Chapter 4
Chapter 4
We were so tied up with our own role and assignments because of the upcoming foundation week. Kulang na lang pati pag-inom ng tubig ay hindi na namin magawa sa sobrang daming inaasikaso.
"Okay na kaya 'tong theme, Ma'am Amity?" tanong ni Sir Harold na naitalagang overall chairman ng founding anniversary ng Hasse ngayong taon.
Inangat ko ang tingin sa kanya na nakatayo na sa gilid ng mesang inilabas namin dito sa gilid ng quadrangle, para sa registration ng booths. Ibinaba ko sa mesa ang ballpen at tinanggap ang inaabot niyang folder sa akin.
I flipped it open and read the list of themes he had created. Tumigil ang mga mata ko sa pinakahuli na binilugan niya.
"The tagline is perfect, Sir Harold!" Ibinalik ko ang tingin sa kanya.
Sumuntok siya sa hangin, bakas sa mukha ang saya. Kinuha niya sa kamay ko ang folder at sumaludo sa akin.
"Hindi ako nagkamali nang nilapitan. You're the best, Ma'am Amity! Ikaw talaga ang pinakamagaling na English major teacher dito sa Hasse!"
"At pinakamaganda!"
Nilingon namin ang papalapit na si Aris kasama sina Mira at Sheila. Umikot si Aris sa likuran ko, sinundan ko siya ng tingin.
"Am I right, Sir Harold?"
Bumaling ako kay Sir Harold na natatawang tumango. "Yes, Aris. Hanggang ngayon nga napapaisip pa rin ako kung bakit education ang kinuhang kurso ng adviser n'yo. Unang kita ko d'yan no'ng first day niya rito, akala ko siya ang kinuha ni Mr. Agrezor para sa promotional videos ng Hasse."
"Please, ayoko po sa lahat binobola ako," naiiling kong sabi pero hindi ko rin napigil ang tawa.
Pumunta na si Aris sa harapan ng table. Kinuha niya ang folder kung saan nakalagay ang list ng mga nakapag-register na na booths. Binuksan niya ito at nakataas ang kilay na tiningnan ako mula rito.
"Even without this portfolio, the moment I set eyes on you, I already see your potential, Miss Amity. I want you to be the brand ambassador of this clothing company." Inilahad niya sa akin ang kanang kamay. "Deal?"
Tinanggap ko ito at sarkastiko akong ngumiti. Mas natawa si Sir Harold na pinanonood kami. Sila Mira at Sheila ay naiiling sa kalokohan ni Aris.
Pagkatapos kong makipag-handshake kay Aris ay kinuha ko na rin ang folder sa kanya. "Aris, what do you want?"
Pumangalumbaba siya sa table at inabot ng kaliwa niyang kamay ang dulo ng buhok ko.
"Maiwan ko na kayo. Mukhang may kailangan nga sa 'yo ang mga advisory mo, Ma'am Amity," komento ni Sir Harold.
Nginitian ko siya bago ko ibinalik ang tingin kina Aris.
"Ano 'yon?" ulit ko.
Umayos ng tayo si Aris at nilingon si Sheila.
"We'll register po," Sheila said.
"Okay?" Kumunot ang noo ko at nalilitong ngumiti. "Just make sure it's not the same as the other booths. Marami nang nakapagpa-register from elementary to college."
Binigyan ko sila ng isang registration form. Aris started filling out the form, grinning from ear to ear. Nang nakita ko ang pangalan ng booth ay agad kong binawi ang papel sa kanya.
"Guys!" Tiningnan ko silang tatlo. "Kissing Booth? Alam n'yong hindi ko papayagan ang ganitong booth."
Pinagdikit ni Aris ang mga kamay at inilapit sa sariling mga labi. "Please, Ma'am? Ito po ang napag-usapan namin ng mga officer at member ng HUMSS Club."
Ibinaba ko ang form sa table. "Wala na ba kayong maisip na iba? Malilintikan ako sa gusto n'yong mangyari."
"Cheek, forehead and hand kiss are the only kisses allowed," Mira added. "Hindi po namin papayagang mangyari ang naiisip mo po."
"Can't you think of other possible booth ideas that your club will benefit from?" I suggested.
"Aayusin po namin ang paglalatag ng rules, please?" Ngumiti si Sheila na nagpalitaw ng malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. "As the president of the club, I guarantee you that no one will get hurt. I mean, maliban na lang kung makita nila ang crush nila na may dadaling iba sa booth namin."
"O kaya kahit hand o forehead kiss lang, pwede na po 'yon. We just don't want the founding anniversary to be boring." Tiningnan ni Mira ang dalawang kaklase.
"All right! Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo mapapasama. Ipakita n'yo muna sa akin ang rules bago kayo magtayo ng mismong booth," pagsuko ko.
Napapalakpak silang tatlo at umikot pa sa table para yakapin ako nang mahigpit. Agad kaming naghiwalay nang may lumapit sa amin na mga kolehiyong mukhang magpapa-register din.
"What did we do to deserve a beautiful and fair adviser like you?" Sheila whispered in my ear. "Thank you, mommy!"
Tinanguan ko sila at iniwan na nila ako sa table. Nagtitilian sila habang palayo sa akin.
Sanay na akong natatawag na mommy ng mga estudyante, lalo na ng mga naging advisory class ko pero hindi naman nila iyon pinaririnig sa iba.
Hinarap ko ang mga business student at tinanong sila tungkol sa booth nila. Buong araw ay naging abala ako sa pag-aasikaso sa registration ng booths at iba ko pang assignments.
Natapos ang araw na pagod ang faculty. Maging sa araw ng sabado ay bumalik kami sa school para lang tapusin ang iba pang gawain na may kinalaman sa foundation.
Dumating ang lunes at simula na ng foundation week. Iba't-ibang ingay ang maririnig sa buong Hasse. Nagsimula sa misa at sinundan ng parade sa ilang streets malapit sa Hasse ang foundation week. Pagbalik sa school ay pawisan ako at medyo hinihingal.
Naupo ako sa bench at inilibot ang tingin sa mga nakatayong booths sa paligid. The students were obviously enjoying the event. Isang linggo silang walang aasikasuhin na acads, pagsali sa iba't-ibang activities lang ang gagawin nila at puro pagsasaya.
May mga tumabi sa akin. Aris had beads of sweat on his face and hair was a little messy. Kasama niya sina Timothy ng HUMSS 1C, Fritz ng 1B, at Titus ng 1D. Kilala ang grupo nilang apat dahil sa taglay na kagwapuhan pero mga gwapo rin ang gusto.
"Hi, Ma'am!" bati ng mga kaibigan ni Aris sa akin.
Inabot ni Aris ang isang bottled water sa akin pero tinanggihan ko ito.
"I'm all right, Aris. Thank you."
Pero ipinagpilitan niya pa rin sa kamay ko kaya wala na akong nagawa. Uminom na rin siya sa isa pa niyang hawak na bottled water.
"Sarap punasan ng pawis ni President, sis!" bulong ni Fritz kay Timothy na katabi niya.
"True! Kaya ang daming nanuod at sumama sa parade!" kinikilig na sagot ni Timothy.
Hindi ako nagpahalata na naririnig ko sila.
"Sana pawis na lang ako, at least nasa katawan ako ni President!"
Nilingon ko na si Fritz na nasa kanan ko. Niyuyugyog niya ang magkabilang braso ni Timothy dahil sa kilig.
"Mangangarap ka na lang, pawis pa—" hindi na naituloy ni Timothy ang sasabihin nang nakita niyang nakatingin na ako sa kanila. "Hello again, Ma'am Amity!"
"Ayaw n'yong pumunta sa mga booth?" tanong ko.
"Pahinga po muna, Ma'am," sagot ni Fritz.
Tumayo ako. "Sige, rito na muna kayo. Pupunta lang ako sa faculty."
"Okay po," si Aris.
Paalis na ako nang nakita ko ang papunta sa direksyon namin na president ng Hasse. Halos lahat ay nakatingin na sa kanya. Itinaas niya sa ulo ang suot na aviator, pumasada ang tingin ko sa suot niya. White short sleeve button up shirt, brown chino shorts, and a pair of white slip-on sneakers.
"Hala, sis! Palapit na siya sa atin, nakapagpalit na rin ng damit. Tao pa ba 'yan? Bakit sobrang gwapo?" sunud-sunod na sabi ni Fritz sa mga kaibigan.
Nilingon ko si Sir Harold na kasabay ni President paglalakad.
May humawak sa braso ko at pagtingin ko ay si Titus. "Jusko, Ma'am! Buhay ka pa ba? Parang gusto kong mahimatay para saluhin ako ni President."
Lumapit sa kaliwa ko si Aris, hindi magawang ialis ang tingin kay President. "Papa-picture po kami sa kanya! Help us po!" Niyugyog niya ang kaliwang braso ko.
"Anakan mo ako, President!" biglang sigaw ni Timothy.
Paliko na sana sina President at Sir Harold sa isang booth, nagtawanan ang mga nakarinig. Mabilis kong hinila sa likod ko sina Timothy at Aris. Tinakpan ko silang apat. Wala akong ginawang mali pero sobrang init ng pisngi ko dahil sa sinabi ni Timothy.
"Sir, good morning—"
"President!" Nagpakita si Titus mula sa likuran ko, at itinaas ang kamay. "Hi po! Pwede po kaming magpa-picture kasama ka?"
Hindi pa sumasagot si President nang lumapit na sa kanya ang apat. Pinagdikit ko ang mga labing pinanuod sila. Agad ding bumalik sa bench si Fritz at may kinuha sa sarili niyang bag. Iniabot niya sa akin ang isang camera.
"Thank you, Ma'am Amity!" baklas ang ngiting sabi ni Titus.
Bumagsak ang tingin ko sa camera sa kamay ko. Sinulyapan ko si President na tipid na nginitian ang apat.
Tinanggal ko ang cap na tumatakip sa lens ng camera. Inayos ko muna ang settings bago ako pumwesto para kuhanan sila ng picture.
Lumapit silang apat sa akin at pinagkaguluhan ang kuha nila.
"Thank you, President!" halos sabay-sabay nilang sabi.
Tumingin ako sa kanya na seryosong nakatingin lang din sa akin. Lalapit sana ako para batiin siya ulit pero tumalikod na siya at ipinagpatuloy ang pagpunta sa booths.
Iniwan ko ang magkakaibigan at sinundan si President. Nasa booth siya ng native delicacies at hindi na niya kasama si Sir Harold. Inilibot ko ang tingin pero hindi ko ito makita.
Lumapit ako sa kanya at tumikhim. "Good morning, President," I greeted.
Hindi niya ako nilingon, nanatili lang siyang nakatingin sa mga pagkain. "Morning," he greeted back.
"Sir, may gusto po kayong tikman?" tanong ng babaeng HRM student.
Itinuro niya ang pichi-pichi. "This one, please."
Napansin ko ang pagkagat-labi ng estudyante bago tumalikod at kumuha ng maliit na square paper plate.
Pasimple kong sinilip ang braso niya at mahinang nagpasalamat dahil parang walang nangyari roon noong isang linggo.
Tinikman niya ang pichi-pichi bago lumipat sa kabilang booth. Pinanood ko siya pero hindi ko na siya sinundan.
Tumalikod na ako, naisipan na pumunta sa HUMSS building, sa room ng 1A. I closed the door and pulled my phone out of my pocket.
Umupo ako sa upuan malapit sa pinto at nai-tap ang Safari bago sa Google. I typed Hasse Colleges and a smile crept onto my face as I saw pictures of the late president with his sons. Tumutok ang tingin ko sa batang President na nakaakbay sa Papa niya. Katabi niya si Rogue at sa kanan ni Mr. Agrezor ay sina Dash at Hawk.
He was a drop-dead gorgeous, there was no doubt about it. But still, it just took an instant for this man to judge a person like me.
Biglang bumukas ang pinto at dumulas ang phone sa kamay ko dahil sa nakita.
Tumigil sa paghahalikan ang dalawang estudyante na sa tingin ko ay senior high. Tumayo ako at nilagpasan ang cell phone na bumagsak sa sahig. Mabilis kong tiningnan ang ID nilang dalawa, pareho silang ABM students.
Itinuro ko ang malapit na mga upuan at pigil ang galit na binalingan sila. "Doon kayo!" mariin kong utos.
Hindi sila magtama pag-upo, halata ang takot sa mga mukha.
"We have PDA rules on school grounds," I said, trying to calm myself down. Pinulot ko ang phone ko at isinuksok sa bulsa. "Alam n'yo ba ang pwedeng mangyari sa inyo kapag nalaman 'to sa office of the student affairs?"
"Aware po," sagot ng lalaki. Nanatili namang nakatungo ang babae.
Humila ako ng upuan sa harapan nila at umupo ako. "Bakit kayo gumagawa nang ganitong actions dito sa Hasse?"
"Mahal po namin ang isa't-isa," tugon ng babae.
Mariin akong pumikit at napasapo sa noo dahil sa rason ng estudyante. Huminga ako nang malalim bago ibinalik ang tingin sa kanila.
"Listen to me." Sumandal ako sa upuan, pinag-iisipang mabuti ang mga sasabihin. "Holding hands, cheek kissing, and hugging are okay. Normal iyon lalo na at may friends at kakilala kayo rito sa school. But there are limitations when it comes to physical contact especially in a place like this."
Nanatili silang nakikinig lang.
"Adolescents explore a lot, I know. But do you take accountability for your actions? What if something unexpected happens? Alam kong alam n'yo kung anong tinutukoy ko."
Sinilip ko ang mukha ng babaeng student.
"Teenage pregnancy rate is getting worse." Bumuntong-hininga ako. "Papaano kung mabuntis ka?"
Inangat ng babae ang mukha, napalunok siya.
"Ready ka bang maging ama sa edad mo ngayon?" Nilingon ko ang boyfriend niya. "Be responsible children of your parents first. Isipin n'yo ang pagod nila pagtatrabaho para lang mapag-aral kayo sa isang magandang eskwelahan."
Hindi ko na sila hinintay magsalita. Tumayo ako at hinawakan silang dalawa sa balikat.
"I'll report this to the OSA. I hope this serves as a lesson."
They just nodded.
"'Wag kayong magagalit sa akin. Hindi ko ito ginagawa dahil lang sa trabaho, ginagawa ko ito dahil may pakialam ako sa inyo."
Tumayo na rin sila. Nilingon ko ang pinto at pinauna ko sila paglabas. Sumunod ako pagkatapos kong ayusin ang mga upuan.
"First warning palang kayo," sabi ko at ini-lock ang pinto. "Kung ayaw n'yong mapaalis sa Hasse, hindi na kayo uulit."
"Yes, Ma'am Amity," sagot nila.
Napangiti ako dahil sa dami ng senior high school teachers ay kilala rin nila ako. Dinala ko sila sa OSA at doon ay pinag-usapan namin ang nangyari. Binigyan sila ng kaukulang sanction.
Pagkatapos sa OSA ay naghiwalay na kami nila Diana at Cole, ang dalawang ABM students. Buong araw ay paikot-ikot ako sa Hasse dahil sa assigned tasks sa akin.
Pasado ala sais na ng gabi nang umakyat ako sa faculty room. Nag-uwian na rin ang mga kasamahan ko pero ako ay nagpaiwan dahil sa pagod. Minasahe ko ang mga paa ko na medyo ngalay at masakit. Naisipan kong umidlip muna sa table ko.
Walang tigil na pagri-ring ng phone ko ang gumising sa akin. Nagmulat ako at tiningnan kung sinong tumatawag. Napaayos ako ng upo nang nakita ko ang oras sa screen.
"Hello?" sagot ko sa tawag ni Faerie.
"Nakauwi ka na?" tanong niya.
Sinimulan kong ayusin na ang mga gamit ko. "Pauwi pa lang ako. Nakatulog ako rito sa faculty room."
"Ano?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Almost 9 PM na, Amity! Sinabi ko na kasi kanina na hihintayin kita!"
Dinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa linya niya.
"Susunduin kita—"
"No need, love," putol ko. "Marami pang masasakyang jeep sa labas. Good night!" Saka ko siya pinatayan ng tawag.
My phone started ringing again but I ignored her calls. Alam kong pagod din siya kaya hindi ko na siya aabalahin.
Lumabas na ako ng faculty room. Sobrang tahimik dahil wala na yatang ibang tao rito maliban sa akin at sa guards.
Naglalakad ako sa hallway nang napansin ko ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Medyo madilim sa parteng iyon kaya hindi ko na lang pinansin. Lalagpasan ko na sana ang lalaki pero napatigil ako nang tumikhim siya.
"Why are you still here?"
Nakilala ko ang boses. Hinarap ko siya at si President nga. Akala ko ay isa lang sa mga guard na nagra-round tuwing gabi.
He walked towards my directions and stopped in front of me.
"What or who is the reason why you stayed late at the faculty room?"
Humigpit ang hawak ko sa phone ko bago ko inangat ang tingin sa mukha niya.
"May tinapos lang po ako," pagsisinungaling ko, hindi ko masabing nakatulog ako. Baka mapagalitan niya pa ako lalo dahil natutulog ako sa trabaho. "Mag-isa lang po ako sa faculty room. Kung gusto n'yo, i-check n'yo po kung may tao pa ro'n. Good night, President."
I walked past him and sighed in disbelief.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top