4- WORRIED




Wala siyang nagawa nang gawin siyang middle blocker ng mga ka grupo niya. Mas matangkad kasi siya kaysa sa mga ito. 5'5 lang naman ang height niya pero saktong siya ang pinaka-matangkad sa ka grupo niya. Pinagpapawisan na siya ng malala kahit kaka-start lang ng game.


Takot nga siya sa bola pero ito siya, middle blocker ng group.


"Go, Andie!" malakas na sigaw ni Zaire. Hindi niya man ito tiningnan pero kilalang kilala niya ang boses nito at tiyaka ang binata lang naman ang tumatawag sa kaniya ng Andie.


Aligaga siya at sinundan ang tingin ng bola na napunta sa kalaban nila. Kagat labi siyang tumalon ng mataas nang makitang nag spike na ang kalaban.


"Al!" sigaw ng isang ka-grupo niya.


She let a heavy sighed when the ball touched her palm. Natuwa siya sa loob-loob niya nang ma-block niya ang bola.


"Ang galing ng asawa ko!" hiyaw ni Zaire kaya mabilis niyang tiningnan ito at sinamaan ng tingin. Malakas ito mang-asar, hindi lang minsan dahil madalas itong tinatawag siya ng kong ano-anong call sign, kaya maraming babae ang nagagalit sa kaniya at hinaharap siya para ikumpirma kong boyfriend niya ito.


"Joke lang! ang galing mo!" sigaw ulit nito sa kaniya at nag-thumbs up pa.


"Dapat ako rin chini-cheer ni Zaire, ang daya!" bulong sa kaniya ni Shayla nang makalapit ito sa kaniya. Ka-grupo niya rin kasi ito at setter ang posisyon.


Si Shayla ang inaasahan niya sa laro dahil magaling ito bilang setter, kasali rin kasi ito sa volleyball club.


Muling pumito ang professor nila kaya nag-start na ulit sila. 5-6 pa lang ang score, sa kanila ang lima. Kailangan lang naman nila maka-ten na score para maging perfect sa activity na 'to.


"Go guys, lima pa at okay na!" pag-che-cheer ng isang ka-group niya.


Bumuga siya ng hangin nang makapag-serve na ulit ng bola. Naka-pokus siya sa laro dahil gusto niya nang matapos iyon.


"Mine!"


"Mine!"


"Al ang bola!"


"Nice!"


Napangiti siya nang maka-score sila ulit. Wala sa sariling napatingin naman siya sa kanang gawi at nakita niya roon si Darren na kasama ang mga ka-teammates sa basketball. Naibalik niya agad ang tingin sa net dahil kinabahan siyang magtama ang paningin nila.


Hindi niya makalimutan sa isipan niya ang paghawak at pagpisil nito sa kamay niya at lalo na ang nag-aalalang mukha nito nang makita siyang sinabunutan ni Abegail.








"Al!" sigaw ni Shayla nang pumwesto na ito para i-set ang bola. Tumango naman siya rito at pumwesto na rin tiyaka tumalon para mag-spike.


Nagpapasalamat naman siya dahil maayos ang pagkaka-spike niya.


Akala niya tuloy-tuloy ang magandang laro nila at matatapos ng maayos pero nang nag-spike ang kalaban nila nahuli siya ng segundo sa pagtalon at ang palad niya sanang tatama sa bola ay hindi tumama.


"Shit," she murmured when the ball hit her face.


Narinig niya ang mga tili ng kaklase niyang babae pero hindi niya na iyon pinansin. Napaupo siya at sapo-sapo ang mukha niya.


This is the reason why she hate sports with balls. Noong kabataan niya lagi siyang natatamaan ng bola pag nanonood siya sa laro ni Zaire.


Ang malas niya ata talaga sa bola...


"Andie!"

"Al!"


Binuksan niya ang nakapikit niyang mata at napatingin sa dalawang lalaking naka-upo na ngayon at nakaharap sa kaniya.


"Are you okay? your nose is bleeding," saad ni Darren na nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Nakita niyang tinaas nito ang kamay para hawakan ang mukha niya pero hindi nito natuloy dahil may humawak na ng mukha niya at tinakpan ng panyo ang ilong niyang dumudugo.


"Damn that ball," mariin na sambit ni Zaire. Napatitig siya sa mukha nito, galit at pag-aalala ang nakikita niya sa mukha nito. Biglang tumigil ang lahat ng galaw ng mga nakapalibot sa kaniya, biglang kumabog ng husto ang dibdib niya na parang may nagwawala roon.


Hindi niya napansin na nahigit niya na pala ang hininga niya dahil sa sobrang lapit ng mukha ng binata sa kaniya.


"Sorry Al! 'di ko sinasadya!" naiiyak na sambit ng kaklase niya na nakatama sa kaniya. Ngumiti siya ng tipid dito at tumango lang. Marahan niyang tinulak si Zaire para dumistansiya rito at makatayo.


"Let's go to the clinic," hinawakan ng binata ang kamay niya at hinatak papunta sa harapan ng professor niya.


"Sir, she needs to go to the clinic."


"Okay. Your activity on this Ms. Madrigal is already graded, you can now rest after you go to the clinic." Tumango siya sa professor nila at nagpasalamat.





Tumungo sila papuntang clinic at talagang pinagtitinginan sila ng mga students. Hindi dahil nakatakip ng panyo ang mukha niya kun'di dahil mahigpit na hawak ni Zaire ang kamay niya. Gusto niya man iyon alisin pero hindi niya magawa dahil napakahigpit at mukhang wala na sa mood ito dahil nakabusangot ang mukha.








"Nurse, her nose is bleeding," salubong ng binata sa nurse pagkapasok nila sa clinic.


"Anong nangyari?" tanong ni Nurse Isha. Sinenyasan siya na maupo roon sa sofa kaya umupo siya agad. Binawi niya ang kamay niya kay Zaire at pinagsiklop ang dalawa niyang kamay.


"Natamaan po ng bola ang mukha ko," saad niya rito.


"Sadya ba? mukhang makakapatay ang boyfriend mo," natatawang sambit nito. Nanlaki ang mata niya at umiling dito.


"H-hindi ko po siya boyfriend, kaibigan lang," agad na paliwanag niya.


"She doesn't deserve a grade!" bulalas ni Zaire.


"Who? 'yong taong gumawa nito sa kaniya?" nakangiting tanong ng nurse sa binata.


"Yes. Hindi nag-iingat," inis na ani nito. Hindi na lang siya nagsalita dahil mamaya niya na ito babatukan.





Chineck nito ang ilong niya at bukod sa pagdudugo, okay naman na daw. Pinagpahinga lang siya roon ng ilang minuto at mayamaya ay napagdesisyunan na niya umuwi na lang at sa bahay na magpahinga.





Pagkalabas nila ng clinic ay napahinto siya pati ang binata nang makita si Darren na naroroon habang hawak ang bag niya.


Malalaki ang hakbang niya para makalapit agad dito.


"You okay now? Sorry hindi ko agad nadala 'yong gamit mo, kinausap pa ako ng professor namin." Inabot nito ang bag niya.


"Okay lang, salamat pala sa pagdala ng bag ko." Napatingin siya kay Zaire nang agawin nito ang bag niya at ito na ang nagbitbit.


"Uuwi na kayo?" tanong nito.


"Oo, magpapahinga muna ako."


"Mabuti na lang wala kang dance class mamaya," napakamot ito sa batok. Hindi naman siya nakapagsalita dahil nagulat siya nang alam nito ang schedule niya.


"A-ah, sinabi ng kapatid ko, nagpapaalam kasi 'yon sa akin tuwing may dance class siya," paliwanag agad nito. Napatango lang siya at ngumiti ng tipid.



"Thank you ulit, mauuna na kami." Hindi niya na nahintay ang sagot nito dahil hinatak na siya ng binata.


"Tsk. Ano siya stalker? alam pa 'yong schedule mo?" buryong sambit nito.


"Kakilala ko ang kapatid niya, 'wag ka nga masungit diyan! Hindi pa nga nagsasalita 'yong tao, nilagpasan na natin," sita niya rito.


Hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating sa parking lot. Sumakay sila roon at tahimik pa rin ito habang pinaandar ang sasakyan.


Kumunot ang noo niya at tiningnan ito.


"Seryoso ka masiyado, anong problema mo?" tanong niya rito dahil masama na talaga ang timpla ng mukha nito. Magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa daan. Kala mo'y mayroong kaaway sa daanan.


"Wala,"


"Utot mo! ako pa pinagloloko mo." Kilala niya na ito masiyado at pag nagseryoso masiyado ang mukha nito ibig sabihin bad mood ito at may iniisip na kong ano-ano.


"Ano nga! sisipain kita," inis na sambit niya rito.


"I'm driving and you want to kick me?"


"Yes! pwede naman, pareho tayo madisgrasiya rito."


"Tss. I'm just worried." Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at kita niya ang pag-aalala sa mukha nito kahit nakatagilid ito sa kaniya dahil nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.


Napaayos siya ng upo at binaling ang tingin sa harapan.


"I don't want to see you hurting," malumanay ang boses nito dahilan para kumabog na naman ng husto ang puso niya.


"I'm fucking worried, you know that you're my bestfriend and you're very special to me. Ayaw kong nasasaktan ang mga taong mahalaga sa akin."


Biglang nawala ang kumikiliti sa tiyan at napalitan ng kirot sa dibdib.


She is hurting and she doesn't have any idea why the bestfriend word suddenly hit her.








Shit this ain't good...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top