Chapter 22
Chapter 22
Tinanggap ko ang scarf at ngumiti. "Salamat, 'nay."
Pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep pero hindi ko na lang 'yon pinansin.
"Hindi ka sana sumugod sa ulan, hija. Baka magkasakit ka niyan. Pagdating mo sa bahay ay agad mong ituloy ang pagligo."
Tumango ako at nahihiyang ibinalot ng scarf ang aking mga balikat. "Opo. Marami pong salamat ulit."
Tiniis ko ang lamig hanggang sa makarating ako sa bahay ni President. Bubuksan ko na ang pinto nang may nagbukas nito mula sa loob.
Ang galit na ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng pag-aalala nang nakita niya kung paano ako mangatog dahil sa lamig. Agad niya akong hinigit papasok.
"Anong pumasok sa isip mo at nagpaulan ka?" Paakyat ng hagdan ay hawak niya pa rin ako. Tumigil kami sa tapat ng kanyang kwarto at binuksan niya ito. Bago pa kami makapasok ay kumawala na ako sa kanya.
"Get inside!" madiin niyang sabi at itinulak ako papasok.
Naglabas siya ng tuwalya at ibinalot ito sa aking katawan. Napatingin ako sa mukha niya.
"You're already under the weather, but you still went out of the house! Gusto mo na bang mamatay?" sigaw niya. Mahigpit ang hawak niya sa tuwalya malapit sa aking dibdib.
Bago pa magtama ang aming mga mata ay bumaling na ako sa bintana.
"Sana nga namatay na rin ako," hindi ko napigil na sabihin.
Napaatras siya dahil sa narinig. "What are you saying?"
I smiled. Tumayo ako at lumapit sa bintana. "Wala lang. Pwede na ba akong lumabas dito? Gusto ko na ring magpahinga."
Nang hindi siya sumagot ay naglakad na ako papunta sa pinto. Pumasok ako sa kwarto na inilaan niya para sa ilang araw na pamamalagi ko rito. Dumeretso ako sa bathroom at nagbanlaw.
Humiga ako sa kama at tinakpan ng braso ang mga mata. Narinig ko ang sunud-sunod na pagtunog ng cellphone ko pero hindi ko ito sinagot o tiningnan man lang.
Gabi na nang nagising ako. Tiningnan ko ang wall clock at nabasang alas nueve na ang oras. Sa kabila ng pagkulo ng tiyan ay hindi ako bumangon.
May kumatok sa pinto ngunit binalewala ko lang 'yon. Saglit pa ay dinig ko ang pagbukas nito.
"Amity..."
Kinagat ko ang ibabang labi nang makilala ang boses. Lumubog ang kama at niyakap niya ako.
"Baby sis..."
Pero hindi pa rin ako nagsalita.
"Love..."
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Faerie sa aking pisngi.
"Anong gusto mo? Ipagluluto kita. Sabi ni President ay hindi ka pa raw kumakain mula kaninang tanghali."
Umiling ako.
"Don't scare me, Amity. Hindi ako natutuwa kapag nagkakaganito ka."
Bumangon ako at binuksan ang lamp sa bedside table. Umayos ako ng upo at hinarap siya. Nang nakita ang hitsura niya ay parang kinurot ang puso ko.
Inilapit ko ang kamay sa kanyang mukha at pinunasan ang luha niya. "Bakit ka umiiyak? Hindi ba't sa ating dalawa ikaw ang mas matapang?"
Kinagat niya ang ibabang labi. Nang muling tumulo ang luha niya ay ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"I was so worried when I got a call from the president." She hugged me tighter. "Akala ko ay may masama nang nangyari sa 'yo."
Hindi ako nagsalita. Dinama ko ang mainit niyang yakap hanggang sa mismong siya na ang kumawala.
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hinigit niya ako palabas ng kwarto at dinala sa kusina. Iniupo niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. "Anong gusto ng maganda kong kapatid?"
Hindi ko na napigil ang pagngiti. "Hamonado, please?"
"Okay," nakangiti niyang tugon. May kinuha siya sa countertop at doon ko lang napansin ang isa rin sa mga paborito ko.
Muli siyang lumapit at inilapag sa harap ko ang bucket ng choco butternut.
"Sweet," I commented.
Kinindatan niya ako. Natawa kaming pareho.
Nang humupa ang tawanan ay tumikhim ako. "Thank you."
Napatigil siya sa ginagawa. Nilingon niya ako at ngumiti siya.
Hinintay ko na matapos siya pagluluto. Pinanonood ko lang siya nang may naalala ako. "So ibig-sabihin dito ka matutulog?"
Tumango siya habang hinahalo ang malapit nang matapos na hamonado. "Si President na mismo ang nagsabi na puntahan kita. Concerned, huh?"
I disregarded her comment. "Kalapit kita matulog?"
"Hindi, Amity." Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "Doon ako sa sofa matutulog. Ayaw na ayaw mo kasi akong nakakatabi, 'di ba?"
Nagsalin siya ng ulam sa mangkok. Pinaghanda niya ako ng plato at nilagyan 'yon ng ulam. Umupo siya sa harapan ko at nagsandok na rin ng kanya. Inabot niya sa akin ang kutsara't tinidor.
"Ubusin mo 'yan," utos niya.
Tumango ako. Nanatili siyang nakatingin sa akin kaya sinimulan ko na ang pagkain.
Nang natapos ay tinulungan ko siya pagliligpit ng mga pinagkainan. Akmang huhugasan ko na ang mga ito nang pigilan niya ako, "Ako na. Just sit and wait for me finish everything."
Sinunod ko siya. Malapit na siyang matapos nang nakarinig kami ng pagtikhim. Sa entrada ay nandoon at nakatayo si President.
"If you need anything, you can call me or go knock to my door, Ms. Hontiveros."
Faerie turned herself to face him. "Yes, Sir. Thank you."
Aalisin ko na ang tingin nang bigla siyang bumaling sa akin. Matagal 'yon hanggang sa tumalikod siya at iniwanan kami.
Nang ibalik ko ang atensyon kay Faerie ay naningkit ang mga mata niya. "Hmm. May pagtitig."
Kumuha ako ng munchkin at isinubo ito. Hindi na rin ako nagsalita.
Bumalik kami sa kwarto. Dala ko ang bucket na halos puno pa rin ang laman at siya ay may dalang pitcher ng tubig pati ang iba pang mga pinamili niya.
Inilapag niya ang mga dala sa sahig. Itinuro niya ang kanyang tapat.
Umupo rin ako at sumandal sa gilid ng kama. Makahulugan ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Anong nangyari?"
Matagal akong nakatingin sa kanya bago napatungo. "Naalala ko lang sina Mama, Papa, at Kuya Misham."
Faerie knew everything. Ilang taon kong pilit na iniiwasan na isipin ang lahat nang nangyari.
"Nandito pa ako," malambing niyang sabi.
I closed my eyes as she reached for my hair and stroke them.
"I won't leave you."
Inangat ko ang mukha. Nag-init ang mga mata ko nang nakita sa magaganda niyang mga mata ang sinseridad.
"Patingin ng wrists," utos niya.
I showed her and when she saw nothing, she sighed in relief.
"Don't ever think of hurting yourself just like before. Nasasaktan ako kapag sinasaktan mo ang sarili mo. You don't like seeing me cry, do you?"
I just smiled. Tumingin siya sa bewang ko. Bago pa siya magsalita ay lumapit na ako sa kanya. I voluntarily showed her my waistline, hips, and upper thighs.
Bumalik ako sa pwesto ko na hindi siya matingnan.
"Dapat mong panatilihin na makinis ang balat mo. Naiintindihan mo ba?"
I nodded my head. Kumuha siya ng munchkin at inilapit 'yon sa bibig ko. Inangat ko ang mukha ko at muli siyang ngumiti.
Alam kong hindi ako maiintindihan ng iba. What I had was not easy to believe by other people, but Faerie was different.
Nginuya ko ang isinubo niya sa akin at pinagsalin ako ng tubig sa baso.
"I've missed you. So much," I said after drinking the glass of water.
Tumayo siya at siya naman ang tumabi sa akin. Sumandal din siya sa gilid ng kama at inihilig ako sa kanyang balikat.
"Do you still remember how we hated each other before? The staircase incident."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. That was when I had to go to the Office of the Student Affairs and we bumped into each other. Ang dami kong inaayos na kaso ng ilan sa advisory class ko at pabalik-balik ako doon sa OSA pagkatapos ay sinungitan niya ako nang dahil lang sa nabunggo ko siya.
"You were a bitch that time. How dare you rolled your eyes at me? Ikaw ang nakabunggo sa akin pero hindi ka man lang nag-sorry."
"You were the one who rolled eyes first. Akala ko nga ay isa ka lang walang modong estudyante na nakasalubong ko at walang takot na kumakalaban sa teachers."
She laughed softly. "So kapag estudyante ay iirapan mo nang ganoon?"
"You know I don't tolerate bad attitudes, love."
Napawi ang tawa niya. "Honestly, that's one of the best moments of my life. I never thought that after that incident, I'd have a sister that I would love with all my heart."
"Same same." Niyakap ko siya nang mahigpit. I kissed her cheek.
Matagal kami sa ganoong posisyon nang humikab ako. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin at sa oras sa kanyang wristwatch. "It's 1:20 am. Can we go to bed now?"
"Yes." She could really calm me the way others could not. Umupo ako sa kama at siya ay iniligpit ang aming mga kalat.
Humiga ako pagbalik niya at tumabi siya sa akin. We stared at the ceiling long enough before I closed mine. Hinaplos niya ang aking buhok hanggang sa hilahin na akong tuluyan ng antok.
I woke up without Faerie by my side. Agad akong bumangon at hinanap siya. Nasa kusina siya at nagluluto ng breakfast.
Nang naramdaman niya ang presensya ko ay nilingon niya ako. "I saw President coming here and was about to cook breakfast but I insisted to do it."
Iniwan niya ang ginagawa at kumuha ng isang baso. Binuksan niya ang ref at nagsalin siya ng fresh milk. Inilapag niya 'yon sa harapan ko.
"Ang aga ng pakikipag-usap niya sa ibang babae, ah?" Bumalik siya sa kanyang niluluto. "The woman is gorgeous and sexy."
"She's only eighteen," I replied.
She arched her brow. "His girlfriend?"
Nagkibit-balikat ako. She flipped what she was cooking using a turner. Nang naamoy ko 'yon ay napatayo ako. "Pancakes!"
Kinindatan niya ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "You're the best!"
"I know!" she laughed.
Napakalas ako sa kanya nang nakarinig kami ng yabag.
"Oh, you have another visitor, Aegeus!"
Awtomatikong nilingon ni Faerie ang nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kanyang niluluto.
"Hmm, a bitch," she whispered. "Naka-cling pa sa braso."
Humarap na ako sa dalawa. Bumagsak ang tingin ko sa braso ni President na kulang na lang ay halikan na ni Sahara.
"Ms. Hontiveros, she's Sahara, and Sahara she's Faerie Hontiveros," he introduced her.
Hinila ko sa braso si Faerie palapit sa kanila. Inilahad ni Sahara ang kamay niya pero tiningnan lang 'yon ni Faerie. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Sa ekspresyon ng mukha ni Sahara ay napahiya siya.
"I'm almost done cooking, Sir." Nginitian niya si President. "Maupo na po kayo."
Akmang pauupuin din ako ni Faerie pero umiling ako. Kumuha ako ng mga plato at ipinuwesto ang mga 'yon sa dining table. I could feel someone staring at me, but still I acted normal. Nang lapitan ko si Faerie ay muli niyang sinulyapan sina President at ngumisi.
"Ang sama ng tingin sa 'yo ng babaita. Bulagin ko ba?" bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top