Chapter 15

Chapter 15

Napalunok ako dahil sa narinig mula sa kanya. Iniwas ko ang tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Nagmadali ako at alam kong pansin niya 'yon. But I didn't care. Kailangan ko nang makalabas agad!

Ramdam ko na pinanonood niya ako. Inilapag ko ang bottled water sa table at dali-daling tumayo. I looked at him and his eyes were dead serious.

"Thank you for the food. I need to go."

Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na ng office. Nagtungo ako sa ladies' room at pumasok sa isang cubicle. Napasandal ako sa pinto at ipinikit ang mga mata.

I placed my fist on my chest and started to punch it lightly. "What the hell is wrong with you? You have to function right!"

I opened my eyes when I remembered what he had said. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng aking uniform dahil bigla itong nag-vibrate.

Binuksan ko ang message mula kay Faerie at binasa ito.

Faerie:

Where are you? Let's eat lunch together.

Agad akong nagtipa ng reply.

Me:

Ladies' room. Hintayin mo ako sa canteen. Be there in a minute.

Busog ako pero hindi ko siya magawang tanggihan. I needed to divert my attention.

Lumabas ako ng cubicle at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ko saglit ang sarili at huminga nang malalim. I went out and headed to the canteen.

Nang namataan ko si Faerie sa gilid ay agad ko siyang nilapitan. Humalik ako sa kanyang pisngi. Pinanood niya ang paglakad ko sa kanyang harapan, at pagkaupo ko ay kumunot ang noo niya.

"Anong problema?" tanong niya.

Sinubukan kong tumingin sa mga mata niya, ngunit agad din akong nag-iwas. Sa  peripheral vision ko ay umiling siya.

"You can't hide a thing from me, Amity. Alam mong inis ako sa ganyan," malamig niyang sabi.

Tumango ako at bumagsak ang tingin sa aking kandungan.

Bumuntonghininga siya at tumayo. "Anong kakainin mo?"

"Isang slice ng chocolate cake na lang at iced tea."

"Kumain ka na," saad niya. "Nasasanay ka na atang iba ang kasabay pagkain, ah."

Doon na ako napatingin sa kanya. She was smiling, but her eyes were serious.

Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at naglakad para bumili. Wala na akong nagawa at hinintay na lang siya.

Pagkabalik niya ay nanatili siyang tahimik.

"Nood tayong sine later?" aya ko.

"Ayoko," sagot niya.

Inabot ko ang kanyang kamay at ngumiti, pero alam kong naging pilit 'yon. Hindi ko kaya kapag nagtatampo siya sa akin.

"Please?" I begged using my sweet voice.

Binawi niya ang kamay niya at itinuon ang mga mata sa pagkain. "Marami akong aasikasuhin sa bahay. Ihahatid lang kita sa apartment mo at uuwi na rin ako."

Wala na akong nagawa kundi magpaskil ng pilit na ngiti. Iniwas ko ang tingin sa kanya at sinimulang kainin ang cake sa aking harapan.

Matapos naming kumain ay hindi kami nag-imikan na lumabas ng canteen.

Bago kami maghiwalay ng way ay tumigil ako sa paglalakad. "See you later."

"Okay," tanging sagot niya. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad na hindi man lang ako nilingon.

Bumuntonghininga ako at bumalik na sa faculty room. Umupo ako at inilabas ang cellphone sa aking bulsa. Nagsimula akong magtipa rito.

Me:

Sa apartment ka na matulog, please? Isang linggo akong mawawala.

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero wala.

Me:

Ate, pansinin mo ako.

I knew she couldn't resist me everytime I called her that.

I didn't receive any reply from her. Hanggang sa natapos na ang working hours ay wala pa rin. Nagmamadali akong tumungo sa parking lot at nakita ang kanyang kotse na naghihintay sa akin. Pumasok ako at inilapag ang gamit ko. Nilingon ko siya ngunit wala pa rin siyang imik.

"Ate..." I held her hand and squeezed it. "Pansinin mo na si baby sis, oh." Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa pagsisimula nang pagtutubig ng mga mata ko.

Nilingon niya ako at hinigit palapit sa kanya. And then she hugged me tight.

"Sorry," she mumbled. "Nainis lang ako kasi pakiramdam ko naglilihim ka na sa akin." Hinaplos niya ang aking buhok.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Kumalas siya at pinunasan ang basa kong pisngi.

"'Wag ka nang umiyak. Hindi galit si Ate, okay?"

Tumango ako at muli siyang niyakap. "I love you."

She sighed. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kong nakangiti siya. "I love you more, baby sis kong walang dede."

Mahina ko siyang hinampas sa likod. Kumalas ako at umayos na ng upo. She started the engine and shook her head lightly.

"Akala ng lahat matapang ka. 'Di nila alam ang iyakin mo pagdating sa akin."

Ngumuso ako at nilingon siya. "Ikaw na lang ang meron ako. Alam mong takot ako kahit nagtatampo ka lang."

She just flashed her beautiful smile. Nahawa ako sa ngiti niya.

Itinigil niya ang sasakyan sa harapan ng apartment. Bumaba ako at inayos niya ang pagkakaparada sa kotse. Pagkababa niya ay pumasok na kami sa loob.

"Ready na ba lahat ng gamit mo para bukas?" Inilapag niya sa table ang mga binili niyang pagkain sa nadaanan naming restaurant kanina.

Tumango ako. "Ready na po."

"Iingatan ang sarili doon, ah?" paalala niya.

Nilingon ko siya, at busy siya sa pag-aayos ng pagkain sa hapagkainan. Hindi ko naiwasang mapangiti sa tuwing ganito siya. Noong mga panahong lugmok na lugmok ako sa problema at sakit ay siya ang laging nandyan.

Naghapunan kami at pagkatapos ay nanuod kami ng paborito kong movie sa kwarto. Nakahiga kaming pareho at tutok ang mga mata niya sa TV.

"Bago ka dumating noong gabing 'yon, hinalikan ako ni President," simula ko pagkekwento.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. I told her everything up to the happenings earlier. Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa natapos ako pagsasalaysay sa mga nangyari.

Nilingon ko siya at seryoso ang kanyang ekspresyon.

"So, anong nararamdaman mo?" tanong niya na muling tumuon ang tingin sa TV.

"Hindi ko alam."

"Hindi pwedeng hindi mo alam, Amity." Muli niya akong nilingon.

"Ayoko nang magpapasok ng tao sa buhay ko," malamig kong sagot. "Ako lang ang mahihirapan sa huli."

"Takot." Tumingin siya sa mga mata ko. "You don't want to open the door. You're scared of attachments."

Iniwas ko ang tingin. "Lahat ng mahal ko, iniwan ako. Iisa ka na lang na natitira."

Natahimik kaming pareho. Matagal na katahimikan na tanging ingay lang ng movie na nagpe-play sa TV ang maririnig.

"What if he likes you? Won't you give him a chance?" she asked, breaking the silence. "Base sa mga nakikita ko at ikinukwento mo, gusto ka ni President."

"Iba ang gusto sa gusto lang matikman," saad ko.

Tumawa siya. "All right! I'll stop commenting, since I don't know him more than you do."

Napailing ako. "Alam mo, minsan hindi na kita maintindihan. Minsan ayaw mo kay President, minsan gusto mo."

"I weigh things, love," she said. "Ayokong masaktan ka, pero ayoko rin naman na forever kang lalamunin ng fears mo in life."

I just stared at her for a moment. Nang hindi na ako nakapagpigil ay niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you."

"Your welcome, sis."

Hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lang sa alarm ng aking cell phone. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Faerie at chineck ang oras sa aking phone. Napabalikwas ako ng bangon nang nakitang alas tres na ng daling araw. Dali-dali akong bumangon at dumeretso sa banyo.

Matapos maligo at magbihis ay inilabas ko na sa sala ang mga gamit ko. Pagbalik ko sa kwarto ay nag-ring ang aking phone. Sinagot ko ito kasabay nang pagmulat ng mga mata ni Faerie.

"I'm outside already," he said.

Nilingon ako ni Faerie at kumunot ang kanyang noo.

"Yes, Sir. Lalabas na rin po ako," tugon ko.

Ibinaba ni President ang tawag. Muli akong lumabas ng kwarto at naramdaman ko ang pagsunod ni Faerie sa akin. She went straight to the kitchen and washed her face.

"Nandyan na si Pres?" Lumapit siya sa akin at inagaw ang hawak kong towel. Pinunasan niya ang mukha at umupo sa settee.

"He's waiting outside."

Tumango siya.

"Umuwi ka na muna sa inyo. Ayokong mag-isa kang matutulog dito."

"Dito muna ako."

"Ate—"

"Shh. Dalian mo ang kilos. Mahirap na pinaghihintay ang boss." Tumayo siya at inagaw sa akin ang suklay. Sinuklayan niya ang mahaba kong buhok. "Did you drink milk before you got into the shower?"

Mahina akong tumawa.

Binatukan niya ako pero mahina lang naman. "Tigas ng ulo mo, ano?"

"Nagmamadali ako. Wala na akong oras para magtimpla."

"Amity, paano lalaki ang dapat lumaki sa 'yo kung hindi mo inaalagaan ang sarili mo? Hindi mo ba alam na pampalaki ng boobs ang gatas?"

Hinarap ko siya.

Mahina niyang sinampal ang pisngi ko. "Naniwala ka naman. Syempre, joke lang."

Habang sinusuklayan ako ay nakatingin lang ako sa mukha niya. Kumunot ang kanyang noo nang napansin ang ginagawa ko.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin," aniya.

"Of course." Tumalikod na ako at inayos ang mga gamit ko. Tapos na rin naman siya sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Next Saturday ka pa makakauwi. Anong gusto mo pagdating? Ipagluluto kita."

"Hamonado, please?"

"Alrighty, then," she replied.

Binuksan ko ang pinto at sumunod sa akin si Faerie dala ang isa ko pang bag. Lumabas ng kotse si President. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Good morning po," bati ni Faerie sa kanya.

"Good morning, Miss Hontiveros." Binuksan niya ang backseat at ipinasok ni Faerie ang gamit ko roon. Sinunod ko ang isa pang bag na hawak ko.

Nang naipasok na lahat ng mga gamit ko ay hinarap ko si Faerie. Ngumiti siya at inilahad ang magkabilang braso.

Yumakap ako sa kanya. Mahigpit.

"Akala mo, sampung taon tayong hindi magkikita," bulong niya sa tenga ko.

Bahagya akong kumalas at hinalikan siya sa pisngi. "First time nating 'di magkikita sa loob ng isang linggo."

Mahina siya tumawa. Nilingon niya si President at awtomatikong sumeryoso ang kanyang mukha.

"Uuwi kang kumpleto ang kuko sa kamay at paa. Walang galos at makinis pa rin. Naiintindihan mo, Amity?"

Hinampas ko siya sa balikat at muli niya akong binalingan. She flashed me her sweetest smile.

"Mag-iingat," aniya.

Tumango ako. "You too, love."

Tumalikod na ako at sumakay sa passenger seat. Nang lingunin ko si Faerie ay seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin kay President.

Kinawayan ko siya at saka lang niya ako binalingan. She blew me a kiss and I caught it. Natawa kaming pareho.

Pinaandar na ni President ang sasakyan. Malayo na kami sa apartment nang tumikhim siya.

"You have a caring friend," he commented.

"I already told you, she's not a friend. She's a sister to me."

Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang kanyang pagtango. "Then an overprotective sister, huh?"

Hindi na ako umimik.

Makalabas ng street namin ay muli siyang nagsalita. "So... may kailangan pa pala akong ligawan maliban sa 'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top