PROLOGUE
Kumunot ang noo ni Andie nang makarinig ng ungol habang papalapit sa kwarto ni Zaire. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya nang makatapat niya na ang pintuan ng kwarto nito at mas lalong narinig ang kakaibang ingay.
Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon, bumungad sa kaniya ang mukha ni Zaire na malawak ang ngisi habang tuwang-tuwa sa pinapanood na kabalastugan.
Mukhang hindi siya napansin nito kaya mabilis niyang tinungo ang desk na malapit sa pintuan at hinatak ang kable ng wifi sa kwarto nito.
"Shit, what happ- Andie naman!" buryong singhal nito sa kaniya na parang napakalaki ng kasalanan niya sa mundong ito.
"Gago ka ba? pinapunta mo ako rito tapos nanonood ka ng ganiyan? gusto mo basagin ko 'yang nasa gitna mo?" inis na sambit niya rito at tumungo sa sofa nito.
"No! You can't do that! Sayang ang magandang lahi ko 'no- fuck!" mabilis niyang binato ng unan ang mukha nito kaya naputol ang sinasabi.
"Pasalamat ka wala si tita rito, kun'di sinumbong na kita!"
"Tss. Killjoy ka Andie!"
"It's Al, not andie," paalala niya rito. Ilang taon niya na ba ito laging sinasabihan na Al ang itawag sa kaniya katulad ng tawag sa kaniya nang mga taong nakapaligid sa kaniya. Masiyadong babae ang Andie para sa kaniya, gusto niya ay Al lang dahil Andie Loucinda naman ang name niya.
"Edi okay, Loucinda!"
"Aba't gag- aray!" sigaw niya nang makalapit ito at inakbayan siya na parang sinasakal.
"Mura ka ng mura!"
"Ikaw rin naman! para ka kasing gago, nanonood pa ng porn!" Hinatak niya ang buhok nito at rinig niya ang daing nito kaya natuwa siya.
"Stop pulling my goddamn hair, Andie!" singhal nito sa kaniya. Dahil isa siyang mabait na kaibigan ay hindi niya ito sinunod kun'di hinatak pa ng husto.
Para sa mga babaeng sinaktan mong hayop ka!
Napahiga na siya sa sofa nito at nasa-ibabaw naman niya si Zaire na namimilipit pa rin sa sakit dahil hindi niya pa rin binibitawan ang buhok nito.
Hindi niya mapigilan na hindi matawa dahil sa itsura nito. Wala pa itong suot na shirt at tanging boxer short lang ang suot nito kaya tawang-tawa talaga siya sa itsura nito.
"Ay jusko ginoo!" pareho silang natigilan ni Zaire nang marinig ang boses ni Nanay Eve, ito ang matagal ng kasambahay at pinagkakatiwalaan ng pamilya ni Zaire.
"Nay!" masayang tawag niya at sinipa ang tiyan ni Zaire para makabangon siya.
"Ang sakit! tang- juice!" kinurot niya ito sa tagiliran. Nasa harapan nila si Nanay Eve kaya hangga't maaari ay ayaw niyang naririnig nito na nagmumurahan sila.
"Jusko kayong mga bata kayo! akala ko may kababalaghan na kayong ginagawa," sambit nito at napahawak pa sa dibdib.
"Nay! hindi ako pumapatol sa lalaki!" ani ni Zaire nang makatayo. Sinamaan niya ito ng tingin at sisipain sana sa hita nang makaiwas ito.
"Mas lalong hindi ako pumapatol sa babaero!" ganting saad niya rito at inirapan ang binata. Inayos niya ang pagkatali ng mahaba niyang buhok.
"Hay nako! pumunta lang ako rito para tawagin kayo na may meryenda na sa baba, kumain muna kayo bago kayo magbugbugan diyaan!" natawa siya sa sinabi ni Nanay Eve kaya inakbayan niya ito.
"Sige Nay! mami-miss ko ang luto mo, uuwi ka pala ng dalawang buwan sa davao." Nalaman niya kasing uuwi muna ito sa probinsya para magbakasyon dahil si Zaire lang naman ang nasa bahay, si Tito Rex at Tita Zai-na magulang ni Zaire ay nasa Australia dahil doon ang mga ito nagwo-work. Kasama ng mga ito ang mommy niya na sa law firm ng Alonzo nagta-trabaho.
Kaya bata pa lang sila ay magkakilala na talaga sila ng binata dahil sa mga magulang nila na magkaibigan.
Sa living room sila pumwesto para kumain ng meryenda na turon at ice cream. Kinuha niya ang remote para buksan ang tv.
"Action movie," sambit sa kaniya ng binata habang ngumunguya ng turon. Hindi niya ito pinansin at pinindot ang netflix. Pinlay niya ang isang movie ni Dwayne Johnson, ito ang pinagkakasunduan nila, pareho silang mahilig sa action movies.
Natahimik ang paligid at seryoso silang nanonood ng biglang tumunog ang cellphone ni Zaire. Kitang-kita niya na babae ang pangalan ng caller nito.
"Sagutin mo na, hinahanap ka na ng babe number 4 mo," asar niya rito. Hindi na kasi bago sa kaniya ang maraming babae nito. Simula highschool pa lang ay napakarami na nitong hinaharot.
"Ayoko, tinatamad ako," ani nito at pinatay ang tawag.
"Himala!"
"Anong himala! kitang nanonood ako ng action movie eh, alam mong hindi ako maiistorbo pag nanonood ng movie." Hindi na siya nakasagot dahil tama naman ito. Ganoon din siya pag nanonood ng movies, bawal na bawal siya istorbohin, pwera na lang kong napaka-importante talaga.
Nang matapos niya kainin ang turon na hawak niya, inagaw niya ang ice cream tub at kutsara na ginagamit ni Zaire.
Nakatutok lang ang mata niya sa tv at naramdaman niya ang tingin nito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang hindi na ito nag-react pa at hinayaan na lang ako agawin ang ice cream.
Nakatapos sila ng isang movie at medyo nangawit siya sa pwesto niya kaya nag-unat siya. Tiningnan niya pa ang orasan at ala-sais na pala ng gabi.
Muling nag-ring ang cellphone ng binata kaya sinipa niya ito,
"Sagutin mo na! kanina pa 'yan!" utos niya rito. Inabot naman nito ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello?... yes... i miss you too, babe... okay, let's date tomorrow." Napailing na lang siya nang marinig ang mga sinabi nito, nakangisi rin ang labi nito kaya panigurado maglalandi na naman.
"I'm going to go, may dance class pa ako," sambit niya rito habang tinatali ng maayos ang buhok. Inabot niya ang sumbrero niya at sinuot iyon.
"Lalaking lalaki manamit ah, may liligawan ka ba roon?" pang-aasar nito sa kaniya.
"Gusto mong sipain ko 'yang hinaharap mo?" naniningkit na matang sambit niya rito.
"Joke lang! Support naman kita kong may ligawan ka man na babae, pero siyempre bigyan mo ako ng maganda- shit!" sinipa niya ito malapit sa pagkalalaki nito.
Gulat na gulat itong nakatingin sa kaniya habang nakatakip ang dalawang kamay sa gitna nito.
"Sasapulin ko 'yan!" Inirapan niya ito at kinuha ang backpack niya. Dumeretso siya sa kusina para magpaalam kay nanay Eve.
"Nay alis na po ako, may dance class pa po ako," paalam niya rito.
"Sige, mag-ingat ka ha! 'wag magpalipas ng gutom at mag-ingat sa pag-uwi, gabi pa naman na."
"Don't worry nay! hatid sundo ko naman 'yan kahit mapanakit," singit ni Zaire habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay.
"Wait for me, magbibihis lang ako." Tatanggi na sana siya pero mabilis itong tumalikod at tumakbo paakyat ng hagdan.
Madalas naman siya nitong hinahatid at sundo lalo na pag may dance class or training siya tuwing gabi. Isang kanto lang naman ang layo ng bahay nila kaya lagi niya talaga ito kasama.
Ilang minuto lang ang tinagal ng binata at bumaba rin agad ito. Naka-tshirt ito at sweatshort, kahit sa simpleng damit ay malakas ang dating nito at amoy mabango, kaya marami talagang babae ang nahuhumaling dito.
Gwapo, malinis at mabango nga pero hindi naman seryoso pagdating sa mga babae.
Nailing na lang siya sa naiisip. Muli silang nagpaalam kay nanay Eve bago lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Zaire.
May liscence naman na ito dahil 21 years old na sila. Third year college na sila, same school but different courses. She took business ad while Zaire took Bachelor of Aviation, gusto kasi nitong mag piloto.
They are both busy in their studies but they have always time to meet or to bond. Ewan niya ba kong bakit itong lalaki ang naging bestfriend niya, wala kasing lumalapit masiyado sa kaniyang mga babae nong bata pa siya dahil ayaw niya maglaro ng mga barbie, mas gusto niya pa ang mga panlalaking laro kaysa sa ganon.
She's not lesbian, talagang hindi niya lang trip magpakababae ng husto. Sa totoo nga mayroon na siyang crush, last year lang. 'Yong basketball captain ng Gold University, kong saan sila naka-enroll ni Zaire.
"Anong oras tapos ng class mo?" he asked while maneuvering the car.
"Same time, 8-10pm." Nag-park sila sa labas ng dance studio.
"Let's eat dinner first, diyan tayo sa pares-pares," ani nito at tinuro ang katabing restaurant ng studio. Hindi na siya tumanggi at iniwan muna ang backpack niya sa sasakyan nito. Bitbit niya lang ang wallet at cellphone niya.
Pumasok sila sa restaurant at um-order na ang binata, ito na rin ang nagbayad ng pagkain nila. Minsan talaga masaya rin ito kasama eh, dahil ito ang gumagastos ng pagkain niya.
"Hi!" napatingin siya sa gilid niya at nakita niya ang isang lalaking nakaharap sa kaniya. Nasa tabi ito ng table na pwesto nila ni Zaire.
Magsasalita sana siya nang biglang dumating ang binata at pabagsak na nilagay ang number sa table.
"Don't greet my woman." Tinaasan niya ng kilay ang binata.
"W-what?" 'di makapaniwalang tanong ng lalaki na bumati sa kaniya.
"Are you deaf? she's taken, so don't bother my woman, fucker!" inis na sambit nito sa lalaki. Pasimple niyang sinipa ang paa nito para iparating na tumigil na. Nahihiya na siya dahil may iilan na mga customer ang tumitingin sa gawi nila.
Nakahinga naman siya ng maluwag nang umalis din ang lalaking nagpapapansin sa kaniya.
"Huwag kang papansin ng mga gano'n, baka manyakin ka lang."
"Katulad mo? manyak ka 'di ba?" tugon niya rito.
"Hey! no i'm not! babae ang-"
"... lumalapit sa akin, nyenye, utot mo blue!" pagpapatuloy niya sa sinasabi nito. Lumapit naman ito at pinitik ang noo niya.
Natawa na lang siya nang hindi na ito nakapalag.
I think the reason why he's my bestfriend because i'm really comfortable with him. I know him for decades and i know that even he is a playboy and a heartbreaker for girls, he's the man i can trust and i can be myself if i'm with him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top