7- MUSE



Maaga ang pasok nila ngayon, dapat 8am nasa school na siya dahil 8:30am ang start ng klase niya. 6:30am na siya nagising kaya nagmadali talaga siya kumilos. 

Hindi niya kasabay si Zaire dahil may schedule ito sa ngayong araw sa pagpapalipad ng eroplano. May hours kasi na kino-complete para maging isang pilot. 


Tiyaka medyo iniiwasan niya rin ang binata dahil hindi pa sila okay. Totoong nainis siya rito dahil sa mga sinabi nito. Wala sa sariling napatingin siya sa salamin nang makapagbihis na ng uniform. 


May kahabaan ang pencil skirt niya kumpara sa mga ibang babae, ang blouse niya naman ay talagang maluwang dahil doon siya komportable. She's slim and body is fit because she always dance. 


Talagang sanay lang siya sa mga damit na komportable at hindi masiyado pinagtutuunan ng pansin ang itsura niya. 



Mabilis siyang lumabas ng bahay at patakbong tumungo sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at saktong pagdating niya roon ay nakasakay agad siya. 


Nakahinga siya nang maluwag nang 8:10am ay nakarating na siya sa school. Dumaan muna siya sa malapit na coffee shop para bumili ng kape at sandwich dahil wala pa siyang almusal. Habang naglalakad papunta sa room nila ay kumakain na siya dahil bawal kumain sa room nila, ang pwede lang ay uminom ng drinks.


"Al!" napahinto siya sa paglalakad at nilingon si Shayla na tumatakbo papalapit sa kaniya. 


"Hindi mo kasabay si Zaire?" tanong agad nito. 


"Hindi. Kailangan niya mag earn ng flight hours, may schedule siya ngayon." Mabilis niyang sinubo ang kinakain nang malapit na sila sa room. Entrepreneur subject ang first class nila ngayon kaya paniguradong sasakit na naman ulo niya.


Ang third year college talaga ang pinaka nakaka-stress compare nooong 1st and 2nd year. Pag 4th year daw kasi sila bukod sa thesis ay ojt na lang ang pro-problemahin kaya mas okay na 'yon. Pag third year ka kasi kasama ka pa sa mga events at marami talagang ginagawa. 


"Handa ka na sa sasayawin mo? malapit lapit na rin 'yon dalawang linggo na lang! tiyaka anong susuotin mo? 'wag mong sabihin ang mga loose outfits mo na naman?!" pag-uusisa sa kaniya ni Shayla. Inubos niya muna ang kape at itinapon sa basurahan ang mga cup at ang balot ng sandwich bago siya nagsalita.


"Yes, wala namang pinagbago," sambit niya rito at siya na ang naunang pumasok sa loob ng classroom. Nandoon na rin ang mga kaklase niya at 'yong iba ay nag-uusap tungkol sa business plan.



"Shayla! okay na ba 'yong final packaging natin? baka magtanong si ma'am kung sino ang supplier natin," sambit ng isang kaklase nila na ka-group ni Shayla.


"Oo, okay na. Wala na tayong problema roon." 



Nilapag niya ang bag sa upuan at nilabas na ang handouts sa entrepreneur. Tumabi naman sa kaniya agad si Shayla at muli na naman siyang kinulit nito. 


"My birthday is near, can you give me a favor?" tiningnan niya ito at nagpapa-cute ito sa kaniya.


"What? gusto mo maging escort si Zaire sa party mo?" kumunot naman ang noo niya nang mabilis itong umiling. 


"No! I have a chika pala pero um-oo ka muna sa akin!" 


"Ano?" bored na tanong niya rito. Hindi niya alam ang nasa isip nito kaya ayaw niya um-oo.


"Say yes muna! basta hindi 'to about kay Zaire, hindi ko na siya crush no! I have a new crush," sambit nito at parang may naisip dahil mukhang kinikilig na ito dahil hindi mapakali. 


"Ano nga 'yon?" tanong niya pa ulit. 


"Let me makeover you! kahit sa event lang, ako ang maging stylist mo, please? please?" nagmamakaawang sambit nito habang pinagsiklop ang dalawang palad.


"Ayoko, i know your styles at hindi ko kaya ang mga sinusuot mo." Napanguso ito at hindi na nakapagsalita nang pumasok na ang prof nila. 


Buong klase ay nagpapapansin ito sa kaniya, hanggang sa matapos ang first class nila. 


Shayla outfits is like a alluring, luxurious sexy badass girl. Mahilig ito sa mga fitted at sexy outfits. Sakto lang naman dahil maganda at sexy si Shayla pero kong siya ang magsusuot no'n? hindi niya maimagine ang sarili! 



Apat o limang beses nga lang ata siya nakapagsuot ng sports bra sa maraming tao, dahil naman iyon sa costume nila sa dance contest kaya wala siyang problema roon. 


Kung costume at babagay sa sayaw ay okay lang sa kaniya. Pero kinakabahan kasi siya dahil hindi siya sure kung ano ang ipapasuot sa kaniya ng kaibigan. 



"Please? iiyak ako rito!" nanlaki ang mata niya nang umupo sa sahig ng  classroom si Shayla at nag-inarte roon.



"Shay," nahihiyang nilibot niya ang paningin dahil nakatingin na ang ibang classmate nila rito. 


"Anong problema niyan?" natatawang sambit ni Jasper, iyong kaklase nila.


"Anong kaartehan 'yan, Shay?" singit naman ni Maze, iyong president ng student council na kaklase nila.


"Ay Maze! 'di ba wala pang muse ang basketball team? paano kung si Al—" pinutol niya na agad ito bago pa kung ano-ano ang i-suggest kay Maze. 


"Oo na Shay, tumayo ka na riyan," mahinahong sambit niya at hinatak ito. Baka magkaroon pa ng ideya si Maze na siya talaga ang iprisinta na muse ng basketball team. Ayaw niyang kalabanin si Abegail dahil mas lalo siya nitong aawayin.


"For real?! Omg! Yes!" tili ni Shay at tumayo para yakapin siya. 


"Ano nga ulit 'yon?" tanong ni Maze.


"Wala! sabi ko si Abegail pa rin ba ang muse? ang pangit naman!" sumimangot ito na parang iyon talaga ang sinasabi kanina. Binalingan siya agad nito at kinindata.


"Yes, gusto nga namin magpa-audition para maiba naman pero mukhang ayaw kumalaban ng iba kay Abegail," naiiling na sambit ni Maze at napatingin sa kaniya.


"Actually naisip nga ng dean at kaming officer na si Al ang maging muse, tutal may special performance siya. Nabanggit sa amin ng dean ang tungkol sa pagsasayaw mo, Al. Nagulat nga mga officers eh dahil hindi nila alam, ako naman alam ko dahil friend kita sa facebook, nakita ko mga tag videos sa'yo," mahabang sambit nito.


"Pwede! tutal, sawa na kami makita si Abegail. Puro pagpapa-cute lang naman ang alam, wala namang talent!" maangas na sambit ni Jasper na ikinatawa ng ibang kaklase na nakikinig sa kanila.


"U-uy," saway niya rito.


"Oo nga! ngayong taon lang magkakaroon ng representative ang course natin! Ikaw na lang, Al!" kantyaw ng mga kaklase niya.


"Hala... sorry, mukhang magkakapareho kami ng nasa isip, friend," baling sa kaniya ni Shayla na parang tuwang-tuwa na. 


"B-bakit ako? hindi naman ako maganda, tiyaka hindi ako nag-gagano'n. Mas mabuting si Abegail na lang—"


"Anong hindi maganda? sino nagsabi?" tumaas ang kilay ni Maze at nilibot ang tingin sa mga kaklase. "Maganda ka kaya! hindi ka lang marunong mag-ayos, paano na lang kaya kung inayusan ka na, kahit 'wag ka na nga mag-make-up eh, basta 'yong damit mo na sakto sa shape ng katawan mo. Nako! after ng event, for sure maraming lalaki na ang magkakandarapa sa'yo."


Sumangayon ang mga kaklase niya kaya mas lalo siyang kinabahan.


"Okay lang talaga Maze, hindi ko talaga kaya—"


"Kaya mo at kami ang bahala sa'yo! Hindi man masasabing close ang isa't isa sa section na'to pero pamilya na tayo rito! Lahat susuporta at lahat tutulong, tama 'di ba?!" sigaw ni Maze.


'Tama!'

'Go, Al!'

'Kaya mo 'yan dude!'

'Itayo ang bandera ng mga business ad!'

'Hindi lang tourisms ang rarampa, tayo rin dapat!' 


Napabuga siya ng hangin dahil sa mga kantyaw ng mga kaklase.


"We trust you on this, at ang dean na rin ang unang nag suggest. You can do this and you need to go outside in your box. Try some new and explore things that you feel you can't do." 


Sa sinabi ni Maze ay bigla siyang napaisip. Lagi siyang nasa comfort zone niya, hindi siya lumalabas doon dahil nahihiya siyang mag-try ng mga bago at maki-socialize sa mga ibang tao. 


Kung hindi sa sayaw ay mahiyain talaga siya. Kaya nga kay Zaire niya lang nalalabas ang tunay na kulit niya dahil komportable siya sa binata. 


She sighed then nodded her head. 


"O-okay," she murmured.


Napapikit naman siya nang naghiyawan ang buong kaklase niya. 



"Oh my gosh! the boyish girl in our classroom will be the muse of Gold University Basketball team!" sigaw ni Shayla at nagtatalon.


"Let's go, business ad team!" sigaw pa ni Jasper. 


Nagpatuloy ang ingay at nagsimula nang magplano ang mga kaklase niya para gawan pa siya ng banner. Napangiti na lang siya at napailing, hindi naman kasi contest ang sinali nila, mag-rerepresent lang talaga at magiging muse lang ng basketball team. 



She feel delighted today. She never expected this, her classmates has full support.  


Sana lang talaga maging maayos ang event at ang performance niya.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top