Chapter 5 Pt. 2
Her POV
Nawawala ang Bangtan?
Paulit ulit sa utak ko ang mga katagang iyon parang hindi maregister ng jutaks ko ang mga nangyayare, Paano?? Paano sila nawala?, paniguradong mababaliw ang mga ARMYs tungkol dito, pati na rin ang mga paparazzi/media...lagot na...
"Aigoo mukang masama ito, galit na galit si Pd-nim, Paano sila nawala??? Si hobi?! huhu sana okay lang syaT_T..." mangiyak-ngiyak nyang sabi..
"Nga pala diba may iaabot ka kay pd-nim? Lagot ka!" Sabi nya at tinakot pa ako ang bilis talaga magbago ng mood ng isang to...
"Haist, naalala ko nga yun inarrange kong kanta, ipapa approve ko pa sa kanya, pag okay na sya na lang mag aabot kay RM or kay yoongi..." sabi ko
Kung nalilito kayo isa ako sa mga nag aarrange ng kanta sa bighit minsan gumagawa din ako kaya madalas na nasa studio lang ako kaya minsan ang nakakasama ko lang ay si miel dahil magkatabi lang office nila at studio ko hindi ako masyadong lumalabas pwera na lang kung kailangan ako or may ipapa approve ako kay Pd-Nim, parang misteryo ang existance ko kung makikita ako ng ibang staff, pero kahit nandito lang ako lagi sa company hindi ko pa nakakasalubong or nakakausap ng harapan ang BTS except for that unforgetable day, busy kase schedule nila kaya oks lang sino ba naman ako diba? tsaka alam nyo ba humahanga talaga ako kay RM lalo na pag nagsusulat sila ng kanta, lahat may meaning maganda din ang beat, lahat na in short maganda lahat ng kanta nila...
(A/N: I know right, advance ako mag-isip, hahaha nuh connect nvm😂😂😂)...
Wala akong ibang nagawa kundi umakyat na lamang at pumunta sa opisina ni Pdnim...
"Pd-nim?" At nag bow ako sa kanya
"Ahh Y/n ikaw pala, naayos mo na ba???" Tanong nya pinipilit nyang kalmahin ang sarili
"Ahh opo Pd-Nim" sabay abot sa kanya ng envelope na naglalaman, sinipat nyang mabuti ang printed arrangement...
"Sana po mahanap na agad sila" mahina kong sabe sa kanya at sana hindi ko na lang sana sinabe...
Nanatili syang tahimik, bakas sa mukha nya ang lungkot, pagod at pagaalala, nangangayayat na din sya di tulad nung dati...
"Uhm Y/n please check some part of this, yung may mga pangalan sa gilid would you check it also kung mag haharmonize at babagay ba at para fair ang line distribution, and thank you just give it to me pag naayos mo na"... sabi nya at pilit na ngumiti...
"Okay sir, I'll check it right away, and sorry po..." sabi ko at nag bow kinuha ko na din yung draft ng mga arrangements
"Theres no need to say sorry, Im hoping they are okay, lets just be positive" he said and genuinely smile I smiled back at him, bilib talaga ako kay pdnim he still manage to be positive at all times despite of the bad things happening kaya ang taas ng tingin ko sa kanya...
Habang naglalakad ako papuntang studio hindi ko mapigilang magaalala, kalat na din sa buong building ang tungkol sa pagkawala nila sana naman ay wag nang umabot sa labas napakarami nang problema ni Pd-nim at dadagdag pa ito...
"Makikita ko pa ba sila? Makikita ko pa ba sya?" Bulong ko
"Namjoon, sana okay lang kayo"...
Sa kabilang banda--->
Namjoon's POV
"Nasan na ba tayo hyung?" Tanong ni kookie...
"Sa pag kakaalam ko nasa Korea pa din tayo, hindi ko lang alam kung san lugar ito..." sagot ni Yoongi
"Seoul" Mahina kong sabi, napakabusy ng lahat, muntikan pa nga kami maapakan eh, pero sanay na kami...Kaya heto kami ngayon nakapilang naglalakad sa sidewalk, may nakasalubong din kaming mga haters at ganun pala talaga pag pusa ka at nakakaramdam ka ng threat nagiging matapang ka...Napadaan din kami sa isang T.V store kung san may Hacker daw, pero hindi para magnakaw kung di para sa hustisya, haist sana marame pang katulad nya at ng paalis na kami napansin kong wala pa si Yoongi hyung...
"Guys si Yoongi hyung?" Tanong ko
"Hindi kaya...nandun pa din sa tapat ng T.V store?" Sagot ni Jin hyung
"Halugh! Pano na ang Sope? Yoonseok? YoonKook? Taegi? Yoonmin? Namgi? Yoonjin?? Paanooooo???" Hysterical masyado si Hobi nasa likod lang pala namin si hyung...
"Nasan ka hyung, pinagalala mo kami" sabi ni Jimin... (Ayieeee yoonmin, ship is lyf)
"Ah, nanood lang ako nung balita tungkol dun sa hacker"... sagot nya (A/n: Ooops! May hint sa bagong story si author-nim)
"Diba hyung sabi mo may kababata ka dati dun sa ibang bansa?" Sabi ni Jungkook
"Oo" simple nyang sagot at natahimik sya...
Nasa gitna kami ng daan at hindi nila napansin ang dumadaang bike, mabilis ito kaya agad ko silang tinalon at niyakap "GUUYSSSSSS" sigaw ko
Na shookt kaming lahat, nang biglang tumigil ang oras, seryoso lahat ng tao parang nag mannequin challenge... At sumulpot si Miss Diwata...
"Aigoo, its your first day yet you prove me, how you care about each other, at dahil dyan, bibigyan ko kayo ng pagkakataon at Tuwing sasapit ang 12 ng hatinggabi magiging Tao muli kayo at pag nag umaga na babalik ulit kayo sa pagiging pusa, kaya kung ako sa inyo hahanap na ako ng matutuluyan, goodluck!"... Sabi nya at naglaho...
Pinagpatuloy namin ang paghahanap ng bahay ni Y/n siguro inabot na kami ng hapon at sobrang pagod at gutom na gutom na kami lalo na si Jin hyung at maknae line...Sana umuwi sya kaagad...
Nang makarating kami sa apartment nya ay agad kaming pumasok, at saan kami dumaan? Malamang dun sa lusutan ng mga aso sa baba nung pinto...Pagkapasok namin, ang simple lang ng design ng bahay nya pero ang komportable ng dating, naguli uli muna kami sa loob ng mapadaan kami sa isang kwarto nakaawang ang pinto kaya pumasok kami...
"Wooooowwwww! Mukang pede akong gumawa dito ng lines ko sa Cypher 5" sabi ni V at napatingin naman kami sa kanya
"Paguusapan muna namin ang tungkol dyan" sabay namin sabi ng Rapline
Ang linis ng studio nya at kumpleto din ang mga instrument parang katulad ng studio ni Yoongi hyung may doormat din sa labas yun nga lang Supreme ang burda, kulay black ang mga dingding at sa kabilang banda ay isang kabinet na puno ng albums, teka albums namin yun ah?, sabagay sa Bighit din sya nagtatrabaho...Ang laki ng studio nya o talagang lumiit lang kami?...
"Waaahhh daig ko pa ang pumasok sa Genius lab!" Sabi ni Hoseok...
"Mukang may nanalo na, siguro producer din si Noona" sabi naman ni Jungkook at tumalon dun sa Swivel chair habang tinitignan ang mga instrumento na nasa harap nya...
"Well yun siguro ang trabaho nya sa bighit, pero bago yan...tara kain muna tayo gutom na ako eh" sabi ni Jin hyung
At lumabas na kami...
"Speaking of pagkain, san tayo kukuha nun?" Tanong ni Taehyung
"Well dahil malakas ang radar ko sa pagkain, may naamoy ako dun sa may lamesa parang kkimbbap". sabi ni Jin Hyung, at nagtalunan kami sa lamesa muntik ko pang mabasag yung figurine buti't nasalo ni Yoongi hyung...pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan naming matulog muna at ngayon magkakatabi kami sa couch...
'Sana Dumating ka na... Y/n...'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top