Chapter 11

Chapter 11

Hinapit niya pang lalo ang bewang ko habang marahan ang paggalaw ng kanyang mga labi. My hands crawled up his nape and clung onto it. Pakiramdam ko ay kahit anong oras, babagsak ako.

Humiwalay ako nang napagtanto ang naging reaksyon ko. Walang salita akong tumalikod at nagmadaling lumapit sa mga gamit ko.

Ipinapasok ko ang laptop sa bag nang tawagin niya ako, "Amity."

I closed my eyes tight.

"I can't understand myself anymore," he said almost a whisper.

Mas lalong tumindi ang pagkalabog sa dibdib ko.

"I don't understand why I can't resist you."

"N-nadala lang tayo." Pakiramdam ko, anytime ay lulubog ako sa kahihiyan.

I let a man kiss me and worst was I responded to his kisses. Nahihibang na ata ako.

Matapos kong kuhanin ang mga gamit ay dumeretso ako sa pinto. Bago ko pa ito mabuksan ay nagsalita siyang muli, "leave... for now."

Humigpit ang hawak ko sa doorknob.

"Next time, you won't even think of doing that," he added.

"I don't know what you're saying," I said, hiding my uneasiness.

"You're an intelligent woman, Amity." I could feel his piercing stare at me. "Don't act the opposite. You certainly know it."

Hinarap ko siya. Our eyes met and I immediately regretted that move. Hindi na ako nagsalita at tuluyan nang lumabas ng suite. Agad akong pumara ng taxi. Nanghihina akong umupo at inilabas ang cellphone ko dahil sa bigla nitong pagtunog.

Faerie was calling. Nanginginig ang mga kamay kong sinagot ito.

"Where are you?" bungad niya.

Hindi ako nakapagsalita.

"Umuwi ka, ngayon din."

Napapikit ako. "'Wag kang magalit." Hindi man mataas ang boses niya ay sa tono n'on, alam kong galit siya.

Hindi siya sumagot.

"Love..." tawag ko nang hindi siya nagsalita.

"Nasa apartment mo ako," pagbibigay-alam niya. "Go home. Now."

She didn't wait for me to respond and hung up. Bumaba ako sa Antipolo at sumakay ng jeep. Nang tumigil ang sinasakyan ko sa tapat ng apartment ay agad akong bumaba. Pumasok ako at sa sala ay sinalubong ako nang malamig na tingin ni Faerie.

Umirap siya at itinuro ang nasa tapat niyang couch. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. "Saan ka galing?"

Tumikhim ako. "Hotel."

"Hotel?!" she said in aghast. "Who were you with?"

Pinagsalikop ko ang mga kamay at bumagsak ang tingin sa aking kandungan. "President."

Nang hindi siya nagsalita ay napilitan na akong tingnan siyang muli. Mas lalong tumindi ang gulat sa kanyang mukha.

"H-hotel... with the president." Tumingin siya sa akin. "Did something happen between the two of you?"

Mabilis akong umiling at iniwas ang tingin. "W-wala."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at hinagilap ang mga mata ko. "Wala?"

Marahan akong tumango.

"Stop fooling me. You know I know you well more than anyone else in this world."

Hindi ako nakasagot. Binitawan niya ang baba ko at muling bumalik sa inuupuan niya kanina.

"Spill it out."

I sighed in defeat. "H-he kissed me." Tumungo akong muli. "Twice. At 'yong pangalawa, hinayaan ko siya. I... I kissed him back."

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin bago siya nagsalita, "do you like him?"

Inangat ko ang tingin at nagtama ang aming mga mata. Umiling ako at pilit na ngumiti.

"You won't kiss him back if you really hate him."

"Nadala lang kami," kontra ko.

Mahina siyang tumawa. "Hindi ako antagonist sa buhay mo para pigilan ka sa mga pinaggagawa mo. You're at the right age to fall in love. Just make sure of the man you're gonna fall in love with, Amity. Kasi alam mong ayaw na ayaw ko na nasasaktan ka. Masaktan na ako—"

"'Wag lang ikaw," tuloy ko sa sinasabi niya.

She always told me that. I came near her and sat on one of the arms of the sofa. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan siya sa pisngi. "Don't worry. I know what I'm doing."

Nang humiwalay ako ay nginitian niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kwarto. Sabay naming ibinagsak ang katawan sa kama.

"Alam kong hindi mo pa nasasabi ang lahat." Nilingon niya ako. "Hindi lang 'yon ang nangyari, 'di ba?"

I looked up the ceiling. "Yup." Nagsimula akong ikwento ang lahat sa kanya, tutal ay wala rin naman akong maililihim.

Dumating ang lunes at sabay kaming pumasok sa school. Ramdam ko ang pagsulyap-sulyap ni Faerie sa akin.

"What?" tanong ko. "Is there something wrong with my face? Kanina ka pa tingin nang tingin."

She chuckled and parked the car. "I was just wondering. What will you do if you see him later?"

Dinampot ko ang aking bag at lumabas ng kotse. Hinintay ko siyang bumaba.

"Wala. May dapat ba akong gawin?"

"Wala ba?" Her eyebrow arched as she looked at me in the eye. "E 'di wala."

Nauna siyang maglakad sa akin, naiiling na lang akong sumunod. Nag-in kami. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang tipa niya sa kanyang cellphone.

"Nagseselos na ako sa ka-text mo, a," sabi ko at nilingon niya ako. "Kagabi ka pa hindi matigil sa kate-text." Umirap ako.

Sinabayan niya ako sa paglalakad at ikinawit ang braso sa akin. "Selosa! Kala mo may dibdib."

Tiningnan ko siya nang masama dahil na rin sa biglang pagtawa ng mga estudyanteng nadaanan namin.

She laughed heartily.

"Ano na namang kasalanan ng dibdib ko—"

"Oops! Likod 'yan, hindi dibdib."

Inalis ko ang braso niya sa akin at binilisan ang paglalakad.

"Uy!" tawag niya sa akin. "Love!"

Kahit nakalayo na ako ay dinig na dinig ko pa rin ang tawa niya.

"Kwentuhan mo ako later, ah?" pahabol niya pa.

Hindi ko na siya nilingon at dumeretso na ako sa faculty room. Pagkapasok ko pa lang ay nagtaka na ako dahil sa iba't-ibang uri ng tingin sa akin ng mga co-teacher ko.

Kumunot ang noo ko nang nakita ang isang sobre sa aking table. Ipinikit ko ang mga mata nang napagtanto kung ano 'yon.

Memo. Another memo from the President.

Miss Escobar,

Kindly go to my office. It's about our visit in Hasse Colleges in Laguna.

The President

Dahil maaga pa at alam kong nandito na siya ay napagpasyahan ko nang unahin ang pumunta sa office niya bago tumuloy sa klase. Habang naglalakad papunta sa building kung nasaan ang kanyang office ay hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Pero wala akong choice kundi ang sundin lahat ng inuutos niya.

Kumatok ako bago pumasok. Wala pa ang secretary niya kaya dumeretso na ako sa mismong pinto ng pinakang opisina. I knocked three times and the door opened. Nagtama ang aming mga mata. Nang hindi ko makayanan ang tingin niya ay nag-iwas ako.

"Come in."

Sumunod ako. Pagkasara niya ang pinto ay mas lalong lumala ang kaba ko.

"Have you eaten breakfast?" he asked.

Tumungo siya sa kanyang table. Ginalaw niya ang paperbag na nasa ibabaw noon. May inilabas siya mula sa paperbag. Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa akin at iniabot ang isang sandwich at ang isa sa kanya. Hindi ko na 'yon natanggihan dahil siya na mismo ang naglagay no'n sa aking mga kamay.

"Thanks," tanging nailabi ko.

Nanatili siyang nakatayo. Sumandal siya sa harap ng kanyang table at binuksan ang kanyang sandwich. Nakatingin siya sa akin habang kumakagat doon. I cleared my throat and looked away.

"May milk sa ref. You want me to get one for you?"

"No need." Umupo ako sa sofa at inilapag sa table ang sandwich. "May we talk about our visit in Hasse Colleges Laguna now?"

"Frankly, that's just an excuse." Muli siyang kumagat sa kanyang sandwich.

Was he doing a TV commercial or photoshoot? The way he ate the sandwich was so... hot.

Napailing ako dahil sa naisip. Dinampot ko ang sandwich at napakagat dito.

"I just wanted to see you."

Napaubo ako at agad naman siyang kumilos. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig.

"Ano ba talagang kailangan mo, Sir? I'm here 'cause you said we're going to talk about Hasse."

"Sa katapusan pa 'yon."

Doon na ako napatingin sa kanya. "Then why am I here?"

"To eat," seryoso niyang tugon. Muli siyang kumagat sa sandwich.

Napalunok ako nang napansin ang mayonnaise sa gilid ng kanyang labi. But he looked unaware of that smudge.

Dahil wala na akong choice ay ipinagpatuloy ko ang pagkain ng sandwich para makaalis na rin.

"'Wag kang magmadali. Do you remember what I told you last time?"

Sa gilid ng aking mata ay pinanood ko ang paglapit niya sa akin. Tumigil siya sa aking harapan. I shook my head and took a bite of the sandwich.

"You can no longer leave. You can no longer escape."

Inangat ko ang tingin sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang tumitig sa mga mata ko.

"W-wala po akong maalala." The mayo on the side of his lips was distracting.

"Wala?" Mahina siyang tumawa at tumalikod. "What are you actually doing to me, Amity?" sumeryoso niyang tanong.

"Wala akong ginagawa sa 'yo, Sir." Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin niya sa akin. "'Wag mo akong tingnan."

"Why? May bayad ba ang pagtingin sa 'yo?"

Inangat ko ang mukha. Nagtama ang mga mata namin. "It's irritating."

"Oh!" Naghalukipkip siya. "And you irritate me too. You irritate me well to the point that I always want you to come to my office."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"And 'cause you irritate me well, you're going to eat dinner with me later."

Napalunok ako.

"Saan mo gusto?"

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Aren't you gonna answer me?"

I gritted my teeth. "Kahit saan."

He flashed a smile. A smile of victory.

"All right. In my house."

Tumayo ako at lalagpasan na sana siya nang hawakan niya ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

"What do you want for dinner?" he asked.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Beef steak."

"What else?"

"Bahala ka na." Aalis na sana ako nang kamay ko naman ang hawakan niya. Pumiglas ako ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon.

"Don't go yet." Hinigit niya ako paupo sa sofa at nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humiga sa aking kandungan habang hawak pa rin ang aking kamay. "Alam mo bang hindi ako nakatulog ng dalawang gabi dahil may isang taong hindi ako pinatulog kaiisip ng mga gabing 'yon?" Ipinikit niya ang mga mata.

"Sir—"

"Let me sleep, please."

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya. Nakatitig lamang ako sa mukha niya. Hindi nagtagal ay napansin ko ang malalim niyang paghinga.

Tipid akong napangiti nang nakita ko ang sarili na pinunasan ang gilid ng kanyang labi na may mayonnaise. Muntik na akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko. Ipinagpasalamat ko na hindi nagising si President.

"Hello, Aris," mahina kong sagot sa tawag.

"Where are you, Ma'am?"

"Nasa... bahay." Napapikit ako dahil sa pagsisinungaling. Hindi ko naman pupwedeng sabihin na nasa opisina ako ni President nang ganito kaaga.

"Hindi ka po papasok?"

"Masama ang pakiramdam ko," tugon ko. "May kailangan ka ba, anak?"

"Hihingi lang po sana ako ng advice tungkol do'n sa activities na ilalatag po ng Humanities Club. As the club president, I need second opinions po."

"Puntahan mo na lang ako sa faculty room after class."

"Hindi po. Next time na lang po at masama po ang pakiramdam n'yo."

"Hindi. I'll help you."

Narinig ko ang buntonghininga ni Aris mula sa kabilang linya. "Okay po."

Matapos ang pag-uusap namin ay tumingin ako sa kamay kong kanina lang ay hawak ni President. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang mukha. Sumandal ako at ipinikit ang mga mata.

Nagising ako na parang may nakatingin sa akin. I opened my eyes and my forehead creased as I saw the familiar place. Saka ko lang naalala kung nasaan ako. Hinanap ko ang lalaking kanina lang ay nasa kandungan ko. Nakasandal siya sa kanyang table at umiinom ng kape.

Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo at tumingin sa aking wristwatch.

"Late na ako—"

"3rd subject na. 'Wag ka nang pumasok." Inilapag niya ang baso sa kanyang table at lumapit sa akin.

Tumalikod ako at inayos ang aking buhok. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"You're not feeling well, right?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "Then stay here."

Nilingon ko siya dahil sa kanyang sinabi. "Masama ang pakiramdam? Hindi masama ang pakiramdam—"

Naalala ko bigla ang kausap ko sa cell phone kanina at ang sinabi ko.

Kumunot ang noo ko. "Were you awake the whole time?"

"I wasn't." Ngumiti siya. "But there's something inside me that's awake the whole time." Tumungo siya at itinuro ang dibdib niya. "This."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top