Chapter 54

Chapter 54

"Ang ganda rito sa Hasse."

Tumabi sa akin si Ma'am Millicent na kagagaling lang sa opisina ni President. Lumabas ako kanina dahil may pinag-uusapan sila na hindi tungkol sa outreach program. Kaya naisipan ko na lang na magpahangin dito sa labas sa ng building.

Pangalawang araw na ito nang pagbisita niya rito. Kita kong gusto niya talaga ang ginagawang pagtulong.

I just nodded as an answer.

"Kanina ka pa tahimik, may gumugulo ba sa 'yo?"

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Ang dami ko lang pong ginagawa nitong mga nakaraan kaya po siguro nakakaramdam ako ng pagod."

"Don't call me Ma'am, Millicent na lang," she said.

Pero syempre hindi ko sinang-ayunan ang sinabi niya. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa Hasse hanggang sa napagpasyahan namin na bumalik na sa office. Papasok na kami nang nakarinig kami ng pagtikhim mula sa aming likuran.

Kumabog ang dibdib ko pagkakita kay Mrs. Agrezor na walang emosyon na nakatingin sa akin.

"Mrs. Agrezor, the president is inside the office. I'll inform him that you're here—" Emery didn't finish her sentence as Mrs. Agrezor raised her hand to stop her.

"I'm not here for my son," she said coldly. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.

Tinanguan ko si Ma'am Millicent at may pag-aalala na lumarawan sa mga mata niya. Binalewala ko 'yon at sinundan ko na ang ina ni President.

Nakarating kami sa parking lot at walang emosyon akong tiningnan ni Mrs. Agrezor.

"Hop in. I need to show you something." Sumakay siya sa kotse niyang gray.

My hands were trembling as I reached for the door of her car. Pagkapasok ko ay pilit kong kinalma ang sarili dahil biglang namanhid ang mga kamay ko.

She drove off and we went someplace. Itinigil niya ang sasakyan sa isang malaki at magarbong bahay.

"Just follow me, Miss Escobar," she said when we got off her car.

My phone rang but I ignored it. Sobra na ang kabang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay anytime, hihimatayin ako.

This wasn't overreacting. Maraming beses ko na itong naranasan.

Wala na ako sa huwisyo para purihin pa ang ganda ng loob ng bahay nila dahil sa halu-halong nararamdaman. Parang lumulutang ang ulo ko sa ere.

Dinala niya ako sa isang malaki at malinis na kwarto. Tumungo siya sa ilalim ng kama at may inilabas na box dito. Pabagsak niya itong inilapag sa kama at tiningnan ako.

"Come and see these stupid stuff," she said, emotionless.

Lumapit ako sa kabila ng panginginig ng mga tuhod. Nanatili akong nakatayo at inilabas niya ang mga picture ko na solo at kasama ang namayapa niyang asawa.

Pinigil ko ang magpakita ng kahit anong emosyon. Those were happy memories with him. Siya na itinuring kong pangalawa kong ama, at siya na kumupkop sa akin noong nawala sa akin ang pamilya ko.

"Hindi ako makapaniwalang ang tagal n'yo pala talaga akong niloko. Ano? Pinalaki ka niya hanggang sa maging kabit?!" malakas niyang sigaw.

Napapikit ako at umiling. "Wala po kaming naging relasyon na katulad ng iniisip n'yo," pag-amin ko ng katotohanan.

"Sinungaling!" Kinuha niya ang isang malaking album at ibinato ito sa akin. Tinamaan ako sa dibdib pero ininda ko ang sakit.

"Maniwala po kayo. Kinupkop niya po ako at pinatira sa isang bahay pero hindi niya po ako babae. Tinuring niya po akong anak." Mariin kong kinagat ang ibabang labi, ngunit hindi ko na nasupil ang pagluha. "Siya po ang nakakita sa akin sa cabinet n'ong pinasok kami ng mga magnanakaw."

I could still remember how dark it was like it was yesterday.

"Kung hindi n'yo po alam, almost 15 years ago, naulila na po ako. Wala na po akong pamilya. Ako na lang pong mag-isa. Pero tinulungan po ako ng asawa n'yo para magpatuloy mabuhay kahit ayoko na."

Bumagsak na ako sa sahig dahil hindi ko na nakayanan ang panghihina.

"Wala po siyang kasalanan. Hindi po siya nagtaksil sa inyo. Mahal na mahal po niya ang pamilya niya."

Inangat ko ang mukha. She was weeping silently, staring at the things from the box. Hindi lang 'yon mga litrato kundi mga simpleng bagay rin na naibigay ko sa dating president ng Hasse.

"I'm sorry if I am one of the reasons why you're hurting, Ma'am. Pero wala pong katotohanan ang kung anuman pong narinig n'yo sa ibang tao."

Wala akong narinig sa kanya kundi ang kanyang pag-iyak. Nasasaktan ako para sa kanya dahil batid ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. Ngunit hindi ko alam kung para saan 'yon.

Matagal na walang nagsalita sa amin hanggang sa iwan niya akong mag-isa. Nanatili ang tingin ko sa pinto kung saan siya lumabas.

Pinilit kong tumayo. I sat on the bed and looked at the box. Nang nakakuha ng lakas ng loob ay dinampot ko ang paper flower na kulay blue na ginawa ko noong bata pa ako.

Inilapit ko ito sa aking dibdib, walang tigil ang luha ko sa pagbagsak. I gave it to him, Sir Castiel Agrezor, when I graduated elementary. Siya ang umakyat sa entablado noong nagtapos ako.

Sobrang sakit na ng lalamunan ko sa pag-iyak hanggang sa napagod na rin ang mga mata ko.

Ibinalik ko ang takip ng box at lumabas na ng kwarto. Pababa sa hagdan ay nakita ko si Mrs. Agrezor na nakaupo sa paanan nito at nakatingin sa kawalan.

"A-aalis na po ako," paalam ko.

Parang hindi niya ako narinig.

Dumeretso na ako sa main door at bubuksan na ito nang bigla siyang nagsalita.

"I don't want to see your face again."

Nilingon ko siya na hindi naramdaman ang pagsunod sa akin. Unti-unting kumawala ang tipid na ngiti sa mga labi ko.

Lumabas ako ng malaking bahay, at palabas ng gate ay halos mabuwal ako. Napakapit ako sa pader at inilabas ang cell phone sa bulsa ko.

Agad kong tinawagan si Faerie.

"Hello? Asan ka?! Kanina pa kita tinatawagan! Bakit hindi mo ako sinasagot?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Sunduin mo ako. I'll send you the location." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

I texted her the address. Nang nakalabas ako ng gate ay umupo ako sa tabi habang naghihintay kay Faerie.

Pagkadating niya ay hindi ko na siya hinayaan na bumaba at pumasok na ako ng kotse. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"Why are you here and whose house is that?"

Minasahe ko ang mga kamay kong namamanhid. Hindi pa kami ganoong nakakalayo nang itigil niya ang sasakyan at inalis ang seatbelt niya. Iniharap niya ako sa kanya at marahang tinapik ang pisngi ko.

"Hey, Amity..." aniya.

Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti. There was this sadness in her eyes that I didn't want to see.

"Pwede bang 'wag mo akong tingnan nang ganyan?" sabi ko.

"Pwede bang ikwento mo sa akin ang nangyari?" pakiusap niya.

Para na akong sasabog sa sobrang nararamdaman ko. Hindi ako makahinga nang maayos. She unbuckled my seatbelt and held my hands tightly.

"Inhale, exhale before you tell me."

Ginawa ko ang sinabi niya at nang kaya ko na ay nagsimula na ako, "n-nagkausap kami ni Mrs. Agrezor. Inamin ko sa kanya na ang asawa niya ang kumupkop sa akin."

Kinuwento ko sa kanya lahat hanggang sa sinabi nito na ayaw na akong makita kailanman. Tahimik lang niya akong pinakinggan.

"What else?" Hinagilap niya ang mga mata ko. "Mayroon ka pa bang hindi sinasabi sa akin maliban sa nangyari ngayon?"

Matagal bago ako umimik. She squeezed my hand, urging me to voice it out.

"Si Damian..." simula ko.

Kumunot ang noo niya. Nalito rin ako sa naging reaksyon niya.

"What about him?"

"I heard him talking to someone on the phone. He said he texted you saying if he sees you with me, he'd do something bad to... me."

Nabitawan niya ang mga kamay ko at biglang pinaandar ang sasakyan. Nang muli akong tumahimik ay kinuha niya ulit ang isa kong kamay at hinawakan ito habang nagda-drive.

"Don't overthink, sis." Sinulyapan niya ako bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "Inaamin ko na kaya hindi ako masyadong naglalapit sa 'yo nitong mga nakaraang araw ay dahil doon. I was having a hard time finding out who the fuck sent me that message. At 'yong lalaki pala na 'yon. I just did that to protect you, okay? Natatakot akong may gawin sa 'yo ang taong 'yon."

Alam ko.

Mas bumilis pa ang pagmamaneho niya at hindi na nagsalita. Nakarating kami sa Hasse at agad siyang bumaba. Sinundan ko siya at pumasok siya sa kanilang opisina. Paglabas niya ay nakasunod na si Damian sa kanya. Agad akong nagtago at nakita sila na umakyat papunta sa 4th floor kung saan ang meeting room ng administrative department.

Itinulak ni Faerie si Damian sa pader at mahigpit na nilukot ang collar ng suot nitong black long sleeve polo.

"Nakisama ako sa 'yo nang maayos, pero ito ang igaganti mo?" simula ni Faerie.

Muntik na akong mapasigaw nang may humaklit sa aking bewang. Mabuti na lang ay tinakpan niya ang bibig ko para masupil ang ingay ko.

Medyo itinago niya ako at isinandal ako sa pader. Sa hawak pa lang ay alam kong siya na 'yon. He looked into my eyes with so much concern.

"Tangina, Faerie. Ang lapit-lapit mo ngayon. Tayong dalawa lang ang nandito, gusto mo bang may gawin tayo na pupwedeng makatanggal ng stress?"

I swallowed. Kinilabutan ako sa narinig mula kay Damian. Nanatili ang kamay ni President sa bibig ko at umiling siya, pinipigilan ako na kumawala.

"Tara sa loob ng meeting room. Gusto kitang tikman. Siguradong pagkatapos nating mag-sex, magugustuhan mo na ako at hahanap-hanapin mo—"

Hindi ko sigurado kung sampal ang narinig ko mula sa kanila. Itinuon ni President ang noo sa aking noo at inilabas ang kanyang phone.

Nagtipa siya roon at nakita kong may itinext siya.

"Kaya hindi kita gusto, gago! Kasi ramdam ko na una pa lang may kademonyohan ka nang itinatago!" mariin na sabi ni Faerie.

"Ah, yes, Faerie! At ipapakita ko 'yon sa 'yo ngayon!"

"Aray! Putang ina!" sigaw ni Faerie.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kinabahan ako sa maaaring gawin ni Damian. Pumiglas ako pero mas hinigpitan ni President ang hawak sa akin.

"Lagi na lang nandoon sa Amity na 'yon ang atensyon mo! Paano ka magkaka-boyfriend niyan? Tangina, dapat sa babaeng 'yon pinagpapaalam na sa mundo e! Ilang beses na kitang pinagtangkaang tikman, alam mo 'yon? Kapag nasa opisina tayo, sobrang pagtitimpi ko kapag nakikita ko kung gaano ka kakinis."

"Putang ina mo! Manyak! Demonyo—aray!"

Bumagsak ang luha ko.

"Walang makakarinig sa atin kapag tinira kita sa loob ng meeting room, baby. Tayo lang ang makakarinig ng ungol at pagtatama ng mga laman at balat natin. Gusto mo 'yon?" Tumawa si Damian at malakas na umungol. "I'll fuck you hard 'til you get tired, Faerie. Simulan na nating putang ina ka!"

Binitawan ako ni President at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kanila. Muntik pa akong matisod sa pagsunod sa kanya.

He punched Damian on the face and kicked the latter in the stomach. Hinablot ni President ang braso ni Damian hanggang sa napatalikod ito. Sinipa niya ulit ang lalaki at padapa itong bumagsak sa sahig.

Binuksan ni President ang cell phone niya at nag-ingay ito. Nag-play ang usapan ni Damian at Faerie.

He recorded it. Hindi ko 'yon napansin.

Lumapit si Faerie kay Damian at sinabunutan ang lalaki gamit ang dalawang kamay. Napasandal ako sa pader nang ingudngod ni Faerie si Damian sa sahig.

"'Yan! 'Yan ang tirahin mo! Dyan ka makipag-sex sa sahig! Tutal mas marumi ka pa dyan! Kadiri ka! Mukha ka na ngang dugyot, napaka-manyak mo pang hayop ka! May pa-fuck fuck ka pang nalalaman, 'di naman bagay sa 'yo mag-english! Kainis!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top