Chapter 32
Chapter 32
Marahan ko siyang itinulak. Iniwas ko ang tingin at bumagsak ito sa aking paanan. Gusto kong tumakbo palabas pero nanghihina ang mga tuhod ko.
"President, may ipakikiusap po sana ako." Inangat ko ang mukha at tumingin sa mga mata niya. "Pwede po bang itigil mo na ang mga ginagawa mo?"
Kumunot ang noo niya. Titig na titig siya sa mukha ko na para bang tinitimbang niya ang mga salita ko. Akmang hahawakan niya ako pero agad akong umatras at itinaas ang mga kamay ko sa ere.
"Tama na rin siguro na pinapunta mo ako rito. Para na rin po magkaintindihan tayo." Ibinaba ko ang mga kamay. "Hindi ko alam kung anong gusto mo sa akin, Sir. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo akong bigyan ng mga bagay na hindi ko inaasahan na matatanggap sa 'yo."
Tinalikuran niya ako. "Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo," sagot niya patungkol sa una kong sinabi.
Nag-init ang mga mata ko. "Linawin mo. Bakit mo ginagawa 'to?"
Hindi siya sumagot. Matagal na wala akong narinig kundi ang ingay ng aircon. Dahil doon ay nagpasya na ako. Tumalikod ako at sinimulang tahakin ang direksyon ng pinto.
Pinihit ko ang seradura.
"Do you really want to hear it?"
Bumitaw ako rito. "Yes."
"Face me then," he commanded.
Sinunod ko siya at hinarap. Naglakad siya palapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Gusto kita," bigla niyang sabi.
Napakapit ako sa laylayan ng skirt ko. Aalisin ko sana ang tingin sa kanya ngunit nahawakan na niya ang baba ko.
"Look into my eyes, Amity." Gumalaw ang panga niya. "Gusto kita."
Nanginig ang mga kamay ko. Mas tumindi ang reaksyon ng aking dibdib.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. "I'm nervous."
Pagkasabi niya no'n ay saka ko lang napansin na nanginginig ang kamay niya sa baba ko. Inalis niya 'yon doon.
"This feeling is new to me." Tila hirap siyang napalunok. "Gustung-gusto kita to the point na nahihirapan ako kapag nakikita kitang umiiyak."
Malungkot akong napangiti. "Awa. Awa lang ang nararamdaman mo."
Mabilis siyang umiling. "You're wrong."
"Babae ako ng tatay mo. Ako ang sumira sa pamilya n'yo. Maraming naniniwala roon, Sir," pagpapaalala ko.
Mas lumalim ang tingin niya sa akin. "I was wrong. And I know that I hurt you a lot of times accusing you about those things."
"You don't have proofs that I was not your father's mistress," kontra ko.
Humakbang siya at napaatras ako. Naramdaman ko ang pinto sa aking likod.
"Fuck proofs!" Mariin siyang napapikit at muling tumitig sa mga mata ko. "What I've seen in you is enough."
Halu-halo ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig mula sa kanya.
Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit ako. Mas humigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking skirt. Pakiramdam ko ay nawawala ako sa tamang pag-iisip.
"Mistress or not, I don't care." Idinikit niya ang noo sa akin.
Hindi ko magawang imulat ang mga mata dahil pakiramdam ko tutulo na ang luha ko anytime.
"I don't care about your past."
And that was my cue. Lumandas ang mga luha ko.
"Hindi mahalaga sa akin ang nakaraan mo. Mas mahalaga ka sa akin, Amity."
Nagmulat ako ng mga mata. Umiling ako at hinawakan ang kamay niya sa aking pisngi. Marahan ko itong inalis.
"You don't believe me?"
"I don't know." Sa bawat segundong dumaraan ay mas lalong sumasakit ang dibdib ko. "Basta ang alam ko, ayoko. Natatakot ako."
Muli niyang hinawakan ang mukha ko at ngayon ay dalawang kamay na niya ang nandito.
"Give me a chance, Amity." Pinunasan niya ang mga luha ko. "I want to know more about you."
Humikbi ako. Muli kong inalis ang mga kamay niya sa mukha ko. "Nakakatakot akong mahalin. Hindi mo ako maiintindihan. Ayokong saktan ka."
Umigting ang panga niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?"
"I'm saving you from me."
"I can't be saved anymore." Malungkot siyang ngumiti. "Hulog na ako, Amity. Sobrang hirap nang umahon."
Itinulak ko siya palayo sa akin. Nagmamadali akong lumabas ng office niya.
Pumasok ako sa pinakamalapit na ladies' room. Chineck ko lahat ng cubicle at nang nakitang walang tao ay ini-lock ko ang main door.
Binuksan ko ang faucet kasabay nang mabilis at sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Tumuon ako sa counter ng lavatory.
Napahagulgol ako. Hindi mawala sa isip ko ang malungkot niyang ngiti. May kumatok sa pinto pero hindi ko ito pinansin. Pinatay ko ang tubig.
Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader. Hinampas ko ang dibdib ko nang paulit-ulit. "Alam mo namang hindi ako okay, pero nagustuhan mo pa siya. Minsan hindi kita maintindihang puso ka! Napakamapaglaro mo! Binalaan na kita, 'di ba? Ang tanga-tanga mo!"
Mas madali sana kung ako lang ang nahulog. Mas madaling magdesisyon. Mas madaling magtaboy.
Matagal bago ako napagod sa pag-iyak. Ilang tao na rin ang kumatok sa pinto pero hindi ko sila pinag-aksayahang pansinin.
Nanghihina ang mga tuhod kong pinilit tumayo. Binuksan ko muli ang faucet at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili sa salamin.
Inayos ko ang sarili na parang walang nangyari. Lumabas ako na walang bakas ng pag-iyak.
Naglalakad ako sa hallway nang may humawak sa braso ko. Tiningnan ko ang mga sumabay sa akin at nagpilit akong ngumiti.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at hindi pinansin ang mga text message. Noon ko lang napansin na may tatlong mensahe na galing sa iisang tao.
Tiningnan ko ang oras at nilingon si Rowan. "Ang aga n'yo." Nilingon ko si Callie at ang nag-iisang lalaki na kasabay nila, si Julian.
Inangat ni Julian ang paper bag na hawak niya. Doon ko lang napansin na naka-PE uniform sila at sa bitbit niya ay may kung anu-anong bagay na mukhang gagamitin nila sa subject na 'yon.
"Nakalimutan mo po atang PE namin ngayon, Mommy," hininaan ni Callie ang pagbigkas sa huling salita. Madalas nila 'yong tawag sa akin kapag ganitong kami-kami lang.
"Oo." Hinaplos ko ang aking buhok. "Pasensya na kayo, sobrang dami ko lang ginagawa."
"Gusto mo po bang tulungan ka namin?" alok ni Julian.
Umiling ako. "No need, anak. Mostly paperworks ang ginagawa ko."
Umabrisyete si Callie sa braso ko at tiningala ako dahil medyo maliit siya. "We're willing to help, 'My." Kinindatan niya ako. "Sabihan mo lang po kami kapag may mga trabaho kayo na pwedeng ipagawa sa amin."
Tumango na lang ako. Naghiwalay na kami ng daan dahil papunta sila sa gym at ako ay sa faculty room. Pagpasok ko ay awtomatiko akong nilingon ng mga co-teacher ko.
"Good morning, Ma'am Amity," bati ni Sir Gael.
I tried to act normal as possible. Matamis akong ngumiti. "Good morning, Sir Gael."
Iniwas ko ang tingin sa chocolate sa aking table at nagsimula nang asikasuhin ang mga trabaho.
Nang nag-uwian ang mga estudyante ay nakita kong mayroon pang tao sa loob ng room ng HUMSS 1F. Kumatok ako sa pinto at binuksan ito. Walang kagalaw-galaw ang estudyanteng lalaki.
Umupo ako sa tabing upuan niya at napansin ko ang paggalaw ng kanyang balikat.
"Bakit hindi ka pa umuuwi, hijo?" tanong ko.
"Ayokong umuwi." Iniangat niya ang mukha. Halata na galing siya sa pag-iyak. Nagulat siya nang napagtantong teacher ang kausap niya.
"Anong dahilan?"
Iniwas niya ang tingin sa akin. Bumuntong-hininga siya. Matagal bago siya muling nagsalita, "pwede po ba akong mag-open ng problema sa 'yo, Ma'am?"
"Oo naman." Tumingin ako sa white board.
Dahil hindi ko siya estudyante ay tiningnan ko ang pangalan niya sa ID.
Mateo Greco.
"Nakabuntis ako, Ma'am."
Nagulat ako sa ipinagtapat niya pero hindi ko ipinahalata. Muli ko siyang tiningnan. Nagtubig ang mga mata niya.
"ABM student po ang girlfriend ko." Tumingin siya sa kanyang mga kamay. Nanginginig ang mga 'yon. "Gusto po niyang ipalaglag ang bata, Ma'am."
Mariin akong napapikit.
"She's a top student. Pero dahil sa nangyari sa amin, masisira ang buhay niya. Alam kong nagkamali kami, pero hindi naman po tamang ipalaglag niya ang bata, 'di ba po?"
"Walang kasalanan ang bata, hijo."
"Anong gagawin ko, Ma'am?" Pinunasan niya ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. Humarap siya sa akin. "Kahit anong pakiusap ko sa kanya na huwag gawin ang binabalak niya, matigas siya. Ayaw niya akong pakinggan."
"Alam na ba ito ng pamilya mo?"
Umiling siya.
"How about your adviser?"
Napabuntong-hininga ako nang muli siyang umiling.
"Ayaw ipaalam ni Alexa sa kahit sino, Ma'am. Hindi ko na po alam ang gagawin ko." Napatayo siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha.
Tumayo ako at nilapitan siya. I tapped his back and he looked at me.
"Gusto mo bang kausapin ko siya?" tanong ko.
"Magagalit po siya kapag nalaman niyang sinabi ko sa iba," halata sa boses niya ang takot. "Hihiwalayan niya ako panigurado."
"Anong mas kinatatakutan mo, ang hiwalayan ka niya o ang mawala ang anak n'yo?"
Muli siyang napaupo. Hindi na siya mapakali at kitang kita ang paghihirap sa mukha niya.
"Mamili ka."
"Ang mawala ang anak ko," nanginginig ang boses niyang sagot.
Hindi ko siya magawang pagsabihan tungkol sa ginawa nila dahil ayoko nang makadagdag pa sa dinadala niya.
"Ano pang ginagawa mo?"
Muli siyang tumayo at lumabas siya ng room. Sumunod ako hanggang sa nakarating kami sa ABM building. Bumagal ang paglalakad niya nang nakita niya na naroon pa rin ang kanyang girlfriend. Nilingon niya ako at lumapit sa akin.
"Ma'am, pwede po bang bukas n'yo na siya kausapin?" Pilit niyang pinatatapang ang sarili. "Mukhang masama po ang pakiramdam niya."
"Paano kung gawin na niya anytime ang gusto niyang mangyari?" pag-aalala ko.
Umiling siya. "Tatawagan kita agad, Ma'am, kapag hindi pa rin siya nakinig ngayon."
Inilabas niya ang cellphone sa bulsa at iniabot ito sa akin. Inilagay ko rito ang contact number ko.
"Salamat, Ma'am." Pumasok siya sa room at naupo sa tabi ng babae.
Saglit ko silang pinanood bago ako naglakad paalis. Kinuha ko ang gamit sa faculty room at nag-out na rin.
Wala sa sariling sumakay ako ng jeep. Nakarating ako sa apartment. Papasok na ako nang narinig ko ang malakas na pagtikhim.
Nilingon ko kung saan nanggaling 'yon. Nakaparada ang sasakyan niya sa katapat na bahay ng apartment. Nakasandal siya sa hood at matiim na nakatingin sa akin.
Gegewang-gewang siyang tumawid. Napalunok ako nang nakita ng malapitan ang malamlam niyang mga mata.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
Muntik na siyang tumumba pero agad ko siyang naalalayan. Ayoko mang magdikit man lang ang balat namin ay wala akong nagawa.
Mariin akong napapikit. "Ako dapat ang nagtatanong niyan."
Ramdam ko na nakatingin lang siya sa akin. Nang nagmulat ako ay hindi ako nagkamali. Titig na titig siya sa mukha ko.
Napatungo siya at umiling. "Ang bilis ng tibok ng puso ko, Amity. How the fuck could you do this to me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top