Chapter 36

Chapter 36

Nakatuon ang mga mata ko sa gym. Binabantayan ko ang section na hawak ko sa oras na ito.

Humakbang ako ng apat at agad ding napaatras. Muntik na akong mabangga ng isang estudyante. Bigla kasi itong tumayo.

"Sorry, Ma'am." Hinaplos ng estudyante ang batok.

Tumango lang ako. Mukhang pupunta siya sa men's room.

"Your skirt are too short."

Hindi ko na kailangan na lumingon. Ang reaksyon pa lang ng mga balahibo ko ay sapat na para malaman kung sino siya.

"Look, Ma'am. Guy students are secretly checking you out." Lumagpas siya sa akin. "Go to my office later after my inspirational message."

Umakyat siya sa stage. Hindi ko namalayan na nakarating na siya rito. I was lost in reverie, thinking about what happened last night. Umalis na rin siya kagabi pagdating ni Faerie.

"Good morning, Seniors!" he greeted the students.

"Good morning, President!" tinatapatan siya ng sigla ng mga estudyante.

He started with a quotation before giving the message itself. Tungkol sa Stress Management ang seminar.

Lumabas ako ng gym. Minabuti na roon ganapin ang seminar. Masyado kasing malaki ang populasyon ng Senior High School.

Sa entrada ay nasalubong ko si Sir Gael. Maputla ang mukha niya.

"Sir Gael, okay ka lang ba?" tanong ko.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Idinampi ko ang likod ng kamay ko sa kanyang noo.

"Uy, ang init mo!" Hindi ko naiwasan ang mag-alala. I held his arm and dragged him out of the gym.

"Ma'am Amity, I'm okay," natatawa niyang sabi.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Dinala ko siya sa clinic.

"Ma'am Kean, paki-tingnan nga po ang Sir Gael." Nilingon ko ang matigas ang ulong co-teacher ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Inaapoy ng lagnat tapos ay sasabihing okay lang siya."

"Sige, Ma'am Amity, upo ka po muna sa sofa." Ngumiti ang nurse.

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Napatingin ako sa bulsa ko dahil nag-vibrate ang phone ko. Inilabas ko ito at binasa ang kadarating lang na mensahe.

President:

May paghawak sa braso, huh?

Nakagat ko ang ibabang labi. Tiningnan ko si Ma'am Kean at si Sir Gael. Inabutan niya ng gamot si Sir at isang basong tubig.

Itinaas ko ang cellphone ko bago tumayo. "Pagpahingahin mo po muna siguro ang Sir, Ma'am. Balikan ko po siya mamaya."

Tumango lang ang nurse. Sanay na akong pumupunta rito sa clinic at ka-close ko na rin naman si Nurse Kean. Madalas kasi akong magdala ng mga estudyante rito.

Agad akong nagtipa ng mensahe, pero binura ko rin nang muling nakatanggap mula sa kanya.

President:

Where are you? Dalian mo at pumunta ka rito sa opisina.

Lakad-takbo ko siyang sinunod. Nakarating ako sa opisina niya. Nginitian ko ang sekretarya kahit na ilang pa rin ako rito. Kumatok ako ng tatlong beses sa kanyang pinto bago ito buksan.

Nakatuon sa baba niya ang isang lapis. Umangat ang tingin niya sa akin.

"Hindi pa ba malinaw sa 'yo ang sinabi ko kagabi? Stop what you are doing, Sir," inunahan ko siya sa paglilitanya. "Itigil mo na rin ang pag-uutos mo sa akin na puntahan ka rito."

He rose from his seat and walked toward me. Tumigil siya sa harap ko na may isang dipa ang layo.

He bent his body in order for our faces to level. Nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang trousers.

"Uh-huh and then?"

Naasar ako. Tinalikuran ko siya at lumapit sa sofa.

"I also told you last night that no one could stop me." Bumuga siya ng hininga. "Harap ka, may ibibigay ako sa 'yo."

"Ayoko," matigas kong sabi.

"O sige, bahala ka. Ibibigay ko 'to kay Sahara."

Inis kong inikot ang sarili. Bumagsak ang tingin ko sa bouquet. Hindi ito katulad ng mga ibinibigay niya sa akin. Inside the bouquet were different kinds of branded chocolates. Instead of flowers.

Inilapit niya ito sa akin. Hindi ko sana ito tatanggapin, ngunit mas sumeryoso ang mukha niya. Napilitan akong abutin ito.

Tumunog ang intercom. Pareho kaming napalingon doon. "Sir, you have a visitor. Meave De Ayala," sabi ng sekretarya.

Naglakad siya sa pinto at binuksan ito. Bumungad ang isang matangkad na babae.

The lady had a bob cut hair that almost reached her shoulders. It was medium ashy brown in color. Maputi siya at maganda ang kurba ng katawan. Nagsusumigaw rin ang kinis ng balat niya at ang ganda ng kanyang leeg. Her collar bone was damn hot.

She was wearing a maroon solid knitted fit and flare dress. Its style was an off-shoulder with short sleeves and flared hem. She partnered it with a pair of beige stiletto heels.

Inihagis ng babae ang sarili kay President. She hugged him tight before kissing his cheek.

Naipilig ko ang ulo.

"How is my ex-boyfriend doing?" Umabrisyete ang babae sa kanya at hinigit siya paupo sa sofa.

Pakiramdam ko ay naichapwera ako kung hindi lang ako napansin ng babae.

"Oh, you're not alone pala!" Nginitian ako ng babae. Inalis niya ang nakapulupot na kamay kay President at tumayo. "Sorry if I seemed rude to you. Hindi ko talaga napansin na may tao." Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Meave De Ayala."

Nanginginig ang kamay ko na inabot ang kanya. Pakiramdam ko ay nanliliit ako. "Amity."

Tumingin ako kay President at mukhang natauhan na siya. Binawi ko ang kamay sa babae.

Pilit akong ngumiti. "Pwede ko na ba kayong maiwan, Sir? Marami pa rin po akong naiwan na trabaho. Baka hanapin din ako sa gym."

Naglakad ako sa pinto. Tumayo si President pero nagmadali akong lumabas.

"Amity, wait!"

Nagkunwari akong hindi siya narinig. Wala sa sariling tinahak ko ang daan pabalik sa gym.

Pinuntahan ko ang klase na hawak ko, pero bago pa ako makalapit sa kanila ay kinalbit ako ni Sir Harold. Nag-aalala ang mukha niya.

"Saan ka galing? Hinahanap ka ni Sir De Guzman. You need to go to his office."

Kinabahan ako. "May nangyari po ba habang wala ako?"

Tumango si Sir Harold. "May nag-away na HUMSS 1D. Mga lalaki."

Napapikit ako. "Salamat, Sir."

Tinapik niya ako sa balikat bago ako patakbong pumunta sa opisina ng principal. Kumatok ako at pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Duguan ang mukha ni Joren. Nilingon ko si Dominic na masama ang tingin sa kaklase. Si Nurse Kean ang naggagamot sa sugat ni Joren sa mukha.

"Go to the Office of the Students Affairs, the two of you!" Tiningnan niya ng masama ang dalawang estudyante. "Now!"

Lumabas ang dalawa. Tapos na rin na gamutin ni Ma'am Kean si Joren.

"Pasensya ka na, Ma'am Kean. I know that you have patients in the clinic." Tumayo si Sir De Guzman at pinagbukas pa ng pinto si Nurse.

Nag-usap pa silang dalawa sa labas. 'Di nagtagal ay pumasok na muli si Sir De Guzman.

Itinuro niya ang sofa at umupo ako rito, siya sa harapan ko.

"Where were you?"

Kita ko sa mga mata niya na nagpipigil siya ng galit.

"Iniwan mo ang section na hawak mo. Ayon, may nagsuntukan. Ngayon, paano natin ipaliliwanag sa mga magulang ng mga estudyanteng 'yon ang nangyari?"

Hindi ako nakasagot. Ayokong sabihin na galing ako kay President at inutusan niya ako na pumunta sa kanya.

"No'ng wala ka saka nakalabas 'yong dalawang gagong 'yon." Sumandal si Sir De Guzman sa kanyang inuupuan. "Nagsapakan malapit sa hagdan ng criminology building. May nakakitang criminology student kaya na-inform agad ako sa nangyayari. Sir Bonny is busy with the seminar and he can't deal with those two idiots now," tukoy niya sa Prefect of Discipline.

"I'm sorry, Sir." Tumungo ako. Nanginginig ang mga kamay ko kaya itinago ko ang mga ito sa ilalim ng mga hita ko.

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nagkasakitan na ang dalawang 'yon." Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad sa harapan ko. "Ilang beses ko bang ipapaalala sa inyo ang trabaho n'yo bilang guro?!" tumaas ang boses niya. "Lagi dapat tayong nakabantay, may activity man o wala! Their safety is our responsibility, Ma'am Amity!"

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko.

"Ngayon, pwede ko na bang malaman kung saan ka galing?" Tumigil siya sa paglalakad.

Inangat ko ang mukha at tinatagaan ang loob. "First, Sir, I accompanied Sir Gael to the clinic. Sobrang putla niya at nag-alala ako," pagsasabi ko ng totoo. "Second, the president asked me to go to his office."

Nalukot ang noo niya. "Ang alam ko, trabaho mo na magturo at bantayan ang mga estudyante mo. Hindi mo trabaho na magpabalik-balik sa opisina ng pangulo." Kumurba ang labi niya. Sa reaksyon niya ay batid ko na may gusto pa siyang sabihin, pero hindi na niya 'yon inilabi.

"He is our boss, Sir De Guzman," I reminded him.

"But before him you have me, Ma'am Amity." He crossed his arms over his chest. "Namimihasa ka ata sa pagsunod sa president na hindi ka muna nagpapaalam sa akin. Sana pinaltan mo na lang ako sa posisyon. You seem to bypass me every now and then."

Halu-halo na ang nararamdaman ko.  "I don't mean to bypass you, Sir. It's just that..."

"You're just doing your job?" he cut me off. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya pero alam kong plastic 'yon. "You're taking advantage of the president, Ms. Escobar."

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Kita ko na namangha siya sa ikinilos ko. Nabigla rin ako pero huli na para bawiin ko ito.

"I don't take advantage of him," I said firmly. "Go and talk to the president why he always orders me to come to his office."

"'Wag mo akong utusan sa dapat kong gawin, Ma'am!" sigaw niya. "Not just because you are close to him, you'll act superior to us!"

Nalukot ko ang tagiliran ng aking skirt. "I don't act superior. Wala po akong karapatan. Alam ko sa sarili ko 'yon." Tiningnan ko siya sa mga mata. "Don't accuse me things that you people do."

Lumabas na ako bago pa niya ako mabugahan ng apoy. Tinahak ko ang daan pabalik sa opisina ni President. Itinawag ako ng sekretarya niya sa kanya. Nang nag-signal ang sekretarya na pwede na ay dere-deretso na akong pumasok.

Prente siyang nakaupo habang nakikipag-usap kay Meave De Ayala. Napatingin sila sa akin.

"May sasabihin ako na hindi dapat marinig ng iba," simula ko. Mabilis ang paghinga ko.

"Meave, can you leave us for a while?" Sinulyapan niya ito. "I think it's just really important."

"All right, babe," she answered.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Pero binalewala ko 'yon. "Explain to the principal why I left the gymnasium." Ayoko siyang tingnan.

Paulit-ulit sa pandinig ko ang tawag sa kanya ng babaeng 'yon.

Babe, huh?

"Do you mean I need to tell him that you left the gym with Sir Gael?"

Doon ko na inangat ang mukha. Sumandal siya sa kanyang table at pinasadahan ng haplos ang sariling buhok.

Mas lalong tumindi ang inis ko. Nilapitan ko siya at hinigit ang kanyang tie. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Nagsuntukan ang mga estudyante ko no'ng pinatawag mo ako. Ngayon isinisisi nila sa akin ang nangyari. Alam kong may kasalanan din ako pero lahat na lang ba sa akin ang sisi? Ha?" Binalewala ko ang bikig sa aking lalamunan. "'Wag mo ring gawing biro ang pagpunta ko sa clinic! Tinulungan ko lang si Sir Gael! He might have passed out! Konsensya ko pa kapag wala akong ginawa kahit nakita kong hindi siya okay!"

Nakatitig lang siya sa mukha ko. Umigting ang panga niya.

"Tangina," mura niya. "Talagang kahit anong ekspresyon ng mukha mo, maganda pa rin."

Lumuwag ang hawak ko sa tie niya. Bago ko pa ito mabitawan ay kinulong na niya ang kamay ko.

"Ano bang gusto mong sabihin ko sa principal, Amity?" Tumitig siya sa mga mata ko. "Na nagseselos ako sa Gael na 'yon kaya kita pinapunta rito sa office ko, ganoon ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top