5- UNEXPECTED DOUBLE DATE




Ilang araw ang lumipas at natapos niya na gawan ng choreography ang ipe-perform niya sa basketball game next month.

Sabado ngayon at kasalukuyang nasa bahay siya. Wala siyang ganap ngayong araw dahil gusto niya magpahinga. Masakit ang katawan niya dahil alas-dose na siya kagabi nakauwi, mahaba ang training nila ng crew niya dahil 'yong iba bumabawi sa mga araw na hindi nakapag-training.


Humiga siya sa sofa at kinalikot ang cellphone niya. Pumunta siya sa instagram para tumingin ng mga post at sakto naman na nakita niya ang story ni Zaire. Pinindot niya iyon at napataas ang kilay niya nang makitang may kasama na naman itong babae, nasa restaurant ang dalawa at magka-dikit ng husto.


Bagong babae iyon dahil hindi niya kilala.


Napagdesisyunan niyang maligo na dahil pupunta na lang siya sa mall para bumili ng rubber shoes. Nakaplano naman na sa budget niya ang bagong rubbershoes dahil napudpod na ang isang rubbershoes niya. Napaka-importante sa kaniya ang mga sapatos dahil iyon ang ginagamit niya lagi sa sayaw.


Hindi na siya nanghihingi sa kaniyang mommy ng pambili dahil kumikita naman siya sa linggo-linggong pagtuturo ng sayaw.

Bigla niya naalala ang daddy niya, ito kasi ang mahilig sumayaw kaya nag-mana talaga siya rito. Ito rin ang laging nagtuturo noong bata pa siya. Namatay ang daddy niya noong second year highschool siya, heart attack ang kinamatay nito. Hindi naman kasi mahilig magsabi nang nararamdaman ang daddy niya, at kong may maramdaman man tinatago lang para hindi sila mag-aalala ng mommy niya.


Na-mana niya rin 'yon sa daddy niya, ang magtago nang totoong nararamdaman. Hindi naman kasi siya expressive na tao. Minsan kahit may sakit siya hindi niya sinasabi dahil ayaw niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kaniya.








Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng gray baggy shorts na 2 inches below the knee ang haba at black oversize shirt na may print na caligraphy. Sinuot niya rin ang black rubbershoes niya at kinuha ang black cap at bag niya bago lumabas ng bahay.


Naglakad siya hanggang sa kabilang kanto kong saan dumadaan ang mga jeep. Matipid naman siyang tao kung kaya maglakad o hindi mag-taxi ay gagawin niya. Kaya madalas malaki ang tipid niya dahil lagi niyang kasabay si Zaire pagpasok at paguwi.





Sumakay siya ng jeep at nagbayad agad. Mga 15 minutes lang naman ang layo ng mall kong hindi traffic. Nilabas niya ang cellphone niya nang mag-vibrate iyon.


From Darren:

- Hi! are you free today?


Nagtaka man siya kong bakit ito nagtatanong pero ni-reply-an niya na lang ito.


To Darren:

- Papunta ako sa mall ngayon, bakit?


From Darren:

- Can we meet there? let's hangout, if it's okay with you!


Natigilan siya ng ilang segundo. Hindi niya mapigilan na isipin na nag-aaya ito ng date, pero napaka-assuming niya naman kong gano'n 'di ba?


To Darren:

- Okay. Meet me at Nike store. May bibilhin kasi ako roon.


From Darren:

- Okay. Thank you!








Pinasok niya na ang cellphone niya sa bulsa niya at mayamaya ay nakarating na rin siya sa mall. Dumeretso siya agad sa Nike store at tumingin ng sapatos. Nagsukat siya nang tatlong design at tiningnan kong anong mas trip niya suotin at kong saan siya komportable. Kalahating oras din ang tinagal niya bago makapili.


"Ito na lang po miss, size 8." Binigay niya ang sapatos na sinukat niya.

"Sige po ma'am, wait lang po kayo, kukuha lang po ako ng panibago." Tumango siya rito at umupo muna.





"Andie?" Naibaling niya ang tingin sa tumawag sa kaniya at laking gulat niya nang makita roon si Zaire.


"She's your friend, right?" maarteng sambit ng babaeng nakakawit sa braso ng binata.


"Yes," sagot nito at muli siyang binalingan. "Anong ginagawa mo rito?"


"Obvious naman bumibili," pangbabara niya rito.


"Bakit di mo ako sinabihan, sana sinamahan kita—"


"Al! Sorry i'm kinda late, nahirapan ako sa pag park ng kotse ko," napatingin siya kay Darren na medyo hingal. Nakita niya namang nagulat itong napatingin kay Zaire.


"Oh, nandito ka rin pala," tipid itong ngumiti kay Zaire.


"Okay lang, kakatapos ko lang din mamili." Binalingan niya na ang staff nang ibigay sa kaniya ang box ng sapatos kaya tumungo na siya sa cashier para bayaran iyon. Kinuha niya ang wallet niya para ilabas ang credit card niya pero naunahan siya ni Zaire at kinuha na ng cashier ang credit card nito.


"I'll pay on my own, Zaire. Gusto mong sipain kita?" wala sa mood na bulong niya rito.


"It's my treat—"


"I'll send to you the money," ani niya rito at mabilis na kinalikot ang phone niya para ma-send agad ang pera rito. Minsan nabwi-bwisit siya sa ganitong ugali ni Zaire, napakagastusero. Okay lang naman ang pagiging gastusero nito dahil may part time job ito na malaki ang kita na dollars kaya napupunan lahat ng bisyo sa babae pero hindi rin maganda ang gastos ng gasto ng sobra.


"Thank you po!" ngumiti lang siya sa kahera at kinuha na ang binili niya.


"Let's stroll first? 4pm pa naman," ani sa kaniya ni Darren at kinuha ang paperbag na bitbit niya.


"Ako na magaan lang naman," saad niya rito.


"Okay lang, ako na." Wala na siyang nagawa dahil ayaw talaga nito ibigay ang bitbit niya.


"Saan kayo pupunta? hindi ka ba uuwi agad? hanggang anong oras ka rito?" napabuntong hininga siya dahil sa dami nang tanong ni Zaire sa kaniya. Napansin niya pang pilit sinasabayan ng babaeng kasama nito ang malalaking hakbang ng binata.


"Ano bang pakialam mo? tiyaka wag mo ngang iwanan ang kasama mo!" singhal niya rito dahil hindi na nakakapit ang babae sa braso ni Zaire.


"Are you on a date? you'll date him? really?" kunot tanong nito habang hawak hawak na ang kamay niya.


"Shut your mouth, Zaire." Winaksi niya ang kamay nito at mas lumapit kay Darren. Nahihiya siya dahil ang gulo gulo ng binata.


"Saan tayo pupunta?" ngiting tanong niya kay Darren kahit ang atensyon niya naman ay kay Zaire na sumusunod pa rin sa kanila.


"Wait for me Zaire!" rinig niyang saad ng kasama nito.








"Uhm, do you want to play bowling or billiards?" mabilis siyang tumango rito.


"Sa B&B Alleys tayo," saad niya rito. Ilang beses na siyang naglalaro sa B&B Alleys, bowling and billiards kasi ang nandoon at may cafe and snack bar din.


"Can we join too? double date!" napahinto siya sa paglalakad at gano'n din si Darren. Tumingin siya sa babae habang nakakunot ang noo niya.


Napatingin siya kay Darren, nahihiya na talaga siya dahil hindi naman ito ang plano.


"It's fine," nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at marahan na pinisil iyon.


"We can have a double date, no problem to me," baling ni Darren sa dalawa.


"So you two are really dating, huh?" iba ang tono ng boses ni Zaire kaya tiningnan niya ito at pilit kinakausap gamit ang mata. Gusto niyang manahimik ito dahil pakiramdam niya nagiging awkward lalo.


"Yes. She's single and i'm single too. There's no problem with that." Nakagat niya ang ibabang labi dahil nakaramdam siya ng hiya kay Darren.


This is a date...


Hindi niya alam kong anong mararamdaman niya. She is totally confuse right now. Hindi niya sure kong kinikilig siya o talagang kinakabahan lang siya. Pakiramdam niya may mali, pakiramdam niya hindi tama lalo na kasama nila si Zaire.


She have a crush on Darren but why it feels so uncomfortable and wrong?





"L-let's go, sayang ang oras," sambit niya na lang para mawala ang tensyon sa dalawang lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top