Chapter 33
Chapter 33
Natigilan ako sa sinabi niya. Bumalik lang ako sa sarili nang bumitaw siya sa akin at pumasok ng gate.
Tila mababaliw ako sa eratikong tibok ng puso ko. Sinundan ko siya at inginuso niya ang pinto.
"Open this goddamn door. I'm so sleepy."
Pinigil ko ang sarili na tarayan siya. Gustuhin ko man siyang itaboy ngunit sa itsura niya ngayon ay kailangan kong magmalasakit.
He was completely blasted. Kung saan siya nag-inom ay wala akong ideya. Maaga pa para siya malasing nang ganito.
Umakbay siya sa akin at napapikit ako nang mariin. Pumasok kami at inalalayan siyang makaupo sa sofa. Pabagsak ang katawan niya rito dahil sa bigat niya.
He tried to open his eyes and stared at me. His lips stretched into a smile but didn't reach his eyes.
"Alam kong napilitan ka lang na papasukin ako rito. But please let me stay for awhile until I can drive myself home."
Napaupo ako sa harapan niya. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha. Muli ko siyang tiningnan.
"Saan ka nag-inom?" itinago ko ang iritasyon sa boses.
"Sa bahay."
Umawang ang bibig ko pero agad ko rin itong itinikom. "You got drunk at home and went here? Nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan."
"Kapahamakan ka ba?" Malalim ang tingin niya sa akin.
Hindi ko agad nakuha ang sinabi niya. Magsasalita sana ako pero agad niya akong naunahan.
"If you are the danger you're talking about, then I would love to be in danger." Mariin niyang kinagat ang ibabang labi.
I swallowed the lump in my throat. Sari-saring emosyon ang ibinibigay niya sa akin ngayon.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Sir," malamig kong sabi.
Dahan-dahan siyang bumangon at umupo. Itinuon niya ang mga braso sa kanyang mga tuhod.
He flashed a half-smile. "Do you think I'm just playing around?" Sa kabila ng kalasingan ay nilapitan niya ako. Umupo siya sa sahig, sa paanan ko.
Napigil ko ang hininga nang bigla niyang kuhanin ang kamay ko. Madamdamin niyang hinalikan ang likod nito.
Hindi ko na 'yon nagawang bawiin dahil sa panghihinang dulot niya sa sistema ko.
Humilig siya sa aking mga hita na mas nagpatindi pa sa nararamdaman ko. Binalewala ko ang kiliting dulot ng buhok niya sa hita ko.
"Sir, umalis ka dyan," halos pakiusap ang labas noon sa aking bibig.
"Pati ba naman sa ganito pinipigilan mo ako? Why are you so cruel?"
Tumindig ang balahibo ko nang yakapin niya ang mga binti ko.
"Sir..."
"Women do everything to get my attention. And here you are..." he chuckled. "wala man lang talab lahat ng ginagawa ko. Pinagtatabuyan mo ako palayo. Wala naman akong nakahahawang sakit, Amity," may hinanakit niyang sabi.
He looked up at me and our eyes met.
"What do I need to do for you to finally let me in... in your life?"
Wala akong makapang sabihin. Iniwas ko ang mga mata sa kanya.
Muli niyang kinuha ang kamay ko at mariin ngunit madamdamin itong hinalikan. "I won't stop until you reciprocate my feelings."
Nag-init ang mga mata ko.
"Handa akong maghintay, Amity. Kahit gaano pa 'yan katagal. Kahit ilang beses mo pa akong itaboy."
Tumungo siya sa mga hita ko. Hindi na siya tumunghay pa. Sandali lang ay narinig ko ang malalim niyang paghinga.
Pinilit ko siyang maihiga sa sofa sa kabila ng bigat niya. Nang nagtagumpay ako ay pinisil ko ang mga balikat at braso ko. Tinunton ko ang kwarto at dumampot ng unan at kumot. Binalikan ko siya at nilagyan ng unan. Itinaas ko ang kumot hanggang sa kanyang dibdib.
Nakatingin lang ako sa mukha niya, pinapanood siya sa mahimbing na pagtulog. Next thing I knew, my hand itched to touch his gorgeous face. Lumandas ang kamay ko sa pisngi niya at panga. Napatitig ako sa mga labi niya. Those sexy lips that could make any woman swoon.
"Sana hindi na lang ako," halos pabulong kong sabi. "Kasi marami akong takot. Marami akong hindi kayang ibigay sa 'yo."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Napatungo ako.
"Takot akong magpapasok ng tao sa buhay ko. Takot akong maiwan." Tears rolled down my cheeks. Hinayaan ko ito sa pag-agos. "Takot ako sa attachment."
Nahihirapan akong lumunok. Muli ko siyang tiningnan.
"Ayokong mahulog nang sobra sa 'yo," pag-amin ko. "Kaya hangga't kaya ko pa, kailangan kitang itaboy." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. "If other people will hear me right now, I think some of them will pull my hair and slap me hard to show me what kind of a nitwit I am."
Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya. I would not be able to do this if he was awake.
"There are times I cry with no specific reasons." Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi. "At ayokong may isa pang tao na mahirapan dahil sa akin."
Umungol siya at gumalaw. Inabot ko ang gulu-gulo ngunit malambot niyang buhok. Hinaplos ko ito.
I couldn't help but feel amazed by his beauty. Kung tutuusin ay mas gwapo pa siya sa mga artistang napanonood ko sa TV. He had the face and body to die for.
"I am not easy to deal with, Aegeus." I tried to smile even though he couldn't see it. "Isipin mo na lang na para rin sa 'yo 'to."
Matagal pa akong nanatili doon hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Tumayo ako at ini-lock ang pinto. Pumasok na ako sa kwarto at nahiga.
Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Faerie.
Me:
Aegeus is here. Drunk. I hope you had a nice day, love. Good night!
Nagising ako na kumakalam ang sikmura. Saka ko naalala na hindi nga pala ako naghapunan.
Lumabas ako ng kwarto at muntik nang mapatalon dahil sa nadatnan ko.
"Good morning!" masiglang bati sa akin ni President. Nakabihis na siya at mukhang handa ng pumasok sa Hasse.
Sa table ay may mga nakahandang pagkain. Pinalipat-lipat ko ang tingin dito at sa kanya.
"Umuwi ako sa bahay kanina. I cooked for you," aniya.
Hindi pa rin ako sanay na ganito siya sa akin. Mas sanay ako sa masungit at seryosong President.
"Hindi mo kailangan na gawin ang bagay na 'yan, Sir." Tumutok ang mga mata ko sa kanya. "Wala tayong relasyon."
May kung anong emosyon ang rumehistro sa kanyang mga mata. I was not just sure if that was sadness.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Umupo siya sa hapagkainan at sumeryoso ang kanyang mukha. "Let's eat before the food gets cold."
Nang hindi ako kumilos ay muli niya akong tiningnan. Sinunod ko na lang ang utos niya.
There were omelette, bacon, and hotdogs. Mayroon ding greek yogurt na may strawberries at iba pang cut fruits.
"I don't know what you want to eat so I brought every possible food you want this morning."
Kumain na lang ako dahil wala rin naman akong maisip na sabihin. Tahimik kaming kumain at ramdam ko na pinapanood lang niya ako. Hindi ko napigilan ang mailang.
After breakfast, I went straight to my room. Naligo ako at nagbihis. Umaasa ako na wala na siya pero nang lumabas ako ay nakaupo siya sa sofa at naghihintay.
Tinunton ko ang hapagkainan at nakita roon na wala na ang pinagkainan namin.
Pagbalik ko ay tumayo na siya. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. White long sleeved executive office wear with button cuff partnered with black slim fit trousers. Naglakad siya sa pinto at hindi ko napigilan ang mapatingin sa pang-upo niya.
He had such a nice ass.
Ipinilig ko ang ulo at sumunod na sa kanya bago pa niya mahuli kung saan ako nakatingin.
Lumabas kami ng bahay at sinigurado ko na locked ang pinto. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang black Ford Mustang.
Pumasok na lang ako dahil baka humaba na naman ang aming diskusyon. Nasa loob na kami pareho at may inabot siya sa likuran.
Napigil ko ang hininga nang ilahad niya sa akin ang bouquet ng pulang rosas. Umangat ang tingin ko sa kanya.
He was looking straight into my eyes. Nanghina ang mga tuhod ko. Buti na lang ay nakaupo ako.
"Accept this or else you'll get fired," he threatened.
Mabilis na umahon ang inis sa sistema ko. Kinuha ko ang bulaklak sa kanyang mga kamay.
Kumurba ang labi niya at mas lalo akong na-badtrip doon. Pinaandar niya ang sasakyan at hindi ko na siya tiningnan pa. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa aming dinadaanan.
"Where do you want to eat lunch?" he asked.
Natigilan ako pero agad ding nakabawi. "At the faculty room."
"So gusto mo na doon tayo mag-lunch dalawa? Ayos lang naman sa akin."
Hindi ko na napigilan na lingunin siya. Seryoso pa rin ang mukha niya na para bang wala lang ang sinabi niya.
"Sinong maysabi na sasabay ako sa 'yo pagkain?" tanong ko na bakas ang inis.
Gumalaw ang balikat niya at nilingon ako. "Bakit? May iba ka bang kasabay?"
"Si Faerie."
"Hindi papasok si Faerie." Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan.
Tumaas ang kilay ko. "Wow, does she update you if she will report or not?"
"I am the president of Hasse, remember?" Iniliko niya ang sasakyan. "Checking the employees info, whereabouts, and even attendance is just a piece of cake."
Dahil sa sinabi niya ay agad kong chineck ang cellphone ko. Doon ko nakita na may tatlong mensahe pala ako mula kay Faerie. Ang una ay ang reply niya sa akin kagabi na hindi ko na nabasa at ang dalawang sumunod ay kani-kanina lang.
Faerie:
Let him sleep on the sofa. Lock the bedroom door.
Napangiti ako.
Faerie:
I'm sorry I can't cook you breakfast today. Bawi ako, okay?
Faerie:
Mag-ingat pagpunta sa school. Won't report again. I love you.
Nagtipa muna ako ng mensahe bago ko isuksok ang cellphone sa bag. Nakarating kami sa Hasse at agad ipinarada ni President ang sasakyan. Wala pang ganoong tao dahil maaga pa rin naman.
"Thank you." Lumabas ako na hawak pa rin ang bigay niya. Naglakad ako at hindi na siya hinintay.
Mabilis niya akong nasabayan. Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa faculty room.
Nandito si Sahara. Nakasandal siya sa tabi ng pinto at makahulugan ang tingin na ipinukol sa amin. Bumagsak ang tingin niya sa hawak ko.
"What is this all about, Aegeus?" she asked.
Walang emosyon ang mukha ni President. Nakatingin lang siya kay Sahara.
Bumuntong-hininga si Sahara at lumapit kay President. Hahalik sana si Sahara sa pisngi niya ngunit agad umatras si President at lumapit sa akin.
Hinapit niya ang bewang ko. Ramdam ko ang init ng bisig niya.
"Why are you so early, Sahara?" Hindi sinagot ni President ang tanong niya. "And what's with your clothes? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring uniform?"
Tila namangha ang ekspresyon na lumukob sa mukha ni Sahara. 'Di nagtagal ay rumehistro sa mga mata niya ang inis.
"Para malaman kung bakit maaga kang pumapasok. You don't visit me often na rin." Nilingon ako ni Sahara. "Inaakit ka ba ng babaeng 'to, Aegeus?"
Natawa si President. "How I wish." Gumalaw ang balikat niya. "Nililigawan ko siya, Sahara."
Nanlaki ang mga mata ko. Nang tingnan ko si Sahara ay napaawang ang bibig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top