Chapter 59
Chapter 59
Pagmulat ko ay puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Inilibot ko ang tingin at tumigil ito sa kanan ko kung saan nakatungo si Faerie. She was holding my hand tightly while asleep.
Marahan akong gumalaw ngunit nagising pa rin siya. Napaderetso siya ng upo. Her eyes looked tired and swollen. Kumirot ang puso ko at iniwas ang tingin sa kanya.
The door opened and the doctor entered the room. He smiled when he saw me awake.
"How are you feeling?" he asked and started examining me.
Bahagyang lumayo si Faerie pero ramdam ko na nakikinig lang siya.
"Okay na po."
"Any pain you're feeling?"
Umiling ako at tiningnan niya ang mga sugat ko. Pumasok ang isang nurse at kung anu-ano pa ang ginagawa nila sa akin. Hinayaan ko lang sila hanggang sa bumukas muli ang pinto.
Napatingin kaming lahat dito. Mabilis akong nilapitan ni President. Nang lingunin ko si Faerie ay kausap na niya ang doctor pero masama ang tingin niya sa lalaking malapit sa akin. Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila dahil na rin sa inaagaw ng lalaking nakatayo sa tabi ko ang atensyon ko.
I couldn't look at him but the familiar reaction of my chest was deafening.
Naramdaman ko ang pag-alis ng doctor at nurse. Faerie cleared her throat and drew near me.
"Pwede na tayong umuwi bukas. Sure ka na wala ka ng nararamdaman, ha?" tanong niya sa akin.
I didn't have any idea how long I slept. Her face was so serious like she didn't really want to see him here.
"Hindi pa ba pwede ngayon—"
"Can we talk?" President cut me off.
Napangisi si Faerie. "Sir, my sister needs rest. I think talking to you would do no good."
Inabot ko ang kamay ni Faerie para pigilan siya, pero tiningnan lang niya ako ng. Blangko ang kanyang ekspresyon.
"Faerie, please..." pakiusap ni President.
Doon ko na siya nilingon. Matamlay ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Malalalim ang mga 'yon na parang hindi pa natutulog.
"Ate..." Sinulyapan ko si Faerie at pilit na ngumiti.
Nakuha niya ang gusto kong mangyari. Bago niya kami iwan ay binalingan niya si President. "Kahit president ka ng Hasse, kayang-kaya kitang kaladkarin palabas kapag may ginawa kang hindi maganda sa kanya."
Nang sumara ang pinto ay binalot kami ng katahimikan. Nanatili siyang nakatayo sa kanan ko.
Ibinuka niya ang bibig pero muli niya 'yong itinikom, parang nagdadalawang isip sa sasabihin.
"May masakit ba sa 'yo?"
Our eyes met. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa nag-init ang mga mata ko. Umupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko. I just let him hold my hand, 'cause I did miss him.
I pointed my head. Bumangon ako at agad niya akong inalalayan.
"I'm sorry if I got jealous and acted like a bitch." Tuluyan nang lumandas ang luha sa pisngi ko.
Nataranta siya. "Shh... ako dapat ang nagso-sorry. Wala kang kasalanan."'
Kinagat ko ang ibabang labi at pinunasan ang luha ko. She cupped my face gently and stared into my eyes. Humahagod ang sakit sa dibdib ko.
Bumagsak ang tingin niya sa mga sugat ko sa palapulsuhan at braso. Agad ko itong ipinaloob sa kumot.
"I won't ask why you did that, but it pains me seeing you like this, Amity."
Hirap akong napalunok. Hinaplos niya ang buhok ko at bumuntonghininga.
Umangat ang tingin ko sa kanya at namumula ang kanyang mga mata, tila pinipigilan ang emosyon.
"I can't explain what I felt when I heard the news that you were rushed here." Iniwas niya ang tingin sa akin at mariing pumikit. "Anong ginawa ko? Kasalanan ko 'to, alam ko."
"Don't blame yourself."
Lumandas ang luha sa pisngi niya. Hindi ko 'yon inaasahan. Napatitig ako sa kanya at maingat niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Aegeus..." sambit ko.
"I'm sorry for crying, baby. I just can't stop the tears anymore."
Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap nang mahigpit. Ramdam kong nababasa ang hospital gown ko ng luha niya. The guy in my arms was not the president of Hasse. Siya ang lalaking mahal ko. At hindi ko alam na ganito na pala ang sakit na naidudulot ko sa kanya.
"Don't ever do that again, please." Tumungo siya sa dibdib ko, nanginginig ang mga balikat.
"I'm sorry..." Hinagod ko ang likod niya. Tumulo muli ang luha ko pero agad ko itong pinunasan.
"Don't scare me again like that. I can't lose you."
Tumango ako. Humiwalay siya sa akin at pinunasan ko ang mga luha niya. "Wala kang kasalanan, Aegeus. It's me."
Matagal siyang tumitig sa mga mata ko. Tinuyo ko ang mga luha niya at natahimik kami. Bumukas ang pinto at parehas kaming napatingin dito. Akmang bibitawan ko ang kamay niya dahil sa pagpasok ni Sir Phoenix pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.
"Amity..." Mr. Dela Vega started. "Thank you."
Tipid akong ngumiti at ganoon din siya. Napakagwapo ng ngiting 'yon. Hindi na nakapagtataka kung bakit nagustuhan siya ni Ma'am Millicent.
Bumagsak ang tingin niya sa kamay namin ni President bago muling tumingin sa akin.
"I appreciate what you and Faerie did to find my son. Tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob." Inilahad niya ang kamay niya. Kinuha ko ito gamit ang malayang kamay. "Get well, Amity. I know you're strong."
Iniwan ni Mr. Dela Vega ang isang basket ng prutas bago tuluyang lumabas. Nang kaming dalawa na lang ulit ay muli akong humiga.
"Do you want anything?" he asked.
Umiling ako at nanatiling nakatingin lang sa kisame. "Pwede bang iwan mo muna ako?" tanong ko.
Ayoko siyang tingnan dahil natatakot ako sa reaksyon niya. I wanted to be alone to think about everything I did. Until now, my emotions were unstable. Ang bilis magbago na hindi ko ma-control.
"Is that what you want?"
Tumango ako. I heard him sigh before he stood up. Ramdam ko ang tingin niya sa akin bago siya lumabas pero hindi ko na siya nagawang tingnan muli.
Sandali pa ay bumalik si Faerie. Nakapikit ako pero ramdam ko ang panonood niya sa akin.
"Do you wanna talk to me?"
I opened my eyes and looked at her. I swallowed as I saw her eyes misty.
"Bakit mo nagawa 'yon?" tanong niya.
She couldn't restrain herself anymore from asking questions. Hindi ako nakasagot.
"I was so scared, Amity! I thought... I thought you're gonna leave me!"
Lumandas muli ang luha ko. Humaplos ang matinding sakit sa dibdib ko nang bumagsak na rin ang luha niya.
Bumangon ako at niyakap niya ako nang mahigpit. Mahina niyang hinampas ang likod ko.
"I can't leave you here 'cause I'm scared that you'll leave me for real."
Bahagya siyang lumayo sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Tiningnan niya ang mga sugat ko.
"Love, nandito lang ang ate. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Pero bakit ako, naisip mong iwan?"
Umiling ako. "It's not like that."
I wiped her tears away and smiled faintly. "I just did that to distract myself. Yes, at first I was planning to do it. And I'm really sorry."
I couldn't find the exact words to say. Gusto kong ikwento sa kanya ang lahat ng naramdaman ko bago ko gawin 'yon pero hindi pa ako handa.
Matagal na walang nagsalita sa amin at alam kong nakuha niya ang pagtahimik ko. Inilapit niya ang mga labi sa noo ko at hinalikan ako rito.
"Pwede ba akong makiusap sa 'yo?" mahina niyang tanong.
I nodded gently.
"Mahal mo ako, 'di ba?"
Muli akong tumango.
"Kung gano'n, 'wag mo na ulit gagawin 'yong ginawa mo. Nandito lang naman ako. Ilang beses ko na ring sinabi sa 'yo 'to. Kung pagod ka na, kapit ka lang sa akin. Kasi ako, hinding-hindi mapapagod sa 'yo." Muli niyang tiningnan ang mga sugat ko.
"I'm sorry."
Ipinikit ko ang mga mata at muli niyang pinunasan ang mga luha ko.
"Stop hurting yourself, 'cause I'm hurting too... so bad."
Matapos ang maikling pag-uusap namin ay hinayaan niya akong matulog muli. Kinabukasan, pagkatapos akong kausapin ng doctor at bilinan ay pinauwi na ako nito.
Palabas ng hospital ay napatigil ako sa paglalakad na ipinagtaka ni Faerie. Palapit sa amin si President na may hawak na bouquet ng white tulips. Sa kanang kamay ay prutas at kung anu-ano pang pagkain. Bumagal ang paglalakad niya nang namataan niya ako.
Nakita na rin siya ni Faerie. Sa peripheral ko ay pinanonood niya kaming dalawa.
He stopped right in front of me, and I knew that we were gaining a lot of attentions. He wasn't informed that I'd be discharged today. Noong natulog kasi ako ay nagdere-deretso na. Ang sabi ng doctor ay normal lang daw sa akin dahil ilang gabi akong hindi nakakapagtulog nang maayos.
"Aegeus..."
Inilapag niya ang mga dala sa sahig. Napabitaw ako kay Faerie.
My man looked undeniably smart, handsome, and neat with his getup. White long sleeve polo short partnered with a pair of black pants with a designer black belt. Bukas ang dalawang butones ng polo niya at ayos na ayos ang buhok. Amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Tinanggal niya ang aviator niya at isinampay 'yon sa dibdib ng polo niya.
Bumagsak ang tingin ko sa kumikinang niyang black shoes. Tumikhim ako.
"You didn't tell me you're going home today," he said.
Si Faerie ay nanatiling tahimik sa tabi ko. Ramdam ko na ayaw niyang makausap si President. She was so transparent about her feelings towards a person.
He stepped forward and held my face with both of his hands. He was about to kiss me but Faerie cleared her throat.
"We need to go, President. Now, if you'll excuse us." Hinawakan ni Faerie ang braso ko.
Napangiwi ako nang nasanggi niya ang sugat ko.
"Aw, sorry!" aniya nang napansin ang reaksyon ko.
Nilagpasan namin si President at dinig ko ang pagdampot niya sa mga dala. Sinundan niya kami sa parking at magkatabi pa ang sasakyan nila ni Faerie.
"I'll take these to your apartment," he said before I could step in the car.
Tipid siyang ngumiti at ipinasok na ang mga dala sa likod ng kanyang sasakyan. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako papasok sa passenger seat ng kotse ni Faerie. The latter was watching us close as if President would do something bad to me.
Para akong babasagin sa uri ng paghawak ni Aegeus sa akin. Nang isara niya ang pinto ay agad siyang lumipat sa sasakyan niya. Pinaandar ni Faerie ang sasakyan at kita ko na sinusundan niya kami.
Nasa malalim akong pag-iisip nang tanungin ako ni Faerie. "Anong balak mo?"
Hindi man niya ako deretsahang tanungin ay alam ko ang tinutukoy niya. Tungkol ito sa amin ni President, Meave, at ina nito.
"I'll talk to him." Nilingon ko siya.
Tumango lang siya. Pagkarating namin sa apartment ay pumasok agad kami.
Nang may kumatok sa pinto ay pinagbuksan niya ito. Pumasok si President na dala pa rin ang mga binili niya para sa akin. Umupo siya sa katapat kong couch at iniwan kami ni Faerie, pumasok sa kwarto.
Nagtama ang mga mata namin. Akmang tatayo siya para lapitan ako sa upuan pero bahagya kong itinaas ang mga kamay para pigilan siya.
"It's better to keep our distance, Aegeus."
Sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Nang walang umimik sa amin ay naglakas-loob na akong magsalita muli.
"I haven't been myself lately," I started.
Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko makayanan ang halu-halong emosyon sa mga mata niya. He seemed hurt and confused for I stopped him to seat beside me.
"I believed everything you said between you and Meave." Bumuntonghininga ako. "Pero ayoko ring maapektuhan ka nang dahil sa akin."
Nag-init ang mga mata ko nang bigla siyang tumungo. Pinagdikit niya ang mga kamay at inilapit ito sa kanyang mga labi.
"You know, being with you makes me happy and feel loved. But there are times that I'm not myself, Aegeus."
Nanginig ang mga kamay ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyon.
"And it's not about you. It's about me."
Nanatili siyang nakatungo na para bang alam na niya kung anong patutunguhan ng pag-uusap naming ito.
"Hindi ko alam kung sumobra ba ako. Hindi ko alam kung gaano na kita nasasaktan. May mga kilos ako na alam kong nagtataka ka kung bakit ganoon na lang. May mga bagay na nahihirapan akong ipaliwanag. This is not just about you and Meave and your mom."
Nang iangat niya ang tingin sa akin ay wala akong nabasa na kahit ano sa mga mata niya. Pinatatag ko ang sarili.
"You know that I'll understand you, Amity. Whatever it is, I will try to understand."
Tumango ako. Alam ko. Pero hindi niya deserve ang ganito.
"Aegeus, let's break up," I finally said.
Napatayo siya at muling inilapit ang mga kamay sa bibig. Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko na para bang nahihirapan siya na iproseso ang sinabi ko.
"Aegeus..."
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. He held my hands and pressed them to his lips.
"Amity, a-ayoko," nabasag ang boses niyang sabi. Inangat niya ang tingin sa akin at mabilis na umahon ang luha sa mga mata niya. "'Wag naman, oh."
"Hindi ba kasasabi mo lang na pipilitin mong unawain ang lahat?" pinatatag ko ang boses. "Then, this is my decision."
Umiling-iling siya at mabilis na bumagsak ang mga luha. "Paano naman ako? Wala ba akong karapatan na magdesisyon? Paano kung ayaw ko?"
I pulled my hands away from him.
"My decision is final," I said sternly.
Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha. Nanginig ang mga balikat niya at paulit-ulit na umiling. "Akala ko, okay na tayo kahapon."
Tumayo siya at tinalikuran ako. Naglakad siya papunta sa pinto. Hindi ko siya pinigilan dahil alam kong sobra siyang nasasaktan.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang narinig ko ang kanyang paghikbi.
"Nandito lang ako, handang samahan ka sa kahit anong laban. Whatever it is. Whether against people or illness! It's not just your fight! It's also mine! You're not alone with your battles!" Itinuon niya ang kamay sa pinto at nilingon ako na walang tigil sa pag-agos ang luha. "But why can't you fight for me? Don't I deserve it? Bakit ang bilis mo akong bitiwan?"
Nang hindi ako sumagot ay binuksan na niya ang pinto. I cried uncontrollably as he went out of the apartment, slamming the door behind him.
Patawarin mo ako, Aegeus. Para rin sa 'yo 'to, mahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top