Chapter 45

Chapter 45

Mag-iisang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng kalokohan ni President sa opisina niya pero hindi pa rin 'yon matanggal-tanggal sa isip ko.

I was staring at my phone screen and sighed. Binasa kong muli ang message niya na kanina pang tanghali ngunit hindi ko pa nare-reply-an.

President:

I've been asking you out on dates, but I've always been rejected. What is the problem, Amity?

Noong araw na 'yon ay hindi niya ako naihatid pag-uwi dahil sabay kami ni Faerie. These past few days I was not myself. Pinupuntahan ko siya sa opisina niya kapag kailangan, sinasabayan ko siya pagkain, pero hanggang ganoon lang.

I typed a message and sent it to him.

Me:

Where are you? Let's talk.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap agad ako ng reply mula sa kanya.

President:

Library.

Me:

Saang library? Maraming library ang Hasse.

President:

SHS library.

Lumabas ako ng faculty room at dali-daling tinahak ang daan papunta sa SHS library. Pumasok ako at agad siyang hinanap ng mga mata ko.

Nakaupo siya sa isang table na pang-apatang tao. Mag-isa siya na nagbabasa ng libro.

I was about to approach him when a Senior High School student sat across his seat. Agad kong nakilala ang estudyante kahit nakatalikod ito sa kinatatayuan ko.

"Sahara, what are you doing here?" Seryoso ang tingin na ipinukol niya rito.

Akmang titingin siya sa direksyon ko nang agad akong nagtago sa malapit na bookshelf na kita pa rin sila.

"Aegeus, this is the SHS library. I should be the one asking why you are here," she said in a sweet voice.

My lips formed a straight grim line as I watched them. I mustered the strength to pull my cell phone from my skirt's pocket and started typing a message to him.

Me:

Sabihin mo kapag tapos na kayong mag-usap ni Sahara. Tumitingin lang ako ng libro sa bookshelves.

Ibabalik ko na sana and cell phone sa bulsa nang agad itong nag-vibrate.

President:

Okay.

Kumalat ang inis sa ugat ko pagkabasa ng reply niya. Humigpit ang hawak ko sa cell phone at bumunot ako ng libro sa shelf para libangin ang sarili.

As I opened the book, I suddenly smelled the familiar masculine scent. Humigpit ang hawak ko sa libro nang naramdaman ang presensya niya sa likuran ko.

"You said we're gonna talk, but here you are making yourself busy," he whispered near my ear.

Mabilis ang tibok ng puso ko at marahan ko siyang hinarap. Itinuon niya ang kanang kamay sa shelf habang nakatingin pa rin sa libro na hawak ko.

Slowly, his dark unsmiling eyes darted into mine. Para akong mabubuwal sa tayo dahil sa tingin niya.

"B-bumalik ka roon. Magkausap pa kayo ni Sahara, 'di ba? Baka makita niya tayo rito."

"Pinaalis ko na si Sahara." Nanatili ang madilim niyang tingin sa akin.

I let out a deep breath and forced a smile. "Anong ginagawa mo rito? It's unusual to the president to visit a library. You have a lot on your plate and are always busy."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. He was wearing a plain black long sleeve polo that hugged his upper body perfectly, white slim fit pants, and a pair of brown suede loafers. Aware ako na lahat ng nasa katawan niya ay mamahalin, dahil maging ang kulay itim niyang belt ay isinisigaw ang pangalan ng isang sikat na designer brand. Gucci.

Saglit na tumuon ang mga mata ko sa dalawang hindi nakasarang butones ng kanyang polo. Nag-angat ako ng mukha at nakita ko ang paglukot ng kanyang noo.

I cleared my throat. "Let's go. Sa ibang lugar tayo mag-usap."

Aalis na sana ako nang itinuon rin niya ang kaliwang kamay sa kabilang tagiliran ko. Kinakabahan kong iginala ang tingin dahil baka mamaya ay may makakita sa amin.

"Dito na lang tayo. Malapit nang magsara ang library kaya sigurado akong wala nang pupunta," malamig ang boses niyang sabi.

Isinara ko ang libro at muling inangat ang tingin sa kanya. "Mas mabuti siguro kung medyo may kaunting distansya. Ang init, President—"

"Ayoko. Naiirita ako kapag nakakawala ka," mahina pero madiin niyang sabi. "We're working in the same school but I can't even sit around with you."

"May mga bagay tayong dapat unahin."

"May vacant hours ka. Oo at pinupuntahan mo ako pero sasaglit lang."

Nahimigan ko sa baritono niyang boses ang iritasyon.

"Masama ba na gusto kitang makasama nang matagal, Amity?"

I was at a loss for words 'cause he was plainly right. Hindi ko siya nabibigyan ng oras at may karapatan siyang iungot sa akin ito.

"Mag-undertime tayo at lumabas," may pinalidad niyang sabi.

Marahan akong tumango. Palayo na siya nang unti-unting pumulupot ang bisig ko sa kanyang katawan.

I felt him stiffen with my sudden move. Tumunghay ako sa kanya at kita ko ang mabigat niyang paglunok habang deretso ang tingin sa ulunan ko.

"You smell great. Don't change your perfume, ah," naglalambing kong sabi. "I've missed you."

Bumagsak ang tingin niya sa mukha ko. Pumulupot ang sarili niyang bisig sa akin at humaplos ang init sa puso ko.

"Do you like my hug, President?" Hindi ko na nasupil ang ngiti ko. "'Cause you're now tongue-tied."

Kakawala sana siya pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap.

"Bitaw." Muli siyang napalunok.

I shook my head and continued staring into his deep set eyes. His jaw tightened as he stared back at me.

"I never hugged other men like this." Humilig ako sa dibdib niya at in-enjoy ang nakakaakit niyang amoy. "I have never kissed a man before you."

"Really?" malamig pa rin ang boses niya.

Nagtagal pa ako sa pagyakap sa kanya nang nakarinig kami ng yabag. Nagmamadali akong humiwalay. Humarap ako sa shelf at ibinalik ang libro na kinuha ko.

"Sir, akala ko po nakaalis na kayo," sabi ng librarian na si Ma'am Hanna.

Tiningnan ko ang librarian at napansin ko ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin din sa akin.

"Are you closing the library now?" he said formally.

"Yes po."

"Aalis na rin ako." Binalingan ako ni President at tumikhim siya. "Pwede ka na rin umuwi, Miss Escobar. We'll talk about your activity proposal tomorrow."

Sumulyap pa ako ng isa kay Ma'am Hanna at pilit na ngumiti. "Thank you, Sir," sabi ko at lumabas na ng library.

Bumalik ako sa faculty at mabilis na nag-ayos ng sarili sa powder room. Nag-lipstick lang ako at powder at nang satisfied na ako sa itsura ko ay agad ding lumabas.

Inilabas ko ang cell phone sa bag at nagtipa ng mensahe.

Me:

Saan tayo magkikita?

President:

Most of the employees went home at this hour. Parking lot.

Napangiti ako dahil sa reply niya. Tamad talaga siyang buuin ang message.

Mabilis akong nakarating sa parking lot at nahanap ang kotse niya. Bago ako sumakay ay nagpalinga-linga muna ako at nang nasiguradong walang nakakakita ay agad akong pumasok.

I put the seatbelt on and he started the engine. Tahimik siya sa byahe kaya nangialam na ako sa sasakyan niya.

Napangiti ako nang i-play ko ang kanta ng Blackpink. Sa peripheral ko ay napailing siya.

"Do you understand the lyrics?"

Tumango ako. "Nagkaroon ako ng Korean suitor two years ago."

Bigla siyang natahimik. Nilingon ko siya at nakapokus lang ang tingin niya sa daan. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.

I cleared my throat. Dahil nasabi ko na rin naman ay nagkwento na ako.

"We met through a mutual friend. Since he's a Korean, he didn't know how to court a girl. We have different customs and languages, pero nag-adjust siya para sa akin."

Mas bumilis ang pagpapatakbo niya pero hindi ako natakot, dahil ganito rin magmaneho si Faerie kung minsan. Siguro ay naisip niya na dumidilim na kaya bigla siyang nagmadali.

"Ako naman, dahil hilig ko rin na mag-aral ng ibang lenggwahe, mabilis akong natuto."

"Does Faerie know about that Korean guy?" he asked.

"Yup! Pero noong niligawan niya ako, hindi pa kami magkakilala ni Faerie."

"Bakit mo siya binasted?"

"Wala e. Wala akong naramdaman."

"Aside from him, did you have other suitors?"

Tumigil siya dahil nag-stop light. Binalingan ko siya at nakatuon pa rin ang tingin niya sa daan.

"Maraming nagtangka. Hindi ko masabi na naging manliligaw sila kasi nagpapaalam pa lang, tinatanggihan ko na."

He licked his lower lip and stared at his hands on the steering wheel.

"Why didn't I even ask? You are too attractive, and guys go crazy just to get your attention."

Mahina akong natawa. Hindi na ako nagsalita dahil biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Lumapit sa amin ang valet at ibinigay ni President ang susi rito.

Papasok ay kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. Umangat ang tingin ko sa kanya. He seemed not in the mood to talk so I just stayed quiet.

Pinagdikit ko ang mga labi para pigilin ang pagngiti. May kung anong kiliti akong nararamdaman sa tiyan at dibdib ko dahil sa paghawak niya sa akin.

Pansin ko ang pagbaling ng tingin sa amin ng mga tao at sigurado ako na dahil 'yon sa kanya.

He was undeniably a head turner!

May lumapit sa amin na waitress at nakangiting hinarap si President. Tumingin ako sa kanya at malamig ang mga mata niya na tumingin sa waitress.

"Good evening, Sir—"

"I have a reservation for two," he cut her off before the girl could say more. "Aegeus Agrezor."

The woman was astounded. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagwapuhan niyang taglay o dahil sa pagbanggit niya ng kanyang pangalan. O maaaring sa parehong dahilan.

Agrezor was a high-profile and reputable name in the country. Hindi lang sa larangan ng edukasyon, kundi sa iba pang businesses na pagmamay-ari ng apelyidong ito.

"T-this way, Sir," nauutal na sabi ng babae, at iginiya kami sa isang table na hindi masyadong kita ng mga tao.

Pinag-isod niya ako ng upuan at nang nakaupo na ako ay saka siya pumwesto sa harap ko.

May lumapit muli sa amin na waiter at nagsalin ng wine sa dalawang kopita. Nang tingnan ko siya ay titig na titig siya sa akin. Wala pa rin akong mabasa sa mga mata niya.

"Whatever clothes you wear you still attract attentions, huh?"

Nalukot ang noo ko at bumagsak ang tingin ko sa aking uniporme. "May mali ba sa suot ko?"

Ngumisi siya at uminom ng wine. Habang sumisimsim ay mas lalong lumalalim ang tingin niya sa akin.

"President..."

"Stop calling me 'president' when it's just the two of us." Inilapag niya ang kopita sa table at sumandal siya sa kanyang inuupuan.

He closed his eyes and when he opened them, they automatically rested on my face.

"I hate endearments. I want you to call me by my name. Aegeus."

Marahan akong tumango. Ilang sandali pa ay dumating ang pagkain namin. We were about to start eating when he cleared his throat, so I turned my gaze back at him.

"Now, say it."

My pulse quickened as his eyes bore into mine.

Humugot ako ng hininga bago siya sundin. "Aegeus..."

His eyes went soft and he bit his lower lip. Shaking his head, his lips formed into a smile that could take one's breath away.

And yes, he completely took mine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top