Chapter 40

Chapter 40

His lips parted with confused eyes. I took a deep breath and rose from the floor. Nilagpasan ko siya at dinampot ang mga bote ng beer. Ipinatong ko ang mga ito sa bedside table.

"Is this some kind of prank?" he faltered.

Umupo ako sa kama at bumagsak ang tingin sa mga palad. Muling nag-init ang mga mata ko.

"Does it seem I am kidding?" I answered him with a question. "Ilang beses na kitang binalaan. Ilang beses kitang itinulak palayo pero matigas ka."

Naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa harapan ko. Inangat ko ang mukha at nakitang titig na titig siya sa akin.

"Do you like me?" he asked. "Do you love me?"

I swallowed the lump in my throat. Inabot ko ang natitirang bote ng beer. Iinumin ko na ito nang agawin niya ito sa kamay ko at deretso 'yong ininom. Ipinatong niya ang bote sa kaninang kinalalagyan nito.

"Why can't you answer me?"

Pinagdikit ko ang mga labi at iniwas ang tingin sa kanya. "Do you think I would say what I said earlier if I don't like you?"

Naramdaman ko ang pagtungo niya. Hinawakan niya ang baba ko at hinagilap ang mga mata ko.

Now I could see emotions I hoped were invisible in his eyes. I could see that he was in pain because of me.

"You should be happy 'cause I am yours n-now," I croaked.

"Gusto kong maging masaya pero ikaw, hindi ka masaya." The sadness became more palpable in his eyes. "Be honest with me, bakit bigla mo na lang akong sinagot?"

"'Cause I want you happy, Aegeus." Tuluyan nang lumandas ang luha sa pisngi ko. "Gusto kong mapasaya ang mga taong mahalaga sa akin."

He wiped my tears but they continued to fall down like rain. Lumuhod siya sa harapan ko at mahigpit akong niyakap. He caressed my hair and it just worsened my emotions. Nanginig ang mga balikat ko at impit na umiyak.

"Take back what you said if you're not happy with it," he whispered and kissed the top of my head.

Mahigpit ang yakap ko sa kanya pabalik at sumubsob sa matigas niyang dibdib.

"Nasabi ko na, wala nang bawian." Marahan akong lumayo sa kanya at kahit naiilang ay tumingin ako sa mga mata niya.

Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Napagitnaan kami nang matagal na katahimikan hanggang sa bumukas ang pinto. Pareho kaming napatingin dito, at agad kong binawi ang kamay sa kanya nang nakita si Faerie na namumungay ang mga matang papalapit sa amin.

Pareho kaming napatayo ni President. Aalalayan sana ni President si Faerie pero agad itinaas ng huli ang mga kamay bilang pagpigil dito.

"May I know your real intention to her?" she asked him coldly. "President, I don't want my sister to get hurt."

Hinawakan ko si Faerie sa braso para patigilin pero inalis niya roon ang kamay ko.

"Ate..." tawag ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig.

"My intentions are pure. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya sasaktan," sagot ni President.

"Hindi sasaktan? Pero sa pagkakaalam ko, maraming babae kang ine-entertain. Huwag mo naman po sanang isali pa si Amity."

"Wala akong ine-entertain na ibang babae maliban sa kanya—"

"Then who is that Meave?" she questioned angrily. "And another one is that little bitch, Sahara Desert!"

Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. Nang tingnan ko si President ay mukhang ganoon din siya.

Tumikhim ako. "Sir, baka po pwedeng maiwan n'yo na kaming dalawa rito."

Nilingon ako ni Faerie at masama ang tingin na ipinukol sa akin. Inirapan niya ako.

"Ako ang makakalaban mo, President. Ayokong nakikita siyang umiiyak—"

"I hate seeing her cry too," he cut her off.

Napalunok ako. Bago pa may masabi si President na iba ay hinawakan ko na siya sa braso at itinulak siya palabas ng suite.

"I'm sorry, but I think you need to go home," I told him and closed the door.

Binalikan ko si Faerie at walang emosyon ang kanyang mukha na pinanonood ako. Akmang lalagpasan ko siya nang hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako rito.

"Are you okay?" she asked.

Tumingin ako sa mga mata niya at marahan na tinanggal ang kanyang kamay. Hindi ako sumagot at umupo sa kama. Tumabi siya sa akin.

"So magre-report ka na bukas. Pwede bang huwag na muna tayong magkita sa school?" pakiusap ko.

Kumunot ang noo niya at nalilito ang mga matang tumingin sa akin. "Bakit?"

Hindi ako nagsalita.

"Are you pushing me away again? Alam mong hindi ko gagawin ang sinasabi mo."

Mapakla akong ngumiti. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.

Tuluyan na niya akong hinarap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Pilit siyang ngumiti. "Mayroon ka pa bang hindi sinasabi sa akin? May nangyari ba sa school noong wala ako?"

Umiling ako. "I just want you to enjoy other people's company. Lagi ka na lang tutok sa akin. Gusto kong makita na masaya ka."

Natawa siya at binitawan ako. Matagal siyang tumawa at umusod pa ng upo palayo. "Mukha ba akong malungkot? Sinasabi mo ba na malungkot ako kapag kasama kita?"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"That's how I got it, Amity." Sumeryoso ang mukha niya. "Are we just really drunk that's why we are having conversation as absurd as this?"

"Gawin mo na lang ang sinabi ko."

"Ayoko."

"Mas sasaya ka sa company ng iba. Sa akin, sasakit lang ang ulo mo. Sa akin, lagi kang nag-iingat sa mga salitang binibitawan mo." Tumingin ako sa kawalan. "Akala mo ba hindi ko pansin 'yon? Akala mo ba okay sa akin kapag pina-prioritize mo ako kesa sa mga bagay na dapat mong unahin?"

"Love, can we just sleep it off?" she said gently.

"Totoo, hindi ba?" pambabalewala ko sa sinabi niya.

"Hindi."

Muli ay mapakla akong ngumiti. "Huwag kang magsinungaling sa akin."

"Kailan ba ako nagsinungaling sa 'yo, ha, Amity?!" tumaas ang boses niya.

Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Kung anuman ang nag-trigger sa 'yo para mag-isip nang ganyan ngayon, sinasabi ko sa 'yo, putangina, kung tao 'yan, gusto kong pumatay!"

Nanginig ang mga kamay ko.

"Alam mo bang sobrang saya ko noong nakilala kita? Sobrang saya ko noong nagkaroon ako ng kapatid na babae," nanginig ang boses niya. "Ang laking kulang sa buhay ko kung wala akong Amity."

Lumandas ang luha ko sa aking pisngi. "You are so much unreal."

"Don't compliment me. It's not the right time for that!" she drawled.

Muli ko siyang tiningnan. Tila nawala na ang pagkalasing niya.

"You know that feeling when someone's always excited to see you? That feeling when there is someone who never gets tired of being with you, someone whom you can be crazy with, and someone who is always there whenever you feel so down?" Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. "Ganoon ka sa akin. Masaya ako na makita kang masaya. Malungkot ako kapag nakikita kitang malungkot. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka."

Pinunasan ko ang tumakas na luha mula sa mata ko.

"Tapos pinalalayo mo ako sa 'yo?" Napailing siya. "Hindi naman ata tama 'yon."

"Kaya nga kita pinalalayo kasi ayoko na nalulungkot at nasasaktan ka."

"Sa lahat ng mga sinabi ko, ano ang mas marami? Isipin mong lahat ng sinabi ko. Ang lungkot at sakit ba?"

Tumitig ako sa mga mata niya at umiling.

She sighed and wiped my tears. "I would never get tired of your presence, baby sis. I would never get tired of you. Kasama mo ako sa lahat ng hirap at sakit. Hindi mo lang ako kaibigan, kapatid mo ako." She gently slapped my cheek. "Walang silbi ang pagtutulak mo sa akin palayo. Hinding-hindi kita bibitawan. Mapagod ka man, pero ako hindi ako mapapagod. Naiintindihan mo ba?"

"Bakit ka ganyan?" nanginginig ang boses kong tanong.

"'Cause I love you."

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. Mahina siyang tumawa.

"Kilig 'yan?"

Inirapan ko siya at mahigpit na niyakap. "Yes, thank you!"

Umiling siya. "No need to say thanks."

Kumalas siya sa yakap at muling tinuyo ang luha ko gamit ang kanyang mga kamay. Matagal kaming pinagitnaan ng katahimikan.

"Let's sleep now?"

Tumango ako. Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto.

"Akala ko matutulog na tayo? Saan ka pupunta?" tanong ko.

"I'll get our stuff in the car. Alangang matulog ka na hindi nagwa-wash up?" Tumaas ang kilay niya. "Kadiri ka."

Hindi ko na napigilan ang pagngiti. "Nagdala ka ng gamit natin?"

"Yup, so just wait for me and don't sleep yet. Okay?"

Hindi na niya ako hinintay na makasagot at lumabas ng suite. Ibinagsak ko ang katawan sa kama.

Sumagi sa isip ko ang usapan na narinig ko dalawang araw na ang nakalilipas ngunit agad ko 'yong iwinaksi.

Wala pang sampung minuto ang nakalilipas nang bumalik siya. Inilapag niya ang kulay violet na bag sa kama at binuksan ito.

Inilabas niya ang blue moon pyjamas ko at ang undies. Kumunot ang noo ko at tiningala siya.

"Hindi mo ako pinagdala ng bra?"

Humikab siya. "Kailangan pa ba?"

"Faerie Amarah Hontiveros!" mariin kong sabi.

"What? You don't wear bra at night!" she said, laughing.

"Paano bukas pag-uwi?"

Bigla niyang pinindot ang dibdib ko. "Isuot mo uli 'yang bra mo na puro foam."

Hinampas ko ang kamay niya. Natatawa siyang kumuha ng sarili niyang pantulog at pumasok sa bathroom. Matapos niya ay sumunod ako.

Paglabas ko ng bathroom ay nakita ko siya na hawak ang cell phone ko. Makahulugan ang tingin na ibinato niya sa akin.

"Amity?" simula niya.

Nakaramdam ako ng kaba. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ko ang cell phone sa kanyang mga kamay.

"Let's go on a date tomorrow?" aniya na inilabi ang nabasa sa screen nito.

Muli ko siyang tiningnan. Naghalukipkip siya at masama ang tingin sa cell phone ko. Agad ko itong pinatay at hinila siya sa kama. Inilapag ko ang cell phone sa bedside table.

"Hindi ba sabi mo matutulog na tayo?" tanong ko.

Nanatili pa rin siyang nakatingin doon. I tapped the bed and got her attention.

Bumuga siya ng mahabang hininga at tumabi sa akin. Pumikit ako ngunit ramdam ko na pinanonood niya ako, kaya muli akong nagmulat.

"I am not against him... well, not always. I am just thinking of the possibilities if he will continue what he's doing to you."

Humarap ako sa kanya, nanatili siyang nakatitig sa mukha ko.

"Kung sakali, mahihirapan ka sa pamilya niya kaya kailangan mong pag-isipan ang lahat. Nasabi ko sa 'yo na dapat gawin mo ang nararapat, pero kailangan mo pa ring maging maingat sa pagdedesisyon."

Napalunok ako at umayos ng higa.

"It's going to be a big decision."

Tumutok ang mga mata ko sa kisame. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni President.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top