6- TOTTALLY CONFUSED



"Oh my gosh, I don't know how to play billiards!" 


She rolled her eyeballs because of Jazmin. Kanina pa ito nag-iinarte, kakatapos lang ng game nila sa bowling at nanalo sila ni Darren. 


"If we won again, let's part ways here. I want to have dinner with Al... alone." Napabaling siya ng tingin sa sinabi ni Darren. Ang pinag-usapan lang kasi kanina ay kung sino ang manalo ay may request sa talo. 


"As if you'll win in this game," bulong ni Zaire na nakarating sa pandinig niya. Malapit kasi ito ngayon sa kaniya.


"Pardon?" 


"That's weak, let's bet!" kinunotan niya nang noo ang binata. Kung ano man ang iniisip nito paniguradong hindi maganda. She knows Zaire too much, and he play games well. He's too smart to make a move, especially if he knew that he will win. 


"What bet?" asked Darren.


"If i win this game, we will exchange dates. You will date Jazmin and I will date Andie," seryosong saad nito.


"B-baliw ka ba?" sambit niya rito at marahan na kinurot ang kamay nito.


"No. I'm serious." 


"No way!" bulalas ni Jazmin at kumapit muli sa braso ni Zaire kaya napalayo siya sa mga ito. Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang kamay ni Darren na dumausdos sa bewang niya. 


Wala sa sariling napalunok siya. 


"Fine. I'm good at this game, so i know i'll win. Isa pa, hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto mo," sambit ni Darren sa binata.


Magsasalita sana siya para awatin ang mga ito pero hindi niya na naituloy dahil hinatak siya ni Zaire dahilan para mapabitaw si Darren sa bewang niya. Sumubsob siya sa dibdib ng binata at naramdaman niya ang paglapit ng labi nito sa tainga niya.


"I'm fucking mad right now, Andie..." 


Dumagundong ng husto ang dibdib niya at parang kinili ang puson niya paakyat sa dibdib niya. Lutang siya hanggang sa tinabi siya nito banda sa may upuan. 


"Let's play now," saad ni Darren na ikinatango ni Zaire. 


Siya naman ay hindi makapag-pokus at ang isip niya ay lumilipad dahil sa nararamdaman niya. Inayos niya ang suot na sumbrero at yumuko. Ayaw niyang manood sa laban ng mga ito. Gusto niya man sawayin pa ito pero hindi niya na maibuka ang bibig para pagalitan si Zaire sa mga sinabi nito. 




"You sure that you two are just bestfriends?!" inis na baling sa kaniya ni Jazmin. 

"Because i think Zaire likes you!" dugtong pa nito na mas kinagulo ng isip niya. 


"H-hindi. Close lang talaga kami," paliwanag niya rito. Marami pa itong sinabi at mukhang inis na inis talaga ito pero hindi niya na maintindihan. 


Tuluyan nang nawala ang pokus niya at natulala na lang. 


Zaire likes him? that's really impossible! They are just bestfriends. Hindi siya ang tipo ng binata, masiyado siyang boyish manamit at kumilos. Never nga siyang nagsuot ng fitted na damit at magpunta sa salon para ipaayos ang mahaba niyang buhok.


Her style is not sexy and attractice. Kaya nga nagulat siya nang date ito para kay Darren. Wala naman sinasabi ang lalaki sa kaniya, lagi lang siyang kinakausap at tine-text nito na parang naging normal na lang para sa kaniya. 


Oo, crush niya si Darren pero hanggang doon lang 'yon. 



"Dapat nasa hotel room na kami ngayon, not here! You ruined our date!" 


Hindi niya na pinansin si Jazmin na kanina pa salita ng salita.


Inangat niya ang tingin sa dalawa at parehong seryoso naglalaro ang mga ito. Biglang tumahimik ang paligid at tanging tunog ng bilyar lang ang naririnig.


Nakita niyang si Darren ang panay na tumitira pero nang tumira ulit ito sumablay na. 


Walang emosyon na makikita sa mukha ng binata kaya napatitig siya mismo sa laro ng dalawa. Zaire can be totally playful but he has a side that scary for others. 'Yong tipong bigla ka na lang kakabahan pag nag-seryoso ito ng matagal. He has a cold aura that no one can go near him.




"No freaking way! mukhang wala na siyang balak patirahin ulit ang date mo! I don't want to exchange dates!" nagpapadyak na sambit ni Jazmin at napatayo na rin para panoorin ang dalawa. 


Napalunok siya nang magtama ang paningin nila ng binata, hindi niya man lang mabasa ang nasa isip nito. 


Bumaba ang tingin niya sa mga bola at tatlo na lang ay panalo na si Zaire sa laro.



"Shit! do you really want to exchange dates? how about you convince Zaire? this is our first date! ang tagal ko nang nagpapapansin sa kaniya at ngayon lang siya pumayag na i-date ako!" naiiyak na sambit ni Jazmin sa tabi niya.


Sanay na siya sa mga ganitong eksena. Ilang babae na ba ang nagalit sa kaniya dahil sa binata? hindi niya na maibilang sa daliri niya dahil napakarami talaga.



Nahigit niya ang hininga niya nang mai-shoot na ni Zaire ang huling bola. 


"I won," ngising sambit nito. Binalingan naman siya ng binata at nilapag ang cue stick sa gilid. Lumapit ito sa kaniya at hinablot ang bag niya at paper bag na may lamang sapatos. 


"Let's go," ani nito at hinawakan ang kamay niya pero hindi siya nakapaglakad nang may humawak sa kabilang kamay niya.


"Al..." 


Nakagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya alam ang sasabihin kay Darren. 


"How about me, Zaire?" singit ni Jazmin sa binata.


"A bet is a bet and I won. Let go of her hand, now." Siya na ang bumawi ng kamay niya dahilan para mapabitaw si Darren sa kamay niya. Tiningnan niya ito ng husto at dismayado ang mukha nito.


"Sorry, uhm... Next time na lang—"


"There's no next time," putol sa kaniya ni Zaire at hinatak siya.


Hindi na siya nakapalag at sumunod na lang sa binata. Ewan niya ba, hindi niya alam kong bakit hindi siya makapalag ngayon sa gusto ng binata. Pakiramdam niya tama lang na sumama na siya rito dahil mukhang lalaki pa ang away pag sumama siya kay Darren. 



"Ano ba 'yong bet mo! nakakahiya sa kanila, 'yong date mo iniwan mo rin!" singhal niya rito na parang walang nangyari. Sa totoo lang bigla siyang nakaramdam ng awkwardness dahil sa ginawa nito. 


"You don't go to dates, Andie. But why now? why to that asshole?!" galit na sambit nito habang binubuhay ang makina ng sasakyan. 


"Biglaan lang 'yon at nagyaya siya. Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako, isa pa hindi ko naman alam na date iyon para sa kaniya— tiyaka bakit mo ba 'to ginawa?! may isang babae na naman ang magagalit sa akin!" napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan.


"Hindi ako sanay na may kasama kang lalaki! baka naman kasi napipilitan ka lang sumama sa kaniya dahil nahihiya kang i-reject siya?"


"I don't get you," she murmured.


"No. I don't get you! You don't like dates, hindi mo naman gusto ang mga lalaki—" 


"You mean i'm tomboy? i don't like men because i like women? 'yon ba ang pinupunto mo?" putol niya rito. Biglang uminit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. 


"That's not what i mean, Andie." 


"That's what you mean, Zaire. Yeah, I dress like a man, at ang pinupunto mo ay hindi ka sanay ako makitang makipag-date sa lalaki?!" napabuga siya ng hangin. 


"Kaya ka nagkakaganiyan?!  nagagalit ka dahil nakipag-date ako!" dugtong niya pa at nilingon ito. 


"Yes... I'm mad because of that, you are my friend but you didn't say anything to me about this. You have a crush on him, right? why i don't have any idea about that?" seryosong saad nito. 


"Because you're focus on your women, Zaire. Isa pa, it's our own love life, hindi kita pinapakialaman sa babae mo at sana 'wag mo rin ako pakialaman dito! Nahihiya ako dahil iniwan ko roon si Darren at 'yong inasta mo pa! That's why your women thought we are not just a simple bestfriend, because you acted like you're my boyfriend!" and you confuse me so much...


I don't want how my feelings and body are reacting to you now...


Napatitig lang ito sa kaniya kaya iniwas niya na lang ang tingin dito.


"Let's go home," ani niya at inayos ang sombrero at ipinikit ang mata. Ayaw niya na itong kausap. Baka may masabi pa siyang iba.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top