Chapter 56

Chapter 56

It was Tuesday when I received an early morning message from him. Tumitig ako sa screen ng cell phone ko at hindi napigil ang pagtawa.

President:

I texted Faerie if I can pick you up, but she said it's not necessary. Ba't ang sungit ng Ate mo?

Nilingon ko ang bumukas na pinto at nagkatinginan kami ni Faerie. Inirapan lang niya ako at hindi na siya tumuloy papasok ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko at saglit na may dinaanan sa kusina, bago siya sundan sa labas kung saan ready na ang kanyang sasakyan.

Once I was inside her car, she immediately started the engine and searched for music.

"Ba't pati si President sinusungitan mo?" tanong ko.

"'Wag mo 'kong matanung-tanong, Amity. Kapag ganitong masakit ang likod at puson ko, e wala akong oras para sagutin ang mga 'yan."

"Daan tayo sa palengke, may bibilhin lang ako," sabi ko na hindi pinansin ang sinabi niya.

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin. Hindi na rin naman siya nagsalita at ipinarada ang kotse sa palengke, malapit sa pwesto ng prutasan. Sarado pa ang malalapit na supermarkets kaya rito ko naisipan na bumili.

When I bought what I needed, I hurriedly went back to where her car was parked. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong ipinakita ang dalawang kilong kinalabaw na mangga para sa kanya.

"Saan ang bagoong?" tanong niya.

Binuksan ko ang bag ko at ipinakita ang kinuha kong bote ng alamang sa apartment.

"Ay wow, ready!" komento niya.

Ngumisi ako at umirap lang siya muli. Kabisadong-kabisado ko siya kapag malapit nang magkaroon.

Agad siyang bumaba pagkarating namin sa Hasse. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa hinarap niya ako.

"Kailan mo na nga balak magpa-check up?" nakakunot-noong tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. I was about to clamp my arm around her but she avoided me.

"You're busy this week. Paano 'to? Next week na naman? Amity, hindi dapat 'to pa-postpone-postpone."

Kita ko ang inis sa mga mata niya. Nang hindi ako nagsalita ay itinaas niya ang mga manggang binili ko.

"May susi ka ng HE room? Doon tayo." She turned her back and walked to the direction of their building.

Pumunta na rin ako sa faculty room at inilapag ang gamit ko. Pagdating ko sa HE room ay nasa pintuan na siya. Binuksan ko ito gamit ang susi at nauna siyang pumasok.

Habang binabalatan niya ang mangga ay pasulyap-sulyap siya sa akin. "How is your relationship with him?"

Naglagay ako ng bagoong sa plato at umupo sa stool. Natapos na rin naman siyang magbalat at tinabihan ako.

"We're okay. He's doing everything to make me happy," I answered.

"That's good then. Sabihin mo lang sa akin kapag may ginawa siyang hindi maganda."

Pinanood ko siya na sinimulan nang kumain ng mangga. Kumuha na rin ako. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyayari rito sa Hasse at marami akong nalaman tungkol sa department nila.

Matapos naming magkwentuhan ay bumalik na ako sa faculty room at siya ay sa kanilang opisina. Nag-toothbrush muna ako bago pumasok sa mga klase ko.

It was lunch time when I had the time to check my phone. Nakita ko ang dalawang texts sa akin ni President.

President:

Can't have lunch with you today.

President:

My mom and brothers are here.

I closed the message icon and put my cell phone back in my pocket. Lumabas ako ng faculty room. Naglalakad ako sa hallway nang namataan ko si Sahara na nakasunod kay Meave. Mukhang unaware ang huli sa ginagawang pagsunod ni Sahara. Papunta sila sa building ng opisina ni President. Tumuloy ako sa office nila Faerie at bubuksan na sana niya ang kabibili lang na lunch nang nag-angat siya sa akin. Kumunot ang noo niya at agad na sinarhan ang pagkain. She rose from her swivel chair and came near me.

Nginitian ko siya at agad niyang hinawakan ang kamay ko. She hauled me out of their office and stopped when we're already out of the building.

"Bakit namumutla ang mukha mo?" tanong niya.

Napahawak ako sa magkabila kong pisngi at nagkibit-balikat. "Baka dahil hindi pa ako nagla-lunch?" hindi ko siguradong sagot.

Nagpatuloy na ako paglakad at sinundan niya ako. Nang nasabayan niya ako ay nag-cling ako sa braso niya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.

"Bunso..." nag-aalala niyang tawag sa akin.

"Sa labas tayo kumain. Cut ang klase after lunch dahil may seminar ang Grade 11 sa AVR. Inform ko na lang ang strand coordinator namin in case na ma-late tayo pagbalik," sabi ko.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant kung saan may pork hamonado sa kanilang menu. Um-order kami at pagdating ng mga pagkain ay nagsimula na agad akong kumain. I could feel her watching me. I took a sip from the glass of my orange juice and looked at her.

"May nangyari ba?" tanong niya sa akin.

I shook my head lightly. Nanginginig ang kamay ko na ibinaba ang baso sa table.

"You're not okay," she stated.

Tutok na tutok ang mga mata niya sa akin. I couldn't exactly point out what made me feel this way. My hands were shaking and sweating.

Ibinaba niya ang gamit na utensils sa kanyang plato at umikot sa upuan ko. She sat beside me and held my hand. "Can you tell me what happened and what you saw before you come to me?"

"I received texts from him. Sabay dapat kami magla-lunch today. Nasabi ko naman sa 'yo kaninang umaga na hindi kita masasabayan, right?"

Tumangu-tango siya. "And then?"

"He said he can't have lunch with me 'cause his family is there. Also I saw Sahara and Meave."

"What exactly is bothering you?" she asked and squeezed my hand.

"Hindi ko alam. Basta nagkaganito na lang. Medyo nahihirapan din akong huminga." Bumagsak ang tingin ko sa dibdib ko at kita ko ang mabilis na pagtaas-baba nito.

Pinagpatuloy niya ang pagpisil sa kamay ko hanggang sa unti-unti ay kumalma ako. Hindi na siya umalis sa tabi ko at pinilit niya ulit akong kumain.

Bumalik kami sa Hasse na may bitbit na yakult series mula sa Teagumps.

"Pagkatapos ng outreach, Amity, ha? Kung hindi, kakaladkarin na kita sa psychiatrist," sabi ni Faerie bago kami maghiwalay.

We talked about my checkup as we were on our way to Hasse. Hindi na ako nakasagot nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

"Ate loves you, okay?" she reminded me. "Laban lang, ha?"

Naglakad na siya patungo sa admin building. Pinigil ko ang sariling emosyon at pinilit bumalik sa pagtatrabaho.

I was packing my things up when I received a message from Faerie. Dumidilim na rin.

Faerie:

You done? I'm at the parking lot. Puntahan pa ba kita sa faculty?

I immediately typed a reply.

Me:

No need. Daan lang ako kay President. Paalam lang ako na uuwi na tayo.

Pumunta nga ako sa building ng opisina ni President. Mukhang nakauwi na ang sekretarya niya kaya dumeretso na ako sa pinto ng mismong opisina. Bubuksan ko na sana ito nang narinig ko ang boses ng isang babae sa loob.

"I think your mama is right, Aegeus. Why don't we carry on the marriage that our parents planned when we were in college?"

Napabitaw ako sa doorknob, bumagsak ang kamay ko sa tagiliran ko.

I heard him laugh. "'Yan ba ang pinag-usapan n'yo ng Mama?"

I leaned against the wall as I continued eavesdropping. Gusto ko nang umalis pero tila may pumipigil sa akin.

"Yes, Aegeus. Isa pa, gusto ko pa rin naman talagang ikasal sa 'yo."

Kumuyom ang mga kamay ko. Nag-vibrate ang cell phone ko pero hindi ko ito pinansin.

"What we had was like of married couples. Hindi mo ba nami-miss ang ginagawa natin noon?"

Anong ginagawa? I suddenly felt my head getting numb like I was floating in the air.

"Meave, lasing ka..." mahinahong sabi ni President. "Go home—"

"Go home with me like yesterday, Aegeus. I miss everything about you," she said sweetly.

Saglit na napagitnaan sila ng katahimikan.

"Be with me again, Aegeus."

Narinig ko ang kalabog mula sa loob. Humarap ako sa pinto at agad itong binuksan. Napabitaw ako rito, nagulat sa nasaksihan. Nakahiga si Meave sa sofa at hawak-hawak ni President ang magkabila nitong kamay sa ulunan nito.

"Did I disturb you two?" I asked, my voice almost trembled.

Mabilis na umalis si President sa taas ni Meave. Halos matisod siya pagtakbo sa akin at agad akong umatras. I couldn't look at him straight in the eyes.

"Magpapaalam lang po sana ako na uuwi na kami ni Faerie," pinatatag ko ang boses.

He was about to touch me but I took a step backwards again.

"Amity... what you saw, it is not what you think, okay?" Hinawakan niya ang baba ko at huli na para maiwasan ko 'yon.

Nagtubig ang mga mata ko. "Tinatanong ka niya kung hindi mo raw ba na-miss 'yong ginagawa n'yong dalawa dati. Bakit hindi mo masagot?"

Muli ay tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero tuluyan ko na siyang nilayuan.

"Gusto pala kayong ipakasal ng parents n'yo dati pa. Alam mo, bagay kayo." Sunud-sunod ang paghagod ng sakit sa dibdib ko.

"Amity, you know my feelings towards you. You know that I love you, don't you? I made everything clear to you a lot of times," his voice almost broke.

"Kaya ba hindi mo ako pinapunta rito sa office mo kanina? Kasi nandito ulit ang ex mo?"

Mabilis siyang umiling. "No, my mom and brothers were really here. Meave just got here now and as you can see, she's drunk."

Nilingon ko ang babae sa nakaawang na pinto at pulang-pula ang mukha na nakatingin sa aming dalawa.

"Pasok ka na sa loob. Naistorbo ko pa ata kayo. Sorry. Uwi na ako."

Nagmamadali akong umalis doon. Palabas na ako ng building nila nang haklitin niya ang bewang ko. He hugged me tightly from behind. Mabilis ang paghinga niya at tila wala siyang balak na pakawalan ako.

"Amity, wala akong ginagawang masama. We were just talking. She was about to kiss me and I tried to avoid her. Bumagsak kami sa sofa dahil hindi na siya magkanda tino sa kilos niya," mabilis niyang pagpapaliwanag.

"Gusto ko nang umuwi," pakiusap ko.

"No! Hindi ka uuwi na hindi natin naaayos 'to! Come on, face me!"

Pwersahan kong inalis ang pagkakayakap niya at hinarap siya.

Unable to control my tears anymore, they raced down my cheeks. I looked into his eyes, not able to suppress my emotions any longer.

"You know, as I heard you two talking, it made me realize why we can't be together. Gustung-gusto siya ng Mama mo para sa 'yo. Wala akong laban sa Meave na 'yon."

He bowed his head and shook his head. "'Wag kang magsalita nang ganyan, Amity."

Mariin kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Mukhang pagod ang girlfriend ko. Magpahinga ka muna, sige. Mag-usap tayo bukas."

Muli niyang inangat ang tingin niya sa akin.

"Kung napapagod ka, pahinga lang. Pero hindi mo gagawin 'yong nasa isip mo. Mahal mo ko, 'di ba?"

I didn't answer him. Mariin akong pumikit bago siya muling talikuran.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top