Chapter 60

Chapter 60

Three months had passed and there were a lot of changes that I never thought would happen. Nagbago ang pakikitungo sa akin ng co-teachers ko pero ako ay ganoon pa rin sa kanila, civil.

I tried to ignore negative things, of course with the help of Faerie. She never really left my side since that day. Sa tuwing sinusumpong ako ay ginagawa niya ang lahat para lang pakalmahin ako at pasayahin.

Umangat ang tingin ko nang biglang may nagpatong ng chocolates sa table ko. Agad akong napatayo nang nakita si Faerie. Umikot ako at hindi na nag-aksaya ng oras na lapitan siya. Mariin ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Miss na miss?" She was smiling widely at me.

"Sobra!"

"Amity, umuwi lang ako sa bahay kahapon. Ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita."

I just shrugged my shoulders and excitedly opened a chocolate bar. I leaned on my table as she touched my hair. Siguro ay nagulo ito dahil sa hangin kanina sa labas noong papunta ako rito sa faculty room.

"Where are your co-teachers?" she asked.

"Nasa AVR 'yong iba. Tapos 'yong iba, syempre nagtuturo," sagot ko habang ngumunguya ng tsokolate. Sinubuan ko siya at tinanggap naman niya ito.

"Then why are you here?"

"Nag-excuse ako sa klase ko na iihi. May activity naman akong iniwan, so okay lang."

"Baka masilip ka na naman ng principal n'yo." Kinuha niya ang tumbler ko sa table at lumapit doon sa water dispenser.

"Hindi 'yan. OA siya. Bawal mag-CR?"

Pagbalik niya ay inabot niya sa akin ang tubig. "Uminom ka. Lintik, para kang aagawan ng chocolates. 'Di ka ba pinapakain sa inyo?"

"Hindi e. 'Yong kapatid ko kasi umuwi sa kanila kaya hindi ako nakakain kagabi. Walang nagluto," biro ko.

She pinched my waist and I silently ouched. "Bakit hindi?!"

"Joke lang. 'Di ka na mabiro," bawi ko. Umuwi siya kagabi dahil may pinagagawa raw sa kanya si Mommy.

"Nagluto ka?"

"Yup! Ginisang ampalaya." I smiled brightly as I remembered how she taught me to cook it last month.

"Masarap ba?"

"Oo naman. Tinandaan ko talaga lahat ng itinuro mo sa akin."

"Very good." Inagaw niya sa akin ang tumbler at uminom siya. "So saan tayo mamayang gabi? Date?"

Tumango ako. "Yes, please!"

"All right!"

My heart felt so happy. These past months, I could say that there was a lot of improvements on how I handled my emotions. Napupuri rin ako ng therapist ko kaya alam kong masaya rin si Faerie.

"Babalik na muna ako sa Admin building. Sabay tayo mag-lunch, ha?" Inilapag niya sa table ang inuman ko.

"Okay! Balik na rin ako sa klase."

Umuna na siya dahil may inayos pa ako sa table at may kinuhang libro para sa sunod kong klase. Pagdating ng lunch ay bumalik ako sa faculty room at ang iba ay nanananghalian na.

Napatigil ako sa pag-upo nang nakita ko ang papel ng memo na may tatak ng opisina ni president. Pasimple ko itong kinuha at itinago sa libro habang binabasa.

Amity,

I'm starting to hate your name—its meaning in particular. It feels like it's the only thing you can offer to me. I can't be 'just friends' with you.

Aegeus

Napaupo ako. Ngayon ba ay pati ibig-sabihin ng pangalan ko ay pinag-aaralan niya? Anong trip niya? It was so unlike him.

Isinara ko ang libro. Wala akong natatandaan na sinabi sa kanya na gusto ko siyang maging kaibigan. The last time we talked was when we broke up.

May lumapit sa akin kaya umangat ang tingin ko. Si Sir Gael. These past few weeks, he had been so considerate of me. Lagi niya akong nilalapitan para kausapin at naa-appreciate ko 'yon.

"President just got here, Ma'am Amity. He's looking for you. May iniwan ata siya sa table mo. Nakita mo ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Nag-lunch ka na?" pag-iiba ko ng usapan.

"Not yet. Sabay ka sa akin?" malawak ang ngiti niyang alok.

Umiling ako. "Can't. Lalabas kami ni Faerie."

"Oh, okay." He flashed me an understanding smile.

Iniwan ko na siya nang na-receive ko ang text ni Faerie.

Faerie:

Parking. Dalian mo kasi gutom na ako.

Me:

Coming, Ma'am!

Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse niya. Nagsi-seatbelt ako nang bigla siyang tumikhim.

Nilingon ko siya at bigla niyang hinawakan ang mga braso ko. Kumunot ang noo ko.

"What's wrong?"

"Wala lang," aniya at pilit na tumawa.

Matagal niya akong kinapitan na mas lalo kong ipinagtaka. Kumalas ako at tumingin sa unahan. Natigilan bigla ako sa nakita. Seryosong nag-uusap sila President at Meave sa 'di kalayuan. Kakapit sana ang babae sa braso ni President pero agad siyang umatras.

Tumikhim ako. "Let's go."

Pinaandar nga ni Faerie ang sasakyan. Pagkarating sa isang restaurant ay um-order agad kami. Tahimik lang ako at ramdam ko ang concern niya sa akin buong oras ng pagkain.

She held my hand and gave it a gentle squeeze. "Are you okay?"

I shook my head.

The therapist told me that I should be honest to Faerie just like I was to her. Makakatulong daw 'yon nang husto sa akin. Tho, ginagawa ko naman 'yon dati pa dahil alam ko sa sarili ko na kahit simpleng bagay ay hindi ko magagawang ilihim kay Faerie.

Tapos na rin kaming kumain kaya malaya kaming nakakapag-usap. Naghihintay na lang ng bill.

"Spill it out," she urged me.

"I received a memo. Not a memo really. Ginamit niya lang 'yon para siguro..."

"Para siguro?" tanong niya.

"Para siguro mapansin ko siya."

I had been ignoring his texts and calls. As in for the past three months, he kept on texting and calling me every night and day. Pero ni isang call ay wala akong sinagot, walang binasang text.

The way my co-teachers and co-employees treated me changed because President became obvious with his feelings for me. Madalas sinasabi sa akin ng mga katrabaho na pumupunta siya sa faculty. Aware ako dahil sa araw-araw ay nakakatanggap ako ng kung anu-anong regalo o kaya ay bulaklak. Kung hindi niya sa faculty iniiwan ay sa pinto naman ng apartment ko.

'Yon ang hirap sa mga tao. Balik-harap. Kaya ayoko ring malaman nila ang naging relasyon namin ni President ay dahil alam kong magiging ganito sila sa akin. Ayokong pakitaan nila ako ng kaplastikan dahil lang binibigyan ako ng atensyon ni President.

Natahimik si Faerie, mukhang iniisip nang husto ang sinabi ko. Nasa sasakyan na kami at doon lang ulit siya nagsalita.

"May appointment ka bukas."

"Yes." Napabuntonghininga ako.

Inabot niya ang kamay ko at pinisil-pisil ito habang nagda-drive.

Sa totoo lang, noong nag-break kami ay medyo tumahimik ang mundo ko. Hindi na ako ginugulo ni Sahara. Kapag nakikita ko ang estudyanteng 'yon ay agad na umiiwas sa akin. Parang hindi na rin nadadalaw rito ang pamilya ni President.

Nakabalik kami sa Hasse at nagpatuloy sa trabaho. Uwian nang ako na lang ang natira sa faculty room. Inila-lock ko ang pinto nang nakarinig ako ng pagtikhim.

Tumindig ang balahibo ko dahil kilala ko ang presensya na 'yon. Nang humarap ako ay hindi nga ako nagkamali.

It was him.

"Hi..." he said in his formal tone. "Can I invite you to my office now, Miss Escobar?"

Itinago ko ang mga kamay sa aking likuran dahil bigla itong nanginig. Pasimple kong kinakalma ang sarili dahil sa pamilyar na reaksyon ng dibdib ko.

Nilagpasan ko siya pero agad niya akong pinigilan. Pinaharap niya ako sa kanya at lumipat ang tingin niya sa mga kamay ko.

He was about to touch them but I immediately stepped back.

"I can't."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at tumakbo palayo. Malapit na ako sa parking nang nasalubong ko si Faerie. Agad niya akong pinaharap sa kanya at nag-aalala ang mukha na ineksamin ang itsura ko.

"Amity, why are you shaking?"

"Si President pinuntahan ako sa faculty," mabilis kong sabi.

Hinila niya ako papunta sa kanyang sasakyan. Pagkasakay namin ay muli niya akong iniharap sa kanya.

"Anong sabi?"

"Gusto niya akong makausap. Inaaya ako sa office niya."

She let out a sigh. "Kailangan ngang makausap mo ang therapist mo."

Natahimik na naman ako. Nagalit siya kay President pero alam ko ang ipinapahiwatig niya. Nakakausap din niya ang therapist ko, aware ako roon. That was why she knew better on how to deal with me in times that there were attacks.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis para sa appointment ko. Pagpasok ko ng counseling room ay matamis akong nginitian ni Dr. Doroteo. Naiwan si Faerie roon sa waiting area.

"So, are you ready to tell me everything that happened last week?"

Tumango ako at inilahad sa kanya ang lahat. Matapos kong magkwento ay marami rin siyang sinabi at nalinawan ako sa pamamagitan din ng tactics niya kung paano ko ito mare-realize sa sarili. Pero ang pinakang tumatak sa isip ko ay ang huli niyang sinabi.

"If he makes you happy, what should you do? Based on everything that you've told me and confessed to me, he makes you happy but can be a trigger sometimes. But what is it that will help you to deal with that fear?"

Para akong lutang kahit nang tumuloy kami pagdi-date na dalawa ni Faerie. Nakahilig lang ako sa balikat niya sa sinehan at siya ay alam kong hati ang atensyon sa pinanonood at sa akin.

Pagdating ng lunes ay wala akong ideya kung bakit pinagtitinginan ako ng mga kasamahan. Malapit na ako sa sariling table nang nakita ko si Sir Harold na nasa harapan nito, mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Pinapasabi ni Sir De Guzman na kailangan mo raw pumunta sa Office of the President," simula niya.

Agad na nagbago ang tibok ng puso ko pagkarinig sa sinabi ni Sir Harold. Umupo ako sa swivel chair at hindi makatingin sa kanya.

"W-what time, Sir?" I stuttered.

"9 am." Makahulugan siyang ngumiti. "Hanga na talaga ako kay President. Galing ng mga galawan para mapansin mo ah, Ma'am Amity."

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang huli niyang sinabi bago ako iwan. Wala sa sariling inilabas ko ang cell phone sa bulsa at nagtipa ng message kay Faerie.

Me:

Pinapapunta ako sa opisina. Anong gagawin ko?

Faerie:

Go.

Me:

Kaya ko ba?

Faerie:

Kaya mo. Just call me if something bad happens, okay? I'm always to the rescue, love.

Ibinalik ko ang cell phone sa bulsa at pumunta na sa unang klase. Humarap ako sa kanila na parang walang iniisip. Pasalamat ko dahil maganda pa rin ang itinakbo ng discussion sa kabila ng hindi mawalang kaba sa dibdib ko.

Pagdating ng alas nueve ay bumaba na ako papunta sa opisinang ang tagal kong iniwasan na magawi ako. I knocked on the door before entering. Nginitian ako ng sekretarya. Kumunot ang noo ko dahil iba na ito. Kailan pa napaltan ang sekretarya niya?

"Miss Escobar, right, Ma'am?" the new secretary asked for confirmation.

"Yes."

"The president is waiting for you inside, Ma'am. Pasok na po kayo."

I composed myself before walking to his door. Pinisil ko ang mga kamay bago kumatok sa pinto ng pinakang opisina niya bago ito buksan.

Mula sa sahig ay inangat ko ang tingin. Nakasandal siya sa table niya at may cup sa kamay, umiinom ng kape. He wasn't looking at me.

Parang nalaglag ang puso ko sa sahig nang napagmasdan siya. Gustuhin ko mang iiwas ang mga mata ko pero para akong nahihipnotismo ng kanyang kabuuan. Kahit malayo ay kita ko ang ilang butones na bukas ng kanyang itim na long sleeve polo.

Nakaitim din siyang trousers. Medyo gulo ang kanyang buhok at nakasandal ang maugat niyang mga kamay sa table.

"Good morning, Miss Escobar."

Inalis ko ang tingin sa kanya. "Good morning, Sir."

"Come here. I have a proposal to you. We need an english major teacher for a seminar to be held in Baguio."

Lumapit ako sa kanya at humarap siya sa table. May binuksan siyang folder at ipinakita sa akin ang isang lugar sa Baguio kung saan gaganapin ang seminar na sinasabi niya.

"I chose you to be our school's representative."

Tumango ako, hindi siya malingon dahil ramdam kong nakatingin na siya sa akin. Binasa ko ang nilalaman ng document at tila napaso nang dumikit ang braso niya sa braso ko.

Agad akong lumayo. Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niya akong itinulak sa table. Napasandal ako rito lalo na nang kulungin ako ng mga bisig niya na tumuon muli sa mesa.

"I'll go there with you, Amity."

Mariin akong napalunok dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang gusto nitong lumabas sa dibdib.

"Liligawan kita hanggang sa maging akin ka ulit."

Itinuon ko ang mga kamay sa dibdib niya para itulak siya palayo, pero hindi niya ako hinayaang makawala.

His chest was so near my face that I almost couldn't breathe. Iniiwas ko ang tingin dito lalo na at sumisilip ang matipuno niyang dibdib.

"President..." Inangat ko ang tingin sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at matindi ang naging epekto nito sa katawan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa uri ng tingin niya.

Wala pa rin talaga siyang ipinagbago.

"Pinagbigyan na kita sa gusto mo. I think three months is enough to avoid me."

Hinawakan niya ang kamay ko sa dibdib niya na hindi ko pa pala natatanggal doon. Namilog ang mga mata ko nang hinigit niya ang polo at nasira ang pangatlong butones nito. Bumalandra sa akin ang matipuno niyang dibdib.

I swallowed hard as I saw something on his chest. He got his chest inked with my name. Sa mismong tapat ng puso niya.

Amity.

"Seeing you from afar and not able to even touch you is a torture, Amity."

Inilapit niya ang kamay ko sa dibdib niya. Muli kong inangat ang tingin sa mga mata niya at ganoon na lang kabilis naglaho ang pinaghirapan kong pagtikis sa nararamdaman.

"I won't love another woman if it's not you."

He pressed his forehead against mine and gently cupped my face. Para akong hihimatayin sa emosyong nararamdaman ko.

"Please, baby. Give me another chance. I love you so bad."

Akmang hahalikan niya ako pero bigla niyang pinigilan ang sarili. Sumubsob siya sa balikat ko na mabilis ang paghinga.

"Miss na miss kita, Amity. Para na akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon."

Hindi ako makahagilap ng sasabihin. Para akong napipi. It felt like I was starting to lose my sanity because of him.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagya siyang inilayo sa akin. Kanina pa sumisingit sa isip ko ang sinabi ng therapist sa akin.

He was staring at me with his soft eyes. Hahawakan niya sana ulit ako pero siya na mismo ang pumigil sa sarili.

"Can you wait for me?" I gently asked while staring back at him.

Biglang nagkaroon ng buhay ang mga mata niya. Mariin siyang lumunok at mabilis na napatango.

Binitawan ko siya at naglakad na papunta sa pinto. Bubuksan ko na ito nang bigla niyang pigilin ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nasundan niya ako.

He gripped my waist and hugged me from behind. Hindi ako nakagalaw.

"Thank you," he whispered.

Tumindig ang balahibo ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil bago tuluyang buksan ang pinto at lumabas.

Nagmamadali akong umalis doon at hinihingal na napahawak sa pader ng hallway. I calmed myself down but my mind couldn't stop recalling everything he had said.

Naisip kong bumili ng ice cream, nagbabaka-sakaling mabawasan ang nararamdaman ko. Dahil wala sa loob ng Hasse ang paborito kong strawberry ice cream ay naisipan kong lumabas.

Kailangan kong maiwaksi sa isip ang nangyari sa loob ng opisina niya. Gusto kong malimutan kung gaano siya kagwapo habang titig na titig sa akin.

My lips formed a smile as I pictured the tattoo on his chest. Wala sa itsura niya na magpapalagay siya nang ganoon.

Patawid ako sa kalsada nang napansin ko ang pamilyar na mukha. Mukhang wala sa sarili dahil nakatingin siya sa kawalan.

Nanlaki ang mga mata ko nang dere-deretso itong tumawid. May paparating na SUV at nataranta ako. Agad akong tumakbo sa direksyon ng ina ni President at buong pwersa siyang itinulak. Malakas ang sigawan ng mga taong nakakita kasabay ng pagbangga sa akin ng sasakyan. Napapikit ako sa malakas na pagtalsik ko sa kung saan.

My eyes were blurry and I couldn't recognize the faces looking at me. There was this extreme pain all over my body and something was coming out from my mouth.

"Amity!"

Hindi ko alam kung sino 'yon, parang boses ng ina ni President.

Pilit kong iminumulat ang mga mata, iniinda ang matinding sakit na nararamdaman.

"Amity!"

Hindi ako pwedeng magkamali. It was her. My Faerie.

"Tangina, Amity!"

Tumulo ang luha ko nang narinig ko ang paghagulgol niya. "Tangina! Sa pedestrian daw tumawid ah! Bakit hindi kayo magmaneho nang maayos?! Bulag ka bang driver ka? Ha?!"

May napaluhod sa aking tabi, akmang yayakapin ako, ngunit marahas siyang itinulak ni Faerie. Mabilis na nagbagsakan ang luha ko nang naaninagan siya.

Si Aegeus.

"Isa ka pa! Tabi!" galit na sigaw ni Faerie kay Aegeus at maingat na inangat ang ulo ko. Niyakap ako ng ate ko at pumatak ang luha niya sa aking mukha.

Nakatingin lang ako kay Aegeus na nakalupasay rin sa kalsada dahil sa pagtulak sa kanya ni Faerie.

"Punyeta, Aegeus! Kuhanin mo na ang sasakyan! Tumayo ka diyan!" dagdag pa ni Faerie.

"Amity..." nabasag ang boses ni Aegeus at nagmamadaling tumayo. Taranta. "Don't close your eyes, please. Wait for me, okay?"

Marahan kong nilingon si Faerie at mas nadurog ang puso ko sa walang tigil niyang pag-iyak.

"Baby ko..." bulong ni Ate sa akin. "Love, please! Stay with me!"

"Ate..." mahinang tawag ko sa kanya. "Aegeus."

I never thought I would think this way after how many times I tried to end my life before.

Gusto ko pang mabuhay. Lord, gusto ko pa pong mabuhay.

—————————————————————————

Note: This is the last chapter. Please wait for the Epilogue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top