Chapter 37
Chapter 37
My eyes widened. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko.
Lumunok ako. "This is not the right time to kid."
Mas lumalim pa ang tingin niya. Kumunot ang kanyang noo. "Why, Amity? Wala ba akong karapatan na makaramdam nang ganito?"
Pumiglas ako pero tulad nang madalas na mangyari ay hindi ako nakawala.
"I don't understand you." I avoided his gaze. "Kung hindi mo kayang sabihin sa principal ang totoong dahilan kung bakit mo ako pinatawag—"
"Do you think I'm just playing around, Ma'am?" he cut me off. Madiin ang bigkas niya sa bawat salita.
Ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa akin.
He chuckled. "That's the real reason. I called you 'cause I wanted us to talk about your actions toward that Gael. Mukhang ang lapit n'yong dalawa para hawakan mo siya sa braso."
"Huwag mong bigyan ng ibig-sabihin ang kilos ko." Napairap na ako. "Sir Gael is a colleague. It's normal to show concern."
"O e 'di pakitaan mo rin ako ng concern na sinasabi mo." Binitawan niya ang kamay ko. "Maging concerned ka rin sa nararamdaman ko. Hindi normal sa akin ang ganito, kaya hindi mo ako masisisi kung ba't naiinis ako!"
Umikot siya at umupo sa swivel chair. Tumitig siya sa mug na nasa gitna ng kanyang table. Masama ang tingin niya rito na para bang may ginawang kasalanan sa kanya ang mug na 'yon.
Napagitnaan kami ng katahimikan. Naupo ako sa sofa.
I heard him sigh. "Don't worry, I'll talk to the principal later." Tila nawala na siya huwisyo. He was now on his normal poker face.
"Why are you acting this way?" Tumuon ang tingin ko sa vase sa glass table.
"That is also my question." Sumandal siya sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. Tipid siyang ngumiti. "Kapag lang ba talaga may relasyon may karapatan ang isang tao na magselos?"
Nabigla ako sa tanong niya. Nagmulat siya at tumingin sa akin.
"If yes, let's not prolong this agony. Be my girlfriend and give me all the rights to you."
Iniwas ko ang tingin. Napailing ako.
"Laro lang ba sa 'yo ang pakikipagrelasyon?"
"In the past, yes, I admit that I played a lot."
Mahina akong natawa. "Kailan 'yang past na 'yan? Last year? Last month? Last week? Yesterday?"
Hindi siya nakasagot. Muli ko siyang tiningnan at nagtama ang mga mata namin.
"I'm not a girl whom you can play around with, Sir."
"I know," matigas niyang turan. "Bakit ko paglalaruan ang taong bumubuo ng araw ko?"
Tumindig ang balahibo ko. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok.
"Alam mo ba ang nararamdaman ko kapag nandyan ka, Amity?" Gumalaw ang panga niya at napailing. "Pakiramdam ko, mababaliw ako kasi ang bilis ng tibok ng puso ko."
Iginalaw ko ang mga paa pero tila hindi ko kayang tumayo. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.
Tumayo siya. He walked to my direction and stopped right in front of me.
Nakatingin lang ako sa sigurado akong mamahalin niyang sapatos.
"At kapag ganito ka kalapit, mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko."
Umupo siya sa glass table. Napaangat ang mukha ko. Tila wala siyang pakialam kung sakaling mabasag man ang mesa. Niluwagan niya ang tie. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Inilapat niya ang mga kamay sa mga hita ko na nagpalala ng kabang nararamdaman ko.
Kinagat niya ang ibabang labi at mariin na napapikit. Nagmulat din siya agad at hindi ko maintindihan ang emosyong lumukob sa magaganda niyang mga mata.
"Gustung-gusto kong tinitingnan ang mga mata mo."
Gusto kong iiwas ang tingin, pero tila hinihipnotismo ako ng kanyang mga mata. Lumapat ang kanan niyang kamay sa pisngi ko. Marahan niya itong hinaplos na nagpapikit sa akin.
Napamura ako sa isip. Hindi dapat ako naapektuhan nang ganito!
"I want you near me every fucking time." Naramdaman ko ang mga labi niya sa tenga ko. "Hindi ako kailanman naghangad noon na makita ang isang babae araw-araw."
Kumuyom ang mga palad ko.
"Pero ikaw? Iba e." Isinipit niya ang ilang hibla ng buhok sa tenga ko. "Hindi yata ako magsasawa na makita ka."
Wala akong maapuhap na sabihin. Hindi ako makakilos ng tama.
"Wala ka namang pinakain sa akin, Ma'am." Idinikit niya ang gilid ng kanyang ulo sa gilid din ng akin. "But you're making me addicted to you."
Napamulat ako. Pinilit ko ang sarili na lakasan ang loob. Itinuon ko ang kamay sa kanyang dibdib at marahan siyang itinulak. Nagtagumpay ako.
Our eyes met again. Tila lasing ang kanya.
"Baka nagkakamali ka lang. Napaka-imposible sa isang tulad mo na magkagusto sa akin."
Nalukot ang noo niya. Muli niyang ipinatong ang mga kamay sa mga hita ko.
"Imposible?" Bumagsak ang tingin niya sa mga tuhod namin na halos magkadikit na. "Amity, gustung-gusto na nga kita!" mariin niyang sabi. "Paanong imposible kung nangyari na?"
Umiling ako. Tinangka kong alisin ang mga kamay niya sa hita ko. Hindi ako nagwagi sa lakas niya.
"Kausapin mo ang principal. Linawin mo sa kanya ang nangyari. Sabihin mo na may ipagagawa ka lang sa akin kaya mo ako pinapunta rito," pag-iiba ko ng usapan. Gusto kong kalmahin ang reaksyon ng dibdib ko. "Please, Sir," pakiusap ko.
"'Wag mong ilihis ang usapan kasi hindi ka rin naman makakatakas, Amity! Hindi ako mabilis mapagod. Hindi ako agad-agad sumusuko. Kapag gusto ko, sinisigurado kong makukuha ko."
Sobra na ang dulot na ilang sa akin ng tingin niya. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa ginagawa at sinasabi niya.
Napatungo ako. Hinawakan niya ang baba ko at muling hinagilap ang mga mata ko. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.
"'Wag mo akong iwasan, hindi 'yan uubra sa akin."
Hinampas ko siya sa dibdib. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi. "Nakakainis ka!"
"Mainis ka hangga't gusto mo," seryoso niyang sabi.
Muli ko siyang hinampas.
"No Gael, Amity." Ngumiti siya. "No other men. Just Aegeus."
Umiling ako. Tumango siya.
"Isang kontra pa, manghihina ka." Napawi ang ngiti niya. "You want that?"
Muli akong umiling. Bigla siyang tumayo.
"Ayoko sa 'yo, President," mariin kong sabi.
Bigla siyang lumayo sa akin at tumayo. Malaki ang paghakbang niya patungo sa pinto. Ini-lock niya 'yon. Hinarap niya ako at sumandal siya rito. Kita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay.
Mabilis niya akong binalikan. Yumuko siya at napasandal ako sa sofa. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang tagiliran malapit sa ulo ko.
"Alam mo bang ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng tanginang mga labing 'yan?" Bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko. Bumilis ang kanyang paghinga. "Tangina, Amity! Tangina!"
Tumungo siya at sinunggaban ang mga labi ko. Kumuyom ang aking mga kamay. Gumalaw ang mga labi niya sa akin na mas nagpahina sa katawan ko.
He bit my lower lip gently, teasing me to kiss him back. Mariin akong napapikit.
"God, Amity!" Hinawakan niya ang batok to at marahan niya itong hinaplos habang patuloy akong hinahalikan.
He licked my lower lip that made me open my mouth. Naging pagkakataon niya 'yon para gawin ang pakay niya. Nakita ko na lang ang sarili na pumulupot ang mga kamay sa kanyang batok.
"Heaven," he said in between his fervent hasty kisses. "It tastes heaven."
Napasinghap ako sa pagpasok ng dila niya sa bibig ko. Nanggagalugad ito. He sucked on my tongue. Nasabunutan ko siya.
Bigla niyang pinagbaliktad ang pwesto namin. Mabilis niya akong iniupo sa kanyang kandungan na hindi pinakawalan ang mga labi ko.
Hinapit niya ang bewang ko kasabay ng paggapang ng halik niya sa panga ko papunta sa leeg. Marahan niya akong kinagat dito.
Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ungol sa bibig ko.
"Let's stop..." bigla kong nasabi.
Mas lumikot pa ang kamay niya. Tumaas ito sa aking tiyan at nanunuksong humaplos dito. Muli niyang binalikan ang mga labi ko.
"President, please..."
Umiling siya. Paulit-ulit niyang kinagat ang ibabang labi ko. Nanginginig ang mga kamay ko na tumuon sa kanyang dibdib.
Bago pa umakyat ang kamay niya ay napatayo na ako. Humihingal akong tumalikod sa kanya. Napalayo ako at tinakpan ng mga kamay ang bibig.
Naramdaman ko ang pagtayo niya. Humakbang ako bago pa niya ako mahawakan.
"Don't say that you didn't like it," he said huskily. "Don't run. Take responsibility."
Mariin akong napapikit.
"Panagutan mo ang ginawa mo sa mga labi ko."
Hinarap ko siya. Hinahaplos niya ang kanyang ibabang labi. Kalat ang lipstick ko sa palibot nito.
Humakbang siyang muli, umatras ako.
"You were the one who... initiated..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin. Bumagsak ang tingin ko sa aking paanan.
Gumalaw ang mga paa niya. Umatras ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na pader.
Itinuon niya ang kamay sa kanang tagiliran ko malapit sa aking ulo. "You did like it."
Napakapit ako sa laylayan ng skirt ko.
"Gusto ko pa ng isa, Ma'am."
Nanlaki ang mga mata ko. Napaangat ako ng tingin. Nakaigting ang panga niya at titig na titig siya sa akin.
Hirap siyang lumunok. Tumungo siya at akmang aangkin ang mga labi kong muli, pero tinakpan ko ito ng palad. Tuloy ay 'yon ang nahalikan niya.
Kumunot ang noo niya at napaatras. Saglit lang ay lumarawan ang pagkamangha sa kanyang mukha. Napailing siya.
Inayos niya ang suot na gray long sleeve polo. Medyo gulo ang kanyang buhok at hindi siya aware roon.
Lumapit ako sa kanya at pinasadahan ko 'yon ng haplos. Nang napagtanto ang ginagawa ay muli akong napaatras, pero nahuli niya ang kamay ko.
"Your words contradict your actions." Kumurba ang bibig niya. Tiningnan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ito.
Napasinghap ako at agad itong binawi dahil sa gulat. He chuckled.
"You're putting yourself in danger."
Umiling ako. "It won't happen again."
Muli siyang tumawa. Nakaramdam ako ng matinding inis sa sarili.
"Parehas lang tayo. Sinabi ko rin sa sarili ko 'yan noong una." Marahan niyang dinilaan ang ibabang labi. "But look at me now, I ate my words."
Bumuga siya ng hininga.
"Ma'am, please, let's stop running. It will just surely wear you out."
Naglakad ako sa pinto.
Bubuksan ko pa lang ito ay muli siyang nagsalita, "are you sure you'll leave my office like that?"
Nakatingin siya sa katawan ko kaya pinasadahan ko ng tingin ang sarili. Nag-init ang mukha ko nang napagtanto ang itsura ko.
Inayos ko ang sarili. Sinuklay ko ang sariling buhok gamit ang kamay. Ramdam ko ang tutok na panonood niya sa akin.
Binalingan ko siya pagkatapos. His eyes were still fixed on me.
"What?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. He shoved his hands into his trouser pockets. Sumandal siya sa likod ng sofa. Ipinilig niya ang ulo.
"Wala lang," sagot niya.
"Stop staring at me!" hindi ko napigilang sabihin.
He crossed his legs. "I'm sorry, I can't." Napailing siya. "It's your fault, not mine. You've got me under your spell, witch."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top