Chapter 31

Chapter 31

Nilagpasan ko siya at binuksan ang gate. Sinusian ko ang pinto.

Papasok na ako nang nagsalita siya, "hindi mo man lang ako aayain?"

Nilingon ko siya. Hindi agad ako nakasagot. "Pasok po." Ngumiti ako ng peke at hinayaan kong bukas ang pinto.

Dumeretso ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Naupo siya sa sofa. Ramdam kong pinapanood niya ang kilos ko.

"Hindi ka ba takot mag-isa?" tanong niya.

Ibinaba ko ang baso sa lamesita at umupo ako sa harapan niya. Hindi ko siya sinagot. "May kailangan po ba kayong ipagawa sa akin kaya ka nandito?"

"Wala. Nasaan si Faerie?"

Bigla ay pakiramdam ko nasa interview session ako. "Umuwi sa kanila."

"So you're alone tonight?"

Pinigil ko ang magpakita ng ekspresyon sa obvious niyang tanong. "Yes, Sir."

Ngumiti siya. Inilatag niya ang mga braso sa sofa at pumikit.

Hindi ko naiwasan ang mapatitig sa kanyang mukha. Siguro, kung ibang babae ako ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na nandito siya sa tinitirhan ko.

Gabi na ngunit ayos na ayos pa rin ang kanyang buhok. Kahit tingnan lang siya ay halatang sobrang bango niya. Ang linis ng kanyang itsura na nakadagdag pa sa kakisigan niya.

Dinampot ko ang baso at uminom dito.

"Can I sleep here?"

Nasamid ako at pabagsak na ibinaba ang baso sa lamesita. Hinampas ko ang dibdib at agad siyang lumapit sa akin. Tumayo ako at umatras palayo sa kanya. Nang medyo okay na ako ay tiningnan ko siya nang masama.

"Nagpapatawa ka ba?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Hindi," tila inosente niyang sagot. "I just asked if I could sleep here. I'm alone at home and you are alone here as well."

Pinigil ko ang sumigaw. Gusto kong ituro ang pinto para paalisin na siya pero hindi ko magawa. Siya pa rin ang presidente ng school na pinagtatrabahuhan ko. Kailangan kong panatilihin ang respeto ko sa kanya.

"Kaya kong mag-isa," walang emosyon kong sagot. "Please, sir, kung hindi n'yo po mamasamain, pwede na po ba akong magpahinga?"

Gumalaw ang kanyang mga balikat. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Paki-lock na lang po ang pinto bago ka umalis." Pumasok ako sa kwarto. Isinara ko ang pinto at sumandal dito.

My heart was beating frantically as if it wanted to come out from my chest. Mahinang hampas ang pinakawalan ko sa dibdib ko.

Nagsimulang uminit ang palibot ng mga mata ko. Naglakad ako at kumuha ng mga damit sa closet. Saglit akong naglinis ng katawan. Habang nagbibihis ay hindi ko napigil ang panginginig ng mga kamay ko.

Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe kay Faerie.

Me:

Love...

Humiga ako sa kama at inilapit sa dibdib ko ang cellphone. Bumalik sa isip ko ang lahat ng napag-usapan namin ni Shine. Dumagdag pa ang kakaibang pakiramdam kapag nandyan si President.

Matagal ako sa ganoong posisyon at pasilip-silip lang sa cellphone ko. Gusto kong puntahan si Faerie, pero kailangan kong panindigan ang hindi pagsama sa kanya.

Lumipas ang oras. Nakatitig lang ako sa kisame at pinipilit kalmahin ang sarili.

Napaupo ako sa kama at tiningnan ang magkabilang palad. Namamanhid ang mga ito at pakiramdam ko ay lumulutang ang ulo ko.

I started hyperventilating. Mahigpit kong nalukot ang damit ko na tapat ng aking dibdib.

Tumulo ang luha ko. I started hitting my chest as hard as I could.

The past invaded my mind. Pati ang malamig na pakikitungo ni Faerie sa akin ay ginulo ang utak ko.

Umalis ako sa kama at binuksan ang  dresser. Hindi ko napigilan ang sarili na hanapin ang bagay na madalas kong gamitin.

Blade.

Mas bumilis ang paghinga ko nang wala akong nakita. Halos maitapon ko na ang ibang gamit sa paghahanap. Napaupo ako sa sahig kasabay nang malakas na pagkatok sa pinto.

"Amity! Amity!" tawag ng boses.

Lumakas ang pag-iyak ko.

"Amity, open this fucking door!" sigaw ni President.

Unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng katawan. Pilit na binubuksan ni President ang pinto. Ilang sandali pa ay nagtagumpay siya.

Niyakap ko ang mga tuhod at tumungo. Hindi ko siya magawang tingnan.

"Please, gusto kong mapag-isa," pagmamakaawa ko.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Dinig ko ang kanyang paghingal.

"What's happening?" sa tono niya ay nandoon ang pag-aalala. "Amity, tell me."

Hindi ako nagsalita. Tumunog ang cellphone ko dahilan para tumunghay ako. Umiilaw 'yon sa aking kama. Nanghihina ang mga tuhod kong tumayo. Akmang aalalayan niya ako pero inilayo ko ang sarili.

Nanginginig ang mga kamay ko na in-accept ang tawag.

"What is happening?" bungad ni Faerie. "Baby sis, come on! Magsalita ka!"

Napahagulgol ako. Dinig ko ang mahina pero malulutong niyang mura sa kabilang linya.

"Galit ka pa ba sa akin, Ate? Please, 'wag ka nang magalit." Mas lalong namanhid ang mga kamay ko.

"Shh..." pagpapatahan niya. "I'm not mad, o-okay?" nabasag ang boses niya. "Pauwi na ako diyan. Hintayin mo ang ate, Amity. Naiintindihan mo ako?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Dinig ko ang pag-start ng makina ng kanyang sasakyan.

"Baby sis, I'm on my way."

Muli akong tumango. Saglit pa ay pinatay ko na ang tawag.

Saka ko naalala si President na ngayon ay nakasandal na sa pader. Napaupo ako sa kama. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at pagbalik ay may dala siyang isang basong tubig.

Inilapit niya ito sa aking bibig. "Drink this, please."

Umiling ako. Nang hindi ko 'yon tanggapin ay bumuntong-hininga siya.

Dinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan. Muling tumulo ang luha ko nang saglit lang ay nakita ko si Faerie na humahangos papasok ng kwarto.

Tumakbo siya sa aking direksyon at mahigpit akong niyakap. Humagulgol ako.

"I'm sorry last night," I said. Halos hindi ko na makilala ang boses ko. "I'm sorry I wasn't able to go home."

"Hush, love." Kumalas siya at pinunasan ang mga luha ko. "Nandito na ako. 'Wag ka nang umiyak. Hindi galit si Ate. Hindi kita iiwan." Lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

Itinaas ko ang pinky finger ko. "Promise?" namamaos kong sabi.

"Promise." She sealed it. Muli niya akong niyakap. Umupo siya sa tabi ko na hindi ako pinapakawalan.

Dinig ko ang yabag ni President palabas. Matagal bago ako tumahan at kumalma. Kumalas ako sa yakap. Nang tingnan ko si Faerie ay nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kayang magalit sa 'yo nang matagal?" Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. "At kagabi, hindi ako galit. Naiinis lang ako dahil nag-inom ka. Alam mong hindi ka okay at madalas kang sumpungin these days."

Napatungo ako. Nang hindi ako nagsalita ay hinawakan niya ang baba ko at pinatingin ako sa kanyang mga mata.

"What triggered you?" She looked straight to my eyes.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob. And then I told her everything. Lahat ng napag-usapan namin ni Shine. Inamin ko na naapektuhan ako. Pati ang mga nangyari sa pagitan namin ni President.

"First, I want to comment about Rosie and Shine." Tipid siyang ngumiti. "I won't get tired, Amity. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtulakan palayo, hindi kita lalayuan. 'Cause I know you. You push people away, but the truth is you want them to stay." Kinuha niya ang kanan kong kamay at pinisil ito. "Si Rosie, hindi naintindihan kung ano ang totoong nasa loob ni Shine. Rosie took her words literally."

Mariin kong nakagat ang ibabang labi.

"At 'yong kay President, need n'yong mag-usap." Tumayo siya. "You also push him away, right?"

Hindi ako nakasagot.

"Hindi normal ang kilos niya at kilos mo para sa dalawang taong walang relasyon." Tumingin siya sa direksyon ng pinto. "I'll just get you a glass of milk."

Nanatili ako sa aking pwesto. Hindi nagtagal ay bumalik si Faerie na may dalang fresh milk. Inilapit niya ito sa akin. Ininom ko 'yon.

Kinuha niya sa akin ang baso at inilapag 'yon sa bedside table. Sumampa siya sa kama at tinap ang kanyang tabi.

"Lika na," aya niya.

Gumapang ako sa tabi niya at hinaplos niya ang buhok ko. Hindi siya tumigil sa ginagawa hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko.

Nagising ako na nakayakap kay Faerie.

Bumangon ako at hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang paggalaw niya. "What time is it?"

Tumingin ako sa orasan. "5:30 am."

Lumabas ako ng kwarto at umupo sa sofa.

"President and I talked about you last night. Tinanong din niya ang tungkol sa dahilan kung bakit ka nagkaganoon, pero hindi ako sumagot." She went inside the kitchen. "12 am na siya nakauwi."

"Did he call you last night? Kaya ganoon na lang ang pagmamadali mong makauwi rito?" Kailangan kong malinawan.

"Yup."

Naamoy ko ang niluluto niyang pancakes. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa kaliwang braso.

"Thank you," mahina kong usal. "Pwede ka nang umuwi, love. Alam kong marami ka pang aatupagin sa bahay n'yo. Pasensya ka na kung ang laki kong abala sa 'yo—"

Hindi niya ako pinatapos pagsasalita at inalis niya ang nakapulupot kong kamay sa kanyang braso.

"Tama na ang pagsasabi ng bagay na hindi naman totoo." Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi niya nagustuhan ang huli kong sinabi.

Nanahimik na lang ako. Bumalik ako sa sala at doon niya dinala ang nalutong pancakes. Nilagyan niya 'yon ng chocolate syrup. Iniabot niya sa akin ang tinidor at ang isa ay sa kanya.

"I won't report to school." Humiwa siya ng pancake gamit ang tinidor at inilapit ito sa aking bibig. Tinanggap ko 'yon.

Pinigil ko ang mapangiti. Napatingin ako sa hawak kong tinidor habang ngumunguya. Humiwa rin siya at saka 'yon isinubo.

"I texted Mommy that I'd be back today." Muli niya akong sinubuan. "Kaya ikaw, i-text and call mo ako kada free time mo, okay?"

"Opo."

Ngumiti siya. "Good."

Matapos mag-agahan ay mabilis naming tinapos ang morning rituals namin. Papasok ng school ay inihatid niya ako sa mismong faculty room pa. Ako pa lang ang nandito.

"Don't forget." Itinaas niya sa pagitan namin ang kanyang cellphone.

Tumango ako. Humalik ako sa kanyang pisngi bago siya tumalikod. Umalis din siya agad.

Naglakad ako palapit sa aking table. Nadatnan ko rito ang isang kahon ng mukhang mamahaling brand ng chocolate. Sa tabi nito ay may sobre.

A memo from the President.

Ms. Escobar,

Good day! We have important things to discuss early in the morning. Please see me in my office as soon as you read this.

The President

Nagtataka man kung ano ang pag-uusapan namin ay sumunod na lang ako. Wala pa rin ang sekretarya niya kaya dumeretso na ako sa kanyang pinto at kumatok.

"Come in."

Nakaupo siya sa sofa at mukhang malalim ang iniisip. I cleared my throat and he looked up at me.

"What do you need from me, Sir?"

Tipid siyang ngumiti at tumayo. Naglakad siya palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang higitin niya ako at niyakap.

Gumapang ang isa pa niyang braso sa aking bewang. "I hope this makes you feel better."

Malakas ang kabog ng dibdib ko, lalo na nang naramdaman ko ang mga labi niya sa aking noo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top