Chapter 1

Chapter 1

Today was the presidential inauguration of Hasse and the campus gymnasium was decorated extravagantly. Maraming napapatigil sa paglalakad para lang tingnan ang ganda ng pagdarausan ng event.

Humigpit ang yakap ko sa laptop na dala ko.

"Hot choco or milk?"

Nilingon ko ang nagsalita. Hindi ko man lang naramdaman na may tao na pala sa tabi ko.

I clung my arm to her and smiled sweetly. "Hot choco."

Hinigit niya ako papunta sa cafeteria at naupo kami sa bakanteng table. Pumangalumbaba siya sa harapan ko. "Namamaga na naman mga mata mo. You cried last night."

I averted my eyes from her and watched a group of students find a table. "Hindi, ah."

"Ako pa ang lolokohin mo?"

"Naalala ko lang si President," pag-amin ko at malungkot na ngumiti.

Nilingon ko siya. She fell into silence, dropping her eyes to her hands on the table. Alam niya kung gaano ako kalapit sa namayapang pangulo ng eskwelahang ito. Alam niya ang lahat sa akin.

"I'll just buy you something to eat. Hindi ka pa naman nag-breakfast," sabi niya at tumayo.

Pinanood ko ang pagpunta niya sa mga stall ng pagkain. Bumalik din siya agad at inilapit sa akin ang hot chocolate at sandwich.

"So hindi ka manunuod?" tukoy niya sa program sa gymnasium.

"Hindi. Ayokong makipagpastikan sa mga tao ro'n."

"Anong gagawin mo? Sa faculty room ka lang? Magmumukmok?"

"Maybe—ouch!"

Pinitik niya ako sa noo at nakuha namin ang atensyon ng ibang kumakain. Hinaplos ko ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Magmumukmok ka pa o pepektusan kita?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Faerie was the kind of person whom everybody would dream to have. Hanggang mahinang pitik at kurot lang siya sa akin pero hindi talaga ako kayang saktan.

"Hindi na." Ngumuso ako.

"Good!" Saka siya umirap.

We went out of the cafeteria after we finished our food. Nilingon ko siya na dala pa rin ang nasa matangkad na paper cup niyang kape. Naiiling ko siyang sinabayan. She was obviously a coffee addict. Ang average na naiinom niyang kape sa isang araw ay eight cups. Pansin ko iyon lalo na kapag nasa apartment ko siya.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin," aniya na deretso ang tingin sa corridor.

Maghihiwalay na kami ng daan nang bigla niya akong hinigit at niyakap nang mahigpit. Kumirot ang puso ko sa ginawa niya.

"I know you need this," she whispered. Nag-init ang mga mata ko. Siya lang ang tanging tao na pinagpapakitaan ko ng kahinaan ko. "Don't let other people step on you, love. Iba na ang president ngayon kaya mas lalo ka dapat maging matapang."

Tumango ako.

"Get back to work," she said, and pulled away from the hug. Humakbang siya paatras at tinalikuran ako. Then she waved her hand in the air as she walked down the hallway. "See you later!"

Pinanood ko siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. She needed to attend the inauguration as an employee of Hasse. Ako lang talaga ang may lakas ng loob na hindi pumunta.

Tahimik ang faculty room pagpasok ko. Bumagsak ang tingin ko sa documents sa table at sinimulan ko nang basahin ang mga ito.

Inilapag ko ang ballpen sa mesa pagkatapos ko at sumandal sa swivel chair. I closed my eyes, remembering the late president. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata ko at tumungo sa table. I cried silently until my eyes grew heavy.

Nagising ako dahil sa tawanan. Nagkekwentuhan ang mga co-teacher ko na nakapalibot sa table ni Ma'am Dea.

"Thank God, I was able to get a hold of myself! Pigil na pigil akong tanungin si President kanina kung single pa siya!" Lalo silang nagtawanan dahil sa sinabi ni Ma'am Dea. "Magkasing edad lang kami. Hindi malabong mapansin niya ako."

"Asa ka!" napailing na komento ni Ma'am Allyssa. "Ako ang mabe-bet-an ni sir. Just wait and see!"

Tumayo ako, awtomatiko silang napatingin sa akin. Dinampot ko ang mga folder sa table.

"Bakit hindi ka um-attend ng inauguration, Ma'am Amity?" tanong ni Sir Harold.

Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. "Medyo masama po ang pakiramdam ko."

"You should take meds then."

"Opo, sir. Magdi-dinner po muna ako."

Lumabas ako ng faculty at pumasok sa malapit na ladies' room. I put the folders down on the counter and put on lipstick, achieving the desired look of my lips.

Nagmadali akong pumunta sa president's office at binuksan ang pinto. Malapit na ako sa table nang napansin ko na may ibang tao. Nabitawan ko ang mga folder. Umangat ang tingin ko at saktong humarap din sa akin ang lalaki.

He was tall and seemed to have a good social standing with his clothes and posture. Ang puti at kinis ng balat niya para sa isang lalaki, pero ang hot niya pa ring tingnan. Napakagwapo.

And then I realized that his face resembled the late president's.

"Who... are you?" he asked in a deep masculine voice, enough to send me a jolt of fear.

Napalunok ako, parang nakikipagkarera ang kabog ng dibdib ko. I couldn't be wrong finding out who he was.

Bakit hindi ko naisip na baka nandito pa siya?

"Don't you know how to knock before you enter someone's office or room?" Kumunot ang itim na itim niyang mga kilay.

"Sorry po!" Tumalikod ako at paalis na pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

Para akong napaso sa hawak niya kaya mabilis kong binawi ang sariling braso. Pakiramdam ko ay sobrang laki ng kasalanang nagawa ko dahil sa uri ng tingin niya sa akin.

"Don't turn your back when someone is talking to you. That's rude." He took a step back, giving me enough space, maybe to let me breathe normally. Was he aware of my agitation? "What's your name, ma'am?"

Tinatagan ko ang loob ko, hindi naman ako makatakbo palabas.

"Are you..."

"Amity Escobar," tuloy ko.

"Oh! The famous Amity Escobar," he commented.

In my peripheral, I saw him turn his back to me and sit in his swivel chair.

"I was actually thinking of you, Miss Escobar."

Mas lumala ang kabang nararamdaman ko.

"How you look like... how young you are... and how beautiful you are to be the talk of the town."

"I have to go, sir. Hinihintay na po ako—"

"We're not yet done talking," he cut me off, expressing his power as the new president of Hasse.

Umikot ako at hinarap siya, pero hindi pa rin ako makatingin ng deretso.

"Age?" he asked.

"22."

"Your major?"

"English."

"Nice." He leaned back in his chair. "Please pick up the folders, ma'am."

Doon ko lang naalala ang mga dala ko. Kandaugaga kong pinulot ang folders.

"Place them on this table." Itinuro niya ang table niya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Pinagitnaan kami ng katahimikan at napilitan akong mag-angat ng tingin.

He was watching me intensely like I was some kind of movie he needed to write a review about.

"You're too young as my father's mistress," he said, his lips quirking into a smirk.

Mabilis na kumalat ang inis sa sistema ko, pero natalo ito ng sakit na unti-unting lumamon sa puso ko.

"You ruined our family, Miss Escobar."

"Ang bilis naman ng chismis, sir," sabi ko sa kabila ng pakiramdam kong paglutang ng ulo ko sa ere dahil sa galit.

"Stop acting clean."

I forced a smile and finally looked him in the eye again. "Kilala ko po ang sarili ko kaya wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao ko."

"How much did my father pay to bed you?" Muli siyang tumayo at lumapit sa akin.

Umatras ako, pero patuloy pa rin siya sa paglapit hanggang sa dumikit na ang likod ng legs ko sa sofa. Napaupo ako rito.

Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan niya itong hinaplos na nagpatindig ng balahibo ko.

"I can double or triple the price. You decide."

Pilit akong nakipaglaban sa titig niya. Ayokong magmukhang mahina sa harap ng bastos na lalaking ito. "Are you sure you're better than him?"

Mas lalong sumeryoso ang mga mata niya. "Of course. Wanna try me now?"

Matagal kaming naglaban ng tingin hanggang sa dumeretso siya ng tayo at umalis sa harapan ko. Tumayo rin ako at inayos ang sarili.

"'Wag na 'wag mong uuliting bastusin ang sarili mong ama sa harapan ko," buong tapang kong sabi. "Hindi mo alam ang kaya kong gawin para lang ipagtanggol siya sa mga katulad mo. Naturingan kang anak pero hindi mo kilala ang sarili mong ama."

His eyes appeared darker, a proof that I triggered him so bad. Lumayo na ako bago niya pa ako mahawakan muli.

"You're fearless, Miss Escobar. Know whom you are talking to."

"Are you talking about respect, President?" I asked, adding fuel to the fire. "May respeto po ako sa tao. Ikaw po, bakit hindi ka marunong rumespeto ng babae?"

Hindi siya sumagot kaya tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto. Palabas na ako nang tawagin niya ako, "Amity..."

Hinintay ko ang sasabihin niya.

"I despise homewreckers."

Hindi ko iyon pinansin. "Have a good night, sir."

Lumabas ako ng opisina at patakbong lumayo sa lugar na iyon. Bumalik ako sa faculty room na ngayon ay wala ng tao. Nanghihina akong napaupo at tumingin sa mga litrato namin ng namayapang presidente.

"'Wag po kayong mag-alala. Lilinisin ko ang pangalan mo sa abot ng makakaya ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top