisame ng booth. Marami ang makukulay na mga puso doon. Halatang pinagpaguran at pinaghandaan ng mga estudyante.

"I've heard that he's a great boss," he commented.

Tumikhim ako at umupo sa isa sa mga upuan. Naramdaman kong nilingon niya ako.

Tumabi siya sa akin. "Did I say something wrong?" he asked, concerned.

Umiling ako at tumingala sa papadilim na kalangitan. "That's not enough to describe him." Itinuon ko ang mga kamay sa magkabila kong hita. "He worked with passion and determination in everything. Lahat ng ginagawa niya ay hindi lang para sa school, kundi para rin sa kapakanan ng bawat isa. Hindi siya nagdedesisyon na alam niyang may maaapakan siyang tao."

Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sa akin, tahimik na nakikinig.

"He acted like a father to me." Malungkot akong ngumiti.

"You loved him," he stated.

"I loved him and I still do." Mariin kong ipinikit ang mga mata. "Wala na akong mga magulang. And when I met him, he treated me as his own. Pangarap niyang magkaanak na babae, pero puro lalaki ang ibinigay sa kanila. Pareho naming nakita sa isa't-isa ang mga wala kami. Ako, magulang at siya, anak na babae."

"I'm sorry to hear that," he said in a low voice. "Hindi ko na dapat binanggit pa ang dating president, nalungkot ka tuloy."

"It's okay. Normal na sa akin ang malungkot kapag naaalala siya. Mixed emotions kumbaga. Masaya na malungkot. Masaya kasi nakilala ko ang isang taong tulad niya. Malungkot kasi saglit lang din ang panahon na nakasama ko siya."

Tumayo ako at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong higitin at yakapin.

"You're holding back your tears," he whispered.

Tinapik ko ang kanyang likod at humiwalay ako. Ewan, pero hindi ako nakaramdam ng ilang sa ginawa niya.

"Thank you for listening, Sir Gael." Ngumiti ako.

"No, thank you for sharing, Amity." He flashed a sweet handsome smile. "Gael na lang ang itawag mo sa akin 'pag tayong dalawa lang."

Tumango ako. "Gael."

Pinigil niya ang muling pagngiti at tinalikuran ako.

Habang pinagtutulungan namin ang booth ay patuloy pa rin kami sa kwentuhan. He shared his past experiences in the previous school he worked at.

"What?" Tumawa ako. "Isinulat mo talaga 'yon?"

Tumango siya. "I just wanted to be honest. Lahat naman ng isinulat ko sa resignation letter ko ay totoo. Kapag hindi tama ang kalakaran sa pinagtatrabahuhan mo, bakit ka pa magtitiis? Maliban sa maliit ang sweldo, talo ka pa sa mura. Saan ka nakakita ng eskwelahan na ang mismong mga may-ari ay walang modo?" Iniabot niya sa akin ang malaking puso na tinanggal niya sa kisame.

"Baka naman kasi totoong nilalandi mo ang mga babaeng teacher sa school na 'yon?" Naningkit ang mga mata ko.

Nilingon niya ako. "Hindi ako malandi, Amity."

"E ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa 'yo ng director?"

"He likes Teacher Trina," he stated. "He looks at her possessively. Ayos lang sana na magkagusto siya kay Trina, pero ang mali ay may asawa na siya. Where's the morality there?" Iniabot niya sa akin ang isa pang malaking puso.

"Nagseselos naman pala sa 'yo." Tumawa ako.

"Iba talaga 'pag gwapo." Kinindatan niya ako.

Mas lalo akong natawa. Hindi ko siya ma-kontra sa bagay na 'yon.

Matapos kong tanggalin ang kurtina ay inilahad niya ang kamay sa akin. Kinuha ko 'yon. Pababa na ako ng monoblock chair nang may tumigil sa tapat ng booth.

The man's hands were inside his trousers' pockets. Palipat-lipat ang tingin ni President sa amin ni Sir Gael.

Inalis niya ang mga kamay sa bulsa at pumalakpak ng tatlong beses. "Ginawa n'yo na atang parke itong eskwelahan ko? Dito pa kayo naghahawakan ng kamay."

Binawi ko ang kamay kay Sir Gael. Napalunok ako. Maingat akong bumaba at tumabi kay Sir Gael.

Tumutok ang tingin niya kay Sir Gael. "Go to my office, Mr. Aguirre." Bumaling siya sa akin. "And Miss Escobar, stay here."

"Yes, Sir," tugon ni Sir Gael at iniwan kami.

Nang kaming dalawa na lang ay tumutok ang mga mata niya sa akin. "What am I gonna do with you?"

Hindi ko nagawang ibuka ang bibig.

"He's a newly hired teacher. I bet you already know that." Naglakad siya at pumasok sa loob ng booth. "Ngayon lang yata mangyayari na may kapapasok lang tapos ay matatanggal agad sa trabaho."

Marahas ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Nakasandal siya sa mismong tabi ng malalaking letra ng pangalan ng booth. Nakahalukipkip at nakatuon ang mga mata sa akin.

"Hindi naman yata tama na paalisin mo siya ng Hasse nang walang sapat at malinaw na dahilan." Tinatagan ko ang sarili. "Don't be irrational. Not just because you are the president of this school—"

"I'm not just the president, I am the owner!" madiin niyang sabi.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko.

"Bakit, President? Bakit mo siya tatanggalin sa trabaho?" Mapakla akong ngumiti. "Dahil nakita mo siya na kausap at kasama ko? Anong masama ro'n?"

Nagsimulang humakbang ang mga paa niya papunta sa akin, tumigil siya sa aking harapan. "I don't tolerate flirting—"

"For Pete's sake, we're not flirting!" tumaas ang boses ko. "Hindi ba't ikaw mismo ang gumagawa ng kababalaghan dito sa eskwelahan mo? Bakit hindi mo pagsabihan ang sarili mo?"

His eyes darkened. Titig na titig siya sa mukha ko.

Pero hindi ko 'yon pinansin. "A-anong mali sa pakikipag-usap sa ka-trabaho? Lahat na lang ba ng makakausap ko ay madadamay sa galit mo sa akin? It's not like I kissed Sir Gael—"

Hinaklit niya ang braso ko dahilan para mauntog ako sa dibdib niya. Inangat niya ang mukha ko gamit ang malaya niyang kamay.

Halos matunaw ako dahil sa kaseryosohan ng mga mata niya. Inilapit niya ang mukha sa aking pisngi. His mouth was an inch away my ear. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya roon.

"You won't kiss other guys," he whispered dangerously. "I am the only one who has the right to those dirty lips of yours."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nilingon niya ang loob ng booth.

"Kissing Booth," he read.

Hindi pa ako natatauhan nang haklitin niya ang bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.

He kissed me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top