Chapter 7
Chapter 7
Inangat ko ang tingin sa lalaking nasa stage, nakaupo sa tabi ng tatlo pang judges at kinukuhaan ng pictures ng mga estudyante. This was the last day of the founding anniversary of Hasse, so all departments were here to celebrate with everyone.
Buong program ay wala ako sa sarili. I just wanted to go home and rest.
Natapos ang closing ceremony at agad nagsialisan ang karamihan dahil madilim na rin. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tumungo na rin sa faculty room.
I could feel that some of my co-teachers were looking at me, but I didn't even think of giving them a lone glance. Pagod ako para mag-isip pa ng dahilan kung may nagawa na naman ba akong mali at ganoon na lang sila kung makatingin.
Dinampot ko ang aking bag at lalabas na sana ng faculty room nang biglang may humarang sa pinto. Ngumiti ang guard at nagkamot sa kanyang ulo.
Nginitian ko rin ito. "Makikiraan po."
Pero hindi umalis ang guard, sa halip tumikhim siya. Itinaas niya ang kaliwang kamay at dinala malapit sa kanyang mga labi.
Inilapit niya ang mukha sa akin at nakuha kong may ibubulong siya. "Pinapatawag po kayo ng President. Huwag daw po na hindi kayo pupunta sa office niya."
Lumayo ang guard at muli akong nginitian bago tuluyang umalis. Nilingon ko ang mga kasamahan ko at bakas sa mukha nila ang kuryosidad dahil sa ibinulong sa akin ng guard.
"Mauna na po ako," sabi ko at tuluyan nang lumabas ng faculty room.
Habang naglalakad ay inilabas ko ang cellphone mula sa aking bag at tinawagan si Fae.
Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ang tawag, "What's up? I'm waiting for you in the parking lot."
I heaved a sigh and looked at my wristwatch. "Go home. Hindi ako makasasabay sa 'yo dahil pinapapunta ako sa opisina ni President."
"Again?"
Lumiko ako sa building kung nasaan ang Office of the President. "Yeah, and you know I don't have the rights to flout."
Bumuntonghininga siya. "Take care, love." Iyon na lang ang nasabi niya.
"I will. Mag-ingat ka rin. Madulas ang daan."
Natapos kaming mag-usap at saktong nasa tapat na ako ng Office of the President.
I knocked three times before I opened the door. Tumingin ako sa table ng secretary pero mukhang nakauwi na ito. I stopped in front of the main office.
"Come in," he said in a cold voice.
Nakatungo akong pumasok at tumigil sa tapat ng table niya. He cleared his throat so I automatically looked up at him.
Titig na titig siya sa akin kaya hindi ko napigilan ang mailang. Iniwas ko ang tingin. "M-may nagawa na naman po ba ako?"
"Nothing," he answered. He stood up and turned his back facing the glass window. "I want you to help me with some requests from different departments. You were the one who helped my dad with these matters, right?"
"Yes, Sir."
"Good. Then you're not going home tonight."
Napaangat ako ng tingin. "What do you mean, Sir?"
"You need to explain to me the documents that you've marked. Kung bakit kailangang aprubahan ang mga 'yon at ang iba ay hindi," walang gana niyang sabi.
"What I mean is, why am I not going home?"
Umikot siya sa harap ng table. Sumandal siya rito at naghalukipkip. Nasa harapan ko na siya.
"We'll work overnight. I need to finish everything by tomorrow. I don't waste time."
Hindi ako nakasagot dahil na rin sa nararamdaman kong pagod. Parang hindi na nagpa-function nang matino ang utak ko.
"Ayaw mo?" Inalis niya ang mga kamay sa pagkakahalukipkip at itinuon ang mga 'yon sa table. "You don't want to leave Hasse, right?"
Tumango ako.
"Then are you gonna help me or not?"
Pinaglaruan ko ang mga kamay ko. "I'll help you, Sir."
"Good." Kinuha niya ang kanyang bag at dumeretso sa pinto. Binuksan niya ito at nilingon ako. "Ano pang ginagawa mo dyan? Let's go!"
Taranta akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami sa hallway ay marami akong naiisip.
Wala akong damit. Saan ako matutulog? Paano kung makita ko ang Mommy nila?
"Daan tayo sa pinakamalapit na mall. Buy clothes and other things you need." Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.
Tumikhim ako at sumakay. What happened a few days ago was still fresh in my mind.
"The principal required the teachers to report tomorrow. Papasok ka?" tanong niya. Pareho na kaming nasa loob ng sasakyan. Nilingon niya ako.
"Yes, Sir. We have a lot of paperworks to finish 'cause of the busy week." Tumingin ako sa katabing bintana. "I'll also help my students to disassemble their booth."
"You love your students, huh?" he commented.
Napatingin ako sa kanya at saktong lumapit siya sa akin. Mahigpit akong napakapit sa kinauupuan ko as he buckled my seatbelt.
"I drive fast, Miss Escobar," sabi niya malapit sa aking tenga. Inalis niya ang mga kamay sa seatbelt.
Pinaandar niya ang sasakyan at doon ko lang napagtanto na nagpigil ako ng hininga. Buong byahe papunta sa mall ay walang umiimik sa aming dalawa.
Pagkaparada niya ng sasakyan ay agad siyang bumaba. Pagbubuksan pa niya sana ako pero inunahan ko na siya.
Walang salita akong naglakad papunta sa entrance ng mall at ramdam kong nakasunod siya. Tumigil ako sa isang boutique at agad na namili ng damit. 'Ni hindi ko na 'yon isinukat at pinabalot na.
Magbabayad na ako nang naglabas si President ng credit card. Itinikom niya ang kamay kong may hawak na cash.
"You'll let me pay or you'll leave Hasse?"
Pinigil ko ang pagkalat ng inis. "Bossy," bulong ko. Kinuha ko ang paper bag sa cashier.
Nauna akong maglakad kaya hindi ko alam kung sumusunod ba siya o hindi. Malapit na kami sa parking lot nang bigla siyang tumakbo at binuksan ang pintuan ng kotse.
Kumunot ang noo ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Ganyan ka ba?" seryoso niyang tanong. "You talk behind someone's back?"
Kinagat ko ang ibabang labi. "Sorry po."
Tumigil kami sa tapat ng isang malaki at magarbong bahay. Katulad kanina ay pinagbuksan na naman niya ako dahil hindi agad ako nakalabas ng kotse.
I followed him silently. Hindi ko mapigil ang paghangang nararamdaman para sa bahay na inaapakan ng mga paa ko ngayon.
"What if your girlfriend sees us? Ano na lang ang iisipin niya?" bigla ko na lang nasabi. Agad kong natakpan ang bibig.
He stopped walking and spun himself to face me.
"Girlfriend?" Kumunot ang noo niya. "Do you think I'll bring you here if I have a girlfriend?"
Iniwas ko ang tingin. Nilagpasan ko siya at tumingin sa paintings na nakasabit sa wall. All of the paintings were in black and white.
"I don't bring a girl in my house. I bring them in hotels."
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya. "I'm a woman."
"You don't look like one. You're flat," he said without filters.
Nilingon ko siya. His eyes showed amusement. Nag-init ang pisngi ko.
"Bastos!" Muli ko siyang tinalikuran.
"Ikaw ang bastos. Lagi kang nakatalikod. You have two backs, no front."
Mariin kong naipikit ang mga mata. He was obviously enjoying it.
"Be thankful you're my boss. Kung hindi kanina pa kita nasampal."
Mahina siyang tumawa. Nakita ko na lang siya na umakyat sa hagdan.
Umupo ako sa sofa sa living area at iginala ang paningin. Hindi rin naman nagtagal si President at binalikan ako. Kasama niya ang isang katulong na sa tingin ko ay nasa mid 50s.
"Get her stuff and place those in one of the guest rooms. 'Yong sa right malapit sa room ko," utos niya sa katulong. Tumingin siya sa akin. "Follow her, Miss Escobar."
Kukuhanin na sana ito ng katulong pero iniwas ko rito ang mga gamit ko at tumayo. "Ako na po."
Hindi ko na hinintay na mag-react si President at sumunod sa katulong. Binuksan niya ang guest room at nginitian ako.
"Maiwan ko na po kayo rito, Ma'am..."
"Amity na lang po," sabi ko. Ngumiti rin ako. "Thank you po, 'Nay."
Saglit kong pinagmasdan ang kwarto bago ako muling bumaba. Kung hindi lang nakasalalay ang trabaho ko sa pagpayag na ito na sumama rito sa bahay ni President ay hindi ko ito gagawin. I had never been in a man's house before.
Nasalubong ko ang matandang katulong. "Halika na, hija. Tamang-tama at pinatatawag ka na ni Sir Aegeus."
"Nasaan po si President?" tanong ko.
"Nasa dining area."
Hindi na ako nagsalita. Nakarating kami sa dining area at nandito nga si President. Napalunok ako nang nakitang naka kulay itim na sando lang siya. Tumikhim ako at nakuha ko ang kanyang atensyon.
"Have a seat. Wag mong sabihing kakain ka ng nakatayo?"
Umupo ako sa tapat niya. Hindi ko siya matingnan dahil sa kanyang suot.
"After dinner, we'll work in the library," he said.
"Yes, Sir," sagot ko.
Matapos kumain ay pumunta na kami sa library. Nakasunod lang ako sa kanya.
We sat facing each other. Bumagsak ang tingin ko sa patung-patong na request letters sa table.
Kinuha niya ang unang folder at binasa ito. "The Senior High Faculty is requesting for additional laboratory equipment for the subject Practical Research 2." Iniabot niya sa akin ang folder.
"Quantitative Research na po kasi ang subject ng Grade 12. It may be non-experimental or experimental. But based on what I've heard from one of my co-teachers, most of the students prefer to do experiments especially STEM strand since they are in line with it."
Tumangu-tango si President. "Hindi ba kumpleto ang equipment sa Senior High Laboratory?"
"Kumpleto, pero gusto po ng mga teacher ng Research na madagdagan pa, dahil nga po sa demands ng mga estudyante."
Tumangu-tango siya. "Got it."
Iniwas ko ang tingin nang bigla niyang iangat ang mukha. His biceps were distracting. His body was gorgeous. Umiling-iling ako dahil sa mga naiisip ko.
Inabot kami ng halos limang oras. Good thing, nalabanan ko ang antok.
Sumandal siya sa couch na kinauupuan at minasahe ang kanyang sentido.
"Finally, we're done," he said in a throaty voice.
Inayos ko ang mga folder.
"Did you also help my father with paperworks 'til dawn?"
Napatigil ako sa ginagawa. Inangat ko ang tingin at wala akong mabasa na kahit ano sa kanyang mukha. His face was stolid.
"Pres—"
"Just thinking of it makes me want to curse you. In my entire life, I've never imagined that my father would do something vile like that."
Humigpit ang hawak ko sa huling folder na inayos ko. "Ang alin ang masama, Sir? Ang tulungan ang ama mo?" tanong ko. Mabilis na kumalat ang inis sa buong sistema ko. Namamanhid na rin ang mga kamay ko.
"Ang gawin siyang isang nakamumuhing tao, Miss Escobar."
Napatayo ako. Mabilis akong pumunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ito nang naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Iniharap niya ako sa kanya.
Nakaigting ang panga niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Miss Escobar, kapag may kasama akong babae at kaming dalawa lang ay imposibleng walang mangyayari."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Hinaklit niya ang bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya dahil sa magkadikit naming mga katawan.
He caressed my lower lip as he stared into my eyes. "Your lips seem divine."
Napahawak ako sa kanyang braso dahil pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko.
Ngumiti siya. "But they are also filthy. Like you." Binitawan niya ako at tinalikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top