Chapter 43

Chapter 43

Napamaang ang mga mukha nila. Walang anumang salita ang lumabas sa kanilang mga bibig kaya hinila na ako ni Faerie palayo. Sinulyapan ko si President na may ngiti sa mga labi na pinanonood ang paglayo namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. "May klase ako."

"Sa Office of the President."

Hindi na ako nakapagsalita at inilabas ang cell phone ko mula sa bulsa. I texted the class president of HUMSS 1B to continue working on their journal in our subject. Nahirapan ako pagtitipa dahil hindi binitawan ni Faerie ang kamay ko.

Pumasok kami at bumungad sa amin ang sekretarya ni President. Naiilang itong tumingin sa akin at pilit na ngumiti.

"President knows that we're coming. We have a meeting with him," Faerie said.

Napabaling ako sa kanya. Her face lacked emotions as she talked to the secretary.

"President just went out," Emery informed us. "Maybe you can wait for him inside. I'll call him about your meeting."

Sinunod namin ang sinabi ng sekretarya. Binitawan ako ni Faerie at umupo siya sa sofa sa mismong opisina.

"Siguro naman mananahimik na ang mga mahadera at tsismosa mong co-teacher." Tumingin siya sa akin. "Hindi sila nakaimik, e. Ganyan ang mga tao kapag nasusupalpal ng katotohanan. Magsilbi sanang aral sa kanila ang nangyari."

Umupo ako sa tapat niya. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha kaya kumunot ang kanyang noo.

"What is it?" she asked.

"Paano kung pag-initan ka nila dahil sa nangyari? Hindi mo kilala ang mga taong 'yon. Magaling silang manira."

"Why, Amity? Ang ginawa ba nila sa 'yo, sa atin, ay hindi paninira? 'Wag kang matakot sa maaari nilang gawin, kasi kilala mo ako. Hindi ako nagpapatalo lalo at alam kong tama ang ipinaglalaban ko."

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto. Pareho kaming napalingon dito at napatayo. Agad kong iniwas ang tingin nang dumapo sa akin ang mga mata ni President.

"Good morning, ladies!" he greeted us in his serious tone. "Is there anything I can help you with? My secretary told me that we're having a meeting."

Nilingon ko si Faerie at ramdam ko na nagpipigil siya na tumaas ang kilay. Tumabi si President sa kanya at sinenyasan kami na umupo.

Pinagdaop ni President ang mga kamay niya at palipat-lipat kaming tiningnan.

"I know that this is not the right place to talk about this," Faerie started. Nakatingin pa rin siya kay President at puno ng kaseryosohan ang kanyang mga mata. "Please take care of my sister."

Napalunok ako sa sinabi ni Faerie. Her lips were stretched into a hard line and looked so serious.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nag-init ang mga mata ko.

"Alagaan mo siya katulad nang kung paano ko siya alagaan. O kung kaya mo pang higitan, gawin mo."

Nilingon ko si President. Titig na titig siya sa mukha ni Faerie hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ayokong nasusugatan ang kapatid ko, Sir. Ayokong nakikita siyang nasusugatan."

Napatungo ako.

"Do you think I'll hurt her?" President asked.

"There is always pain in loving a person." Faerie looked at me. "May pagkakataon na masasaktan at masasaktan ka talaga kahit anong iwas mo, lalo na kapag may nagawa kang hindi niya gusto."

Walang nagsalita sa amin ni President.

"But my point here is, I don't want anyone to hurt her intentionally. Especially, you."

"I won't hurt her intentionally, Faerie. Why would I do that?" His forehead crumpled.

"Don't say it, do it." Tumayo si Faerie at muling tumingin kay President. "My sister is too precious, Sir. Mas mahal pa 'yan kesa sa yamang meron ka."

Naglakad si Faerie papunta sa pinto. Napatayo na rin ako ngunit bigla siyang lumingon sa akin at umiling.

"Stay here. Have lunch with him." Nginitian niya ako. "May pupuntahan ako mamayang tanghali."

Lumabas na siya ng opisina. Nang lingunin ko si President ay nakatingin lang siya sa akin.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng mga ito na nagpatindig ng balahibo ko.

"Paano ba 'yan, solo kita hanggang tanghali?" makahulugan niyang sabi.

I immediately pulled my hands away from his hold. "I have classes, Sir."

"No, you're not attending your morning classes. I already informed your principal and strand coordinator." Inilabas niya ang cell phone sa bulsa ng kanyang trousers at may idinial doon.

Saglit pa ay may kausap na siya.

"The orders I sent you earlier, please deliver them by 11 am." Tumingin siya sa akin at tumangu-tango. "And please make it three orders of chocolate mousse."

Pagkatapos niyang makipag-usap ay muli akong napaupo.

"Malalagot na naman ako sa principal dahil sa ginagawa mo," bigla kong nailabi.

Naglakad siya papunta sa table niya at may kinuhang mga folder doon. He placed them on the glass table and tapped the sofa.

Nakuha ko ang gusto niyang gawin ko. Tinabihan ko siya at nagsimula siyang buksan ang isang folder.

"There's a seminar in Davao City about Research. Sa mga kasamahan mo, sino sa tingin mo ang dapat kong ipadala roon?"

Tiningnan ko ang binabasa niya. "Ma'am  Brielle. She's one of the teachers of Practical Research 1 of Grade 11 students. I've heard that she's pretty good at it. Well-explained ang lahat ng lessons at sumusunod siya sa curriculum guide ng subject."

"Ikaw? Hindi ka ba sumusunod sa curriculum guide?" bigla niyang tanong.

Naialis ko ang tingin sa binabasa at nagtama ang aming mga mata.

"I follow what are to be followed. It's not just a job we're talking about, it's the knowledge to be gained by the students, Sir."

Pakiwari ko ay gusto niyang tumawa ngunit pinigilan niya. Inagaw ko ang folder sa kanya at inilapag ito sa table.

"Are you annoyed?"

Umiling ako. "I'm not... but if you want to laugh, then laugh. Pinipigilan mo ang hindi dapat pigilan."

"Masyado ka kasing seryoso. Pakiramdam ko, isa akong estudyante na nile-lecture-an ng teacher."

Inangat ko ang tingin. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at humilig siya sa balikat ko.

"It feels like a dream. You beside me. You as my girlfriend." He heaved a sigh. "I've never felt this happy my entire life."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at bigla siyang ngumiti.

I stared at him—his handsome face that made a lot of women swoon.

"Are you sure of me?" I asked.

Tumango siya.

"Are you ready to know more about me?"

"Yes." Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa kamay ko. He interlocked our fingers.

"I'm difficult to understand."

"I'm willing to understand every inch of you."

Napangiti ako. "Hindi ka natatakot?"

"Saan ako matatakot? Kanino? Sa 'yo?" Kumunot ang noo niya. "Sa ganda mong 'yan, sa halip na matakot, naaakit pa ako."

"Hindi ako nagbibiro, President." Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay naming magkahinang.

"Does it seem I'm kidding?" Inalis niya ang ulo sa balikat ko at hinarap ako. "Naaakit ako sa pagkatao mo, sa gandang nandyan sa loob mo, sa mga sikreto ng magagandang mga mata mo, at sa hiwaga ng mga salitang lumalabas sa bibig mo."

Muli akong napangiti. "Ang lalim ng tagalog mo."

"Ang galing mong mambasag ng moment, alam mo 'yon?"

Inangat ko ang tingin sa kanya at muling naghinang ang aming mga mata.

"Hindi ako nakukuha sa matatamis na dila, Sir."

"I know." Napailing siya. "Honestly, I can't believe I could say things like these to a woman."

"I should have recorded it," I kidded.

Sumeryoso ang mukha niya. Napalunok ako nang biglang humagod ang tingin niya mula sa mga mata ko at tumigil sa mga labi ko.

"Kung ginawa mo 'yon at may balak kang iparinig sa iba, sa tingin mo, hindi mahuhulog ang mga babaeng makakarinig ng mga sinabi ko?"

Iniwas ko ang tingin sa mukha niya at akmang babawiin ang kamay ko ngunit mas humigpit ang hawak niya sa akin.

"Ganyan ba kagwapo ang tingin mo sa sarili mo?"

Hinawakan niya ang baba ko at nagtaasan ang balahibo ko nang lumandas ang daliri niya sa ilalim ng aking baba.

"Bakit? Hindi ba, Amity?" Hinagilap niya ang mga mata ko. "Hindi ka ba nagugwapuhan sa akin?"

Mariin kong pinagdikit ang mga labi. Hindi ko mapigilan ang mabilis at eratikong pagtibok sa dibdib ko. Nanghihina ako sa hawak niya. Nanghihina ako sa mga tingin niya.

"Am I not handsome to you?" he repeated.

"Handsome." I averted my eyes from him.

He chuckled. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Am I your first boyfriend?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sobrang panghihina ang idinudulot niya sa katawan ko.

"Am I?"

"It's for you to find out."

"Based on the first time I kissed you, you don't know how to do it."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pinilit kong kumawala ngunit mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"At the kissing booth, you didn't kiss me back."

Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa mga sinasabi niya. Marahan siyang lumayo sa akin at napasinghap ako nang muli niyang haklitin ang bewang ko.

"I kissed you like this." Bigla niyang hinalikan ang mga labi ko.

Nang natauhan ako ay bigla siyang lumayo.

"The same reaction I got, but that time I also got a slap." Ngumisi siya at pinasadahan ng hintuturo ang ibabang labi ko. "Do you remember the second time?"

Bumalik sa isip ko ang sa hotel room noong kailangan niya ng tulong ko para sa mga document. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa ginagawa niya. Mas idinikit niya pa ako sa kanya.

"The second time made me angry. You got me writhing as you kissed me back, that's why I am asking you if I am your first." 

Pinatatag ko ang sarili.

"Let's do the reenactment of the second one."

Muli akong nagulat nang agad niyang totohanin ang sinabi. Bumaba ang mukha niya at madamdaming inangkin ang mga labi ko.

Wala akong nagawa kundi gawin ang gusto niya. Napahawak ako sa mga braso niya at hinalikan siya pabalik. The memory was like a flashback in a movie.

Umangat ang mga kamay ko sa batok niya at imbes na humiwalay katulad nang kung paano ang naging reaksyon ko noon ay mas pinag-igi ko ang paghalik.

Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga lalo na nang unti-unti niya akong inihiga sa kamay ng sofa.

He bit my lower lip and his tongue invaded the inside of my mouth.

"You, being a good kisser, is driving me nuts." Bigla siyang lumayo at napasandal sa sofa. Naiinis ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, pang-ilang boyfriend mo ako?"

I was too dazed with what happened to answer him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top