Chapter 2

Chapter 2

Alas singko y media na ng umaga pero hindi na talaga ako natulog. Nakatitig lang ako sa kisame, pinakikiramdaman ang sakit ng ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa inis.

Wala na akong oras para matulog pa dahil bago mag-alas siete ay dapat nasa Hasse na ako.

Kahit masamang maligo ay dumeretso pa rin ako sa banyo. Binilisan ko ang pagkilos dahil ayokong ma-late.

I ate my breakfast as fast as I could. Lumabas ako ng bahay at naghintay nang masasakyang jeep. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang tatlumpung minuto na lang ay mahuhuli na ako.

Agad akong pumara nang nakita ang paparating na jeep. Parang my jeepney strike dahil halos wala talagang dumaan sa 20 minutes kong pag-aabang.

Nakarating ako sa Hasse na wala nang nakikitang mga estudyante sa labas. Nagmadali akong dumeretso sa faculty room. Pagpasok ko pa lang ay iba't-ibang uri na ng tingin ang ibinigay sa akin ng mga katrabaho ko.

"Masyado yatang advanced ang orasan sa bahay n'yo, Ma'am Amity?" simula ni Ma'am Marissa.

Tumikhim ako at hindi pinansin ang sinabi niya. "Good morning po sa inyong lahat!"

"Naturingang teacher, ang bastos!" malakas na sabi ni Ma'am Marissa.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig, pero kinalma ko ang sarili. Iniangat ko ang tingin at tumahimik ang lahat.

Bago pa ako makapagsalita nang hindi maganda ay hinawakan na ni Sir Harold ang balikat ko. "All right! Maghiwa-hiwalay na tayo at pumunta sa kani-kan'yang klase. Baka mapadalhan pa tayo ng memo ng principal."

Agad silang kumilos at naiwan kami ni Sir Harold.

Tipid niya akong nginitian. "Pagpasensyahan mo na ang ma'am, baka may buwanang dalaw."

Araw-araw yatang may dalaw ang babaeng iyon? Sobrang init ng dugo sa akin.

Inihanda ko ang mga gamit ko pagtuturo. Ramdam kong pinanonood ako ni Sir Harold kaya nginitian ko siya. Hindi ko binibigyan ng malisya ang ginagawa niya dahil alam kong mabuting siyang tao. Isa pa, may asawa na siya para pag-isipan ko nang hindi magandang bagay.

"Sino ang una mong klase?" tanong niya.

"HUMSS 1A po."

"Sabay na tayo. Magkalapit lang pala ang room na papasukan natin. Sa HUMSS 1B ako."

I nodded and we both went out of the faculty room. Paliko kami sa HUMSS Building nang namataan namin ang bagong president kasama ang principal.

Hahawakan ko sana ang braso ni Sir Harold para higitin siya at iwasan ang dalawang lalaki, nang saktong lumingon sa direksyon namin si President.

Binawi ko ang kamay at ibinaba sa tagiliran ko. Nilingon na rin kami ng principal at nilapitan nila kami. Lalabas ata ang puso ko sa katawan ko dahil sa kaba.

"Good morning po!" sabay naming bati ni Sir Harold.

"Good morning!" Sir De Guzman, the principal, greeted us back.

Ramdam ko ang tingin sa akin ni President.

"Saang building kayo papunta?" tanong ng principal.

"Sa HUMSS Building po," si Sir Harold na ang sumagot.

"Let's go there first," the president interjected.

Nagkatinginan kami ni Sir Harold. Umuna sa paglalakad si President at sinabayan siya ni Sir De Guzman. Sumunod kami.

"Are there upcoming activities this month?" President asked the principal.

Nag-usap ang dalawa, kami ni Sir Harold ay nakikinig lang.

"Papasok na po ako. Good morning again, sir!" paalam ni Sir Harold kay President. Tinapik niya ang balikat ko bago pumasok sa room ng HUMSS 1B.

Napatingin si President sa balikat ko. Magpapaalam na rin sana ako dahil naghihintay ang mga estudyante sa akin, nang biglang tumunog ang cell phone ni Sir De Guzman.

Tumikhim si President.

"Hello, good morning! Renzo's parents are already in my office?" Sir De Guzman asked the other line. "All right, I'll be right there."

Ibinaba niya ang tawag at hinarap kami.

"Sir, an urgent matter came up." Bumaling sa akin ang principal. "Can you accompany the president to the campus, Ma'am Amity?"

"Paano po ang klase ko—"

"Just leave them an activity. May mga tanong si President at alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga 'yon," putol niya sa akin.

Saglit kong tiningnan si President. His face grew more serious.

No choice, Amity.

"Let's go inside HUMSS 1A's classroom, sir. Mag-iiwan lang po ako ng activity," aya ko.

Hindi ko na siya hinintay magsalita at binuksan ang pinto. Nagliwanag ang mukha ng mga estudyante pagkakita sa akin.

"Ma'am is here! Buo na naman ang araw ko!" biro ni Luis.

Nagtawanan ang buong klase. Napatigil lang sila nang pumasok si President. Iba't-ibang reaksyon ang lumarawan sa mga mukha nila.

"So handsome!" Carla commented. "Is he your boyfriend, ma'am?"

Bago pa ako makasagot ay sumenyas na ang president ng klase para batiin nila ang kasama ko. Tumayo silang lahat.

"Good morning, visitor! Hello and mabuhay!"

Pinagdikit ko ang mga labi nang napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Umupo ang mga estudyante at tumutok ang tingin sa aming dalawa.

"Actually, he's not a visitor. He's our new president," I informed them.

Gulat sila sa sinabi ko. Napanganga ang iba at ang iba ay nanlaki ang mga mata.

"I thought he's your boyfriend, ma'am." Carla smiled shyly and rose to her feet. Bumaling siya kay President. "I'm sorry, sir."

Napangiti ako sa sinabi ni Carla. This was one of the things I liked about our students. Magalang sila at marunong humingi ng paumanhin.

"No worries," he replied. "Good morning, seniors!"

Wala na siyang iba pang sinabi at pinanuod na lang ako na nagbigay ng instructions sa activity na gagawin ng mga estudyante. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng room.

"You attract both young and old men, huh?"

Iniangat ko ang tingin sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig. Pinigil ko ang sarili na makapagbitaw ng salita at makalimutan ko kung sino siya.

"I hope you're aware of the code of ethics, Miss Escobar. Watch your actions and don't get into situations that can ruin your career."

"I'm not that kind of woman, sir."

"I can fire you anytime, ma'am. If not for my cousin, I won't let you stay here."

Malakas ang kutob kong si Kuya Lester ang tinutukoy niyang pinsan.

"Kahit naman paalisin n'yo ako, hindi pa rin ako aalis. May pangako ako na hindi ko pupwedeng baliin."

"A promise?"

Ramdam ko ang pagbaling ng tingin niya sa akin.

"That you're gonna take our family's wealth away? It's impossible now that I'm the new president of Hasse."

He was a resemblance of his late father, but he had an awful attitude. Ibang-iba sa katangiang mayroon ang tatay niya.

"If someone is determined to achieve or do something, the possibility to succeed is big."

Mahina siyang tumawa at pinigil kong humanga sa ganda noon sa pandinig. Napilitan na akong tingnan siya at nagtama ang mga mata namin. He had the most handsome face I had ever seen in my whole life, but the fact that he had a nasty tongue was enough to ruin his physical attractiveness.

"Magkakamatayan muna tayo bago ka makapanggulo muli sa pamilya namin, Miss Escobar."

Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya.

"Why don't you do it now? Tutal 'yan naman ang gusto n'yong lahat, ang mawala ako sa mundo." Pilit kong kinakalma ang sariling emosyon. "Kung pwede lang na ako na lang ang namatay at hindi si President. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko. Kung naipapasa lang ang sakit, sana ipinapasa ko na lang sa akin ang sakit niya."

"I was thinking the same. How I wish you were the one who passed away instead of him."

Pinagdikit ko ang mga labi. Dumeretso ang tingin ko sa hallway at nagpilit ng isang ngiti.

"If you really want me disappear, why don't you kill me using your own hands? Or you can also pay for someone to do it."

"I'm not that kind of person, Miss Escobar." Muli siyang tumawa pagkatapos gayahin ang sinabi ko kanina. "Your imagination is wild and evil."

Hindi na ako nagsalita pa at sinamahan na lang siyang lumibot sa eskwelahan.

Nasa function hall kami nang saka lang siya nagsalita ulit. "Anong nagustuhan mo sa Papa ko?"

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa malapad niyang likuran. He was staring at the large painting on the wall.

"His wealth? Face? Attitude?" He turned around and looked me in the eye. "Tell me."

"Everything," I answered.

Naglakad siya palapit sa akin at isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng trousers niya.

Inilapit niya ang mukha sa tenga ko. "So that answer implies that you also like his kisses, huh?"

A kiss on the forehead. A kiss of a father to his child.

"Yes," I answered, almost in a whisper.

Wala na akong pakialam sa mga iisipin niya dahil madumi na rin naman ang tingin niya sa akin. Hindi ako mag-e-explain sa taong sarado ang isip dahil mawawalan lang ng kabuluhan ang lahat ng sasabihin ko kung mas naniniwala sila sa sinasabi ng iba.

"Ramdam ko ang pagmamahal niya kapag ginagawa niya 'yon," dagdag ko pa. Bumalik sa isip ko ang paghalik ng dating president sa noo ko sa tuwing umiiyak ako.

Lumayo siya sa akin pero nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko. Tumalikod ako at mariing pinagdikit ang mga labi.

Nang wala akong narinig sa kanya ay napilitan akong harapin siyang muli. Nakaupo na siya sa elevated part ng function hall at nakatingin sa kawalan.

"Hindi pa ba tayo babalik sa trabaho?" tanong ko na umagaw sa atensyon niya. "My students need me."

Saglit lang ay tumayo siya at walang salitang lumabas ng function hall. Naiiling akong sumunod sa kanya.

"Work hard, Miss Escobar," he said coldly and went the other way.

Pinanood ko siyang umalis hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Itinuon ko ang natitirang mga oras sa pagtatrabaho. Sa faculty room ay as usual, nagtsitsismisan ang mga teacher at aware ako na isa ako sa mga pinag-uusapan nila.

Pagdating ng oras ng uwian ay agad akong nag-text kay Faerie.

Me:
Dala mo ang kotse mo?

Ilang segundo lang ay nakatanggap agad ako ng reply.

Faerie:
Yup! Let's go to Robinsons before I take you home. May bibilhin ako.

Me:
Sige. Palabas na ako. Kita tayo sa parking.

Dumeretso ako ng lakad palapit sa kulay violet na BMW F80 M3 at sumakay rito.

Nilingon ako ni Faerie, at awtomatikong nalukot ang noo niya. "Mukhang pagod na pagod ka?"

Sumandal ako sa headrest nitong passenger seat.

"The president accussed me of things I didn't do." I forced a smile and sighed. "Nadagdagan ang mga taong nanghuhusga sa akin."

Hindi ko man siya tingnan ay ramdam ko ang pag-aalala niya.

"That guy is the worst of all."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top