Chapter 53

Chapter 53

"Whose used cigarette is that?" Itinuro ni President ang sigarilyong ginamit ni Damian. Bahagyang kumunot ang noo niya habang naghihintay ng sagot ng lalaki. "Is that yours? Nakita ko na inapakan mo."

Tiningnan ni Damian ang kamay ni President sa balikat niya bago sumagot. "Hindi po, Sir." Wala na ang tono ng kaba sa boses ng lalaki.

Palingon si President sa direksyon ko kaya mas nagtago pa ako.

"You know that smoking is prohibited here. School ito, hindi ito ang lugar na pagpapakitaan mo ng bisyo mo."

Wala akong narinig mula sa ka-departamento ni Faerie. Kung ako man ay baka hindi rin ako nakasagot lalo at huli ako sa akto.

"Liars can be dismissed in this institution anytime I want. Paano pa kaya ang lumabag sa policy?"

I couldn't believe what I just saw. Ngayon ko lang ulit nakita ang Damian na 'yon dahil na rin sa laki ng eskwelahang ito. Ibang-iba siya sa kung paano ko siya unang nakita. Well, mukha pa rin siyang empleyado na hindi gagawa ng bawal, pero iba 'yon sa nakita ko ngayon. And the way he spoke to someone on the phone was bothersome.

Ang kapal ng mukha niyang bastusin si Faerie!

Pinakiramdaman ko ang dalawa. Sinilip ko sila nang biglang may bumulaga sa harapan ko. Inangat ko ang mukha at nagtama ang mga mata namin ni President.

"Are you okay?" he asked.

Huminga ako nang malalim bago tumango. Tiningnan ko ang kinatatayuan ni Damian kanina at wala na ito roon. Muli kong ibinalik ang tingin kay President at umayos ng tayo.

Unti-unting napalitan ng pag-aalala ang kaseryosohan sa mukha niya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at  inilahad ang kanyang bisig.

Pilit akong ngumiti at inilapit ang sarili sa kanya. His hug was warm and comforting.

"Baka may makakita sa atin dito," medyo kinabahan ako nang naalala kung nasaan kami.

"It's still early. Wala pang masyadong pumapasok ng ganitong oras.

Tama naman siya. Maaga talaga kaming pumasok ni Faerie madalas, kaya nakapagtataka kung bakit ganoon din si Damian. Mabilis na gumana ang utak ko at napailing.

"Anong problema?"

I pulled away though I still wanted to be wrapped in his arms.

Sinenyasan ko siya na sumunod sa akin. Pinilit ko na maglakad nang ayos bago pumasok sa Research Room na may sarili akong susi. Sumandal ako sa isa sa mga round table at agad niya akong nilapitan. Tumuon ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at matamang tumingin sa mga mata ko.

"Did he do something bad to you?"

I shook my head, still shocked at what I heard from that guy.

"I think he's obsessed with Faerie. He was talking with someone on the phone about her physical appearance." Kahit anong pigil ko sa sarili na 'wag mag-alala ay talo ako.

"Anong gusto mong gawin ko sa kanya?"

Binasa ko ang ibabang labi at mariing pumikit. Bigla niyang ipinatong ang mga kamay sa mga kamay kong nakatuon din sa table.

Napamulat ako nang haplusin niya ang mga ito. He was looking at me intently with a concerned expression on his handsome face.

"Relax, Amity. Kung natatakot ka na baka may hindi magandang gawin ang lalaking 'yon, pwes isipin mo kung sino ang boyfriend mo." Ipinagpatuloy niya ang ginagawa sa mga kamay ko. "I won't let that asshole hurt her."

Matagal ako na nakatingin lang sa kanya, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili. I hugged him again and rested my face on his broad and hard chest.

"Bakit ang aga mong pumasok?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hmm... what do you think?"

Inangat ko ang mukha na hindi pa rin siya pinakakawalan. Naramdaman ko ang paggapang ng bisig niya sa bewang ko.

"Nagtanong ako pero nagtanong din siya. Ano kaya 'yon?" Kumunot ang noo ko.

He softly laughed which stunned me. Ang sarap pakinggan ng lalaking-lalaki niyang pagtawa. Idagdag pa ang pagpapakita ng mapuputi at maganda niyang mga ngipin.

"I want to see you badly." Napawi ang tawa niya pero kita pa rin sa mga mata niya ang saya.

"Kakikita lang natin kagabi." Nag-init ang pisngi ko nang naalala ang lahat nang ginawa namin. Tumikhim ako at lalayo na sana pero umiling siya.

"Anong gagawin ko?" Binitawan niya ang isa kong kamay at hinaplos ang pisngi ko. "Nami-miss agad kita. Gusto kong lagi kang nakikita. Dito na lang kaya tayo buong araw? What do you think?"

Lumala ang init sa pisngi ko. Iniwas ko ang tingin. "As if pwede."

"Of course. I am the president and I can do whatever I want in this school."

Mainit ang tingin niya sa akin at sobrang naiilang ako.

"Kahit hubaran pa kita ngayon dito, pwedeng-pwede."

"Hoy!" napalakas kong sabi. "Ang bastos mo!"

Muli siyang tumawa at mas idinikit pa niya ang katawan sa akin.

"Sa 'yo lang naman." Umangat ang sulok ng kanyang mga labi.

Pilit ko siyang itinulak pero bigo ako. Napairap ako at sumuko na lang sa pagkawala sa kanya.

"Okay lang naman sa 'yo na ganito ako, right?" tanong niya.

Agad akong umiling.

"Sus, kagabi lang sarap na sarap ka. Mas lalo ka ngang gumaganda kapag nasasarapan."

Nasampal ko ang kanyang bibig sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong napalakas 'yon. Kita ko rin ang gulat sa mga mata niya.

"I-I'm sorry." Tipid akong ngumiti at muling itinuon ang kamay sa round table.  "Pakawalan mo na ako. Baka mamaya hindi nalang sampal ang abutin mo."

"Hmm, feisty, huh?" Malawak siyang ngumisi.

"Hindi ka ba titigil?" Pinilit kong gawing seryoso ang boses sa kabila nang mabilis at parang baliw na pagkabog ng dibdib ko dahil sa sinasabi niya. "Hindi kita pupuntahan sa office mo mamaya."

"Subukan mo, malalaman ng buong Hasse na nababaliw na ako sa 'yo. You want that?"

Walang silbi ang lahat ng sinasabi ko sa kanya. Hindi ko akalaing may ganito siyang side.

"Aegeus, please..."

Lumayo siya sa akin at humila ng isang upuan paharap sa kanya, umupo siya rito. Ipinagtaka ko ang biglang pagpawi ng ngisi niya. Sumeryoso ang mukha.

"From now on, we have a forbidden word. 'Wag na 'wag mong sasabihin ang salitang 'yon kapag nasa public place tayo, at lalo na kapag nandito tayo sa Hasse."

Kumunot ang noo ko. "What word?"

"Please," he said.

Mas lalo akong naguluhan. Bumuntonghininga siya na para bang may hirap na dinadala sa kalooban. Inihanay niya ang mga braso sa frame ng upuan at itinuon ang baba rito. Nakatingin siya sa akin na tila may ginawa akong malaking kasalanan.

"Ang hirap naman. Hindi pwede. Paano kapag kailangan kong sabihin ang salitang 'yon? Paano kapag nasabi ko?"

"I'll fuck you anytime, anywhere."

The words came out his mouth naturally. I never thought he could be miserably blunt like this.

"I can't believe you!" Napalunok ako at naiiling na iniwas muli ang tingin sa kanya.

Kung ang iba ay maaring mabastusan sa sinabi niya pero iba ang dating nito sa akin. It was the opposite. I unbelievably liked the word he used.

Wala na akong narinig mula sa kanya kundi ang ingay ng kanyang sapatos paglakad sa pinto. He opened it and looked straight at me. Sumulyap siya sa wall clock na nakasabit sa pader.

"Let's go to my office now. I think Mrs. Dela Vega is already here."

Buti at pinaalala niya ang meeting namin tungkol sa outreach program. Umayos ako ng tayo bago ko dinampot ang bag at lumabas ng research room.

Nauna ako paglalakad at ramdam ko na nakasunod siya sa akin. Napapatingin pa sa amin ang ibang nakakasalubong.

"Ibababa ko lang sa faculty 'tong bag. Sunod na lang ako sa office mo." Lumiko ako papunta sa faculty at pabagsak na napaupo sa swivel chair ko.

Hindi ko pinansin ang mga co-teacher ko na nakatingin sa akin. Isinubsob ko ang mukha sa table.

Bagay na bagay ang pangalan na ibinigay sa kanya ng mga tao. Monster.

Hindi siya mukhang halimaw pero ang isip at kilos niya tungkol sa sex ay nagpapatunay na ganoon nga siya.

Nasa building na nila ako at malapit na sa office niya nang napatigil ako. Namataan ko siya sa dulo ng building na may kausap, si Sahara.

Hindi ito sobrang layo kaya tanaw ko ang malawak na ngiti ni Sahara habang nakikinig sa kung anumang pinag-uusapan nila ni President.

Sahara hit Presiden't chest lightly, and he just laughed. Papasok na sana ako sa office niya nang saktong napalingon si Sahara sa akin. Tumaas ang kilay ng babae na nagpabaling kay President sa direksyon ko.

Tuluyan na akong pumasok na hindi pinag-aksayahang tingnan ang sekretary niya. Dumeretso ako sa mismong opisina. Pagkasara ko ng pinto ay kumunot ang noo ko pagkakita kay Faerie na nakaupo sa sofa.

Tipid niya akong nginitian. Bumalik sa isip ko ang narinig ko kanina sa wash room. Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Now that I knew why she distanced herself from me, I couldn't help but feel grateful.

Nasasaktan ako, nag-aalala, at hindi mapigilang sisihin ang sarili. I couldn't talk to her about it right now.

"Amity..."

"Why do you love me this much?" Mariin akong pumikit at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Tumungo ako sa balikat niya nang yakapin niya ako pabalik.

"What's wrong?"

Umiling ako at kumalas sa yakap. Pigil ang emosyon na umupo ako sa tabi niya.

"Alam mo naman ang sagot. Hindi mo ako kailangang tanungin."

Pilit akong ngumiti dahil nagsisimula na namang guluhin ang utak ko ng mga nangyayari at naririnig.

No one dared to speak between us, instead she just held my hand, squeezing it gently. Pinapakalma niya ako. Hindi man ako magsalita ay alam na alam niya kung ano ang gagawin sa akin.

The door opened and we both rose from our seat, when a beautiful woman came in. She was an amazingly hot mom, and wife of a Dela Vega. No'ng araw na sinabi sa akin ni President ang tungkol sa collaboration at nagkaroon ako ng oras, ini-research ko kung sino ang asawa ng CEO ng Dela Vega Holdings. She was more gorgeous in person—a woman of class and sophistication.

Sunod na pumasok ang president ng Hasse na may tipid na ngiti sa mga labi.

"She's Millicent Dela Vega. I believe that you two know her already 'cause I talked about her to the two of you."

Nilingon ko si Faerie. Hindi ako makapaniwala na makaka-partner ko siya sa project na ito.

"And Mrs. Dela Vega, she's Faerie Hontiveros, an admin officer, and also, Amity Escobar, a teacher in Senior High School."

Nakipagkamay kami ni Faerie kay Mrs. Dela Vega at hindi na nawala ang ngiti sa labi nito nang nahuling nakatingin sa akin si President.

Pupunta pa sana kami sa meeting room ng employees pero nag-request si Ma'am Millicent na rito na lang kami mag-meeting. We planned about what to do—the program, gifts that would be brought for the children, food to prepare, and many more.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas kami ng school para kumain. Pinagbuksan ni President ng pinto si Faerie at Mrs. Dela Vega. Nagtaka ako nang sinenyasan niya ako na sa passenger seat maupo.

Before opening the door for me, he whispered something in my ear. "You don't seem well."

Ako na sana ang magbubukas ngunit pinigilan niya ang kamay ko.

"Did I hurt you that bad last night?" Pasimple siyang humaplos sa bewang ko. "Pansin ko ang lakad mo. Seems that you're in pain."

Kinabahan ako na baka makita kami ng dalawa.

"Don't worry, next time it won't hurt anymore. It will just be extreme and satisfying pleasure."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top