Chapter 49

Chapter 49

Nakasilip ako sa bintana ng jeep at pinanonood ang mga lugar na nadadaanan. Dinama ko ang mabining pagtama ng hangin sa mukha ko at ramdam ko na may ilang pasahero na lantad ang pagtingin sa akin.

Nag-in ako at tahimik na naglakad sa hallway nang tumunog ang cell phone sa loob ng bag ko. Tumatawag si President, sinagot ko ito.

"Hello?" aniya. "Nandito ako sa tapat ng apartment n'yo. Sabay na tayong pumasok."

Nakagat ko ang ibabang labi.

"Good morning, Ma'am."

Tinanguan ko ang utility man na nakasalubong ko at bumati sa akin. "Sorry, hindi ko alam na isasabay mo ako pagpasok. Actually, nasa school na ako."

Saglit siyang natahimik. "Hmm, sige, okay lang. See you later!"

Pinilit kong ngumiti hanggang sa ibaba niya ang tawag. Pagkapasok ko sa faculty room ay agad akong naupo sa swivel chair. I massaged my temples as my headache got worse. Hindi ako nakatulog kagabi kahit anong gawin ko, kaya inaasahan ko na ito.

Tiningnan ko ang screen ng cell phone sa paghihintay ng kahit isang text lang mula kay Faerie. Kahit na nakausap ko siya kahapon ay hindi ko pa rin mapilit ang sarili na huwag mag-alala.

Dumating na ang iba kong mga kasamahan pero wala ako sa huwisyo na batiin sila. Itinungo ko ang ulo sa table. Kumuyom ang mga kamay ko nang pakiramdam ko ay masusuka ako.

Please, tama na. Kanina pa ako sumusuka sa bahay at hindi ko alam kung may maisusuka pa ako.

I was not in the mood to do anything. Gusto kong sa bahay na lang pero marami akong kailangan na trabahuhin.

Marahan kong inangat ang ulo nang may kumatok sa table ko. Pinilit kong ngitian si Sir Gael.

"Are you sick?"

I shook my head and sat up straight. Sumandal siya sa table ko, tila ineeksamin nang husto ang mukha ko.

"Gusto mo bang pumunta sa clinic? Magpahinga ka muna kaya roon?"

"Okay lang ako. Lilipas din 'to."

Kumunot ang noo ko nang narinig ang pagsinghap ng ibang babaeng guro. Nakatingin sila sa pintuan kaya sinundan ko ang tinitingnan nila.

Hindi ko ipinahalata ang gulat dahil sa bigla niyang pagbisita rito.

"Good morning, teachers!" he greeted in his baritone voice.

"Good morning, President!" they greeted in unison.

Tipid niyang nginitian ang mga teacher na sumubok na kausapin siya. Lumibot ang tingin niya sa buong faculty room na tila nag-iinspeksyon.

Our eyes met. Hindi ako pupwedeng magkamali sa lungkot na sumingaw sa mga mata niya kahit malayo siya sa akin. Nag-iwas siya ng tingin hanggang sa medyo lumapit siya sa pwesto ko.

"If you need something for this faculty room, just send me a letter. Kung makatutulong sa inyo at makabubuti sa mga estudyante, e bakit hindi?"

Muli kong naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura pero pinigilan ko ito. Nanginginig ang kamay ko na dinampot ang tumbler at lumapit sa water dispenser. Kumuha ako ng warm water at agad na uminom.

I went back to my table and tried calming myself down. He was about to stop near my table, but I couldn't take it anymore.

Muli akong tumayo at lumabas ng faculty room. Pumasok ako sa pinakamalapit na ladies' room.

I was vomiting when someone entered and caressed my back. Nakilala ko ang haplos na 'yon na mas lalong nagpaluha sa mga mata ko. Agad akong nagmumog at matapos magpunas ng bibig ay hinarap ko siya.

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata dulot ng pagsuka.

"Bakit mo ako sinundan dito?" Nilingon ko ang pinto at hinablot ang kamay niya. Iginala ko ang tingin sa paligid bago ko siya hinila paalis doon.

Binitawan ko siya nang nakalayo na kami sa building kung saan ang faculty room at dahil mayroon din akong nakitang estudyante.

"Dalhin na kita sa doctor," bigla niyang sabi habang nakasunod sa akin.

I stopped dead in my tracks.

"Gusto kitang ipa-check up."

Inikot ko ang sarili at hinintay munang makalagpas ang estudyante na padaan bago ako nagsalita. "Don't worry about me. This is just normal."

"Don't lie to me. I searched last night about what is happening to you."

I pursed my lips tight, turned myself around, and continued walking. Nakarating kami sa opisina niya na hindi pinag-aksayahang pansinin ang sekretarya niya.

Umupo ako sa sofa at sumandal dito. Agad niya akong nilapitan at umupo sa tabi ko.

"It is not just a panic attack that you're experiencing, am I right?"

Hindi ako sumagot at hinarap siya. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko sa nakikita kong pag-aalala sa kanya. Matagal bago ako nagsalita.

"Aegeus, pwede mo ba akong yakapin?"

Pansin ko ang pag-igting ng panga niya pero hindi siya nagdalawang isip na pagbigyan ako. Hinigit niya ako at mahigpit na niyakap.

"P-pwedeng umiyak?" tanong ko na hindi napigil ang pagkabasag ng boses.

"Go on." Hinaplos niya ang buhok ko.

My body started shaking as my tears fell. Kumawala ang hikbi sa mga bibig ko pero hindi ko ito pinigilan. Napahigpit ang kapit ko sa damit niya.

"Did you hurt yourself yesterday?"

Mas lalo akong naiyak sa tanong niya. Umiling-iling ako.

"Please, don't lie. Please, Amity," his voice was weak and pleading.

"I'm sorry," nailabi ko. "I'm sorry, Aegeus."

Maraming araw sa buhay ko na kinakain ako ng lungkot at hindi ako makapag-isip ng tama. Sinasaktan ko ang sarili ko sa kahit anong paraan at alam kong mahirap itong intindihin para sa iba.

I had been living my life like this for years since that tragedy happened.

Matagal akong umiyak sa balikat niya hanggang sa unti-unti akong kumalma. Lumayo ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

He was watching me intently so I looked back at him, forcing a smile. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Magtatrabaho na ako."

Tumalikod ako para umalis na nang muli siyang nagsalita, "nahihirapan akong nakikita kang ganito."

Pumikit ako bago siya muling hinarap. "Okay lang ako. Thanks for the hug."

Palapit na ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Napako ako sa kinatatayuan nang nakita ang mga pamilyar na mukha. Dinig ko na napatayo si President.

"What are you doing here?" tanong ni President.

Hindi ko alam ang gagawin lalo na nang napawi ang matamis na ngiti sa mga labi ng magandang babae sa harapan ko. Sa likod niya ay ang tatlo pang anak na halatang nagulat din pagkakita sa akin dito sa opisina ng kapatid nila.

Bago pa ako malapitan ng ina nila ay tinakbo na ako ni President at hinila sa kanyang likod.

"What is that girl doing here?!"

Napapikit ako sa sigaw ni Mrs. Agrezor.

"Akala ko ba matagal na 'yang napatalsik dito sa Hasse? Anong ibig-sabihin nito, Aegeus?!"

"Mama, I can't fire her. She's an asset of Hasse."

Umangat ang tingin ko kay Aegeus na mahigpit ang hawak sa braso ko. Nang tingnan ko ang kanilang ina ay agad akong napatungo dahil sa nanlilisik nitong mga mata. Natabunan ng galit ang maamong mukha nito.

"Hindi mo na pinaalis, tapos pinapapasok mo pa rito sa opisina mo? Nahihibang ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ng Mama nila. "Kung ayaw mo siyang paalisin ay ako ang gagawa!"

"Mama, calm down!"

Kung hindi ako nagkakamali ay ang artistang kapatid ni President ang nagsalita, si Rogue. Nang muli kong iangat ang tingin ay tumama ako.

Napailing si Dash at binitawan ang kanilang ina. Seryoso ang mukha niyang lumapit sa amin at bumulong sa nakababatang kapatid, "Aegeus, ialis mo muna si Amity rito." Tumingin si Dash sa akin na may pag-aalala.

Kung paano niya ako nakilala ay hindi ko alam. Kuminang ang maliit na dyamanteng hikaw sa kanang tenga niya.

"Hindi, Kuya," pagtutol niya.

Si Hawk ay tahimik lang na nanonood sa amin. Nagkatinginan kami at tipid niya akong nginitian. Hindi ko 'yon masuklian dahil na rin sa kaba ko. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa dibdib.

"Aegeus!" mariing tawag ni Rogue.

Pero hindi nakinig si President at dinala niya ako sa kanyang tabi. Kumunot ang noo ng kanilang ina. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko.

Mrs. Agrezor's mouth hung open with his sudden move.

"Aegeus!" ulit ni Rogue.

"Nahuli na rin naman, bakit ko pa itatago? And there's no reason to hide her, Kuya," he said to his oldest brother.

"What is the meaning of this?" Mas lalong tumindi ang galit sa mukha ni Mrs. Agrezor. "Why are you holding her hand, Aegeus?"

I tried to free myself from his hold but he just held me tighter. Nilingon niya ako at binigyan ng isang ngiti—ngiting tila nagsasabi na hindi ako dapat mag-alala at matakot dahil hawak niya ang kamay ko.

Mahinang napamura si Dash at umupo sa kaharap na sofa ng inuupuan namin kanina. Si Rogue ay napahilot sa sintido at si Hawk ay napasandal sa pinto.

Halata sa mukha ng mga magkakapatid ang pangamba at hindi ko alam kung para saan 'yon.

"Amity is my girlfriend," he announced.

Napaatras si Mrs. Agrezor at agad na inalalayan ng nasa likod na si Hawk. Napailing ang kanilang ina at tumingin kay President na hindi makapaniwala.

She looked hurt, confused, and betrayed.

"Paano mo 'to nagawa sa akin, Aegeus?" mahina pero mariin niyang tanong. "Alam mong babae 'yan ng ama mo!"

"She's not a mistress of Papa—"

"Anong pinakain ng babaeng 'yan sa 'yo? Inakit ka rin ba niya tulad nang ginawa niya sa Papa mo?" Nilingon ako ni Mrs. Agrezor, nandidiri ang tingin niyang 'yon. "At ikaw! Hindi ka na nahiya! Mag-ama pa ang pinatulan mo! Ganyan ka na ba kawalang moral na babae?"

Tumindi ang sakit sa dibdib ko. Napailing ako dahil sa pag-ahon ng luha sa mga mata ko. Sumagap ako ng hangin at iniwas ko ang tingin kay Mrs. Agrezor.

Hindi man totoo ang paratang pero sobra ang dulot na sakit nito sa akin. Gustuhin ko mang umalis na sa lugar na ito ay hindi ko magawa dahil sa hawak ni President sa akin.

"She's not a dirty woman, Ma," President said firmly. "Wala silang naging relasyon ng Papa. Biktima lang din siya ng tsismis."

"Hindi mo alam ang pinagsasasabi mo! You saw the pictures of that whore in his library! Anong ibig-sabihin noon? Bakit magtatago ang Papa n'yo ng mga litrato ng babaeng 'yan kung walang namagitan sa kanilang dalawa?!"

Tumulo ang luha sa pisngi ko, pero agad ko itong pinunasan gamit ang malayang kamay. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong wala ring silbi. Si President nga na anak hindi niya mapakinggan, ako pa kaya?

Umuli-ulit sa isip ko ang sinabi niya.

Whore.

"Aegeus, please, ialis mo na si Amity rito," pakiusap ni Dash.

"Don't give her names like that. Hindi n'yo kilala si Amity!"

Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Agrezor at umawang ang bibig. Alam kong lahat kami ay nagulat sa pagsigaw niya. Nanginginig ang mga kamay niya at umiigting ang kanyang panga.

"I will defend her against anyone! I will defend her name even from you!"

Parang talon na nag-unahan ang luha ko sa pagbagsak sa aking pisngi. Muli kong pinilit kumawala sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinakawalan.

I couldn't believe he would yell at his mother like that.

"Umalis na kayo. Ayokong may nananakit sa babaeng mahal ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top