36- PAINFUL REALITY




"Son, are you not going to school?" napalingon siya sa ama nang pumasok ito sa room. 


"No. Hindi ko iiwanan dito si Andie," sambit niya at muling tiningnan ang dalaga. Ilang araw na ang lumipas at halos hindi siya umaalis sa tabi nito. Aalis lang siya pagbibili ng pagkain at kukuha ng damit niya. 


He's literally living in the hospital with Andie. 



Muling bumukas ang pinto at ang mommy at tita Luciana niya ang pumasok. May dala itong pagkain at prutas. 



"Zaire, you can go home now." Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang ina. Ilang beses na siya nitong pinapauwi at sinasabihang pumasok sa school.


"You're graduating, Zaire. Pwede bang makinig ka naman sa amin at umuwi ka muna? magpahinga ka at pumasok ng school," mahabang lintanya nito sa kaniya. 


"I won't leave." 



"We're going to america, Zaire. Doon ko ipapagamot si Al," sambit ni tita Louciana dahilan para mapalingon siya rito.


"W-what?" kunot noong tanong niya. Lumapit ito sa pwesto niya at tiningnan si Andie.


"May kakilala akong doctor sa america. We will stay there because I also accept the proposal work." Napatayo siya at hinarap ito.


"Then I'll come with you, tita—"


"No. You can't come with us, Zaire. I know you are hurt and worried about my daughter, but please look after yourself first. Sa tingin mo magugustuhan ni Al ang ginagawa mo? Are you not going to school? Not eating in time? not sleeping in time?" 


Natigilan siya dahil sa mga sinabi nito. Tama ito, paniguradong magagalit sa kaniya ang dalaga pag nalaman nito na hindi siya pumapasok sa school at nagt-training. Pero wala 'yon sa isip niya ngayon, ang gusto niya lang ay bantayan ito. At mas lalong hindi niya kaya hindi ito makita ng matagal. 


"Your parents are worried to you, maski ako nag-aalala sa kalagayan mo," dugtong pa nito at hinawakan siya sa balikat. 


Napatingin siya kay Andie. If America is the best option so she can recover fast, he can endure it until he graduates.


Napabuntong hininga siya at marahan na tumango. 


"Susunod ako pagkatapos ko maka-graduate," ani niya rito. Tumango naman ito at tipid na ngumiti sa kaniya. 


"Please go home now, son. Kami na ang magbabantay kay Al. Bumawi ka sa pagtulog at kumain ka ng maayos," bilin pa sa kaniya ng kaniyang ama. Wala na siyang nagawa kun'di sumunod sa mga ito. 


Umuwi siya sa bahay at naglinis ng sarili. Nakita niya pa sa salamin ang itsura niya. Halatang kulang sa tulog at kain. He look so mess, and he is sure if Andie see her look like this? she will nagged at him.



Humiga siya sa kama at nagpahinga. Pinipilit niya man agad matulog pero hindi siya makatulog. Nakatulala lang siya sa kisame at iniisip ang dalaga. He is waiting for her to wake up. Halos isang buwan na pero hindi pa rin ito gising.          



Sa kakaisip niya ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Mahaba ang pagtulog niya, parang bumawi ang katawan niya sa mga araw na kulang ang tulog niya. 


He did all what his parents wants. Muli siyang pumasok sa school at training niya, pag wala naman siyang pasok ay dumederetso siya sa hospital para bantayan ito. Lahat ng extra na oras niya ay binibigay niya sa dalaga. 




Ngayong araw ay ang alis ni Andie kasama si tita Louciana. Sa araw na 'yon ay hindi niya binitawan ang kamay ng dalaga. Hinatid niya ang mga ito hanggang sa makasakay sa air ambulance. 


"Thank you, Zaire." Ngumiti at tumango siya sa ina ni Andie. 


"I'll call from time to time, tita. Thank you, and take care."


Binalingan niya muli si Andie at hinalikan sa ulo. 


"I love you, Andie ko. Wait for me there, okay? Please wake up as soon as possible. You can do this, my love." Hinalikan niya ang kamay nito bago bitawan. He suddenly wanted to cry that time; he would miss her so much. 



Tumango ang tita Louciana niya at nagpaalam na. Inakbayan siya ng kaniyang ama nang umatras siya. 


"She will be okay..." 


"I know, she's strong," sagot niya sa kaniyang ama. 



Hindi niya alam kung paano sasanayin ang sarili na hindi makita ang dalaga. This will be very hard for him. 


Titiisin niya na lang basta gumaling lang ito at mabilis na maka-recover. 



Umuwi siya sa bahay kasama ang kaniyang magulang. Magtatagal ang mga ito ng isang linggo pa bago bumalik sa Australia para sa trabaho na naiwan. 



Pumasok siya sa kaniyang kwarto para mag-trabaho. May mga kailangan pa siyang asikasuhin sa part time niya na dapat ihabol. Mabuti na lang ay hindi rin siya binitawan ng boss niya dahil gustong gusto siya ng mga ito. 



Inabot niya ang baso na nasa kwarto niya para sana ibalik sa kusina pero sa 'di malamang dahilan ay nabitawan niya iyon. Natigilan siya at bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Iniwasan niya an mga piraso ng baso at lumabas ng kwarto para kumuha ng plastic at pamunas. 


Pagkalabas niya ng kwarto ay bumaba siya para tumungo sa kusina pero napadahan-dahan ang lakad niya nang marinig ang magulang niya.


His mom is crying. Nasa tabi naman nito ang kaniyang ama na inaalo ang kaniyang ina.


"H-how c-can we tell him? we know how Al is more important to our son. I-I cant believe this," ani ng ina niya habang umiiyak. Doon na siya tuluyang lumapit. 


Nakita niyang natigilan ito nang mapansin siya.


"A-anak," nauutal na sambit ng kaniyang ina at mabilis na pinunasan ang luha. 


"What are you talking about? why are you crying mom?" he asked seriously. His heart is pounding so much. 


Hindi sumagot ang kaniyang ina kaya napatingin siya sa kaniyang ama. 


"Tell me, Dad. What is happening?!" medyo tumaas na ang kaniyang boses dahil kung ano-ano na ang nasa isip niya. 


"L-louciana... Louciana called us... Al is d-dead, son." 


Natulala siya at mayamaya ay natawa. "What a bad joke. I'm not in the mood for a joke or a prank dad—"


"It's true. Al's heartbeat suddenly stop. Bumigay na ang katawan niya—"


"Shut the fuck up! Hindi ako naniniwala! Kung ginagawa niyo lang 'to para lokohin ako ay tigilan niyo na!" he can't help but to curse and shout. Sobrang bigat na ng pakiramdam niya at nanunubig na kaniyang mata. 



"I-im sorry," her mom muttered. 


Doon na siya napaluhod. Sumikip ng husto ang kaniyang dibdib na parang may nakadagan doon. Parang may sumasakal sa kaniya dahilan para mas lalong hindi siya makahinga. Nanginginig ang kaniyang kamay at kinuha ang cellphone ng kaniyang ina. Muli niyang tinawagan ang tita Louciana niya. 


"Hello tita? please tell me that this is just a joke, please? binibiro niyo lang ako 'di ba? nagising na ba siya? she woke up right? that's why you'all joking me," sunod sunod na tanong niya rito nang sagutin. 


Hindi ito sumagot at tanging iyak lang ang naririnig niya sa kabilang linya. 


"M-my daugther is g-gone... my angel is g-gone..." Iyak nito na dahilan para mabitawan niya ang cellphone na hawak. 




He cried his heart out. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Sobrang sakit at hindi niya mapaliwanag kung gaano kasakit ang lahat. Hindi siya makapaniwala. Kanina lang ay hawak niya ang kamay nito pero ngayon ay tuluyan na talaga siya nitong iniwan. 



This is not what he expect. Dapat ay magigising pa ito at pag-gising niya ay magde-date pa sila, magt-travel ng magkasama at higit sa lahat ay papakasalan niya pa ito. 


Andie is too young to die... 


Hindi niya kaya... Hindi niya matanggap ang lahat. 


Hindi niya akalaing iiwanan siya nito ng ganito kaaga. Tumayo siya at wala sa sariling lumabas nang makitang umuulan. Para bang pati ang kalangitan ay nakikisama sa nararamdaman niya. 

Hindi niya pinansin ang tawag ng magulang niya. Lumabas siya ng bahay at nagpakabasa sa ulan. Dahil sa nanghihina siya ay muli siyang bumagsak sa sahig at doon na niya binuhos ang lahat. 


Sumigaw siya ng sumigawa hanggang sa mapagod. Hindi niya alintana ang lamig dahil basang basa na siya. 




W-why Andie ko? why this early? are you really that tired? hindi mo na ba kayang lumaban? hirap na hirap ka na ba? is it hard for you to fight? Kung talagang hirap ka na ay pipilitin kong tanggapin ang lahat... kahit mahirap...







I feel like i'm going to die too... Should i go after with you? 











******


A/n: ang sakit potek. :(( 



EPILOGUE IS NEXT...









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top