Chapter 58
Chapter 58
Trigger Warnings: If you're diagnosed with or experiencing signs and symptoms of depression or other mental illnesses, please stop reading this story. Read at your own risk. Thank you!
Bumaba kami ni Faerie sa sasakyan at sinabayan niya ako paglalakad. Iniwan na namin doon ang mga gamit dahil doon din naman kami sasakay mamaya. Balak ko pa sana na pumunta sa faculty room habang naghihintay ng pag-alis, nang namataan ko ang paparating na sasakyan ni Ma'am Millicent.
She hopped out of the car and opened the rear door. Inalalayan niyang lumabas ang isang bata. Hinawakan ako ni Faerie sa braso.
"Sis, gwapo n'ong bata. Anak ni Ma'am Millicent?" tanong niya sa akin.
Nakasuot ito ng white polo shirt, pink chino shorts, at wazed casual brown shoes. Sa ulo nito ay may itim na shades. Tumingin sa direksyon namin si Ma'am Millicent, kasabay ang paglabas ng napakagwapong lalaki mula sa driver's seat.
Si Mr. Phoenix Dela Vega!
I held Faerie's hand and walked towards them.
"Good morning po!" we greeted them in unison. Nagkatinginan kami ni Faerie at halata ang pagpipigil niya ng tawa.
Hinarap ko silang muli. "Thank you for not turning down our request, Ma'am Millicent." Pinakiusapan kasi namin siya last meeting na kung pupwede ay sumama talaga siya sa Cherub Orphanage at ngayon nga ay dumating siya.
"Wala 'yon, Amity," tugon niya na nakangiti. "Have you had breakfast?"
Napatingin ako sa batang lalaki na siguro ay nasa 4-5 na taong gulang pa lang. Lumapit ito kay Faerie at hinawakan sa kamay ang huli.
"What is your name? You are so beautiful," the kid said.
Napangiti ako. Pumantay si Faerie sa bata at natawa. "I'm Faerie, and you are?"
"Preston Eury Dela Vega."
Lumipat ang tingin ko sa mag-asawa at napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mr. Dela Vega. Lumapit si Ma'am Millicent sa kanya at nag-cling ang kamay sa braso ng asawa. Sa tabi ko ay naramdaman ko ang pagtigil ng lalaki. Kahit hindi ko siya tingnan ay kilalang-kilala ko ang presensya niya.
"It's so nice meeting you, Mr. Dela Vega," President said formally.
"It's very nice to meet you as well." Kumawala si Mr. Dela Vega sa hawak ng asawa at hinapit ang bewang nito.
"Are you going with us, President?" Ma'am Millicent asked him. "Usually, someone like you don't want to join in activities like this."
"Well, I'm sure you've mistaken." Ramdam ko na nilingon niya kami. "Kayong dalawa, ro'n kayo sumakay sa kotse ko. Other teachers will be with the students on the school bus."
"No, Sir," tutol ko. "Faerie brought her car. Doon po kami sasakay."
May sasabihin pa sana siya pero tinanguan ko na ang mag-asawa at hinila si Faerie papunta sa sasakyan niya. Ni hindi na kami nakapagpakilala ng ayos kay Mr. Dela Vega.
Walang umimik sa amin ni Faerie, nakikiramdam lang din siya. Nakarating kami sa Cherub Orphanage at dinaluhan niya ako pagkababa.
"Nilalamig ka ba?" tanong ni Faerie.
Nilingon ko siya at iniabot niya sa akin ang kulay gray niya na jacket.
"You forgot to bring one." Tipid siyang ngumiti.
Kinawayan ko ang madre na madalas naming makausap sa tuwing nagpupunta kami rito. "Sister Grace!"
Sinabayan ako ni Faerie palapit kay sister.
"Careful, Amity. Baka madapa ka! May pagkashunga ka pa naman madalas."
Nilingon ko si Faerie at seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko napigil ang pagngiti.
"Ba't nangingiti ka?" tanong niya.
"Ayaw mo?" tugon ko na tanong din.
Napangiti na rin siya. Alam kong ito ang gusto niyang makita sa akin kahapon pa.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nilingon ang mga batang nakaupo sa mga monoblock chair. Nakaramdam ng saya ang puso ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Ma'am Millicent. Lumabas si Preston ng sasakyan at patakbo kaming nilapitan. Hinawakan niya ang kamay ko at kay Faerie.
Napawi ang ngiti ko nang dumating ang sasakyan ni President. Bumaba siya ng sasakyan at nagtama ang mga mata namin. Iniwas ko ang tingin at naglakad na kami papunta sa unahan kung saan nakaharap ang mga bata.
The program started and I focused my attention on the orphans. Nagpahinga kami nila Preston at Faerie sa tabi pagkatapos naming turuan ang mga bata na sumulat, gumuhit, at magbasa. Nilapitan kami ni Mr. Dela Vega.
"Excuse us," he said. His voice was so manly. Dinala niya si Preston sa kanilang kotse at may kinuha roon. I smiled as I watched him wiping his son's sweat on the face.
Hinarap ko si Faerie at humilig sa balikat niya. Nilingon niya ako na nakakunot ang noo.
"Alam mo, minsan parang hindi lang kita kapatid, parang nanay rin kita," wala sa sarili kong sabi.
Mas lalong nalukot ang noo niya.
"Tingnan mo si Mr. Dela Vega. Ganyan mo ako alagaan, kung paano sila kay Preston."
Tipid lang siyang ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at inginuso ang hilera ng pagkain sa mesa sa hindi kalayuan.
"Kain ka muna. You puked this morning so I won't allow you to say no." Itinayo niya ako at lumapit kami sa mga pagkain kahit hindi pa lunch.
"Ate..." tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako. "Alam mo ba..."
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
"Alam mo bang sobrang mahal kita?" bigla kong nasabi.
Sa halip na ngiti ay pag-aalala ang lumarawan sa mukha niya. Iniwas ko na ang mga mata at kumuha ng pagkain. Inagaw naman niya sa akin ang plato ko at pinaglagay ako ng ulam at kanin.
"Alam ko."
Muli ko siyang nilingon. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot pero hindi niya 'yon gustong ipahalata. Too bad, I knew her as much as she knew me.
"Hindi ka ba hinahanap ni Mommy sa inyo?" tanong ko.
She cleared her throat. "No, alam niya na nasa apartment mo lang ako."
"Uwi ka rin minsan. Baka nami-miss ka nila."
"Umuuwi ako, Amity."
Hindi na ako nagsalita dahil sa takot na mainis siya sa akin kapag pinilit ko pa.
Bumalik kami sa kaninang inuupuan ngunit saglit lang ay umalis muli siya. Nilingon ko siya na naglagay ng juice sa paper cup. I started eating, letting her watch me. Nakasanayan ko na 'yon. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan. Iniwan ko muna siya para umihi na rin. Papasok ako sa CR nang may pumigil sa akin.
"Can we talk?" that familiar voice asked.
Bumagsak ang tingin ko sa hawak niya sa akin bago ito umangat sa mukha niya.
"I think I've given you enough time ignoring me."
Binawi ko ang braso ko kay President. "May dapat ba tayong pag-usapan?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Is our relationship a joke to you?" His forehead furrowed.
"Ano? Pabiktima ka ngayon?" hindi ko napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Rumehistro sa mukha niya ang emosyon na ayokong makita. Sakit.
Tuluyan na niya akong hinila palayo roon. Binitawan niya ako nang nasa basketball gym na kami ng orphanage.
"Where were you yesterday?"
"Wala ka na ro'n," malamig kong sagot.
"Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na a-absent ka." Batid ko sa boses niya ang tampo.
Hindi ako nagsalita.
"Alalang-alala ako sa 'yo. I even went to your apartment, but you weren't there. Noong gabi naman na bumalik ako, hindi ako pinapasok ni Faerie."
Tumingin ako sa kawalan. Well, I couldn't blame Faerie.
"I just wanna know if you're okay—"
"Okay lang ako, syempre," putol ko sa kanya. "Okay lang sa akin 'yong nadatnan ko sa opisina mo. Okay lang sa akin na malaman na hinalikan mo si Meave. Okay lang, Aegeus," sunud-sunod kong sabi nang hindi ko na napigilan ang sarili.
Nagtama ang paningin namin at kita ko sa mga mata niya ang sagot. Totoong naghalikan nga sila.
Tatalikuran ko sana siya pero agad niyang nahablot ang braso ko.
"Hey, Meave was drunk, and yes, it's true that she kissed me." Iniharap niya akong muli sa kanya at sinapo niya ang pisngi ko.
Pinalis ko ang kamay niya. "But you did kiss her back, didn't you?"
Umiling siya. Nag-init ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng matinding tampo at sakit ay bigla na lang lumambot ang puso ko.
"I didn't." He cupped my face again and looked straight into my eyes. "Please, believe me."
I felt so guilty. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at mariin siyang hinalikan sa mga labi.
"I'm sorry." Then I pulled away and stepped back.
Hindi ko maintindihan ang sarili. Tumalikod ako at iniwan siya roon.
"Amity!"
Hindi ko pinansin ang tawag niya. Halu-halo ang nararamdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko, naaawa ako sa kanya, at nahihirapan ako sa sitwasyon.
Bumalik ako sa function hall at sakto na nagbibigay na sila ng gifts. Natapos ang program at napansin ko na parang nagkakagulo sina Faerie. Nilapitan ko siya at hinawakan siya sa balikat.
"Hey, what's wrong?"
Balisa ang mukha niya na nilingon ako. "Nawawala si Preston."
Natigalgal ako sa tayo. Siya naman ang humawak sa akin at isinama ako paghahanap sa bata. Nagkaisa ang lahat na hanapin si Preston. Kung saan-saan na namin siya hinanap sa buong orphanage, nakalabas na rin kami pero hindi pa rin namin siya nakita.
Pagbalik namin sa orphanage ay nadatnan namin ang hinang-hinang si Ma'am Millicent.
"This is my fault! Kung hindi ko nakaligtaang tingnan ang anak ko—"
"Wala kang kasalanan, Millicent," putol ni Mr. Dela Vega sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"Sir, mukhang mas mabuti po na ipagpabukas na natin ang paghahanap sa anak n'yo," sabi ng mapangahas na pulis.
Napakalas si Ma'am Millicent sa yakap ng asawa. "Anong tingin n'yo sa anak ko? Isang bagay lang na nawala para ipagpabukas ang paghahanap?" galit ang boses na tanong niya.
Hindi ko na naintindi ang mga sumunod na pag-uusap nila at hinarap si Faerie.
"Ate, let's go back to searching," I told her.
"Let's go," she agreed.
Hindi na kami nakapaghapunan at hindi na rin umuwi. Kinabukasan ay nagpatuloy kami ni Faerie paghahanap. Palabas ako ng orphanage nang pigilan ako ni President.
"Magpahinga ka muna."
Pumunta siya sa harapan ko. Dahil sa nararamdaman kong hiya ay nilagpasan ko siya at inignora. Sinundan ko ang nauunang si Faerie na hindi napansin na pinigilan ako ni President.
Malayo na ang narating namin at hindi na rin mabilang ang mga napagtanungan namin. Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang isang tulay. Bumaba ako ng sasakyan at tumungo roon.
Para akong nabunutan ng tinik nang nakita ko si Preston doon.
"Ate! We found him!" I shouted.
Kasabay ng pagtulo ng pawis ko ay ang paglakas ng ulan. Nilapitan ko si Preston na nakaupo at nakatingin lang sa batang babae sa kanyang harapan. Umiiyak ang batang kasama niya at inaalo lang niya ito.
"Stop crying. My parents won't get mad at you," Preston spoke to her gently.
Napaupo ako sa tabi ni Preston at napansin ko ang medyo basa nitong damit. Agad naman kaming dinaluhan ni Faerie at sinalat ang noo ni Preston.
"You're sick, Preston," she told him.
Tipid na ngumiti si Preston na nakatitig lang sa batang babae. Saglit niya kaming nilingon.
"How did you get here?" Faerie asked him.
"I followed her and gave her food. She's hungry. I'm sick so I wasn't able to go back there." Ang tinutukoy ni Preston ay ang orphanage.
Napatingin kami sa batang babae na takot ang mga mata na nakatingin sa amin.
"Nasaan ang parents mo?" bigla kong tanong sa bata.
Umiiling lang ang batang babae.
"Babalikan ka namin dito, okay? Kailangan lang namin na dalhin sa ospital si Preston." Tipid ko itong nginitian.
Hindi sumagot ang bata. Pansin ko na pinanonood ako ni Faerie. Nagmamadali kaming umalis sa lugar na 'yon. Sumakay kami sa kotse at agad na pinaandar ni Faerie ang sasakyan habang yakap ko si Preston. Bago pa kami makarating sa apartment ay nilingon ko na siya.
"Dapat sa ospital tayo dumeretso," sabi ko, nanginginig ang katawan dahil na rin sa nabasa kami ng ulan kanina.
But she didn't listen to me. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya.
Pagdating ng apartment ay agad siyang bumaba at kumatok sa pinto ng kapitbahay. Pagbalik niya ay dala niya ang damit na nasa plastic at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Pumasok kami sa apartment at mabilis niyang pinunasan ang katawan ng tulog na si Preston at binihisan ito. Napaupo ako sa harapan nila dahil na rin sa pagod at kawalang tulog.
Nilingon niya ako.
"Dalhin mo na siya sa ospital," sabi ko.
Umiling siya.
"Baka kung anong mangyari sa kanya!" hindi ko napigilang sigaw.
"Mababa na ang lagnat niya. Hindi kita pwedeng iwan dito."
I couldn't understand why she was acting like this. Kung bakit kahapon pa ay hindi niya ako maiwan-iwan.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto. As soon as I closed the door, I slumped on the floor. I covered my mouth with my hand and bursted into tears. Kahapon ko pa ito pinipigilan pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mailabas ito. I was tired physically and emotionally.
Pinilit kong tumayo at binuksan ang drawer ko. Inilabas ko rito ang blade at ang kutsilyo na naipuslit ko kagabi bago kami matulog ni Faerie.
Sobrang pagod na ako. Pakiramdam ko, pabigat ako sa kanila. Kina Faerie at Aegeus.
Muli akong napaupo sa pinto at tiningnan ang mga hawak ko. Itinapat ko ang kutsilyo sa dibdib ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang makitang nahihirapan si Faerie dahil sa akin. Bumabalik ang lahat. My past, Damian's words, Aegeus telling me the truth, everything.
Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Itatarak ko na sana ito sa dibdib ko nang lumarawan sa mukha ko ang malungkot na mukha ni Faerie. Nagbagsakan ang mga luha ko. Pinigil ko na makagawa ng ingay. Kahit anong gawin ko ay sobrang gulo ng isip ko. Tinanggal ko ang papel kung saan nakabalot ang blade at pinaghihiwa ko ang sarili.
I couldn't leave Faerie. But I needed to do this. I needed to distract myself. And this way, cutting would help. To escape from the overwhelming and dangerous thoughts. Gusto kong mai-divert ang isip ko mula sa masakit na nakaraan at mga nararanasan ko.
Napatingin ako sa masaganang dugo na tumutulo sa sahig mula sa palapulsuhan ko at mga braso. Para akong nakalutang sa ere. Manhid pa rin ang katawan. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang hapdi at sakit ng mga sugat ko. Pinanood ko ang pagtulo ng sariling dugo bago ako nagkalakas ng loob na tumayo at binuksan ang pinto.
"Love..." paos ang boses kong tawag kay Faerie.
Nanlalabo ang mga mata ko ngunit ramdam ko na may lumapit sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga mata at nang nagmulat ay hindi ako nagkamali.
Doon ko lang din napansin na may ibang mga tao. Preston's parents were finally here. Sa wakas ay madadala na nila ang bata sa hospital.
"I... love you, Ate. I'm sorry," my voice trembled.
And before I lost consciousness, Aegeus and Faerie's faces flashed through my mind.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top