Chapter 10
Chapter 10
Humakbang ako paatras at sinampal ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Mula sa pagkakabaling ng ulo—dahil sa ginawa ko—ay muli niya akong tiningnan. His face was stoic. Para bang wala lang sa kanya ang ginawa kong pagsampal.
Dahil sa halu-halong emosyon ay tinalikuran ko siya at umalis sa lugar na 'yon. Bumalik ako sa faculty room. Walang lakas akong napaupo. I touched my lips but immediately took my finger away from them as the worst possible scenario invaded my mind.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi. Hindi ka dapat manghina nang dahil lamang sa halik na 'yon, Amity!
I clutched my bag with shaking hands. Dali-dali akong lumabas ng faculty room, nang biglang napatigil ang mga paa ko dahil nandito siya.
Humakbang siya dahilan at napaatras ako.
"P-President, I need to go home." Tumungo ako.
I felt his hand on my chin and he made me look up at him. Itinago ko ang malaya kong kamay sa aking likuran, samantalang ang isa ay mas humigpit pa ang hawak sa aking bag.
"I'm hungry," he said. "I want you to come with me."
Bago pa ako makaangal ay inagaw na niya sa akin ang bag ko. Mas lalong tumindi ang kaba ko nang hawakan niya ang kanan kong kamay at hatakin ako.
I was looking at our hands. Ilang beses na rin akong napalunok. Gusto kong pumiglas ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ay wala pa rin akong imik. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinasakay ako. Agad siyang umikot.
Nang pareho na kaming nasa loob ay naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.
"Good thing, you didn't make it hard for me to drag you here."
I closed my eyes tightly before I turned my face to him. Tumikhim siya at dumeretso ang tingin sa malinis na parking lot ng Hasse.
"Ano 'tong ginagawa mo, Sir?" lakas-loob kong tanong.
He then started the engine. I heaved a sigh when he didn't answer.
He stopped the car in front of Warden. Bumaba siya ng sasakyan, pero nanatili ako sa loob.
Binuksan niya ang pinto at seryoso akong tiningnan. "Are you planning to stay there?" Kumunot ang noo niya. "Get off the car."
Bumuntonghininga ako at napagpasyahan na ring bumaba, dahil ayaw ko nang makipagtalo. Sa dami nang ginawa ko ngayong araw ay wala na akong lakas na makipag-away sa kanya.
Nakasunod ako sa kanya papasok ng restaurant. Sinalubong kami ng nakaka-relax na ambiance ng lugar. Tumigil siya sa isang table na hindi takaw-tingin sa mga tao dahil medyo tago.
"Sit," masungit niyang utos. "You're not a dog, Amity. Stop waiting for my commands before you move."
I sat across him. Tumungo ako at pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Naramdaman ko ang pagdating ng waiter.
"What do you want?"
Sa kabila ng hiya ay sumagot ako, "kahit ano."
"Walang 'kahit ano' rito," pamimilosopo niya.
Tuluyan na akong nag-angat ng tingin. His lips formed into a smirk. I took the menu book from him and rolled my eyes. He chuckled which made me grip the book.
Nagtama ang aming mga mata at sumandal siya sa kanyang inuupuan.
"Know what? You're the first woman who rolled eyes at me."
Ibinagsak ko ang tingin sa menu.
"You're hard to read," he added.
"Kasi hindi ako katulad ng ibang empleyado na makikipag-plastikan kapag kaharap ka." Ibinaba ko ang menu at nilingon ang waiter. "Roast Beef in Mushroom Sauce and Vegetable Royale."
"You're indirectly saying that your co-workers are 'plastics'."
Muli ko siyang tiningnan. Nang hindi ako sumagot ay ngumisi siya.
"Lengua Pork Pastel, Vegetable Royale and a bottle of wine," sabi niya sa waiter.
"How about rice, Sir?" tanong ng waiter.
"Both steamed. For me and her," sagot niya.
Hindi na nasundan ang usapan namin, hanggang sa dumating ang orders. Hindi ko na siya magawang tingnan. Ramdam ko na tinitingnan niya ako habang kumakain. And that made me uncomfortable.
When we finished eating, he immediately called the waiter for the bill. I took out a cash from my wallet. Isisipit ko na sana ito sa bill folder pero agad niyang inilayo 'yon sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tumayo siya at kuhanin ang kamay ko. Napalunok ako. Tinangka kong kumawala sa hawak niya ngunit bigla niyang pinagsalikop ang aming mga kamay.
"Women are dying to hold my hands. You're damn lucky woman, don't you know that?"
Muli kong tinangkang kumawala pero hindi ako nagtagumpay. "Let go off me, Sir," mariin kong sabi.
But it was as if he didn't hear me. Nakarating kami sa kanyang kotse at agad niya akong pinapasok.
Sa byahe ay ganoon na naman. Walang nagsasalita sa amin. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang napansin kong sa ibang direksyon niya iniliko ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Sinulyapan niya ako at ibinalik ang mga mata sa daan. "Hotel."
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa mukha. Sinubukan kong buksan ang pinto. Nang nakita niya ang ginagawa ko ay bigla siyang nagpreno. Kung walang seatbelt ay tiyak na nauntog na ako sa unahan.
"What the hell are you doing?!" gulat niyang tanong. "Are you insane? Bakit mo binubuksan ang pinto?"
Nilingon ko siya. "Hotel, really?" Lumunok ako at kinalma ang sarili. "Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Isa ba ito sa mga gusto mong ipagawa sa akin para lang hindi mo ako patalsikin sa Hasse?"
Nalukot ang kanyang noo. Matagal kaming naglaban ng tingin, hanggang sa bumuga siya ng hininga.
"It's not what you're thinking." Ini-start niyang muli ang makina. "Hindi ako namimilit ng babae when it comes to sex."
I felt my face heat up. Hindi ko na nagawang ibuka ang bibig. Sumandal ako sa headrest at ipinikit ang mga mata.
Nagising ako nang narinig ang pagtawag niya sa akin, "Amity."
I opened my eyes and looked at the surroundings. My eyes stopped at him. Umayos ako ng upo nang nakita siya sa pintuan ng passenger seat. "Anong gagawin natin dito, Sir?"
"We're gonna work."
Nilingon niya ang hotel na nasa harapan namin. Bumaba ako ng kotse at nang naramdaman niya 'yon ay isinara na niya ang pinto. Nauna siyang maglakad pagkatapos niyang iabot sa valet ang susi ng sasakyan. Nakasunod lamang ako sa kanya.
I just watched him talking to the receptionist. Umupo ako sa may sofa malayo sa kanila.
Muntik na akong mapatalon nang narinig ko ang pag-iingay ng cell phone ko. Dinukot ko ito sa bag at tiningnan ang tumatawag. Si Faerie.
"Let's go."
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa gulat. Hindi ko man lang naramdaman na nasa harapan ko na si President. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa aking cell phone.
Tumalikod siya. "Shut down your phone. I don't want any interruption as we work." Nagsimula na siyang maglakad.
Dinampot ko ang aking bag at sumunod sa kanya. Muling tumunog ang cell phone ko at napalingon siya sa akin. I immediately shut it down.
Sumakay kami sa elevator. Habang tumataas ito ay mas lalong tumitindi ang kaba ko.
We stopped right in front of 22 A room. Sa labas pa lang ay batid ko na hindi pipitsuging room ang kinuha niya. He opened the door using a card. Napatingin ako sa kanya nang nakita ang loob ng suite.
Walang imik siyang pumasok. Inilapag niya ang kanyang bag sa malaking kama at nilingon ako.
"Don't ask me if we're going to sleep in one bed. I don't answer stupid questions."
Humigpit ang hawak ko sa aking bag. Pinigilan ko ang sarili dahil sa nararamdamang inis.
Naghubad siya ng sapatos. Agad akong tumalikod nang nakita siyang tinatanggal ang kanyang belt.
"President, may babae kang kasama," may diin kong sabi. "If you're going to change your clothes, there's a bathroom—"
"Belt lang ang tinanggal ko, Ma'am Amity." Mahina siyang tumawa. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa tumigil siya sa aking likuran.
Napalunok ako nang naramdaman ang hininga niya sa aking batok. "Isa pa, I don't see you as a woman. You don't even have boobs. Women have those."
Nag-init ang mukha ko. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa likod ko. Nilingon ko siya at napansin ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi. Pumasok siya ng bathroom.
Naglakad ako sa kama at nanghihinang napaupo rito. Dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa bathroom. Gustuhin ko mang tumakbo at iwan siya ay wala rin. I was here to do what he wanted.
Para sa Hasse. Para sa ama niya.
Bumukas ang pinto ng bathroom. Umayos ako ng upo at inilabas ang laptop sa aking bag. I turned it on as I heard his footsteps approaching.
May kumatok sa pinto. Agad akong tumayo para tingnan kung sino at para na rin iwasan siya.
"Room 22 A, pizza and lemonade for Mr. Agrezor."
Tumango ako at ipinasok ng lalaki ang mga dala. Nakita ko pa ang kakaibang pagtingin ng lalaki kay President.
Nang bumaling ako sa kanya ay bihis na siya. Nakaupo na siya sa sofa at kaharap ang kanyang laptop. Inilabas niya sa kanyang bag ang tumpok ng folders.
Kinuha ko muna ang laptop ko bago ako umupo sa tapat niya. Pinakialaman ko ang mga folder at ini-scan ng mga mata ang laman ng mga ito.
"What do you think of Mr. Aguirre?" he asked out of the blue.
Saglit ko siyang tiningnan at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa.
"He's a friend," I replied simply.
"Friend agad? Kakikilala n'yo pa lang sa isa't-isa."
Tuluyan ko na siyang tiningnan. Inabot niya sa akin ang isang slice ng pizza. Kinuha ko naman ito dahil kapag pinatagal ko pa ay alam kong may masasabi na naman siya.
"Time doesn't restrain friendship." Kumagat ako sa hawak kong pizza.
Kumuha na rin siya ng para sa kanya. Iniwas ko ang tingin nang kumagat siya roon.
"Hot sauce," alok niya.
Nilingon ko ang hawak niyang sauce. Kinuha ko ito at nilagyan ang kinakain ko. Inilapag ko ang sauce sa table at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
"Mr. Aguirre doesn't want friendship from you."
Kumunot ang aking noo. "Too fast to judge people's objective." Kumagat ako sa pizza at umiling-iling. "I hope you change that kind of attitude, Sir. Sa mundong ginagalawan natin ay hindi ka pupwedeng basta na lang magbibigay ng interpretasyon sa mga bagay-bagay." Inangat ko ang tingin sa kanya.
"Are you lecturing me?" he asked.
Umiling ako. "I was just voicing out my perspectives." Muli akong kumagat sa pizza. "What if there's an incident of a student having a chest pain? It's normal to students to act sick just to avoid some classes or subjects or teachers. Paano kung nagtuturo ka at may estudyanteng bigla na lang magsasabi na kailangan niyang magpadala sa clinic?" I marked the paper that he should review later. "Maiisip mo bang umaarte lang siya?"
Naramdaman ko ang pagtayo niya at pag-upo sa tabi ko. Lumunok ako nang nakitang titig na titig pa rin siya sa mukha ko. Lumayo ako dahil sa lapit namin sa isa't-isa.
"Pres—"
He moved closer again. Gamit ang hinlalaki ay pinunasan niya ang gilid ng labi ko.
Nabitawan ko ang pizza. Kumabog ang dibdib ko at agad akong napatayo. Tinalikuran ko siya at mariing ipinikit ang mga mata.
"D-don't ever touch me again like that," I said.
"I think, I can't."
Nagmulat ako. Hinarap ko siya at lumapit siya sa akin. Aatras sana ako nang haklitin niya ang bewang ko at idinikit ako sa katawan niya.
"I can't do what you want me to do." He closed his eyes tight and opened it again. "Let me wipe the sauce on your lips my way."
The next thing he did surprised me. Bumaba ang mukha niya at inangkin ang mga labi ko. I could feel the fast pounding of my chest as he started to move.
No. No, Amity!
But the next thing I knew, I held onto his arms, kissing him back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top