Chapter 28
Chapter 28
Lumabas ako ng ladies' room matapos mag-ayos ng sarili. Bumalik ako sa table at hindi na ako muling umupo pa.
Mukha namang nakuha niya ang gusto kong mangyari. Umuna na ako paglabas.
"Did you get mad because of what I said about you and Faerie?" he asked, that it stopped me from walking.
"No." Hinarap ko siya. "Totoo naman ang sinabi mo. May relasyon kami pero bilang magkapatid."
Lumapit siya sa akin. Isinipit niya ang ilang hibla ng buhok sa tenga ko. "Hindi ko kayo hinusgahan. Sinabi ko lang ang maaaring sabihin ng mga tao sa inyo."
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, Sir." Pinalis ko ang kamay niya malapit sa tenga ko. Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Sumakay kami ng kotse at nagtaka ako nang hindi niya pa ito pinaandar. "Hindi pa ba tayo aalis?"
Tila tinatamad siyang umiling. "Gusto pa kitang makasama nang matagal."
Tumikhim ako.
"Kahit alam kong napipilitan ka lang sumama sa akin."
Nilingon ko siya. Puno ng kaseryosohan ang mukha niya.
"Kailangan dahil boss kita. Wala naman akong choice kundi sundin ka." Tumingin ako sa aming unahan.
"How about what we do outside work? Napipilitan ka lang din?" mapahangas niyang tanong.
Tumindig ang balahibo ko.
"How does it feel when I touch you like this?" Gumapang ang kamay niya sa braso ko at pinagsalikop ang aming mga kamay.
"Wala." Unti-unti akong kumawala sa kanya.
"Face me," he commanded.
Sa kabila ng tensyong nararamdaman ko sa sarili ay sinunod ko siya.
Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko at pinagdikit ang aming mga noo. He stared into my eyes. "How about when I look at you like this?"
Humigpit ang hawak ko sa seatbelt. "Wala lang."
Lumuwag ang hawak niya sa batok ko. Umayos ako ng upo.
"Initiate a kiss."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gumalaw ang panga niya. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.
Para lang siyang humihingi ng candy sa paraan ng pagsasabi noon.
"Bakit ko gagawin 'yon?"
"Come on, we've done that a lot of times."
Hindi ako tanga para sundin siya sa gusto niyang mangyari.
"All right. You need the guts to do so." Ini-start niya ang kotse na mas nagpatindi ng kaba ko.
"Saan mo ako dadalhin?" Nilingon ko siya at wala akong mabasa sa mukha niya.
Pilit kong kinalma ang sarili hanggang sa nakarating kami sa bahay niya. Hindi ako bumaba agad. Binuksan niya ang passenger door at walang emosyon akong tiningnan.
Nag-ipon ako ng lakas at bumaba. Naglalakad kami nang lumapat ang kamay niya sa lower back ko. Iginiya niya ako sa living room.
"Make yourself at home." Iniwan niya akong mag-isa.
Bumalik siya na may dalawang bote ng tequila at sliced lemon na nasa plate. Kasunod niya ang katulong na may dalang shot glass at kung anumang pupwedeng pulutanin.
Umupo siya sa harapan ko.
"Ayokong uminom," basag ko sa katahimikan.
Tiningnan lang niya ako at binuksan ang bote ng tequila. Nagsalin siya sa shot glass at deretso 'yong ininom. Dumampot siya ng asin at dinilaan 'yon sa kanyang daliri.
Napilitan akong agawin sa kanya ang shot glass at ginaya ang ginawa niya.
Matindi ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko kaya't agad akong dumampot ng lemon. Sinipsip ko 'yon.
Ramdam ko na pinapanood niya ako pero binalewala ko 'yon. Habang tumatagal kami sa pag-iinom ay mas lalo akong naiilang sa tingin niya.
"Sinabi mo kanina na hindi mo kami hinuhusgahan ni Faerie." Ramdam ko na tinatamaan na ako ng alak. "Pero nakalimutan mo na bang ilang beses mo na akong hinusgahan? You believe that I'm your father's mistress."
Iniangat ko ang tingin sa kanya at binalot ang mga mata niya ng galit.
"My point here is people easily judge a person. And you're one of them, who is really good at it." I took a shot again and look directly into his eyes. "Alam mo ba kung bakit ganoon kami kalapit ni Faerie? Kasi siya na lang ang nag-iisang nakakaintindi sa akin. Siya na lang ang pamilya ko." Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi para pigilin ang emosyon.
"Where are your parents?"
Nagsalin ako sa shot glass at iniabot 'yon sa kanya.
"They're gone. And my Kuya Misham too."
Rumehistro sa mukha niya ang konsensya. Hindi ko na napigil ang paglandas ng luha sa pisngi ko.
Akmang tatayo siya ngunit umiling ako. Napigil siya noon.
"Until now, I can't forget how they died. I'd seen it with my own eyes—how they were killed."
Dahil sa tama ng alak ay hindi ko na na-control ang sarili sa pagkwekwento tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Nang natapos ay halos hindi ako makahinga.
Lumapit siya sa akin at inalo ako.
"Noong bata ako lagi kong tinatanong ang Mama ko kung bakit wala akong ate. Naiinggit ako sa mga kalaro ko, dahil sa kanila may nag-titirintas ng buhok, may kasamang maglutu-lutuan." Gumalaw ang mga balikat ko. "Sagot pa nga ni Mama sa akin, malabo raw na magkaroon ako ng ate dahil nauna na akong ilabas at lalaki naman si Kuya Misham."
Hinagod niya ang likod ko.
"Kaya nong nawala sila, lagi kong kinakausap ang Mama at Papa ko. 'Pag pumupunta ako sa puntod nila, lagi kong sinasabi na 'iiwan n'yo rin pala ako. Sana iniwan n'yo ako na may kapatid na babae'."
Marahan ko siyang itinulak. Ininom ko ang shot na dapat ay para sa kanya.
"Life is too short to be afraid of showing someone how much they mean to you. Hindi natin hawak ang oras. Maaaring kasama mo ngayon, pero bukas wala na." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. Kumalma na rin ako. Nang linungin ko siya ay mukhang malalim ang iniisip niya.
Tumingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Kumabog ang dibdib ko nang bigla niya akong higitin palapit sa kanya. Mapupungay ang mga mata niyang hinagilap ang akin.
"I'm more determined now." Hinaplos niya ang pisngi ko.
Napapikit ako. Hindi ko malaman kung dahil sa tama ng alak o dahil sa kilabot na dulot ng hawak niya.
"Gusto kong ipakita sa 'yo, Amity," halos pabulong niyang sabi. "Gusto kong iparamdam sa 'yo."
Kumirot ang puso ko. Gusto ko siyang itulak. Natatakot ako sa maaaring kapuntahan ng sinasabi niya.
Napamulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at dinala ito sa dibdib niya. "Do you feel it?"
Hirap akong napalunok. Akmang aalisin ko ang kamay ko nang mas lalo niya pa itong idinikit doon.
"Everything is getting clearer, Amity." Muli niyang hinaplos ang pisngi ko. "This is not a mere attraction. This is not just a challenge. It is more than that."
Bumilis ang paghinga ko nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
"Anong nararamdaman mo?" tanong niya at pinasadahan ng haplos ang ibabang labi ko.
Tumindig ang balahibo ko.
"Wala ka pa ring nararamdaman?" Hinapit niya ang bewang ko. Nagdikit ang aming katawan.
Nag-flash back sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. Sumingit dito ang mga madidilim kong alaala.
Inabot ko ang pisngi niya at nanginginig ang kamay kong hinaplos ito. "Hindi ako ang babae para sa 'yo."
Kita ko sa mga mata niya ang pagrehistro ng lungkot. "Ang aga pa para sabihin mo 'yan. 'Ni hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
"Kumikirot ang puso ko," pag-amin ko at napatungo.
"Kumikirot din ang puso ko."
Halu-halo ang emosyong bumalot sa sistema ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito.
"Kumikirot ang puso ko sa maraming dahilan. At ang pinaka ay dahil hindi ka akin."
Naitulak ko siya dahil sa ipinagtapat niya. Sa kabila ng hilo ay pinilit kong tumayo. Tinangka niya pa akong alalayan pero inilayo ko na ang sarili sa kanya.
Naglakad ako palabas ng bahay niya na gegewang-gewang. Malapit na ako sa gate nang haklitin niya ang braso ko.
"Bakit ba lagi kang lumalayo?!" halos pasigaw niyang sabi. "Bakit kahit anong pagpapapansin ko sa 'yo balewala lang?!"
Pagod akong ngumiti.
"Hindi pa ba ako obvious, Amity?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Sinabi mo kanina na huwag matakot ipakita sa isang tao kong gaano siya kahalaga sa 'yo. Ngayong ginagawa ko ang sinabi mo, bakit tumatakas ka?"
"Kasi deserve mong sumaya." Muling bumuhos ang luha ko. "Sa akin, hindi mo matatamo 'yon."
Napasapo siya sa noo. I never imagined him doing this in front of me.
"Hindi kita maintindihan," aniya.
"Kaya nga hindi ko magawang buksan ang sarili ko sa 'yo kasi mahirap akong intindihin," makahulugan kong sabi.
Akmang aalis na ako nang bigla niya akong itinulak sa poste ng gate. Kinulong niya ako sa bisig niya.
"Ngayon lang ako nahirapan nang ganito." Muli niyang idinikit ang noo sa akin. "Para akong mababaliw."
Bago pa ako makatakas ay siniil na niya ako ng halik. Nanghina ang mga tuhod ko kaya't mas hinigpitan niya ang pagkakayapos sa akin. Patuloy sa pag-agos ang luha ko.
Traydor. Traydor ang lahat sa akin.
Nang tuluyan na akong pumikit ay nagbago ang agresibo niyang paghalik. It turned into a slow passionate kiss that made me completely weak.
Nakita ko na lang ang sarili na pumulupot ang mga kamay sa batok niya. Sinabayan ko ang nakababaliw niyang pag-angkin sa mga labi ko.
Nadagdagan ang antisipasyong nararamdaman ko nang nagsimulang humagod ang kamay niya sa aking bewang.
"President..." sambit ko nang saglit niyang iwan ang mga labi ko, at gumapang ang halik niya sa leeg ko.
"I don't want to let go of you, Amity." Mas lalo akong nahilo sa pag-angat ng halik niya sa tenga ko. "'Cause you're very unpredictable."
Gumapang ang kamay niya sa hita ko. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig dahil doon. Bumalik sa isip ko ang muntik nang gawin sa akin ng isa sa mga lalaking pumatay sa mga magulang ko. Malakas ko siyang naitulak.
"I'm sorry..." Patakbo akong lumabas ng gate nang biglang nagdilim ang paningin ko.
Nagising ako na matindi ang sakit ng ulo. Iginala ko ang paningin sa kwarto at agad na umahon ang takot sa dibdib ko. Tiningnan ko ang sarili at nang nasigurong okay ako ay saka ko napansin ang lalaking nakasandal sa pinto.
"Ayusin mo ang sarili mo." Tumingin siya sa bedside table. May mainit na soup at isang basong tubig dito.
Iiwan na niya sana ako nang mukhang may nakalimutan siyang sabihin.
"Dalian mo dahil naka-ilang tawag na sa 'yo si Faerie."
Kinakabahan akong naghanap ng cellphone. Tumikhim siya. Walang salita niyang inihagis ang cellphone ko sa akin. Mabuti ay nasalo ko ito.
45 missed calls and 25 text messages, all from her.
Lumabas si President at dali-dali kong ininom ang tubig. Lumabas na rin ako ng kwarto niya.
Nilagpasan ko siya. Bubuksan ko na ang main door nang nagsalita siya. "Ihahatid kita."
Umiling ako na hindi pa rin siya matingnan. "Magba-byahe ako."
Bago pa ako makalabas ay inunahan na niya ako. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Nagdadalawang isip man ay sumakay na rin ako.
Pauwi ay sobra ang kabog ng dibdib ko. May sakit si Faerie at hindi pa ako nakauwi kagabi.
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng apartment. Sa gate ay naghihintay ang walang emosyong si Faerie.
Bumaba si President at sumunod ako. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang lapitan ni Faerie si President.
She slapped him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top