Chapter 41

Chapter 41

"Aren't we gonna get off the car?" Faerie turned to face me.

Kahit deretso ang tingin ko sa unahan ay ramdam ko na nagtataka siya sa ikinikilos ko. Ilang minuto na ang nakararaan nang nakarating kami rito sa Hasse pero hindi pa rin kami lumalabas ng sasakyan. Pinakikiramdam lang niya ako.

"What's wrong?" she asked.

I just shook my head. She unbuckled her seatbelt and went out of the car. Sumunod ako at pinauna siya paglalakad. Agad naman niya akong nilingon.

Tumingin ako sa paligid at bumuntong-hininga.

"Balita ko may bagong Senior High School teachers?" tanong niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Meron, pero hindi ko pa sila nakikita. I heard that they already reported last Friday but had a meeting with the principal."

"Kumusta naman sa faculty? Mga toxic pa rin?"

Ngumisi ako. "Mas lalo ata silang lumalala habang tumatagal."

"The reason why I resigned from the Basic Ed."

She took up supplemental in Education so she was able to teach in the Basic Education Department for 2 years. Hindi sa hindi niya kayang tagalan ang ugali ng mga kasamahang guro, pero ayaw niya lang talaga na nakikipagplastikan sa mga tao sa paligid niya.

"Wala silang ginawa kundi magtsismisan kapag may oras. Doon na ata umiikot ang mundo nila. May makita lang silang hindi gusto ng mga mata nila, pag-uusapan nila."

"May mga ganyan talagang tao. Silang dapat na kakitaan ng kagandahang asal, pero sila pang malala." Humawak siya sa balikat ko. "Hindi ko nilalahat, pero sa eskwelahang ito ay malala talaga."

Nilingon ko siya. Akmang liliko rin sana siya para samahan pa ako sa faculty room pero tumigil na ako sa paglalakad dahilan at napatigil din siya.

"I have a question, love. Do you care about rumors?" I suddenly asked her.

Kumunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata sa akin. "I don't as long as it doesn't hurt the people I care for."

Tumingin ako sa mga kamay niya at kinuha ko ang isa. Marahan ko itong pinisil. "Rumors here are so deep-seated and awful."

"Yeah, given na 'yon. Why are you suddenly talking about that? What's new?"

Binitawan ko ang kamay niya. "Kung sakaling may mapansin ka sa mga ikinikilos ko, you have to trust me po, okay?"

Bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at iniwan siya. Hindi ko rin naman narinig na tinawag niya pa ako.

Papalapit na ako sa faculty room nang biglang may humarang sa daraanan ko. Sa harapan ko ay ang walang emosyong bulto ni Sahara. She crossed her hands over her chest.

"Gusto kitang sabunutan pero naalala ko na teacher ka rito," bungad niya sa akin.

Ipinasok ko ang susi sa bulsa ng uniporme ko at tipid na ngumiti. "What a nice way to start my morning. May problema ba, Sahara?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" malakas niyang sabi.

Tumingin ako sa paligid bago siya balingan muli. "Pagkakaalam ko, wala akong ginagawang masama sa 'yo. Ganyan ka na ba kawalang magawa sa buhay at pati teacher dito sa school na pinapasukan mo, inaaway mo?"

"Hindi ka lang teacher dito, Ms. Escobar. Isa kang malanding teacher na inaakit ang president ng eskwelahang ito."

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo, hija."

Natawa rin siya. "Ikaw ang mag-ingat, Ma'am. Ang daming tsismis na kumakalat ngayon dito tapos ay tuloy ka pa rin sa pang-aakit mo kay Aegeus. Sa tingin mo ba, gugustuhin ka pa rin niya sakaling malaman niya ang relasyon n'yo noong registrar?"

Nag-init ang dugo ko sa narinig.

"Ano ngang pangalan ng babaeng 'yon? Faerie?" pagpapatuloy niya.

Hindi ko napigilan ang sarili at nahablot ko ang braso niya. "Huwag na huwag kong maririnig na binabanggit mo ulit ang pangalan niya at nagsasalita ka nang hindi maganda tungkol kay Faerie. Kahit matanggal ako sa trabaho ko, kaya kong ipagtanggol siya sa mga katulad n'yong makikitid ang utak."

"Matanggal ka na lang. Pati ang Faerie na 'yon, isama mo na rin. Tutal naman ay may namamagitan sa inyong dalawa—"

"Hindi ko kailangan i-explain ang sarili ko at ang kung anong mayroon kami no'ng tao." Binitawan ko siya. "At huwag kang mag-alala, Sahara. Alam ni President kung ano ang meron kami ni Faerie." Tinapik ko siya sa balikat at sinusian ang pinto. Ramdam ko na hindi pa rin siya umaalis kaya muli ko siyang hinarap. "Also, I am used to being the talk of the town, hija, but let me assure you this, you, people, can't ruin what I have."

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Pabagsak ko itong isinara at sumandal ako rito.

My cell phone rang and I immediately took it out from my bag. Nanginginig ang kamay ko at mariin akong napapikit nang nakita kung sino ang tumatawag. I answered the call.

"President..."

"Good morning, Amity. Can you come by my office now?"

Naglakad ako palapit sa table ko at ibinagsak ang bag. Kumuyom ang malaya kong kamay.

"Amity..."

"Yes, I'll be there." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at ibinaba ang tawag. Binuksan ko ang drawer ko at dumampot ng chocolate bar dito.

Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko kay Faerie kahapon na kung pupwedeng hindi muna kami magkita sa school. Mainit ang mga mata sa amin ng mga kapwa namin empleyado.

I closed my eyes tight as I recalled what I heard in the HUMSS building's rest room.

Katatapos lang ng klase ko at papasok ako sa ladies' room nang narinig ko ang dalawang boses na nag-uusap.

"Is it true that Ms. Escobar and Ms. Hontiveros are in a relationship?"

"Girlie, that's not true. My gosh, they are straight! Ang alam ko ay parang magkapatid na ang dalawang 'yon."

"I've heard that from some teachers in their department."

Mahinang tumawa ang nakilala ko sa boses na si Ma'am Cheska mula sa Elementary Department. "Naniwala ka naman sa narinig mo. My dear, you can't judge people's relationship just by seeing their way of treatment to each other."

"Kalat na sa department natin ang tungkol sa kanila. Curious lang ako kasi mataas ang tingin sa kanila ng mga estudyante tapos ay may ganyang issue."

"We are teachers, for Pete's sake! Instead of gossiping, why don't we just do our job?"

"Masyado ka namang seryoso, Ma'am Cheska—"

"Ma'am, what do you think would those two people involved in the issue feel?" she cut her off. "Dahil sa tsismis na 'yan na ipinakalat ng kung sinumang malinis ay maaaring may masira tayong relasyon. We don't know how those two will handle this crap."

Bumukas ang main door ng ladies' room kaya mabilis akong nagtago. Mariin akong napapikit sa pagiging mas malinaw ng kung anong narinig ko mula sa mga teacher ng Elementary Department.

I opened my eyes and looked at the chocolate bar in my hand. Inubos ko ito bago dinampot ang tumbler ko at lumapit sa water dispenser. Uminom ako ng tubig bago lumabas ng faculty room.

Nakarating ako sa opisina ni President at malayang nakapasok dahil wala pa ang kanyang sekretarya. I knocked on his door thrice before I opened it.

He was sitting on the sofa—his back leaning on it with his legs crossed and arms widely spread across the back of the sofa. He looked so well groomed. Mula ulo hanggang paa ay napaka-gwapo niyang tingnan.

Ipinilig ko ang ulo at umangat ang tingin sa kanyang mukha. He gently tapped the space beside him.

"Come here and sit beside me," he said.

Pakiramdam ko ay umangat ang mga balahibo ko sa batok. Matiim siyang nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong hindi niya gusto.

Naglakad ako palapit sa kanya. Ilang akong umupo sa tabi niya na may sapat na distansya.

"Have you had your breakfast?"

Tumango ako. Hinawakan niya ang buhok ko at marahan itong hinaplos. Tumindig na rin ang balahibo ko sa mga braso.

"Don't forget to go to the Principal's Office. Kapag may sinabi siyang hindi maganda sa 'yo, ipaalam mo agad sa akin, all right?"

Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. Gusto kong pagsisihan ang pagbaling ko dahil sa mas sumeryoso niyang titig sa akin.

"Ayokong isipin mo na ginagamit ko ang kung ano ang meron tayo sa trabaho."

Tumingin siya sa buhok ko at muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata.

"We're just doing the right thing. Filtered ang mga nakararating na balita tungkol sa kung ano ang mga nangyayari sa department n'yo. How can I address the issues when no one wants to report them?"

"Hindi ako ang magpaparating sa 'yo ng mga 'yon. Discover it your own."

Gumala ang tingin niya sa mukha ko. "Mas lalo akong nahuhulog sa ginagawa mo, Amity," bigla niyang sabi.

Naitikom ko ang bibig. I averted my gaze from him and looked straight at the glass table in front of us.

He seized my waist which made me gasp. I felt my body stiffen as his breath fanned the sensitive part of my ear.

"I still can't believe that you are my girlfriend now. Guys would go crazy if they find out our relationship."

Pinigil ko ang magpakita ng kahit anong emosyon ngunit sa loob ko ay para na akong hihimatayin dahil sa ginagawa niya. He smelled really good. Nanunuot sa ilong ko ang pabango niyang lalaking-lalaki ang amoy.

"We can't tell everyone about us, President," I opposed him. "I mean, not yet."

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa bewang ko at umayos ng upo. Mas lalo pang sumeryoso ang mukha niya. Hindi ko na mababawi ang nasabi ko dahil 'yon naman ang nararapat. People should not know about our relationship. Mas lalo akong magiging mainit sa mga mata ng tao at ayoko na siyang madamay pa sa mapanghusga nilang mga utak at bibig.

"Are you ashamed of me?" he asked.

Agad akong umiling. "Hindi sa ganoon. Ayoko lang na pati ikaw ay husgahan ng mga tao. Alam mong marami ang may ayaw sa akin. I was once became the hot topic with your father. Ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa 'yo?"

"Who the fuck cares about what they say?" he responded, articulating every word.

Mas lalo siyang gumagwapo kapag nagagalit.

Muli kong ipinilig ang ulo dahil sa naisip ko.

I held his arm and caressed it. "Are you mad?"

Mas tumutok ang tingin niya sa mukha ko. "Yes, especially when you're touching me like this."

Agad kong nabawi ang kamay. I was just trying to calm him.

Tatayo na sana ako para bumalik na sa faculty room nang bigla niya akong hinigit at sumubsob ako sa kanyang dibdib. Hindi pa ako nakaka-recover sa gulat nang hawakan niya ang baba ko at hinagilap ang mga mata ko.

"Natatakot ka ba sa akin?" tanong niya.

Umiling ako at napalunok. Iniwas ko ang tingin sa mapupula niyang mga labi.

"Then why are you acting uncomfortable beside me, Ma'am?"

Nagtama ang aming mga mata. Pansin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya.

"You are just so... handsome," I said almost a whisper.

Umigting ang kanyang panga at lumandas ang hinlalaki sa aking baba.

"Good thing you are not scared, but I am. I am scared of what I can do to you in this damn office."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top