Chapter 38

Chapter 38

Binuksan ko ang pinto at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na siya nilingon. Nakasalubong ko si Meave na may dalang pagkain. Tipid ko siyang nginitian bago nagpatuloy palabas ng opisina.

Wala sa sariling bumalik ako sa clinic.

"Sir Gael fell asleep, Ma'am Amity." Katatapos lang tingnan ni Nurse Kean ang isang Grade 9 student.

Naupo ako sa sofa. Pinilit kong iwaksi sa isip ang nangyari.

"Mukhang pagod na pagod ka, Ma'am?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Marami po kasing activities ngayon."

Tumunog ang cellphone ko. Inalis ko ang tingin sa kanya at binasa ang message na natanggap.

President:

Let's talk again later.

Agad akong nagtipa ng reply.

Me:

Wala na tayong dapat pag-usapan. Kalimutan mo na ang nangyari. 

President:

Can't.

Inis kong pinatay ang cellphone. Tumutok ang mga mata ko sa TV at nanood na lang. Lagpas trenta minuto na siguro ang nakalipas nang lingunin ako ni Nurse Kean.

"LQ?" bigla niyang tanong.

Bumaling ako sa kanya. Malaki ang ngiti niya na pumangalumbaba sa kanyang desk. Naguluhan ako sa tanong niya.

"LQ? Wala akong boyfriend, Ma'am," sabi ko.

Tumangu-tango siya. "Wala? E sinong ka-text mo kanina?"

Lumunok ako. Mahina siyang tumawa.

"Ganyang-ganyan ang itsura ko kapag naiinis ako sa boyfriend ko."

Napailing na lang ako. Batid ko na may sasabihin pa siya pero biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang teacher mula sa elementary department kasama ang isang Grade 2 student. Madaling malaman ang grade ng mga estudyante dahil may patch sila ng kanilang grade.

"Nadapa po, Nurse Kean," sabi ng sa tingin ko ay adviser ng bata. Mukhang bago ang babaeng teacher dahil kung titingnan ay mas bata pa ang itsura niya sa akin.

Hindi ko na naintindihan ang pag-uusap nila nang lumabas si Sir Gael. Medyo nagkakulay na ang kanyang mukha kesa kanina. Sobrang putla niya kasi bago ko siya dalhin dito.

"Okay na po ako," nakangiting sabi ni Sir Gael kay nurse.

"You should stay longer, Sir." Iniupo niya ang bata at inilabas ang mga gamit na pang first aid. "Mataas ang lagnat mo at hindi mo dapat ipagsawalang bahala 'yan."

Umiling si Sir Gael. "Pinawisan na ako. Babalik na lang ako kapag hindi ko kinaya."

Napabuntong-hininga si Nurse Kean.

"Salamat," nakangiting sabi ni Sir Gael sa kanya.

Tinanguan ako ni Sir Gael. Nilingon ko si Nurse Kean at nginitian siya bago sundan si Sir Gael.

Naiiling ko siyang sinabayan. "Ang tigas ng ulo mo."

Mahina siyang natawa. "Marami tayong trabaho. Hindi pwedeng nagpapatalo tayo sa sakit."

"Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka nang ganyan ang lagay mo?"

Habang papaakyat ng hagdan ay naramdaman ko na may nakatingin sa amin. Lumingun-lingon ako hanggang sa nakita ko sa puno ng hagdan si President. Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa amin ni Sir Gael.

Tumingin siya sa wristwatch. Ramdam ko na nilingon ako ni Sir Gael bago bumaling sa tinitingnan ko.

Tumigil kaming dalawa sa paglalakad at hinarap si President.

"You look better, Sir Gael," President commented.

Kumunot ang noo ni Sir Gael. Iniwas ko ang tingin kay President at tumikhim.

"May nakakita sa 'yong estudyante sa clinic at sinabing may sakit ka raw." Alam kong palusot lang niya 'yon dahil sa akin niya nalaman na sinasama si Sir Gael.

Sa peripheral ko ay kita ko ang bahagya niyang pagngisi.

Ngumiti si Sir Gael. "Opo, medyo maayos na po ang pakiramdam ko. Nakainom na rin po kasi ako ng gamot."

Nagsimulang naglakad si President. Lumakad na rin kami at bigla niyang sinenyasan si Sir Gael na mauna. Nagtataka ang mukha ng huli pero sinunod na lang niya si President.

Sumabay si President sa akin paglalakad. Oras ng klase ng ibang grade levels at college kaya walang tao sa hallway.

"Ang swerte naman ng co-teacher mo," nang-uuyam na sabi niya, sapat para ako lang ang makarinig.

Nilingon ko siya. Titig na titig siya sa mukha ko. Gumalaw ang panga niya.

"Hatid-sundo sa clinic, huh?" dagdag pa niya. 

"Alangan na pabayaan ko po?" inis kong sagot.

Mabuti na lang at mabilis maglakad si Sir Gael. Bibilisan ko na rin sana ang paglalakad nang bigla niyang hinapit ang bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ipasok niya ako sa SHS laboratory. Tinakpan niya ang bibig ko bago ko pa ito maibuka.

Agad kong inalis ang kamay niya rito. Naiinis ko siyang binalingan. "Ano bang ginagawa mo?"

Umatras siya at sumandal sa isang table. Naghalukipkip siya at seryoso ang mga matang tumingin sa akin. "Katatapos ko lang makipag-usap sa principal. He promised that he'd say sorry to you."

Hindi ako nagsalita.

"I'm amazed with what you did. He said that you walked out." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Madalas na nasa akin ang sisi." Tumingin ako sa glass window na natatakpan ng kurtina. "Hindi naman siguro masama kung minsan na lumaban din ako sa mga paratang sa akin."

Wala akong narinig na reaksyon mula sa kanya. Muli ko siyang tiningnan. Seryoso ang mukha niya na titig na titig sa akin. Mas lalo akong nailang.

"What?" tanong ko.

"Pangit ba ang pakikitungo sa 'yo ng mga katrabaho mo?" seryoso niyang tanong.

Hindi agad ako nakasagot.

"Answer me, Amity." Gumalaw ang panga niya.

"Maganda," pagsisinungaling ko. "Normal sa mga magkakatrabaho na hindi nagkakaunawaan kung minsan, pero okay naman nila akong pakitunguhan."

"You have to tell me if they don't treat you right. No one is allowed to dump on my woman."

Tumindig ang mga balahibo ko. Pinispisan ko ang mga braso ko.

Binalewala ko ang sinabi niya. "Kailangan ko nang bumalik sa gym—"

"I told the principal that we'll do something today, so it's fine not to go back to the gym."

Napalunok ako sa sinabi niya. Malayo ang distansya namin pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Nababaliw na ata ako, Amity. Gustung-gusto kong makasama ka ngayon."

Tumungo ako at mariing napapikit. Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang baba ko.

"Come on, witch. Look at me."

Iniangat niya ang mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"I just want to be with you today. Kung hindi, baka mabaliw na ako nang tuluyan. Please."

Gusto ko siyang hindian ngunit malakas ang emosyong lumukob sa mga mata niya at hindi ko 'yon makaya.

"Working hours, Sir—"

"I don't give a fuck." Hinapit niya ang bewang ko at mahigpit akong niyakap.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Napakainit ng yakap niya. I wanted to push him away but I couldn't move.

"President..."

Matagal akong nakakulong sa bisig niya. Mabilis ang tibok ng puso ko. Taimtim akong nanalangin na hindi niya 'yon marinig.

Napatingin ako sa pinto nang gumalaw ang doorknob. Lumayo siya at napatingin din doon.

Nakaramdam ako ng kaba. Inilibot ko ang paningin sa loob ng laboratory.

Bago pa bumukas ang pinto ay hinila na niya ako sa curved reception table. Nagtago kami at pinakiramdaman ang mga pumasok.

"Now, explain!" mariin na sabi ng lalaki.

Nakilala ko ang boses. Magsasalita sana ako ngunit tinakpan niya ang bibig ko. Ramdam ko ang matigas niyang dibdib na dumikit sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko sa pwesto namin. Nasa taas ako ng mga hita niya at nakapulupot ang bisig niya sa akin. Ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa kanang dibdib ko.

"Dash and I were just talking, Lester!" sigaw ni Zuri. "Pati ba naman pinsan mo pagseselosan mo?"

"Paanong hindi ako magseselos? That picture shows that you almost kissed my cousin!"

May bumagsak na gamit. Pilit kong inalis ang kamay ni President sa dibdib ko pero hindi ako nagtagumpay.

He seemed unaware!

"Bar pa, Zuri! Para kang walang boyfriend! Tapos makikita ko pa na parang gusto mo pa rin si Dash—"

"Wow, Lester! Wow!" sigaw ni Zuri. "Who did I seduce on your birthday? Was it Dash, huh? Nandoon din si Dash n'ong birthday mo a year ago!"

"These two..." mahina ngunit mariing sabi ni President.

Natahimik si Kuya Lester.

"Now, speak!" Dinig ko ang gigil sa boses ni Zuri. "Lagi mo na lang akong pinagbibintangan na may ibang lalaki! Damn it, you know how fucking head over heels I am for you."

Mariin akong napapikit. Hindi ko akalaing nakakasaksi ako ngayon nang ganitong eksena sa kanilang dalawa.

"Ready your lips to get swollen, Zuri," banta ni Kuya Lester.

Wala na ni isang nagsalita sa kanila. Napalitan 'yon ng ungol ni Zuri.

May lumagabag muli. Dinig ko ang pag-lock ng pinto at ang ingay ng halikan nila.

"Sa eskwelahan pa, Lester!" bulong muli ni President.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Gustung-gusto ko nang sumigaw at alisin ang kamay niya sa dibdib ko.

Tumulo ang pawis niya sa leeg ko. Matagal kami sa ganoong posisyon at sobrang hiya ang nararamdaman ko para sa sarili.

Something was happening between Kuya Lester and Zuri. Hindi ako pupwedeng magkamali sa impit na ingay nilang dalawa. Nang natapos sila ay agad rin silang lumabas.

"Bitaw," utos ko.

Hindi pa rin niya ako sinunod. Naramdaman ko ang pagtungo niya. Nang napagtanto niya kung saan siya nakahawak ay saka niya ako binitawan. Agad siyang tumayo at tumalikod sa akin.

Napagitnaan kami ng nakabibinging katahimikan. Hindi ko alam kung paano magsasalitang muli dahil sa nangyari sa laboratoryong 'to.

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili. Pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko dahil sa sobrang init nito.

Naglakad ako patungo sa pinto.

Bubuksan ko na ito ngunit nagsalita siya, "I didn't know that my hand was on your—"

"'Wag mo nang ituloy. Please lang," mariin kong agap sa kanya.

Tuluyan na akong lumabas ng laboratory. Naglalakad ako sa corridor nang naramdaman ko na nasa likuran ko na siya.

"Stop following me," sabi ko, sapat para marinig niya.

"Gusto ko lang humingi ng sorry," dinig ko ang sincerity sa boses niya.

Ngunit wala akong mukha na maiharap. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan.

"Amity..."

"Bumalik ka na sa trabaho!" hindi ko na napigilang sigaw. Napatigil sa paglalakad ang grupo ng mga professor sa hindi kalayuan.

Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon nila kami at bago pa nila makita ang mukha ko ay umikot na ako. Napaharap ako kay President.

Seryoso ang mukha niya na tumingin sa mga propesor. Hindi rin nagtagal ay nadinig ko ang papalayong yabag nila. Mariin akong napapikit.

Pagkamulat ko ay siya namang paglapit niya sa akin. Iniwas ko ang tingin.

"You sounded like a mad girlfriend at her man."

Kumuyom ang mga kamay ko. Gusto kong tadyakan ang kumikinang niyang pares ng sapatos.

"Hindi ka ba titigil?" inis kong tanong. Kung wala lang makakakita sa amin ay baka hindi ko na napigilan ang sarili.

"I didn't do anything wrong. Hindi ko alam na sa dibdib mo ako—"

"Stop it, President!" Tiningnan ko na siya. "Hindi mo ba nakikita na naiilang ako? Inuulit-ulit mo pa!"

Akmang lalapit siya sa akin pero umatras ako.

"Pero hindi ko talaga alam. Hindi ko 'yon naramdaman. Wala akong nahawakan, Amity," puno ng kaseryosohan niyang sabi.

Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top