Chapter 14
Chapter 14
Wala akong imik at pinakikiramdaman lang siya habang nakapulupot pa rin ang bisig sa akin. Marahan at maingat kong kinalas ang yakap niya at tinalikuran siya.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. My eyes looked at his hand as it tightened its hold.
"Stay here," he said.
Lumunok ako nang pinagsalikop niya ang aming mga kamay. He faced me to him, but he was looking to the other direction.
I was about to free myself from his hand, but he didn't let me.
"Many girls want to hold my hand like this."
"I'm not them, Sir."
Doon na niya ako nilingon. Tumutok ang mga mata niya sa akin. Hinakbang niya ang espasyong pumagitan sa amin at sa gulat ay napaatras ako. Pumiglas ako sa hawak niya at naglakad palapit sa kotse.
The intensity of his stare was difficult to handle.
I heard his footsteps and my heart started to pound like crazy. Ipinikit ko ang mga mata dahil sa kabang nararamdaman.
"Amity..."
Nagtaasan ang balahibo ko sa pagtawag niyang 'yon. I could feel him behind me. Iminulat ko ang mga mata ko.
"I hate it when you're near me," he said almost a whisper, but it was clear to my ears.
Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko sa muli niyang paghakbang palapit sa akin. Ramdam kong kaunting distansya na lang ang pumapagitan sa aming dalawa.
I stepped forward again until I was facing the side of the car. Pero muli rin siyang umabante at naramdaman ko ulit siya sa likod ko. I turned myself around to ask him what time he would go home, since Faerie would come to fetch me, but to my surprise, he cornered me. Napasandal ako sa kotse.
Mula sa pagkakatingin sa kung saan ay dumako ang tingin niya sa mga mata ko.
Ang kanan niyang kamay ay umangat sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. Muling nagtaasan ang balahibo ko.
"I hate your lips, it makes me fantasize things." His thumb started to draw circles on my face 'til it went to my bottom lip. Mas bumilis ang paghinga ko.
Nanginginig ang kamay ko na itutulak sana siya, pero nahuli niya ang kamay ko.
"I badly want to taste your lips again, Ma'am."
Before I could even open my mouth to say something, his lips were against mine already. He started to move gently and all I could do was to close my eyes.
Next thing I knew, I was responding to his kisses. My hand went up to his hair and I moaned as he bit my lower lip. Naging pagkakataon 'yon para sa kanya upang mas mapalalim ang halik.
Hindi ko na makilala ang sarili dahil para akong naaalipin sa halik niya. Humaplos ang kamay niya sa bewang ko at kinagat ang ibabang labi ko.
I gasped for air and he stopped. Itinuon niya ang noo niya sa noo ko. Bumagsak ang tingin ko sa lupa dahil hindi ko siya makayanang tingnan.
"Amity," mahina niyang tawag sa akin.
Nanatili akong nakatingin sa aking paanan.
"H-hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.
"Hindi pa. Ayoko pa."
Dahil sa sagot niya ay napatingin ako sa kanyang mga mata. He was looking into my eyes intensely that made me regret my move. He was about to touch my face when my phone suddenly rang.
Napaatras siya at agad kong kinuha sa bulsa ng aking shorts ang cellphone. Sinagot ko ang tawag ni Faerie.
"The black car. Is that the president's?"
Lumingon ako sa daan at napansin ko ang paparating na sasakyan ni Faerie.
Nakakaisang hakbang pa lang ako para lumapit sa sasakyan nang tumigil ito, pero napigil ako nang malamig na boses ni President, "Don't let other guys do what I do with your lips."
Agad kong pinatay ang tawag sa takot na baka marinig ni Faerie ang mga sinasabi niya.
"You'll get a memo if you disobey my rules, Ma'am."
Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa nakakainis na reaksyon ng dibdib ko. Saktong bumaba si Faerie sa kanyang sasakyan at sinalubong ako. Nang nagkaharap na kami ay tumingin siya kay President.
"May ginawa ba sa 'yong hindi maganda ang lalaking 'yan?" tanong niya, sapat para ako lang ang makarinig.
Umiling ako at hinawakan siya sa braso. Hinigit ko siya papunta sa kotse niya at itinulak siya papasok. When I hopped in and sat beside her, she instantly gave me a skeptical look.
"Amity..." basag niya sa katahimikan. "Kahit president siya ng pinagtatrabahuhan natin, kahit makapangyarihan siya, kapag may hindi magandang ginawa ang lalaking 'yan sa 'yo, baka hindi ako makapagpigil."
Inabot ko ang kanyang kamay at hinaplos ito. Pilit akong ngumiti. "He's not doing anything... wrong."
"Sigurado ka?"
I nodded my head.
Hindi nagtagal ay ini-start na niya ang sasakyan. Tumingin ako sa direksyon ni President at nagtama ang aming mga mata. Agad akong nagbawi at itinuon ang mga mata sa stereo. Pinakialam ko ito para mabaling ang atensyon ko sa iba.
Pagkatapos ng araw na 'yon ay ginawa ko ang lahat para kalimutan ang nangyari. Pumapasok ako ng school na sinisigurado na hindi kami magkakabunggo ni President.
Sa mga nagdaang araw ay nagtagumpay ako, pero ngayon ay hindi ko alam kung magtatagumpay pa ako sa pag-iwas dahil nasa labas siya ng meeting room. Katatapos pa lang ng meeting namin with the principal at sa tingin ko ay may pag-uusapan silang mahalagang dalawa, dahil hindi siya pupunta nang agaran sa lugar na ito ng walang mabigat na dahilan.
His face was unsmiling. He checked the time on his wristwatch and looked at my direction to my surprise.
Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng aking notes, kahit palabas na ang ibang teachers. Nang ako na lang ang tao rito ay tumayo na ako. Pagkalabas ng pinto ay dumeretso ako sa main door, nang bigla akong napatigil dahil sa lamig ng boses niya.
"Are you avoiding me?"
Kinalma ko ang sarili bago sumagot, "hindi po—"
"Hindi? I've been sending people in your faculty room 'cause we have a lot of things to discuss regarding Hasse Colleges in Laguna." Narinig ko ang paggalaw niya sa inuupuang sofa. "But no Ma'am Amity coming to my office."
"I have a lot of works to finish—"
"Baka nakalilimutan mong trabaho mo rin sundin ang inuutos ko?"
Wala na akong nagawa kundi harapin siya. My eyes roamed the entire room and saw the principal watching us.
"Sir De Guzman, may you please leave us? I have things to discuss with Miss Escobar."
Nilingon ko si President. Nakatutok ang mga mata niya sa akin.
"Yes, President," tugon ni Sir De Guzman. Lumabas siya ng room at napag-isa kaming dalawa.
Nang muli kong tingnan si President ay hindi na siya nakatingin sa akin. "You may sit, Miss Escobar."
Gumala ang mga mata ko at tumigil ito sa single couch na katapat ng inuupuan niya. Naglakad ako papunta roon at umupo. Bumagsak ang mga mata ko sa aking kandungan.
"We're leaving tomorrow. Are your stuff ready?" he started.
"Yes, Sir," I answered. Kahit umiiwas ako sa kanya ay hindi ko nakalilimutan ang mga dapat kong gawin.
"I'll fetch you at 4:00 in the morning."
"Okay, Sir."
"Bring different kinds of clothes 'cause we'll have various activities there."
"Yes, Sir." Inangat ko ang tingin sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mukha.
"By the way, we'll also visit my house in Laguna. If you want, we can stay there instead of staying in a hotel."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero wala naman akong magagawa sa kung anuman ang magiging desisyon niya.
"What?" tanong niya.
"I think... it would be better if we'll stay in a hotel. Alam ko na dagdag gastos pa 'yon, pero nakakahiya sa mga tao sa bahay n'yo."
"Walang ibang tao sa bahay ko maliban sa caretaker." Dumekwatro siya.
Naiilang na ako sa tingin niya pero wala akong magawa.
"We'll be alone there."
Kumurap ako at nakaramdam ng kaba.
"My house is near the school than the best hotel in Laguna."
Pilit akong nagpaskil ng ngiti. "Kayo na po ang bahala, Sir. Wala naman po akong magagawa sa kung anuman ang magiging desisyon n'yo kasi kayo ang boss."
He smirked. "Are you being sarcastic now, Miss Escobar?"
Kumalat ang inis sa sistema ko. I held my pouch tight, but tried to keep smiling. "No, Sir. I'm just stating the fact."
Tumayo siya at pumunta sa likuran ko. "Wala kang klase ngayon, tama?"
"Wala po."
"Good, 'cause I'm hungry."
"Marami pa po akong gagawin," pagsasabi ko ng totoo.
"Sasamahan mo akong mag-lunch sa office ko o sa faculty room mo gusto kasama ako?"
Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. He knew how to get into my nerves.
Tumayo na ako at hindi siya nilingon. Lumabas ako ng room at ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa kanyang opisina. Bubuksan ko na sana ang pinto nang unahan niya ako. He flashed a smile which made me uncomfortable and irritated.
Gusto niya na iniinis ako!
"Ladies first," aniya.
Pumasok ako at nakita ang kanyang sekretarya. Mas tumindi ang inis ko nang nakita ang babae sa hindi malamang dahilan. Binuksan niya ang pinto ng main office at pinauna muli akong pumasok.
Dumeretso siya sa kanyang table. May mga lunch boxes doon. Kinuha niya ang mga 'yon at inilipat sa glass table na napalilibutan ng sofa.
Walang salita akong sumunod sa kanya at umupo. Binuksan niya ang mga ito at may iba't-ibang klase ng pagkain na matatakam ka.
May roast beef, vegetable salad, at iba pang ulam na hindi ko alam ang tawag. Umupo siya sa tabi ko at iniabot sa akin ang utensils.
"Eat. You're getting thinner."
Nilingon ko siya. Inilapag niya sa harap ko ang lunch box na ang laman ay kanin. Sa kabila ng ilang ay tinanggap ko ito. Walang magagawa ang nararamdaman kong ito dahil hindi naman ako makalalabas kapag hindi ko gagawin ang gusto niya.
Nagsimula siyang kumain at gumaya ako. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumikhim siya.
"Amity..."
Nilingon ko siya at napansing titig na titig sa mukha ko. Kumunot ang aking noo. Pinilit ko ang sarili na huwag magpakita ng kahit anong emosyon.
Tumungo siya at bahagyang ngumiti. "Na-miss kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top