Chapter 20
Chapter 20
Tumingin ako sa pinto nang may kumatok dito. Binasa ko ang oras. Dinner na pero ayokong bumaba para lang makakita ng landian.
"Ms. Escobar," tawag ni President. "Dinner is ready."
"Mamaya na lang po ako kakain. Busog pa ako."
Wala na akong narinig mula sa kanya. Pumasok ako sa bathroom dala ang mga pamalit na damit at tuwalya. I turned the shower on and didn't mind the cold.
Ayaw maalis sa isip ko ang mga nasaksihan ko. I was lost in thoughts.
Matapos magbihis ay agad akong tumungo sa kama. I lied on my back facing the ceiling.
Hindi ko namalayan na natulog ako. Nagising na lang ako nang dahil sa gutom.
Bumaba ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Pagkainom ay ibinaba ko 'yon sa countertop at nagbuklat ng pagkain sa mesa.
Batid ko na malamig na ang beef and sausage stew at chicken pastel pero wala na akong karapatan mag-inarte. Sumandok ako ng kanin at umupo.
Nasa kasarapan ako ng pagkain nang napansin ko na may nakatayo sa entrada.
Itinikom ko ang bibig at inilapag ang kutsarang isusubo ko na sana. Napatayo ako mula sa aking upuan.
Lumapit siya at pinalipat-lipat ang tingin sa akin at sa upuan. Umupo ako at itinuon na ulit ang pansin sa pagkain sa aking harapan.
"Akala ko may pusa sa kusina."
Pinagdikit ko ang mga labi.
"Bakit kasi hindi ka sumabay sa amin kanina? Nalipasan ka na ng gutom."
I shrugged my shoulders. "I was so tired and sleepy."
Pinagpatuloy ko na ang pagkain. Pinilit ko ang sarili na umakto na parang wala lang siya sa harapan ko.
"Ininit mo ba ang pagkain?"
Umiling ako. "I'm okay with it."
"You should have knocked on my bedroom door. Naiinit ko sana ang mga ulam."
Umangat ang tingin ko at nakapangalumbaba siya sa aking harapan.
I cleared my throat. "Where is Sahara? Baka hinahanap ka na niya at wala ka sa tabi niya."
Mahina siyang natawa na ikinakunot ng noo ko. "Do you think I'd sleep with her?"
"Hindi nga ba?" Nag-init ang pisngi ko.
"She just turned eighteen." Tumigil na siya sa pagtawa ngunit naglalaro pa rin sa mga mata niya ang amusement.
"18?" ulit ko.
Tumango siya.
"So if she's older you're really going to sleep with her?" Hindi ako makapaniwala. Sa kilos at pananalita ay parang magkasing-edad lang kami.
"Of course not. Malaki ang respeto ko sa kanya."
"You do like her," I stated.
Sumeryoso ang kanyang mga mata. Ngumiti ako at muling ibinagsak ang tingin sa plato sa aking harapan.
"Hindi ko akalaing mahilig ka sa bata, President." Pinaglaruan ko ang ulam sa aking plato. "Pero sabagay, age doesn't matter, sabi nga nang marami."
Tumayo na ako at iniligpit ang mga pinagkainan ko.
"But if you love her you shouldn't let her get away from you."
"Do you think we suit each other?"
Tumigil ako sa pagmi-mismis ng aking plato. I turned my face to his direction.
"Oo." Muli akong ngumiti. "And surely, there'll be no problem regarding your family's acceptance of her. Parehas kayong may sinabi sa buhay."
Dinig ko ang paglayo ng yabag niya. Binuksan ko ang faucet at sinimulan ko na ang paghuhugas ng pinggan.
Wala akong imik habang nasa sasakyan kami. Itinigil niya ang sasakyan sa parking lot ng Hasse. Inunahan ko siyang lumabas.
Pilit kong kinakalimutan ang napag-usapan namin kagabi. Gusto ko nang iumpog ang ulo ko dahil kahit anong gawin ko ay ayaw akong lubayan ng mga isiping 'yon.
"Ms. Escobar!" Sinabayan niya ako sa paglalakad. "May problema ka ba?"
Nilingon ko siya. Nakakunot ang kanyang noo. "Wala po."
"Masama ang pakiramdam mo? Kung gusto mong umuwi at hindi mo kayang magtrabaho ngayon hahayaan kita." Hinawakan niya ang braso ko.
Dumapo ang mga mata ko sa hawak niya at marahan akong kumawala. "I'm okay, Sir. No need to worry."
"Hindi ako sanay na ganito ka, Ms. Escobar."
Napatigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Ngumiti ako. "Paano ba ako, Sir? Dati naman ay wala kang pakialam sa akin, 'di ba? Bakit masyado na po yata ang pagpansin n'yo sa ikinikilos ko. We're not even friends, are we?"
"Ms. Escobar..."
"Stop showing that you are concerned. Bumalik ka na lang sa dati na laging galit sa akin. 'Wag mong kalimutan kung sino ako at kung ano ako sa buhay n'yo. Please lang."
Kung saan galing ang mga salitang 'yon ay wala na akong pakialam. Wala ako sa wisyo na makipag-plastikan sa kanya.
Pumasok kami sa kanyang office at doon ay nakaupo si Sahara na mukhang hinihintay siya. Nginitian ko ang babae bago lumapit sa folders na nasa table ni President. Kinuha ko ang mga 'yon at umupo sa sofa na walang imik.
Binasa ko ang iba't-ibang reports galing sa mga departamento. I needed to read them all so I could give suggestions to him.
"How's your sleep, Aegeus?" Sahara asked him using her sexy voice.
"I had a good sleep. Thank you."
Inangat ko ang tingin. Naglakad si President patungo sa kanyang table at umupo roon. Lumapit sa kanya si Sahara at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nagsimula si Sahara na masahehin 'yon.
Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa ko at nagsimulang sumulat ng notes at suggestions.
"Does it make you feel good, Aegeus?"
"Yes," sagot niya.
"Sayang at inihatid mo agad ako sa bahay kagabi. I should have given you a back massage."
"I've heard that you're only 18, Sahara. Anong grade ka na?" hindi ko napigilang sumingit sa kanila.
"Grade 12," tipid niyang sagot.
Tumingin ako kay Sahara at ngumiti. "Wala ka bang klase sa school na pinapasukan mo?"
"Inaayos pa ng mom ko ang documents na kakailangan ko."
Binalingan ko si Aegeus at saktong tumingin siya sa akin. "Saan ka ba galing na eskwelahan?"
"Sa La Concordia University," sagot ni Aegeus. "Doon siya nag-Grade 11. A famous and expensive school somewhere in Ilocos Norte."
"Bakit hindi pa siya rito nag-aral?" pakikiusyoso ko.
"You should ask Aegeus about that." She giggled. "This man couldn't resist me since I was young."
"You're still young," I stated.
"18 is a legal age, Ms. Escobar."
Kita ko sa mga mata ni Sahara na naiinis siya dahil sa mga tanong ko. Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo. Ibinalik ko sa table ni President ang folders at lumabas ng office para magpahangin.
Nasa hallway ako nang may sumabay sa akin paglalakad. Nilingon ko si Sahara na seryoso ang mukha na deretsong nakatingin sa aming dinadaanan.
"'Wag mong ipamukha na mas matanda ka sa akin, Ms. Escobar."
Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil sa sinabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Bakit? Nagsasabi lang ako nang totoo. Nasaktan ba kita dahil nalaman ko ang edad mo? Ang babaw mo naman ata, hija."
Kita ko ang muling pagbalot ng inis sa kanyang mga mata. "'Wag mo akong ipahiya kay Aegeus! Hindi mo alam kung anong mayroon sa aming dalawa."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Anong sinasabi mo? Hindi ko maalalang ipinahiya kita. Nagtanong lang ako."
Namula ang kanyang mukha. Akmang sasampalin niya ako nang pigilan ko ang kamay niya. "Bitawan mo ako!"
"Matapos mong subukan na sampalin ako saka mo ako pakikiusapan? Sa susunod, umakto ka nang naaayon sa edad. Hindi porke close kayo ni President at galing ka sa mayaman na pamilya ay aakto kang kaya mong apakan ang ibang tao. Dapat sa 'yo ay tinuturuan ng kagandahang asal."
Kumawala siya sa hawak ko. "We're not just close, Ms. Escobar. 13 years old pa lang ako alam kong mahal na ako ni Aegeus."
"Tinanong ko ba, hija?"
Mas lalong tumindi ang galit sa mga mata niya.
"Kung sa Rizal ka magta-transfer, siguraduhin mong mag-aaral ka nang mabuti at hindi lalandi. 'Wag mong dagdagan ang dungis sa pangalan ni President. Mas malaking issue kapag isang katulad mo na estudyante ang mali-link sa kanya."
"I don't care about the possible issues. Gusto ko siyang makasama at walang makapipigil sa mga gusto ko."
Bumuntonghininga ako. "What a brat."
Bago pa siya makapagsalitang muli ay iniwan ko na siya. Pumasok ako sa canteen at bumili ng soda. Kinalma ko ang sarili at umupo sa isang table.
Pabalik ako sa office ni President nang nakarinig ako ng ingay sa hindi kalayuang building ng Senior High.
Nagtago ako nang nakita sina Sahara at President.
"You should fire that woman! Binastos niya ako!" malakas na sabi ni Sahara.
"I can't do that. She's an asset of Hasse."
"Ayaw mo dahil kawalan siya sa school o ayaw mo dahil gusto mo siya?"
"What are you saying? She's just an employee. It's impossible for me to like her more than that."
Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng isang mabigat na bagay dahil sa narinig. Napahakbang ako palayo.
Hinaplos ni Sahara ang pisngi ni Aegeus. Bago pa ako makasaksi ng ibang senaryo ay umalis na ako sa lugar na 'yon at nanginginig ang mga kamay na tinawagan si Faerie.
"Love..." tawag ko sa kanya.
"Are you okay? Bakit nanginginig ang boses mo?"
Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Kwentuhan mo nga ako. Wala akong makausap dito sa Hasse. I'm bored."
"Amity Helene Escobar!" malakas niyang sabi. "Putang ina! Anong nangyayari sa 'yo?"
Hindi ako nagsalita. Mahinang mga suntok ang ginawa ko sa dibdib ko nang paulit-ulit, nagbabakasakaling mawala ang pagkalitong nararamdaman ko.
"G-gusto ko nang umuwi," basag ang boses kong sabi. "Naiiyak ako dahil sobrang miss na kita."
My tears fell down my cheeks, unable to be controlled anymore.
"Pero kailangan ko pang mag-stay rito ng ilang araw." Pinilit kong tumawa.
"Gusto mo bang sunduin kita?" Hindi man malakas ang boses niya ay ramdam ko rito ang galit. "Hintayin mo ako at pupuntahan kita. Text me the exact location and address of Hasse Colleges Laguna."
"No, love. I'm okay."
"You are not okay!" she almost shouted. "Come on, you know you can't fool me."
"Tawag na ako ni Sir Dorran. I'll call you later," palusot ko.
Sa halip na bumalik ako sa opisina ay lumabas ako ng Hasse at pumara ng jeep. Naarating ko ang bahay ni President. Pumasok ako sa kwarto at nanghihinang napaupo sa kama.
Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi. Bumagsak ang tingin ko sa mabilis na pagtahip ng dibdib ko.
"Why are you hurting?" Nilamukos ng kamay ko ang damit ko sa tapat ng puso. "Joke lang 'to, 'di ba? Joke lang 'to. You shouldn't act weird. Hindi siya makabubuti sa 'yo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top