Chapter 18
Chapter 18
I placed the flower on the bedside table. Inihanda ko ang susuotin bago pumasok ng bathroom.
Guminhawa ang pakiramdam ko matapos maligo. I put on my maong skirt and a cream top. Isinuot ko ang white sneakers ko na binili ni Faerie noong isang buwan.
Matapos mag-ayos ay dinampot ko ang pouch ko at bumaba. Namataan ko si President sa labas na nakasandal sa kanyang kotse.
Agad akong lumapit at nakuha ko ang kanyang atensyon.
"Shall we?" Agad niyang iniwas ang tingin sa akin.
"Yes, Sir." Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng kotse.
I hopped in and buckled my seatbelt. I needed to act as if nothing happened. Kung siya nga ay nagagawa 'yon, dapat ako rin.
Tumigil kami sa isang restaurant. Bumaba siya at sumunod ako.
Derederetso siyang pumasok at nakatingin lang ako sa malapad niyang likod.
He searched for a table and chose the one that was near a gorgeous plant. Napangiti ako nang makita ang kulay pink na bulaklak ng halaman.
"This resto serves famous Filipino dishes."
Tumango ako. Napansin ko na rin 'yon sa amoy pa lang na pumapailanglang sa ere.
"What do you want?"
Saktong may lumapit sa amin. Nginitian ako ng lalaking waiter at ginantihan ko 'yon.
"May sinigang?" Ibinaling ko ang tingin sa kanya at seryoso ang mukha niyang nakatingin sa waiter.
He gave me a glance and focus his eyes on the menu. "They have. What else?"
"Fried chicken."
"All right." Iniangat niya ang tingin at nilingon ang waiter. "Sinigang, a platter of fried chicken, ginataang langka, macapuno, and a pitcher of iced tea."
Iniwan kami ng waiter. Ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa akin.
"You're aware that we'll visit Hasse today, aren't you?"
I faced him. "Yes, Sir."
Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. "Then why did you wear a dress like that? Don't you know that it's quite short?"
Bumagsak ang tingin ko sa aking suot. "Our uniforms in school are mostly skirts. What's the big deal now?"
"Sana nagbihis ka man lang nang matino-tino."
Pilit kong kinalma ang sarili dahil sa inis na dumaloy sa sistema ko. Alam kong walang masama sa suot ko.
"Balak mo pa atang mang-angkit ng mga lalaki sa eskwelahan."
Kumuyom ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Pilit akong ngumiti. "You should have informed me beforehand of what to wear, Sir. Isinuot ko lang ang damit na alam kong kumportable ako."
"Konting-konti na lang masisilipan ka na. Guys eyes are all over you, Ms. Escobar."
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Hindi na rin naman siya nagsalita.
Inilabas ko ang aking cellphone at nag-browse sa Facebook. Nakita kong online si Faerie at agad kong binuksan ang myday niya.
Pancakes and chocolate syrup.
Agad ko siyang chinat.
Me:
You cooked. Are you gonna give those to someone?
I saw her typing. Agad kong sinundan ang chat ko.
Me:
Ang swerte naman ng taong 'yon.
Faerie:
I cooked for myself. The one who loves pancakes is not here.
Me:
Akala ko mayroon ka nang 'di sinasabi sa akin e. If ever you're going to cook for someone and it's not me, please not my favorite foods.
Faerie:
Lol. You're making me miss you even more. Uwi ka na nga. :(
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Me:
Nasa labas kami ni President ngayon. He's getting into my nerves.
Faerie:
Oh, why?
Me:
I was scolded for my clothes. I don't know what's wrong with the cream dress we bought last time.
Faerie:
Oh, that one! Anak ng! Bakit 'yon ang isinuot mo?
Dumating na ang in-order namin. Hinintay ko ang pagtitipa pa niya ng mensahe.
Faerie:
Hapit na hapit 'yon sa katawan mo. And you are aware that you have long legs. You are a come-on!
"Put your cellphone down. Nandito na ang pagkain."
Muntik na akong mapatalon sa biglang pagsasalita ni President. Inilapag ko ang cellphone sa aking table.
Nang tingnan ko siya ay mas sumeryoso pa ang kanyang mukha.
Nagsimula na siyang kumain. Gustuhin ko man na mag-reply pa kay Faerie ay hindi ko na magawa. Hinarap ko na rin ang pagkain.
We headed out of the restaurant after lunch. Sobrang nag-enjoy ako sa sarap ng pagkain at alam ko na ganoon din si President.
The drive on the way to the school was quiet. I busied myself watching the tranquil sceneries of the province.
Umabot ng trenta minutos ang byahe bago kami pumasok sa malaking gate ng Hasse Colleges. Ibinaba niya ang bintana at binati siya ng mga taong nadaanan namin. Tanging tango lang ang kanyang naisasagot.
Itinigil niya ang sasakyan. "We'll meet different departments before we roam the school."
"Okay, Sir."
Lumabas na siya at sumunod ako. Habang naglalakad ay tahimik lang ako.
Pumasok kami sa isang office at agad tumayo ang isang lalaki.
"Dorran," President greeted him.
Ngumiti ang lalaki at umikot para lapitan kami. He gave President a bro-hug. Napatingin siya sa akin. "And who is this gorgeous woman, President?" Dorran asked.
"One of my teachers in Hasse Rizal," he replied and walked in the direction of the sofa. Tumingin siya sa akin at sa kanyang tabi.
Bago pa ako makalapit sa kanya ay naglahad na ng kamay ang gwapong lalaki. "Dorran Agrezor, Aegeus' cousin."
I accepted it and smiled. Kumpara kay President ay mukhang approachable ang lalaking ito. "Amity Escobar."
Tuluyan na akong tumabi kay President. Sa aking peripheral vision ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin.
"He's the vice-president of Hasse Colleges," President informed me.
Muli kong tiningnan ang pinsan niya at nagkibit-balikat lang ito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Dumako ang mga mata ko sa table at saka ko nabasa ang buong pangalan ng bise-presidente ng Hasse, Dorran Emory Agrezor.
"I know that you've been waiting for an update, Aegeus." Umupo sa harapan namin si Sir Dorran. "The population of Senior High doubled this year."
Itinuon ni President ang mga braso sa kanyang kandungan. "So I think I need to treat you somewhere?"
Sumilay ang ngisi sa mga labi ni Sir Dorran. "I want an expensive night out later."
Napailing si President. "Not tonight, Dorran."
Tumaas ang kilay ni Sir Dorran. "At bakit hindi pwede mamaya? Alam mo bang halos gamitin ko na rin ang katawan ko para lang lumaki ang populasyon ng SHS dito? Hindi lang 'yon. Wala man lang bang nagbalita sa 'yo na ganoon din sa kolehiyo?" biro niya.
"The increase of population is not only because of you." Tumayo si President at lumabas ng office. Pagbalik niya ay may dala siyang dalawang pints ng ice cream. Binuksan niya ang isa at iniabot niya 'yon sa akin pati kutsara.
Nang tingnan kong muli si Sir Dorran ay mas lumawak ang kanyang ngiti. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa ilang.
"Does the woman who loves ice creams still come by here?"
Napailing si Sir Dorran at tumayo. "Maiwan ko na muna kayo. I'll talk to my secretary to inform all departments that you have arrived."
Wala kaming imikan hanggang sa bisitahin na namin ang iba't-ibang departamento. At sa nakikita ko ay sobra ang respeto ng mga tao sa mga Agrezor. Inabot kami ng ala sais ng gabi sa Basic Education Department kaya ramdam ko ang paninigas ng mga binti ko at sakit ng mga paa dahil sa maghapong paglilibot.
Nang matapos pakikipag-usap si President sa principal ay lumabas na kami ng office nito. Si Sir Dorran ay bumalik kanina sa kanyang opisina dahil may meeting siya kasama ang mga nasa accounting department.
We were escorted by some school's staffs to his car. Nagpasalamat kami sa kanila bago pumasok ng sasakyan. Sumandal ako sa headrest ng passenger seat.
"It seems that you are not up for dinner outside."
Awtomatiko ko siyang nilingon. He started the engine without looking at me.
"Busog pa po ako," pagsasabi ko nang totoo. Sa dami nang kinain namin kanina sa buffet sa function hall ay wala ng paglalagyan sa tiyan ko.
Hindi na siya muling nagsalita. Habang nasa byahe ay tinawagan niya si Sir Dorran.
"Hindi na ako dumaan sa office mo. We're so tired and I know you understand."
Natawa si Sir Dorran. "Kailan pa napagod ang Aegeus na kilala ko? Daig mo pa ang kalabaw sa pagtatrabaho, President. I'm sure na may iba pa kayong lakad ni Miss Escobar."
Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Napalunok ako dahil sa narinig.
"Ayaw na ayaw mong bumibisita rito nang may kasama. Nakapagtataka lang ngayon. And take note, hindi ka lang nagsama, babae pa siya."
"Mukhang pagod ka na rin, Dorran. Pack up and go home now. Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo."
Bago niya patayin ang tawag ay narinig pa namin ang tawa ni Sir Dorran. Mas lalong tumahimik ang loob ng sasakyan kaya nangialam na ako at nagpatutog dito.
Buong byahe pauwi ay nakapikit ako. Nang nakarating kami sa bahay niya ay agad akong lumabas. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.
"Do you want coffee?"
Dumeretso ako sa pinto at hindi siya nilingon. "I don't drink coffee."
"Then milk or tea?"
Tumigil ako sa paglalakad at alam kong nasa likuran ko siya.
"Ang alam ko ay hindi mo pinaglilingkuran ang mga taong empleyado mo lang, Sir." Hinarap ko siya at tinapik siya sa balikat. "Gusto ko na pong magpahinga. Tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo."
Umakyat na ako sa kwarto at isinara ang pinto. Nag-half bath ako bago gumapang sa kama.
Saktong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang nakita na si Faerie ang tumatawag.
"Hello, love," malambing niyang bungad sa akin. "Hindi mo na ako na-reply-an kanina. May nangyari ba?"
"Busy lang kami. Ang dami naming pinuntahan at kinausap. This day is so tiring."
"Did you take your vitamins?"
Niyakap ko ang unan at tumitig sa kisame. "Naiwan ko ang vitamins ko dyan sa apartment."
"Check your bag. I put them in there."
Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Agad kong kinalkal ang mga gamit ko at nakita ko ang vitamins na siya pa mismo ang bumili sa akin.
"Nakita mo na?"
"Opo, Ate."
Umupo ako sa kama. Agad akong bumaba dala ang bote ng vitamins at nagsalin ng tubig sa baso.
Hindi ko binaba ang tawag hanggang sa makabalik ako sa kwarto. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Nasa apartment ka pa ba?" tanong ko.
"Oo."
"Uwi ka na muna. It's not safe alone."
"Ayoko nga. Matulog ka na. Dinig na dinig ko sa boses mo ang antok at pagod." Batid ko ang pag-ikot ng mga mata niya. "Good night, baby sis. I love you."
"I love you more."
And the call ended. Tuluyan na rin akong nagpatangay sa antok.
Nagising ako dahil sa malakas na pagkulog. Bumangon ako at kinapa ang lamp sa bedside table. Nang nabuksan ang ilaw ay doon ko napansin ang lalaking nakatayo sa paanan ng kama.
"Sir!" gulat kong sambit.
Tumikhim siya.
"I'm sorry if I scared you." Iniwas niya ang tingin. "Most girls are afraid of lightning and thunder. I just thought that maybe you're one of them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top