Chapter 25

Chapter 25

Hinawakan ko sa braso si Faerie. Tiningnan niya ako at nagkaunawaan na kami sa tingin ko pa lang.

"See you later." Bumuntong-hininga siya. "I'll wait for you at the parking area."

Binitawan ko siya at iniwan na niya ako. Naglakad ako at ramdam ko na pinanonood nila ang kilos ko. Umupo ako sa isang upuan. Napalingon ako sa aking tabi at nginitian ako ni Sir Gael.

Matagal na rin na hindi kami nagkakausap na dalawa. Ako na mismo ang umiwas sa kanya dahil ayoko siyang mapag-initan ni President.

"Let's start with the meeting," the principal announced.

Tumayo kaming lahat at pinangunahan na mismo ni Mr. De Guzman ang panalangin. Nang natapos ay sinenyasan niya kami na pwede na kaming umupo.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, alam n'yo naman kung para saan ang meeting na 'to," simula ni Sir.

Muling tumuon sa akin ang atensyon ng lahat. Tipid akong napangiti nang hawakan ni Sir Gael ang kamay ko at marahan itong pinisil sa ilalim ng mesa.

"How many times do I need to remind everybody that classes must always have their subject teacher inside the classroom?!" Sir De Guzman shouted.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Pinagdikit ko ang mga labi ko.

"Aware kayo sa nangyari kanina, 'di ba?!" dumadagundong pa rin ang boses niya. "Muntik na tayong mawalan ng isang estudyante dahil sa kapabayaan n'yo!"

Nag-init ang mga mata ko ngunit pinigil ko ang pagsabog ng emosyon. Inangat ko ang tingin at inilibot ni Sir De Guzman ang mga mata sa amin hanggang sa tumigil ito sa akin.

"Ilang klase ang walang teachers sa loob ng classroom! Alam n'yong kayo ang liable kapag may nangyaring masama sa mga estudyante n'yo sa oras n'yo! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang sa kapabayaan ng mga teachers dito?"

"2 sections gathered inside and outside the ladies' room," Ma'am Marissa interjected. "'Cause there is this suicidal student." Bumaling sa akin si Ma'am Marissa. "Advisory mo, right, Ms. Escobar?"

Dahil hindi ko maibuka ang bibig ay tumango na lang ako.

"Nasaan ka ng mga oras na 'yon? Alam mo ang mga responsibilidad natin dito sa eskwelahan bilang guro, pero nawawala ka—"

Bumukas ang pinto at lahat kami ay napalingon dito. Napalunok ako nang nakita si President na pumasok at isinara ang pinto. He looked straight to the direction of Ma'am Marissa.

"She's with me," he said. Natahimik ang lahat. "We're working on some documents that needed further attention."  Naglakad siya patungo sa likod ni Sir De Guzman. "Are you people blaming her for what happened in the ladies' room?"

Walang 'ni isa ang nagsalita. Inangat ko ang tingin sa kanya at kita ko ang galit sa mga mata niya na lumibot sa buong meeting room.

"I think it's unapt to have an urgent meeting like this." Tumuon ang mga kamay ni President sa magkabilang balikat ni Sir De Guzman. "We must protect our employees at all cost, right, Mr. Principal?"

Mr. De Guzman cleared his throat. "Yes, Sir."

"Good that you understand my language, Mr. De Guzman." Inalis niya ang mga kamay sa balikat ng principal. Lumipat ang tingin niya kay Ma'am Marissa. "Next time that you, teachers, do something like this—embarrass a co-teacher or co-employee, I'll take immediate action."

Naglakad siya at umupo sa tapat ko.

Napaupo ang principal at hindi maitago sa mga mata niya ang kaba.

"Going back to the agenda of this meeting, we know that the subject teacher that time which happens to be their adviser as well is the one liable of the situation, however, I'm curious why no one of you went there and tried to calm the situation."

Mas tumindi ang katahimikan.

"Everyone of us must be liable of any situation concerning our students." Pinagsalikop niya ang mga kamay at tumingin sa principal. "Ang hirap sa atin, mahilig tayong mangialam na hindi muna inaalam kung ano ang buong nangyari. Aware ba kayo sa hirap ng teacher na rumesponde sa sitwasyong 'yon? Naturingan kayong mga guro pero naghahanap lang kayo ng masisisi. How funny is that, teachers?"

Nang wala siyang narinig sa kahit isa sa amin ay tumayo na siya.

"Let's end this meeting, everyone," he announced.

Nagsilabasan sila hanggang sa naiwan kaming dalawa. Hindi ako bumago sa upo ko.

Naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa aking likuran.

"Are you okay?" he asked.

Nilingon ko siya at tiningala. Pilit akong ngumiti sa kabila ng ilang na nararamdaman.

"Thank you, Sir," halos pabulong kong sabi.

Ngumiti siya. Pakiramdam ko ay umikot ang mundo ko dahil sa ngiting 'yon.

"Let's go." Lumayo siya sa akin at tumalikod. "I know you're exhausted."

Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan 'yon. Tumayo ako at lumabas. Isinara niya 'yon at ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

Nasa kahabaan kami ng corridor nang bigla siyang tumigil. Hinarap niya ako.

Sa kabila ng dilim ay hindi ko maikaila ang dahilan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. His face was so manly. He had a strong jaw and chin.

Lumapit siya sa akin at napaatras ako sa gulat. Suminghap ako nang bigla niya akong haklitin sa bewang.

"I don't care if people might see us." Mahigpit niya akong niyakap. "I know you badly need a hug, Amity."

Gusto kong magprotesta ngunit masyado akong nanghihina sa yakap niya. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang emosyon.

"President..." Mariin kong ipinikit ang mga mata. "You, doing this kind of action is dangerous."

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Hinalikan niya ang buhok ko na mas nagpatindi ng reaksyon ng dibdib ko.

"I don't care." Inilayo niya ng bahagya ang sarili sa akin at sinapo ng mga kamay ang mukha ko. He stared into my eyes. "You made me act this way." Lumunok siya at kinagat ang ibabang labi.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hilahin papasok ng isang classroom. Itinulak niya ako sa pader at idinikit ang noo sa akin.

I could hear my own heartbeat. It was dangerous.

"A-ayoko nang magpapasok ng tao sa buhay ko," halos pabulong kong sabi. "Natatakot ako."

"Huwag kang matakot." Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mata. "Kasi ako, Amity, wala na akong takot," pagkasabi n'on ay inangkin niya ang mga labi ko.

Pinatay niya ang ilaw na nagpapikit sa akin. He started kissing me passionately that made my knees weak. Pinangko niya ang bewang ko at mas inilapit pa ang sarili sa akin.

Nakakapanghina ang eksperto niyang paghalik. Nakita ko na lang ang sarili na sinasabayan siya. Umangat ang mga kamay ko sa kanyang batok. Napasabunot ako sa kanyang buhok nang pumasok ang dila niya sa bibig ko.

"President..." daing ko sa pagitan ng kanyang mga halik.

Nang naghahabol na ako ng hininga ay saka siya tumigil. Mahigpit niya akong niyakap habang humihingal kaming dalawa.

Marahan ko siyang itinulak at lumabas ng classroom. Lakad-takbo ako patungo sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ni Faerie na nagpagising sa kanya.

I put on my seatbelt and couldn't look at her. Sa peripheral vision ko ay inayos niya ang sarili bago ini-start ang sasakyan.

"How's the meeting?" tanong niya.

Humigpit ang hawak ko sa seatbelt. "Sa apartment na lang natin pag-usapan." Deretso akong tumingin sa daan at iniba ang usapan, "pero sa tingin ko ay mas mabuti na umuwi ka muna sa inyo."

Tumawa siya. Isang pilit na tawa. "Sa tingin mo ba ay iiwan kitang mag-isa na hindi ka okay?"

Natahimik ako. Matagal bago niya itinigil ang sasakyan sa isang convenience store. Lumabas siya at sumunod ako.

"Anong bibilhin mo?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kumuha siya ng isang gallon ng chocolate ice cream at ilang bars ng chocolates.

Tipid akong napangiti. Nagbayad siya sa counter at agad din kaming bumalik sa sasakyan.

Nakarating kami sa apartment at pabagsak akong umupo sa sofa. Faerie sat beside me and handed me a bar of chocolate.

"What do you want for dinner?" she asked.

Nagkibit-balikat lang ako. Binuksan niya ang hawak niyang chocolate bar at kumagat dito. Iniabot niya rin ito sa akin at tumayo. Pumasok siya sa kusina. Hinayaan ko siya doon. Humilig ako sa sofa habang nagluluto siya.

"Love, lika rito!" tawag niya sa akin. "Tikman mo 'to!"

Hindi ako kumilos.

"Amity Helene Escobar!" sigaw niya.

Dali-dali akong tumayo at pinuntahan siya sa kusina. Naalala ko ang pagsigaw ni Sir De Guzman kanina. Para akong nauubusan ng hininga. Nang tumingin siya sa akin ay nanginig ang mga kamay ko.

Pinatay niya ang gas stove at nagmamadaling lumapit sa akin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hey, hey! What's wrong?"

Mabilis na lumandas ang luha sa aking pisngi. Inalalayan niya ako pabalik sa sala at hinawakan ang mga kamay ko. Minasahe niya ito.

"Sorry..." she said.

"No need to say sorry." Pinunasan ng nanginginig kong kamay ang pisngi ko. "It's just a shortness of breath."

Kita ko sa mga mata niya ang pagtama ng konsensya. Binitawan niya ako at iniwan. Pagbalik niya ay may dala siyang isang baso ng tubig. Pinainom niya ako at matapos ay muling hinawakan ang mga kamay ko.

Nang umayos na ang paghinga ko ay unti-unti akong kumalas sa hawak niya. Napabuntonghininga siya at tumayo. Naghanda na siya ng pagkain sa glass table sa harapan ko.

"Kaya mo nang kumain?" tanong niya sa akin.

Tumango ako at pinilit ko ang sarili na kainin ang niluto niyang hamonado.

When we were done eating, I immediately went to bed. Tumagilid ako.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Faerie. "I brought you a cup of ice cream."

Nilingon ko siya at nginitian. Inilapag niya sa bedside table ang ice cream at tumabi sa akin. Sumandal siya sa headrest habang kumakain ng ice cream sa sarili niyang cup.

"Gusto mo bang kantahan kita?" aniya.

Bumangon ako at umupo. Inabot ko ang cellphone ko at ipinasak ang earphone sa isa niyang tenga at ang isa sa akin. I played the song "You".

"You give me hope the strength, the will to keep on. No one else can make me feel this way." Nakita ko na natigilan siya. "And only you can bring out all the best I can do. I believe you turn the tide and make me feel real good inside."

Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at imbes na siya ang kumanta ay ako ang gumawa.

"Thank you," I mouthed in between the lyrics. "You pushed me up when I'm about to give up. You're on my side when no one seems to listen..." hindi ko na natapos ang pagkanta dahil sa pagbuhos ng luha ko.

Nanginig ang mga balikat ko. Mahigpit niya akong niyakap.

"And if you go, you know the tears can help but show. You'll break this heart and tear it apart. Then suddenly the madness starts..." Itinuloy niya ang kanta sa nanginginig na boses. Inalo niya ako at pilit na tinahan. "'Wag na 'wag kang gagawa ng ikagagalit ko, okay? Alam mo ang ibig kong sabihin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top