Chapter 13

Chapter 13

The only sound that could be heard was of the car's stereo. Deretso ang tingin ko sa daan at hindi siya magawang lingunin. Naka'y Faerie ang isip ko dahil iniwan ko siyang mag-isa sa apartment. I wasn't even able to lock the door.

"You're so quiet," puna niya. Ramdam kong nilingon niya ako.

"Iniisip ko lang si Faerie. Hindi ko man lang nai-lock ang pinto—"

"You love your friend that much, huh?"

"She's not just a friend. She's my sister." Tiningnan ko ang cell phone ko sa aking kamay. "Siya na lang ang mayroon ako. Siya na lang ang taong naniniwala sa akin." Nang hindi siya nagsalita ay doon ko lang siya nilingon. "Dati, dalawa pa sila, pero ngayon siya na lang."

Iniwas ko rin agad ang tingin at pinilit na kalmahin ang sarili sa bigla kong pag-alaala sa ama niya, ang dating president.

"Who is the other one?" he asked coldly.

"Hindi mo magugustuhan ang sagot ko." Mapakla akong ngumiti. "You shouldn't have asked."

"You shouldn't have opened it up." Mas lumamig ang kanyang boses.

Hindi na ako sumagot at ipinikit na lang ang mga mata. Niyakap ko ang sarili dahil sa biglang panlalamig ng katawan.

"Pres!" nabigla kong sigaw. Muntik na akong mauntog sa unahan kung hindi lang dahil sa seatbelt. Bigla siyang nagpreno!

Mula sa likod ng kotse ay may inabot siya. Saka ko lang napansin na may tatlong paper bags doon. Kinuha niya ang isa at inilabas ang kulay itim na jacket. Tinanggal niya ang seatbelt ko at walang sabi-sabing isinuot ang jacket sa akin.

Sumingit sa ilong ko ang mabango niyang amoy. The smell of his perfume was so manly.

Inilayo niya ang sarili sa akin at muling pinaandar ang sasakyan. Wala na ulit kaming imikan hanggang sa tumigil kami sa isang overlooking place. Nang tingnan ko ang karatula ay nasa Sampaloc Tanay, Rizal na pala kami kaya sobrang lamig.

Kinuha niya ang isa pang paper bag at inilabas doon ang ilang mga pagkain. Iniabot niya sa akin ang isang sandwich. Tinanggap ko ito kahit puno pa ang tiyan ko ng hinapunan namin ni Faerie.

Binuksan niya ang pinto at lumabas. Sumandal siya sa gilid ng kotse at sumunod ako na may isang pulgadang layo ang distansya sa aming pagitan.

I took a bite of the sandwich and looked down the colorful lights. Tanaw sa malamig at magandang lugar na ito ng Tanay ang makukulay na ilaw ng mga karatig-bayan.

Naramdaman ko ang braso niya na dumikit sa akin at napalayo ako. I cleared my throat and averted my eyes from him. Itinuon ko na lang ang atensyon sa pagtingin sa magandang tanawin habang inuubos ang ibinigay niyang sandwich.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay siya na mismo ang bumasag nito. "Here."

Nilingon ko siya. He handed me a bottle of water.

"Thanks," I muttered.

"How many boyfriends have you had?" he asked out of the blue.

Binuksan ko ang bote ng tubig at uminom. Dumeretso ang tingin ko sa madilim na kalangitan.

"Zero," I answered.

Mahina siyang tumawa. Nilingon ko siya.

"A girl like you can't fool me, Miss Escobar."

My forehead creased. Nilingon niya ako at nagtama ang aming mga mata. Napawi ang tawa niya nang napansin na seryoso ako.

"You think I've had a number of boyfriends." I could almost taste how bitter my words were. "Mahirap na ba talagang paniwalaan ang isang tulad ko? Ganoon na ba talaga ako kadumi sa paningin n'yo?"

"You were my father's mistress," he said and stared into my eyes.

Kahit hindi niya ipahalata sa boses ay isinisingaw ng mga mata niya ang galit. Hinarap ko siya at muli ay pilit na ngumiti.

"Minsan, sa totoo lang, napapaisip ako kung bakit hindi ko pa totohanin ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa 'kin." Humigpit ang hawak ko sa bote ng tubig at nagpakawala ng pekeng tawa. "Magpabayad na nga lang kaya ako sa kung sinu-sinong lalaki? Magkakapera pa ako."

Tinalikuran ko siya at lumapit sa railings.

"Nag-teacher pa ako kung dudungisan ko lang din naman ang dignidad ko."

He didn't say a word. Ano pa nga bang aasahan ko? Sa lahat ng taong nakilala ko ay siya ang pinakang-malaki ang paniniwala na babae ako ng kanilang ama.

"Sa tingin n'yo ba ay kakayanin kong humarap sa mga estudyante kung puro kasinungalingan lang din naman ang ituturo ko?" Humigpit ang hawak ko sa bakal.

Still, I didn't get a response from him.

"Teaching students is a weighty job. It requires the ethics that must be seen first from the so-called educators. You have to put your heart in every single time possible. You have to open it up for the students who rely on and trust you." Ipinikit ko ang mga mata. "Kung talagang naging babae ako ng dating president ay ngayon pa lang, ako na mismo ang aalis sa Hasse. Pero alam mo ba kung bakit hindi ako nagpapatinag sa mga naririnig ko mula sa inyo?" Ngumisi ako. "Kasi gusto kong linisin ang pangalan ng ama n'yo na mismong kayong pamilya ang dumudungis—"

"Stop it!" he shouted.

Lumapit ako sa kanya at inihagis sa kung saan ang bottled water. Tiningala ko siya at tumitig sa mga mata niyang puno ng halu-halong emosyon. I punched his chest.

"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatunayan sa 'yo na hindi totoo ang binibintang n'yo sa akin at sa ama n'yo?!" malakas kong tanong. "Sex?"

Susuntok pa sana ako nang bigla niyang piitin ang kamao ko. Mahigpit niya itong hinawakan.

"You want to bed me?" Pinunasan ko ang luha gamit ang kaliwang kamay. "Gawin mo! Dyan naman kayo magaling na mga lalaki, 'di ba?"

"Aren't you gonna stop?"

Umiling ako. "Buong pagkatao ko, hinayaan kong husgahan para lang hindi ako mapaalis sa Hasse, pero kapag sa 'yo galing mas doble 'yong sakit. Alam mo kung bakit?" Muli ko siyang hinampas sa dibdib gamit ang malaya kong kamay. "Kasi kamukha ka niya! Sa lahat ng anak niya, ikaw ang nakakuha ng lahat! Mukha, pag-uugali, maliban sa pagiging bulag sa katotohanan. You are a blind man who only believe in the things that you feel but never see!"

He stopped my free arm and continued staring harshly into my eyes. "Are you done?"

The intensity of his eyes was too much that I couldn't take it anymore. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan.

"Bitaw!" utos ko.

"Are you done?" he repeated.

"I said, let go of me!"

Iwinaksi niya ang braso ko. Pumasok siya sa kotse at pabalabag na isinara ang pinto.

Iiwanan niya ako? Sige lang. Sanay akong maiwan.

Hinubad ko ang jacket na isinuot niya sa akin. Agad akong nanginig dahil sa pagdampi nang malamig na hangin sa aking balat, pero binalewala ko ito. Inihagis ko ito sa loob ng kotse niya. Bumalik ako malapit sa railings.

I dialled Faerie's number and tried calling her. Hindi naman ako nabigo nang sagutin niya ako.

"Hello? Bakit ka tumatawag? Kasama lang kita—" naputol ang sinasabi niya. "Nasaan ka?"

Batid kong nagising ko siya.

"I am with the president. Sunduin mo ako. Nasa Sampaloc ako."

"Gabing-gabi na! Bakit kayo pumunta dyan? Hindi ba nag-iisip ang lalaking 'yan?" galit niyang tanong.

"Sunduin mo na lang ako." Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang paghikbi. "Please..."

"Wait for me, okay?" Nag-aalala ang tono niya.

She ended the call. Idinikit ko ang cell phone sa aking dibdib. Nagsisimula na ring manginig ang mga tuhod ko sa lamig pero tiniis ko.

Ilang sandali pa nang narinig kong bumukas ang pinto ng kotse.

"Hop in," he commanded.

I didn't even dare to look at him.

"Miss Escobar..."

"Leave me alone!" I shouted.

Dinig ko ang yabag niya palapit sa akin. Napapikit ako nang isinuot niyang muli sa akin ang jacket, pero agad kong pinalis ang kamay niya at hinubad ito.

"Do you want to get sick?" tanong niya na mas malamig pa sa hangin dito sa Sampaloc.

"Wala kang pakialam—"

Natigil ako sa pagsasalita nang inihagis niya ang jacket sa bangin.

Lilingunin ko sana siya ngunit natigilan ako nang gumapang ang bisig niya sa beywang ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at ikiniskis sa kanyang mga kamay. Mahigpit niya akong niyakap at idinantay ang baba sa aking balikat.

"I don't want you to get sick," he whispered that it gave me goosebumps.

Ramdam ko ang pagtama nang mainit niyang hininga sa aking tenga.

"Stop being stubborn."

Para akong na-engkanto sa biglang pagbaba ng tono ng kanyang boses.

"Sir..." tawag ko. "A-anong ginagawa mo?"

"It's cold, Miss Escobar."

Mariin kong ipinikit ang mga mata nang mas humigpit pa ang yakap niya.

"Let go of me," nasabi ko na lang.

But it seemed as if he didn't hear me.

"Why does it feel right hugging you like this? Why can't I resist you, Ma'am?" Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg. "Don't ever let anyone hug you like this. Especially guys."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. "Sir, hindi kita maintindihan."

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top