9- DRUNK KISS


Napangiwi siya nang makita ang kabuuan sa salamin ng shop na pinuntahan nila ni ate Dara. Ito na lang ang bukas na clothing shop at saktong dry clean ang mga dress kaya wala siyang nagawa kun'di sundin ang gusto nito na suotin iyon para pumunta sa club. 


"Shit! magiging tibo talaga ako pagdating sa'yo!" gigil na sambit nito habang tinitingnan siya. 


Nakasuot siya ng isang Tube dress na hapit sa katawan niya na may drawstring sa gilid. Gusto niya man hatakin pababa ang suot pero hindi niya magawa dahil mas lilitaw ang cleavage niya.  Hindi siya mapakali dahil hindi siya sanay sa suot. 


"Ito ang pinakamababang heels, 2 inches lang 'yan. Suotin mo na, treat ko sa'yo lahat 'yan! Napakaganda mo talaga katulad ko!" excited na sambit nito. 


"Tapos itong buhok mo na laging naka bun," hinatak nito ang tali ng buhok niya kaya bumagsak ang maalon niyang buhok. May kahabaan ang buhok niya na halos maabot na ang bewang niya. 


"Ma'am baka gusto niyo po dagdagan ng accessories, set na po ito at may 30 percent discount po dahil umabot pa ng sampung libo ang binili niyo," singit ng sales lady.  


"O sige, ito rin kukuhain ko, pati ito," napasuklay siya sa buhok niya dahil napakarami na nitong binili para lang sa club na biglaang ganap.


"Ate, tama na 'yan—"


"Shh. Suotin mo na lang 'to," putol nito sa kaniya at inabot ang kwintas at hikaw. Tinulungan naman siya ng isang sales lady at sinuot sa kaniya ang kwintas, siya na ang nagsuot ng hikaw dahil hiyang hiya na siya.


Nagbayad na agad ito dahil alas dose na ng gabi. Hirap siyang maglakad kahit mababa ang takong ng suot niyang sapatos. Nang makapasok sa kotse ay mabilis na pinaharurot ni ate Dara ang sasakyan. 


"Hindi masama ang magpaganda minsan, lumabas ka rin sa comfort zone mo Al. I don't want you to hurt but there's something i want to see," seryosong sambit nito. 


sampung minuto lang ata ang byahe nila dahil may kalapitan lang ang club. 


Kapit na kapit siya kay ate Dara dahil ngayon pa lang siya makakapasok sa club. Nakainom na siya ng alak pero sa bahay lang ng kaibigan niya. Never siyang pumunta sa club dahil natakot siya noon nang sinabi ni Zaire na pagpumunta siya na hindi ito kasama ay hindi na siya makakalabas ng buhay. 


Sumalubong ang ingay at usok ng vape nang makapasok sila. Maraming sumasayaw sa kung saan saan. Napaiwas siya nang tingin nang makita ang isang babae na nakakandong sa lalaking nakaupo sa gumigiling gilin pa ito habang hawak ang alak. 


Tumungo sila sa bandang sulok at doon niya na natanaw sila Jonas, Karl, kuya Bern, Zaire at ang anim pa nilang ka member na nag-iinuman na. 


"Mahal! ang tagal niyo naman— shit... Al?!" sigaw ni kuya Bern kaya mas napatago siya sa likod ng kaibigan. 


"Gago?! tol babae ka na!" sigaw ni Jonas. Napasimangot naman siya at mabilis na kinuha ang tissue roll na nasa lamesa at binato rito.


"Babae ka na pero lalaki pa rin umasta— ouch! ate Dara naman!" Natawa siya nang malakas na binatukan ni ate Dara si Jonas, talagang totoong batok talaga dahil napayuko pa ito.



Napatingin siya kay Zaire at seryoso itong nakatingin sa kaniya habang umiinom ng alak. Hindi siya nito binati at walang emosyon na makikita sa mukha nito. Pakiramdam niya tuloy may ginawa siyang masama. 


"Usog, uupo ang mga magaganda!" sigaw ni ate Dara. Hinatak siya nito at pinaupo sa mismong tabi pa ni Zaire. Dahil malaking sofa iyon ay napadikit ang braso niya rito ng husto dahil inusog siya lalo ng mga ito. 


"Buti na lang wala kang klase bukas! sa wakas hanggang mamayang umaga tayo rito!" masayang sambit ni kuya Bern. 


"Wala siyang klase bukas?" tanong naman ni ate Dara.


"Oo raw, sabi sa'kin ni Zaire." 


"Sakto pala! Iba talaga pag biglaang aya, mas natutuloy at mas exciting," sambit pa ni ate Dara. 


Nagsimula na silang magkwentuhan at nagkaroon ng ikot ng shot glass. Siya naman ay kada ikot, inom din. Ayaw niyang maging kj dahil masayang araw ito para sa dalawa, dahil engage na ang mga ito. 



Napapikit siya nang tumatama na ang alak sa katawan niya. Ramdam niya kasi ang init hindi lang sa lalamunan niya kun'di pati na rin sa katawan niya. 


"Excuse me? you're Zaire, right?" naiangat niya ang tingin at nakita niya ang isang sexy na babaeng nasa harapan nila.


"Oo miss, si Zaire 'yan," si Karl ang sumagot. Napatingin naman siya sa binata at nakita niya kung paano nito nilagok ang alak sa shot glass. Bumaba ang tingin niya sa labi nito at sa adams apple na gumalaw. 


Agad niyang binaba ang tingin nang ma-realize ang ginagawa niya. 


Lasing na ba ako? shit!


Nahihibang na ata siya para titigan ito ng gano'n. 


"Can we dance?" maarteng alok ng babae. Awtomatikong tumayo naman ang binata kaya sinundan niya ito ng tingin.


"Sure," tugon nito at nilagok ang panibagong shot bago naglakad papunta sa babae. Lumaki ang ngisi ng babae at kumapit agad sa braso ng binata. 


"Grabe, totoo nga talaga! Ang babae ang lumalapit sa kaniya, iba talaga pag masiyadong guwapo!" komento ni Karl at pumalakpak pa. 


Kinuha niya ang isang baso at nilagyan iyon ng yelo tiyaka kinuha ang bote ng brandy at sinalinan ang baso. 


"Al," bulong sa kaniya ni ate Dara at tinapik ang hita niya. "Gusto mo bang sumayaw?" pagtatanong nito. 


Hindi siya nakasagot agad at napapikit ng mas gumuhit ang alak sa lalamunan niya. Inisang lagok niya ang on the rocks kaya ramdam niya ang alak hanggang sa tiyan niya.


"Let's go, let's dance too!" hiyaw niya. Parang ginanahan na siyang sumayaw kahit medyo nahihilo na siya.


"Tara!" pang-aaya rin ni Jonas. Nagsitayuan naman ang lahat at siya hinatak ni ate Dara para pumunta sa gitna ng dance floor. 


Sakto namang tumugtog ang Havana ni camila cabello, kaya napangisi siya. 


Dancers will shine tonight...



Napapikit siya at dinama ang musika, nagsimulang sumunod ang katawan niya. Bawat beat ay tumatama sa galaw niya. She didn't imagine that she will dance like this. 


Nag umpisang sumayaw sa gitna si ate Dara kaya awtomatikong napabuo sila ng isang bilog. Pati ang mga tao sa loob ng club ay nakuha na nila ang atensyon. 


Dumadagdag na ang hiyawan dahil sa galing ni ate Dara at sinabayan pa ni kuya Bern. Makikita mo talaga na mga professional dancers ang mga ito. 

Humarap sa gawi niya si ate Dara at sinenyasan siyang siya naman. Dahil tinamaan na siya ng alak ay mas lalo siyang na-excite at ginanahan sumayaw. Hindi niya ito genre, 'yong mga tipong pang babaeng sayaw pero parang gustong gusto niya gumiling sa gabing iyon. 


Pumunta siya sa gitna habang sumasayaw. Hinawakan niya ang buhok niya habang ginigiling ang katawan niya. Marahan niyang dinama ang musika at ginalaw ang kamay niya para ilibot ito sa katawan niya. Biglang bumiliss ang tugtog kaya mas sinabayan niya iyon. Pag-ikot niya ay saktong may naglagay ng upuan kaya ginamit niya iyon para maging parte ng pagsayaw niya.


Mas lumakas ang hiyawan pero para sa kaniya wala na 'yon dahil tuluyan na siyang nilamon ng musika. 


Sumunod nang pumasok sa bilog si Jonas at Karl kaya um-exit na siya. Doon niya lang naramdaman ang hingal pero sobrang saya niya. 


"Hindi ako makapaniwalang sumayaw ka ng gano'n! Ang sexy mo!" tili ni ate Dara. Siya rin naman ay 'di makapaniwalang sumayaw ng gano'n mag-isa sa gitna ng maraming tao. 



"Pupunta lang ako sa comfort room," pasigaw niya na sambit dito.


"Samahan kita?" Umiling siya dahil saglit lang naman siya. Sumingit siya sa mga tao dahil marami nang nakapalibot sa dance floor para panoorin ang mga kasama niyang sumayaw. 


Dumeretso siya sa banyo at pumasok sa cubicle para umihi at ayusin na rin ang damit niya. Mas lalong na-expose ang legs niya dahil medyo tumaas ang hapit na dress na suot niya. Naka cycling shorts naman siya kaya safe naman. 



Narinig niya ang pagsarado ng pintuan sa labas kaya napakunot ang noo niya. Lumabas siya ng cubicle at laking gulat niya nang makita roon ang binata. 


Hindi siya sigurado kung lasing na ba ito o hindi. 


"B-bakit ka na sa girls comfort room?" tanong niya rito pero tinitigan lang siya ng binata kaya dumagundong na naman ang puso niya, marahil sa kaba? 


Napalunok siya at iniwasan ito para tumingin sa salamin at ayusin ang buhok niya. Naghugas din siya ng kamay at habang nagpupunas gamit ang tissue ay napasulyap siya sa salamin dahil nakatitig pa rin ang binata sa kaniya habang nakasandal sa pinto.


"Anong kailangan mo?" pagtataray niya rito. Sumasakit na ang ulo niya at hilo na talaga siya. 


"Do you know how hard I tried not to pull you when you were dancing in the middle?" napahinto siya sa tapat nito dahil nakaharang pa rin ito sa pinto.


"Huh?" wala sa sariling tugon niya rito. Iuusog niya sa na ito pero nahuli nito ang kamay niya. 


"Z-zaire, tabi, lalabas na ako—"


"I really want to kiss you." Nanigas ang katawan niya at napatingin sa mukha nito. Nahigit niya ang hininga dahil napagtantong sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. 


"Iyong babae m-mo ang halikan mo," iniwas niya ang tingin pero hinapit siya ng husto ng binata.


"I don't know anymore... i shouldn't feel this, but i want to kiss you so fucking bad," hindi na siya nakatugon pa nang maramdaman niya na lang ang malambot na labi nito na nakadikit na sa labi niya. 



Naipikit niya ang mata at hinayaan na lang ang damdamin niya.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top